Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 8, 2025


- Local rice sa Quinta Market, bumaba ang presyo dahil sa umiiral pa ring importation ban | Imported na bigas, mas tinatangkilik pa rin ng mga mamimili dahil sa kalidad nito; mga nagtitinda, ramdam ang kakulangan sa supply ng imported rice | Dept. of Agriculture: Importation ban sa bigas, pinalawig hanggang December 2025


- DPWH Sec. Dizon, nakatakdang mag-inspeksiyon sa bumagsak na Piggatan Bridge; mga truck, hindi pa rin naiaalis sa tulay


- 4 na dati at kasalukuyang kongresista, ilang DPWH engineers, at contractors, sasampahan ng class suit dahil sa mga maanomalya umanong flood control projects sa Quezon City | Dating DPWH Sec. at ngayo'y Sen. Mark Villar, humarap sa Independent Commission for Infrastructure | Mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, humingi ng dagdag na panahon para ihanda ang mga dokumentong hinihingi ng ICI | Ilang reports tungkol sa kuwestiyonableng flood control projects, ibinigay ni Mayor Magalong kay bagong ICI Special Adviser Azurin | Pagpapabilis sa imbestigasyon sa flood control projects, pinag-usapan ng DPWH at ICI


- Ilog sa Brgy. Poblacion, tumaas at rumagasa dahil sa baha mula sa katabing barangay; ilang bahay na dinaanan, nasira | Mga nakatira sa tabi ng ilog at bundok sa Midsayap, Cotabato, pinag-iingat kasunod ng mga pag-ulan | Tubig sa Pulang River, tumaas kasunod ng mga pag-ulan | Ilang estudyante, pinasan at itinawid ng ilang lalaki sa rumaragasang sapa | Lalaking napakapit sa puno dahil sa baha, nailigtas | Mga sirang gamit at sandamakmak na putik, tumambad kasunod ng flash flood sa Brgy. Poblacion | Mahigit 100 pamilya, inilikas dahil sa flash floods; 4 na residente, sugatan | 28 bahay, nasira dahil sa hampas ng malalaking alon; 184 na residente, inilikas


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00.
00:00.
00:01.
00:02.
00:06.
00:10.
00:12.
00:14.
00:18.
00:28.
00:29.
00:30.
00:32Igan, good morning.
00:33Bumaba na ang presyo ng lokal na bigas dito sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila.
00:38Pero ang imported na bigas, tumaas dahil pa rin sa umiiral na importation ban.
00:44Ayon sa may-ari ng bigasan na si Jessica Loberiano, nagsimulang bumaba ang presyo ng lokal na bigas noong nagpatupad ng importation ban ng Department of Agriculture.
00:52Kung susumahin, aabot na raw sa 80 hanggang 100 pesos ang ibinaba ng presyo nito sa kada 25 kilos ng local rice.
00:58Ang pinakamurang local rice niya noon na nasa 46 pesos ang kilo, nasa 42 pesos na lang.
01:04Habang ang imported rice, tumaas naman ng hanggang 100 pesos sa kada 25 kilos.
01:09Ang dating 41 pesos na pinakamurang imported rice niya, nasa 45 pesos na ngayon.
01:14Sa kabila nito, mas tinatangkilik pa rin daw ng publiko ang imported rice dahil mas maganda, buo at mabanguraw ang mga ito.
01:21Sabi ng ilang nagtitinda, ramdam na nila ang kakulangan sa supply ng mga imported rice.
01:26Ayon sa Department of Agriculture, pinalawig ang importation ban sa bigas hanggang Disyembre.
01:31Papayagang mag-angkat ng bigas sa Eneros ang susunod na taon, pero pagpasok ng Pebrero hanggang Abril, ipatutupad daw ulit ang rice importation ban.
01:39Lain daw nitong matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
01:44Ang imported rice po is tumaas. Ang local rice natin is medyo bumaba po ng konti.
01:50Nasa 80 to 100 ang binaba niya.
01:55Ang imported rice po is 4 per kilo.
01:58Nasa 100 po per 25 kilos ang tinas niya.
02:01Kasi maganda, buo at mabango.
02:09Igan sabi pa ng ilang tindera ng bigas, posibleng tumaas pa lalo ang presyo ng imported ng bigas habang papalapit ang Pasko.
02:17At yan ang unang balita mula dito sa Quinta Market.
02:19Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:23Ngayong araw, inaasahang darating si Public Works and Highway Secretary Vince Disson sa Alcalacagayan
02:28para inspeksyonin ang bumagsak na Pigatan Bridge.
02:32Kaya unang balita live si Jasmine Garfield Galpan ng GMA Regional TV.
02:37Jasmine.
02:39Igan, sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang investigasyon ng otoridad kaugnay sa pagbagsak o pagkulaps ng Pigatan Bridge dito sa Alcalacagayana.
02:53Magdamag na nakabantay ang mga pahinante at driver ng truck na nasangkot sa bumagsak na Pigatan Bridge sa Alcalacagayan.
03:02Hindi pa rin naalis ang mga kargang daang sakong palit may isa truck na ito.
03:06Maging ang mga bakal at simento na karga naman ang isa pang truck.
03:11Nagdagdag na rin ang polis na nagbabantay sa lugar.
03:14Kabilang sa binabante ng mga otoridad, ang mga residente nakatira malapit sa tulay.
03:19May ilan kasing residente pumupuslit na dumaan sa tulay para makauwisak nila mga bahay.
03:24One way lang po itong daanan natin, saka masigit po yung daanan.
03:29Importante yung makadaan sila.
03:31Bahagi na kararanas ng traffic pupunta sa Northern Cagayan.
03:34Kagaya ni Mike Yan na taga Pamplona.
03:37Ilang minuto rin siyang naipit sa traffic bago makadaan sa detour.
03:41Hiling nila na maayos sa gadang tulay, lalo yung pati ito ang kumukonekta sa Tugay Garaw City
03:45at magig sa mga bayan na nasa hilagang bahagi ng probinsya.
03:49Wala tayong magagawa ma, may nangyari. Maghintay.
03:56Nagpapatupad ng one-way traffic sa detour.
03:58Meron po kasi yung mga tao na tumitingin doon sa bubabam.
04:02O rin nangyawadan sa tulay mismo, bawal.
04:05Oo, bawal. Liniwasan po natin yung pagdagan po yung...
04:08Samantala ngayong araw, inaasahang darating sa DPWH,
04:13Secretary Vince Dizon sa lugar upang magsagawa ng inspeksyon.
04:17Hinihintay naman ng provincial government ang resulta ng imbestigasyon ng DPWH
04:21kauglisan nangyari yung pagbagsak ng tulay.
04:29Igan, bukod sa Pigatan Bridge, kabilang din sa binabantayan ngayon ng provincial government
04:33ay ang Magapit Bridge at Bunton Bridge dito yan sa probinsya ng Kagayan.
04:38Kagaya kasi sa Pigatan Bridge ay may kalumaan na rin na nasabing mga tulay.
04:41Sa ngayon, Igan, ay mahigpit na ipinapatupad yung pagdaan ng mga sasakyan
04:46na pasok lamang sa load limit ng tulaya.
04:48Igan?
04:50Jasmine, kailan daw maalis yung mga truck na kasama bumagsak sa Pigatan Bridge?
04:55Alam mo, Igan, yan yung hindi pa malinaw sa ngayon dahil nakausap din natin yung mga driver
05:03at yung pahinante kagabi ay sinasabing nga nila na wala pang malinaw na instruction
05:08o wala pang malinaw na abiso sa kanila kung kailan nga po pwedeng.
05:11Actually, kahit natanggalin nga lang daw yung mga sakusakong palays sa truck.
05:15So, malalaman natin, Igan, mamaya pag bisita ni DPWH, Secretary Vince Dizon,
05:20kung ano yung mangyayari sa mga truck na ito at kung kailan possible na pwedeng alisin yung mga truck
05:26or even yung mga karga lamang ng truck, Igan.
05:28May ipapabang alternatibong ruta para man sa mga residenteng patuloy na tumatawid sa bumagsak na tulay?
05:35Jasmine?
05:39Actually, Igan, meron. Pupwede silang dumaan sa may detour.
05:43At kung sila ay sasakay ng tricycle o di kaya ay ng motor o ng light vehicles,
05:46ay aabuti ng 3 to 5 minutes yung kanilang pagbiyahe papunta doon sa paglampas nitong tulay o yung katabing barangay.
05:56Pero ang problema, Igan, may mga residente talaga na mas gusto na lamang na tawirin na lamang yung tulay,
06:02maglakad na lamang sa tulay para makapunta sa kanilang mga bahay.
06:05Pero mahigpit yan na ipinagbabawal ng otoridad.
06:08Di nagdagan pa yung mga nagbabantay na mga otoridad dito sa Pigatan Bridge para matiyaka
06:14na hindi na makakapuslit ang sino mang residente para makadaan dito sa tulay, Igan.
06:19Maraming salamat, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
06:49Dapat managot!
06:53Dapat managot!
06:55Lahat ng sangot!
06:57Mag-ahain ng class suit ng multisectoral group ng United People Against Corruption o UPAC
07:02para mangingin ng danyos na 5 bilyong piso para sa mga biktima ng pagbaha.
07:08Balak nilang sampahan ng reklamo ang apat na kasalukuyan at dating congressman ng Quezon City,
07:14DPWH engineers na naka-assign doon,
07:16at mga contractor na nagpatupad ng mga flood control projects sa lungsod.
07:20We have to file a class suit wherein meron kami bawat isa ditong sektor na magre-represent nung sektor na yun.
07:33Sa salis sa pagsasampahan ng reklamo si Gerardo,
07:36residente ng Roas District kung saan may pagkakataon-ani ang umaabot hanggang kisame
07:40ng kanilang bahay ang taas ng baha.
07:42Yung nervyos na nangyari sa akin, yung hindi ako makapagmaisip ng maayos,
07:50kailangan kong singhilin sila.
07:53Kasama rin ang mga tsuper.
07:54Hindi lamang po kami nawawalan ng kita.
07:57Malulubog na yung aming mga sasakyan sa baha.
08:00Ano ang epekto?
08:02Masisira yung aming mga sasakyan.
08:04Hindi na kami kumita, magpapagawa pa kami, gagastos.
08:07Uunahin ang grupo ang Quezon City dahil kompletoan nila ang datos ng LGU
08:12nang investigahan nito ang mga flood control projects sa lungsod.
08:16Lumabas na umabos sa 17 billion pesos na halaga ng proyekto ang hindi idinaan sa LGU.
08:23Marami sa mga ito substandard o ghost project.
08:25Imagine pag lumusat yung demandan ko sa Quezon City, gagayahin sa iba yan.
08:32Oo, gagayahin sa iba.
08:35Kaya pala na ang tao mismo mag-demanda.
08:39Tuloy naman ang pag-imbestiga ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
08:44Humarap dito si dating DPWH Secretary at ngayon Sen. Mark Villar para bigyang linaw
08:50ang proseso ng pondo ng DPWH nung siyang kalihim mula 2016 hanggang 2021.
08:56Noong panahon ni Villar na-appoint si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
09:01na naaugnay ngayon sa mga anomalya sa flood control projects.
09:05Si Bernardo ang tinukoy ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
09:09na boss umano niya nag-utos sa kanya na magbigay ng kickback sa ilang mga mababatas.
09:14Nang tanungin tungkol kay Alcantara ang sabi ni Villar.
09:18He is organic sa Department of Public Works and Highway.
09:21Noong panahon ni Villar sa DPWH, maraming nakuhang mga proyekto ang mag-asawang diskaya.
09:27Base sa datos ng DPWH, 37 bilyong piso ang nakuha ng mag-asawa
09:32para sa lampas 700 flood control projects.
09:35Sir, yung marami sa term nyo yung mga diskaya.
09:38And akong projects.
09:41Paano yun sir?
09:45Bawal ang media sa loob pero sa mga larawang ibinahagi ng ICI,
09:49makikita na nun pa sa harap nila si Villar.
09:52Pagkatapos ng pagdinig, hindi na humarap si Villar sa media.
09:56The senator just explained the processes he applied or he used during the time that he was DPWH secretary.
10:08With regard to how he managed the department.
10:13Tinanong namin ng ICI kung nabusisi ba ang ugnayan ni Villar kina Bernardo at Alcantara.
10:18As far as that fact is concerned, I think it was already divulged during the other hearings.
10:22So there was no change with regard to that factual allegation.
10:27Inusisa rin daw si Villar tungkol sa sinabi ng Justice Department na infrastructure projects na nakuha ng kanyang pinsang buo sa kanilang baluarte sa Las Piñas na aabot-umano sa 18 bilyong piso.
10:39He said that if there's any contract, it happened after his term.
10:44Dumating din sa pagdinig si Pacifico Curley at Sara Descaya pero ayon sa ICI humingi ang dalawa ng karagdagang panahon para kunin ang mga dokumentong hinihingi ng ICI.
10:55Muling tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na walang whitewash o pagtatakip na mangyayari kahit hindi sinasaw publiko ang mga pagdinig gaya ng pangamba ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at sa harap ng mga panawagan na gawin itong publiko.
11:11There won't be whitewashing. We're here to look up to find the truth.
11:16Ito ay kahit wala rin contempt power o kapangyarihan magparusa ang komisyon kung may hindi susunod sa mga utos nito.
11:23Indeed, there's no contempt powers but we will make do with what we have.
11:27In fact, we've been doing our mandate. We've been actively investigating despite the lack of that power.
11:35Nagpulong naman si na DPWA Secretary Vince Dizon, Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ang pumalit kay Magalong bilang Special Advisor ng ICI na si dating PNP Chief Rodolfo Azurin.
11:47Itinurn over ni Magalong kay Azurin ang ilang technical report.
11:51Yan ang magpapatunay talaga mga substandard o kaya go sa mga project.
11:55Magpasalamat din ako kay Mayor Benji. Marami siyang may tutulong pa. Officially kahit wala na siya sa ICI.
12:02Pinag-usapan din nila kung paano mapabibilis ang investigasyon habang sinisigurong mauwi sa conviction ng mga ihahaing kaso.
12:10Sa ngayon, dalawang kaso ang inerekomendang isang pas sa ombusman at dalawamputlima pa ang nakapilang kaso.
12:17Ang next step, pagbawi. At yun ang pag-uusapan namin. Kasi kailangan, hindi lang enough yung may makulong, sabi nga ni Pangulo.
12:25Kailangan, maibalik natin yung pera ng mga kababayan natin.
12:28Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
12:34Susubukan pang kunin ang pahayag ng mga dati at kasalukuyang kongresista ng Quezon City na sasampahan ng class suit.
12:43Buis-buhay ang pagtawid ng ilang estudyante sa numaragasang Sapa sa Sarangani.
12:48Ang epekto ng masamang panahon sa iba pang bahagi ng Mindanao sa unang balita.
12:52Tumaas at rumagasa ang ilog sa barangay poblasyon sa pangantukan bukid noon.
13:04Nabuwal na malakas na agos ang ilang dinaan ng puno.
13:07Rumagasa rin ang kulay tsokolating baha sa ilang residential area.
13:13Nasira ang ilang bahay na dinaanan nito at tinangayang mga gamit.
13:16Inilika sa mahigit limampung residente ng barangay poblasyon.
13:20Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
13:24hindi naman nakaranas ng pagulan sa lugar.
13:26Ang tubig galing daw sa katabing barangay ng konsepsyon na nakaranas sa masamang panahon.
13:34Inulan din kahapon ang bayan ng Midsayab sa Cotabato.
13:37Pinag-iingat ang mga nakatira malapit sa mga bundok at ilog.
13:39Pinaalerto rin ng mga otoridad ang mga nakatira sa paligid ng Pulanggi River sa Cotabato at Maguindanao del Sur.
13:48Tumaas kasi ang tubig doon kasunod ng pagulan.
13:52Sa maasim saranggani, ang dati ng kalbaryo ng ilang sudyante sa araw-araw nilang pagpasok sa eskwelahan.
13:58Mas naging delikado pa.
14:01Tumaas kasi ang sapa sa barangay Kamanga na lagi nilang dinaraanan.
14:04Sa tulong ng mga lubid, isa-isang pinasan ng ilang lalaki ang mga bata at itinawid sa kabilang pampang.
14:12Makapigilhin ni nga rin ang sitwasyon ng isang lalaking inabot ng baha sa barangay Kablakad.
14:20Napakapit siya na mahigpit sa puno ng niyok para hindi tangayin ng baha.
14:24Nailigtas siya kalauna ng mga rescuer ayon sa mga residente.
14:28Ito ang unang balita. James Agustin para sa Gemma Integrated News.
14:31Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
14:36Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended