Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 19, 2025


- Sen. Imee Marcos sa First Family: "Magpapa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila" | Malacañang kay Sen. Imee Marcos: Huwag mong siraan ang kapatid mo. Hindi ito ang issue ngayon


- Net worth nina PBBM at First Lady Liza Marcos, mahigit P389M batay sa kanilang Joint SALN; P1.375B naman kung batay sa report ng pribadong appraiser | Net worth ni VP Sara Duterte at kaniyang asawa, nasa P88.5M base sa kanilang Joint SALN


- Batangas Rep. Leviste: CWS Party-list Rep. Edwin Gardiola, may P150B halaga ng proyekto mula sa DPWH | Listahan ng mga mambabatas na nagsumite ng mga proyekto sa ilalim ng 2025 budget, hinihingi ng ICI sa Kamara | Mabilis na paghahain ng kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa flood control issue, ikinatuwa ng ICI | DPWH Sec. DIzon: Kaso vs. ilang opisyal ng DPWH Bulacan 1ST DEO at contractors, maiaakyat sa Sandiganbayan bago matapos ang 2025


- Climate Change Commission: 30% ng NCR, posibleng malubog sa tubig sa 2040 dahil sa pagtaas ng lebel ng dagat dulot ng extreme weather events


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30At presidential sana si Sandro Marcos ang usap-usapang hindi siya tunay na kapatid ng Pangulo.
00:37Nagsimula ang sagota ng pamilya Marcos nagsabihin ni Senadora Aimee na nagdodroga ang first family
00:43at inaalok pa umano ni Congressman Sandro Nandroga ang kanyang mga pinsan at iba pang kaanak.
00:51Itinanggi ito ni Congressman Sandro at sinabing hindi asal na isang tunay na kapatid ang ginawa ng Senadora.
00:57Wala pang sagot ang nakababatang Marcos sa hamon ng kanyang tsahe na hair follicle test.
01:04Hindi naman nagkaroon ng pagkakataon ng media na matanong ang Pangulo nang bumisita siya sa mga nasalantanang bagyo sa Tiwi Albay.
01:10Ang Malacanang nauna ng bumuelta kay Senadora Aimee.
01:14Hindi raw yan ang isyo sa bansa na dapat tutukan ngayon.
01:17Nagitan ng mga pahayag ng kapatid, hindi raw option ni Pangulo Marcos na magbitiw ayon sa Malacanang.
01:22Anong klaseng kapatid si Senador Aimee?
01:29Anong klaseng Pilipino si Senador Aimee?
01:33Huwag mong sirain ang kapatid mo.
01:35Hindi ito ang isyo ngayon.
01:37Matagal ng isyo to, pero since wala kayong makita sa Pangulo na anumang isyo ng korupsyon,
01:42kung saan saan nyo dinadala ang isyo.
01:48Nakakahiya, Senador Aimee.
01:51Nakakahiya.
01:53Parehong tumaas ang net worth ni na Pangulong Bomo Marcos at Vice President Sara Duterte Batay
01:58sa kanika nilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
02:02Ang kanila mga sal-en hinimay ng GMA Integrated News Research.
02:06Sa unang balita ni Sandra Aguinaldo.
02:08Ang GMA Integrated News Research ang unang nakakuha ng kopya ng Joint State Metafacets,
02:18Liabilities, and Net Worth o SAL-EN, ni na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Marcos
02:24mula sa Office of the Ombudsman.
02:27Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng 21 piraso ng real estate properties,
02:34kabilang ang mga lote at bahay na nagkakahalaga ng mahigit 142 million pesos.
02:41Nagdeklara naman sila ng personal properties, kabilang ang cash, investments, alahas, sasakyan,
02:46at mga paintings na nasa 247 million pesos.
02:51Kabilang dyan ang isang Mercedes-Benz Maybach na nasa 10.5 million pesos ang halaga.
02:58Ang koleksyon ng paintings ng mag-asawang Marcos aabot sa 126 na piraso,
03:04kabilang ang ilang likha ng mga itinuturing na Filipino masters,
03:08kabilang na riyan ang isang obra ni Fernando Amorzolo,
03:12labing pitong obra ni Ben Cabrera,
03:14ilang likha ni Arturo Luz at iba pa.
03:17Meron pa ngang isang likha ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
03:21Pinakamahalam painting ni Jose Hoya na nasa 19 million pesos ang halaga.
03:26Walang utang na idiniklara ang mag-asawang Marcos,
03:29kaya ang kanilang net worth nasa mahigit 389 million pesos.
03:35Pero sa isirubiting Sal N ng Pangulo,
03:38makikita ang isang Annex D,
03:40kung saan may ibang nakalagay na net worth na nasa 1.375 billion pesos.
03:47Base ito sa appraisal report ng pribadong appraiser na Cuervo Appraisers Inc.
03:53Makikita rito na mas mataas ang mga nakasaad na halaga ng mga lupain
03:57at personal properties ng Pangulo at First Lady,
04:01pati na ang halaga ng mga paintings na kanilang idiniklara.
04:04Nakasaad sa deklarasyon ng Pangulo na magkaibaan dalawang nakadeklarang net worth.
04:09Dahil ang isa ay nakabase sa mga alituntunin ng Civil Service Commission,
04:15habang ang isa na mas malaki ay nakabase naman sa appraisal ng Cuervo Appraisers
04:20na dati na raw ginamit ng Pangulo.
04:23Kung titignan, tumaas ang net worth ng Pangulo mula noong June 30, 2022
04:28nang siya'y maging Pangulo na nasa mahigit 329 million pesos
04:33base sa SAL-EN na nakabase sa alituntunin ng CSC.
04:38At nasa mahigit 908 million pesos kung pagbabasehan ng appraisal report
04:43ng private appraisal firm.
04:45Nakuha rin ng GMA Integrated News Research ang SAL-EN ni Vice President Sara Duterte
04:51mula sa Office of the Ombudsman.
04:54Joint statement nila ito ng kanyang asawang si Attorney Manasa Scarpio.
04:58Para sa taong 2024,
05:00nagdeklara sila ng real estate properties na nagkakahalaga
05:04ng halos 67 million pesos.
05:07Kabilang dito ang mga lote, bahay, condominium unit,
05:10karamihan sa Davao City.
05:12Mayroon din silang dineklara ng personal properties
05:15na nasa mahigit 31.6 million ang halaga.
05:19Ang kabuang assets na idineklara ng mag-asawa
05:22nasa halos 98.5 million pesos.
05:25May idineklara rin silang utang na halos 10 milyong piso.
05:30Kaya ang kanilang declared net worth
05:32nasa mahigit 88.5 million pesos.
05:36Kung ikukumpara sa kanyang SAL-EN
05:37mula ng maging Vice President noong 2022,
05:41tumaas ang net worth ng Vice Presidente.
05:44Nasa mahigit 71 million pesos ito noong June 30, 2022.
05:50Umakyat sa mahigit 77.5 million pesos noong December 2023.
05:56At nitong 2024,
05:58umabot na sa mahigit 88.5 million pesos.
06:02Ito ang unang balita.
06:04Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
06:11Pinimbisigahan sa ICI
06:16si Construction Workers Solidarity Partylist Representative Edwin Gargiola.
06:21Ayon sa kapwa niya kongresistang si Batangas First District Representative Leandro Leviste.
06:26Nakakuha umano si Gargiola
06:27ng abot sa 150 billion pesos na halaga
06:30ng DPWH projects sa Batangas.
06:33May unang balita si Joseph Morong.
06:36Pumuntak sa Independent Commission for Infrastructure
06:42si Batangas First District Representative Leandro Leviste
06:45para paimbisigahan ang pagkakasangkot umano
06:48ni Construction Workers Solidarity Partylist Representative Edwin Gargiola
06:53sa nasasakupan niya sa Batangas at sa iba pang lugar sa bansa.
06:56Ayon kay Levio Leviste, sa dalawang lugar sa Batangas na kanyang kinasasakupan,
07:01may anim na proyekto si Gargiola na abot ang halaga sa 700 million pesos
07:07at may iba pa rao sa ibang lugar sa bansa.
07:09I estimate that Congressman Gargiola has more than 100
07:15and perhaps closer to 150 billion pesos of projects from the DPWH.
07:23Ayon kay Levio Leviste, nabanggit daw sa kanya ng ICI
07:26na may hinihinging listahan ng komisyon sa kongreso
07:29na mga proponents o pangalan ng mga mambabatas
07:32na nagsumite ng mga proyekto sa 2025 General Appropriations Act
07:36na inimbestigahan nila, bagay na kinumpirma ng ICI.
07:41Nahanap namin itong informasyon na ito
07:43and our search will not be limited only from kongres.
07:46Kung meron pang other sources, then we will get it from them.
07:49Pero right now, we're trying to request.
07:51Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Gargiola.
07:55Masaya ang ICI dahil nakapaghahina ng kauna-unahang kaso
07:58ang ombudsman sa Sandigan Bayan
08:00laban sa mga nasa likod na manumalyang mga flood control projects
08:04base sa kanilang rekomendasyon.
08:06Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH,
08:10mas mabilis ang pagsisampan ng kaso
08:12kumpara sa pagsisampan ng kaso sa pork barrel scam.
08:15Maaring sumunod na isang panakaso ng ombudsman ng kaugnay
08:19sa mga manumalyang flood control projects sa Bulacan
08:22kung saan sangkot sinadating DPWH District Engineer Henry Alcantara
08:26at labing siyama na taga DPWH Bulacan
08:29at limang mga kontrakto tulad in na Pacifico at Sara Diskaya.
08:33September 11, nang inihain ng DPWH sa ombudsman
08:37ang mga reklamang graft at malversation.
08:39Ito ay kaugnay ng 249 million pesos na halaga
08:42ng mga ghost flood control projects sa iba't ibang lugar sa Bulacan.
08:47Sabi ni Dyson, hindi raw matatapos ang taon na ito
08:49at maisasampan na rin ito sa korte.
08:53Tingin ko marapin.
08:54I think very soon, yung Bulacan na first case,
08:58eh, mapafile na rin.
09:00So, mukhang magkakatuto yung at least 40 na magpapasko sa kulungan.
09:06Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
09:12Posible'y balubog sa tubig ang nasa 30% ng Metro Manila
09:16pagdating ng taon 2040.
09:18Ayon sa Climate Change Commission,
09:20posible'y magkaroon ng significant sea level rise sa Metro Manila
09:23sa pagitan ng 2030 hanggang 2050 dahil sa extreme weather events.
09:29Batay sa National Adaptation Plan 2023 hanggang 2025,
09:32ang buong Metro Manila ay kabilang sa mga flood-prone area sa bansa.
09:37Sa flood summit kahapon, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City
09:40na may drainage master plan para sa lungsod.
09:43Iniharap rin nila ito sa Department of Public Works and Highways
09:46pero ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte,
09:49hindi ito pinansin ng DPWH.
09:52Patuli namin kinukuha ang panig ng DPWH ukol dito.
09:55Patuli naman daw ang QCLGU sa pag-upgrade
09:59ng mga drainage line at road network sa lungsod
10:01para sa mas mabilis na pagdaloy ng tubig.
10:04Naglalatag na rin daw sila ng mga retention pond.
10:09We are developing basketball courts
10:12with integrated detention basins that can collect rainwater.
10:17Ang touchment area ay maliging imbakan ng tubig
10:20para maiwasan o mabawasan ang baha.
10:23At kapag tuminyo na ang ulan,
10:26hindi-hunting pakakawalan ang tubig sa mga estero o imbunan.
10:31We have national policy that provides the mandate,
10:36the resources, and the standards.
10:38But it is the cities and the barangays
10:41that must translate these policies into zoning plans,
10:45into siting decisions, permits, budgets, and operations,
10:50and the most important last mile communication
10:53that keeps our people safe.
10:58Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
11:01Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel
11:04ng GMA Integrated News.
11:06Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa Facebook-lea ha-G Konām
Be the first to comment
Add your comment

Recommended