Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 1, 2025


- Presyo ng sibuyas, umabot sa P300/kg; inaasahang tataas pa ngayong panahon ng Pasko | Dept. of Agriculture: P120/kg MSRP sa imported na pula at puting sibuyas, epektibo ngayong araw | Ilang nagtitinda, hindi raw kayang ipatupad ang MSRP dahil malulugi sila | Ilang mamimili, kaniya-kaniya ng diskarte para makatipid at mapagkasya ang budget


- Mga grupo mula sa iba't ibang sektor, nakiisa sa Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument | Mga nagmartsa sa rally kontra-katiwalian, nakagirian ang mga pulis na tumangging lawakan ang kanilang dinaraan | Grupo ng senior citizens, nanawagan para sa mas maayos na long-term care | Ilang grupong kritiko ni PBBM, nagtipon-tipon din sa EDSA


- Malacañang sa gov't agencies na nag-iimbestiga sa issue ng flood control: kumilos kayong lahat, huwag magpatumpik-tumpik | DOJ: Hindi puwedeng madaliin ang pagsasampa ng kaso; dapat matibay ang mga ebidensiya


- Ilang kalsada sa Tuguegarao, lubog pa rin sa baha


- Resulta ng pagsusuri sa fitness to stand trial ni FPRRD sa ICC, inaabangan ng defense team at kampo ng mga biktima | Atty. Conti: Sa January 2026 malalaman kung matutuloy na ang confirmation of the charges hearing vs. FPRRD


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Stay up in luck.
00:31Stay up in luck.
00:35Ivan, ang presyo ngayon ng imported sibuyas dito sa Blumented Market,
00:40umaabot ng 300 pesos, malayong malayo sa itinakdang maximum suggested retail price ng Department of Agriculture.
00:53Kulang ang lasa ng ilang paborito nating ulam kapag wala ang isa sa mga pangunahing rekado na sibuyas.
00:59Pero nakakaiyak ngayon ang presyo nito.
01:02Dito sa Blumented Market, naglalaro sa 160 hanggang 300 pesos ang kada kilo ng pulang imported na sibuyas.
01:11Nasa 120 hanggang 140 pesos naman ang puting imported na sibuyas.
01:16Mas lalong tumataas. Tataas pa po.
01:19Malaking dagok sa amin ang presya ng sibuyas ngayon.
01:22So, paano namin gagawin yung pagtitipid?
01:26Kasi importante siya, unang-unang kailangan sa kusina.
01:28Para mapigilan ang lalong pagsipa ng presyo ng imported na sibuyas,
01:32efektibo simula ngayong araw ang 120 pesos kada kilo na maximum suggested retail price ng pula at puting sibuyas.
01:42Layon daw nitong ma-stabilize ang presyo ng sibuyas habang tumataas ang demand ngayong magpapasko.
01:48Bagamat may kaunting bawa sa supply ng sibuyas dahil sa mga delay sa pag-angkat,
01:52ayon sa DA, hindi tama na higit pa sa doble ang ipresyo rito.
01:57Pero sabi ng ilang nagtitinda,
01:59Wala pong mabibiling 120 kasi.
02:01Kahit po ikutin niya yung baong divisoria, baong bilian ng mga gulay,
02:05wala po siyang makukuha 120 na puhunan.
02:07Wala po talaga mabibiling 120 yung sibuyas.
02:09Hindi po kayo. Kasi mataas po ang puhunan eh.
02:13Eh mahal nga po ang puhunan.
02:15Hindi namin na pwedeng ibenta. Malulugi naman kami.
02:19Walang kita.
02:20Pati ang ilang mamimili, duda raw na may papatupad ang MSRP.
02:25Kahit may SRP po, hindi naman po sila sumusunod.
02:29Kailangan pong tiisin na lang.
02:31Hindi na yung normal na marami yung ginagamit sa pagluluto.
02:36Nagbabawas na lang kami.
02:37Hirap din kami.
02:38Kaya ako pag araw-araw ako namamali yung ginagamit sa magahanap kami ng medyo.
02:42Mura. Magbabawas ka din nung bibilihin mo.
02:51Ivan, sabi ng ilang nagtitinda ng gulay na nakausap natin.
02:54Sana maging realistic daw ang DA sa pagtakda ng MSRP.
02:58At posible raw na tumaas pa ang presyo ng sibuyas ngayong panahon ng Pasko.
03:04Yan muna ang latest mula rito sa Maynila, Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
03:18Iba't-ibang grupong lumahok sa Quilus Protesta kontra katiwalayan kahapon kasamay ng Bonifacio Day.
03:24Kumueso nilang sa Luneta, sa Ensa Shrine, People Power Monument at sa Ensa Ortigas.
03:29Kabila sa mga grupo ng tipot-tipo ng mga kritiko ni Paulong Bongbong Marcos.
03:33Ang mga kalahok naman sa Trillion Peso March, nakagriyan ang ilang polis.
03:38Mayunang balita si Darlene Cai.
03:45Sama-samang nagmarch ang mga rali sa Pasado las 8 Linggo ng Umaga mula Edsa Shrine Patuho People Power Monument.
03:55Iban-ibang grupo ang lumahok.
03:58May mga manggagawa, kababaihan, estudyante, guro at mga tagasimbahan.
04:03Sa dami ng mga lumalahok dito sa Trillion Peso March ay inokopan na ng mga rali sa itong buong Edsa Ortigas.
04:09Mula sa Edsa Shrine, sabay-sabay sila ngayong nagmamarch sa papunta sa People Power Monument.
04:13Sa isang punto, nagkagriyan ng ilang rali sa itong mga pulis sa bandang Edsa Ortigas dahil tumanggi ang mga pulis na lawakan ang bahagi ng Edsa na dinaraanan nila.
04:27Maya-maya ay pinagbigyan din ang mga raliista.
04:30Naiwan sa Edsa Shrine ang ilang grupo ng senior citizens.
04:33Napapakinggan din nila ang miss at programas sa People Power Monument dahil may nakaset up na screen at speakers dito.
04:39Ngayon nakita natin, ang laki-laki ng pera ng Pilipinas.
04:42Hindi pala tayo naghihirap.
04:44Pero hindi na ibibigay ang long-term care ng mga nakatatanda.
04:48Ilang hakbang lang mula sa Edsa Shrine, nagtipo naman ang isang grupo ng mga raliistang nananawagan ng
04:53Malinaw ang kanilang panawagang magbitiw at managot sa batas si Pangulong Bobo Marcos.
05:00Narito ang ilang miyembro ng PDP Laban, Marcos Resign Movement, Marcos Alistia Network at Bangon sa Bayanan People's Movement.
05:08Mga taga-suporta rin daw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
05:12Ito po ay isang malinaw na panawagan. Wala nang patutunguhan ng gobyerno ni Marcos.
05:18Pabagsak na ito at lugmok na ang buong bansa.
05:22Bandang tanghali ay pinalis din silang mga polis dahil wala daw silang permiso na mag-rally sa bahaging ito ng Edsa.
05:28Ayaw naman daw nilang idaos ang pagkitipon sa People Power Monument kung nasaan ang Trillion Peso March.
05:34Ihinihiwalay kasi nilang kanilang pagkilos sa mga nag-rally sa Edsa Shrine at People Power Monument.
05:38Nauna na kasing sinabi ng organizers ng Trillion Peso March na hindi sila nananawagan ng pagpapababa sa pweso ng Pangulo.
05:45Sila ay nag-aalangan na ang papalit ay ang vice-presidente.
05:50Pero wala silang choice ang nakalagay sa konstitusyon when the president becomes incapacitated,
05:57becomes impeached, resigned or removed from power, the constitutional succession will prevail.
06:02So we hope na sila po ay mamumulat at hindi kami nawawala ng pag-asa na daw na rin patungo.
06:10Sa huli, pinayagan din silang mag-setup at magdaos ang programa sa tapat na isang mall sa Edsa Ortigas hanggang alas 5 ng hapon.
06:16Pero bago pa pumatak ang alas 5 ay mapaya pa silang nag-disperse.
06:20Ito ang unang balita sa Edsa.
06:22Darlene Kay para sa GMA Integrated News.
06:25Marami na pong naiinip at nagtatanong kung kailan na ba mauhuli ang malalaking personalidad na isinasangkot sa isyo ng flood control.
06:33Ang sabi ng Department of Justice, hindi dapat madaliin ang paghahain ng mga kaso dahil dapat patibahin muna ang mga ebidensya.
06:40Panawagan naman ang palasyo sa mga ahensya ng gobyerno, kumilos at huwag magpatumpik-tumpik sa pag-iimbisiga.
06:46May unang balita si Dano Tingkongko.
06:48Bago magpasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko nasa ano na, matatapos na yung kaso nila, buo na yung kaso.
07:03Makukulong na sila, wala silang Merry Christmas.
07:05Kasunod ng pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na may makukulong ng sangkot sa kinurakot na flood control projects bago magpasko.
07:12Umapila ngayon ang Malacanang sa mga kinuukulang ahensya na huwag magpatumpik-tumpik.
07:17Dapat mabilis ang pag-aksyon. Kung kaya naman agad isang pahanang kaso at nandyan ang ebidensya, huwag na magpatumpik-tumpik sa pahanang kaso.
07:27May call sa lahat ng ahensya na involved dito, kumilos kayong lahat.
07:32Nasa Malacanang daw ang Pangulo at nakamonitor sa mga kilos protesta.
07:36Nakikinig daw ang Pangulo sa mga panawagan pati sa mga punang mabagalumanong ang usad ng imbisigasyon sa mga anomalya.
07:43Pero giit ni Castro, kailangan maunawaan ng publiko na may due process.
07:48Meron kasing pagkakataon na kailangan ka pa na ebidensya.
07:53Okay? Kumpletohin yan.
07:54Yung mga sampahan na kaso, it means sa mata ng ombudsman, kumpleto na to.
08:01Kaya isinampan na to.
08:03Tugo naman ang Justice Department sa mga naghahanap ng malalaking individual na makulong at managot sa flood control scandal.
08:09Kami man din po ay naiinip din o. Pero hindi po natin pwedeng madaliin ng isang bagay dahil lamang po sa gusto nating ma-appease ang publiko.
08:19Kung ang habol po natin ay kasong matitibay, natatagal at tapatayo sa husgado.
08:25Sa ngayon may limang reklamo kaugnay sa flood control scandal ang iniimbisigahan ng DOJ.
08:30Tatlo sa mga ito submitted for resolution na.
08:33Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
08:37Lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng Cagayan.
08:41Nagmistulang lawa ang ilang kalsada niyan sa Togigaraw City.
08:45Babagal po ang paghupan ng baha na idinulot ng ilang araw na pagulan.
08:49Shear line ang nagbuos ng ulan sa Cagayan ay sa pag-asa.
08:52Nakantabay ang mga residentes sa paghupan ng baha para matanggal ang mga naiwang basura at utik.
09:00Matapos si basura ang hiniling na interim release si dating paulong Rodrigo Duterte na abangan naman ngayon ang resulta ng pagsusuri.
09:07Kung siya ay fit to stand trial sa kanyang kaso sa International Criminal Court.
09:12Ayon kay ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti.
09:15Sa December 5 ang deadline para sa report ng mga ekspertong kinuha ng ICC na sumuri sa kondisyon ni Duterte.
09:23Yan din daw ang hinihintay ng abogado ni Duterte na si Attorney Nicholas Kaufman.
09:27Hanggang sa December 12 naman pwedeng magkomento ang defense, prosecution at kampo ng mga biktima.
09:33Sa January 2026 naman, inaasahang ilalabas ang pre-trial Chamber 1 ang kanilang pasya kaugnay sa fitness to stand trial ng dating Pangulo.
09:42Dito malalaman kung matutuloy na ang confirmation of charges, hearing na ipinagpaliban noong September 23.
09:49Ito biyernes, ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang hiniling na interim release o pansamantalang paglaya ng Pangulo at hindi na pwedeng i-appela.
09:58Pakay kay Conti, pwede magsumitin ang bagong hiling ang Duterte Defense Team pagkatapos ng apat na buwan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended