- 3 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 28, 2025
- QC LGU: 4 na ang lechon stalls na puwedeng magbukas ulit sa La Loma
- Misa sa Basilica Minore del Sto. Niño at peace march, kabilang sa mga aktibidad sa Cebu sa anti-corruption rally sa Nov. 30 | Cebu Archbishop Uy, nananawagan sa mga biktima ng malawakang baha na makiisa sa kilos-protesta sa Nov. 30
- Alliance of Concerned Teachers, nagsasagawa ng sit-down strike para manawagan kontra-katiwalian sa gobyerno
- P13.8M tax evasion complaint, inihain ng BIR laban sa 2 contractor dahil sa ghost projects umano sa Bulacan | Dating Rep. De Venecia, Sual Mayor Calugay, at iba pa, inirereklamo dahil sa kuwestiyonableng flood control projects sa San Jacinto, Pangasinan | Quezon City Reps. Co-Pilar at Vargas, humarap sa ICI; itinangging may ghost projects sa kanilang mga distrito | ICI: Rep. Sandro Marcos, handang humarap sa ICI; pagtestigo ng presidential son, posibleng i-livestream
- Zaldy Co, ipinakita ang umano'y sulat niya kay PBBM kaugnay sa 2025 budget insertions | Ilang kongresista, hinimok si Zaldy Co na umuwi at harapin sa korte ang kaniyang mga kaso
- FPRRD, hindi dadalo sa pagbaba ng desisyon ng ICC sa kaniyang apela para sa interim release | Atty. Conti: Uusad pa rin ang kaso ni FPRRD sa ICC payagan man o hindi ang interim release
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- QC LGU: 4 na ang lechon stalls na puwedeng magbukas ulit sa La Loma
- Misa sa Basilica Minore del Sto. Niño at peace march, kabilang sa mga aktibidad sa Cebu sa anti-corruption rally sa Nov. 30 | Cebu Archbishop Uy, nananawagan sa mga biktima ng malawakang baha na makiisa sa kilos-protesta sa Nov. 30
- Alliance of Concerned Teachers, nagsasagawa ng sit-down strike para manawagan kontra-katiwalian sa gobyerno
- P13.8M tax evasion complaint, inihain ng BIR laban sa 2 contractor dahil sa ghost projects umano sa Bulacan | Dating Rep. De Venecia, Sual Mayor Calugay, at iba pa, inirereklamo dahil sa kuwestiyonableng flood control projects sa San Jacinto, Pangasinan | Quezon City Reps. Co-Pilar at Vargas, humarap sa ICI; itinangging may ghost projects sa kanilang mga distrito | ICI: Rep. Sandro Marcos, handang humarap sa ICI; pagtestigo ng presidential son, posibleng i-livestream
- Zaldy Co, ipinakita ang umano'y sulat niya kay PBBM kaugnay sa 2025 budget insertions | Ilang kongresista, hinimok si Zaldy Co na umuwi at harapin sa korte ang kaniyang mga kaso
- FPRRD, hindi dadalo sa pagbaba ng desisyon ng ICC sa kaniyang apela para sa interim release | Atty. Conti: Uusad pa rin ang kaso ni FPRRD sa ICC payagan man o hindi ang interim release
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
01:59Yes, yun po yun.
02:01Saka isa pa, dadaan pa sila sa ASF na check ng blood test.
02:07Sir, itong issue na ito, obviously, naka-apekto po sa negosyo ninyo, baka may gusto ko yung iparating sa Quezon City Government tungkol po sa compliance sa mga rules.
02:17Ah, tutuosin po eh, siyempre, ang mahalaga po sa amin ay kumita kami ito noong December.
02:24Kasi 11 months po ay talagang kahit pa pano ay almost even lang kami.
02:29Dahil sa wala naman talagang okasyon.
02:32Ito yung inaabangan niya buong taon ay December.
02:33Yung Christmas season na ito, yung Christmas party, diyan kami kumikita sa loob na isang taon, ito lang talaga kami masasabi natin, jackpot na masasabi.
02:45Yung kita namin, pamasko namin, di ba? Sana ay makapag-operate kami.
02:51Kaya alam, mayroong pong bagong rules ang City Government.
02:56Eh, sa kinagawa namin ay hindi po talaga ito, hindi pa kami dumadaan sa sinasabi na NMIS standard.
03:04Yung complete set of stainless na mga equipments.
03:09Yung slaughterhouse toys.
03:10Yung slaughterhouse.
03:11Kasi ang baboy po namin ay mag-i-stay lang at least 24 hours sa stockyard namin.
03:19Within that day, lahat po ng darating sa amin ay kakatayan namin and then ilalagay po namin sa quality storage.
03:25Doon sa quality storage, maaaring maka-apekto rin ang quality.
03:28Kasi ang nakasanayan ng laloma, katayan ang buhay na baboy upon order para lutuin and then i-deliver ng talagang quality.
03:36Ngayon, ito yung binabanggit yung mga rules na ito.
03:39So, possibly hong maka-apekto sa presyo?
03:42Eh, siguro sa presyo, hindi naman.
03:45Pero, siyempre, low demand and supply.
03:48Ayan, napanggit nyo.
03:50So, tayong demand, pakibang ito yung presyo.
03:51Magkano ba mga litsyon ngayon para sa mga kapuso natin gusto mag-ili?
03:54Sa ngayon, wala pa naman, pero within ilan days na lang, di ba?
03:59Sa ngayon pa, ang 6 to 7 kilos, kasi yan ang pinakamalita binibenta ng laloma.
04:056 to 7 kilos, sa luto, take note ha.
04:07Yung sabihin, 15 to 19 kilos sa live weight.
04:10Ang benta namin at present ay 8,500.
04:14Ang laloma, lahat po kami.
04:15At ang susunod, yung 8,500, ang kasunod niya, 10,000.
04:18Yung naman.
04:20Yung yung current prices, tataas pa ho ba?
04:22Yes, tataas.
04:23Pagdating ng December 1, yung sinabi kong 8,500, ay magiging 10,000 na yan.
04:30Ako, yan.
04:31Anyway, alam nyo naman, importante sa mga kapuso natin, may litsyon sa hapag ngayong magpapasko.
04:37At least, sumakto ho, pinayagan na kayong mag-operate.
04:39Yan, pinayagan na kayong mag-operate, mag-pinda, mag-market ng litsyon namin.
04:43Sir Ramon, maraming maraming salamat po.
04:45Kaya rito sa Metro Manila, may isasagawa rin ang anti-corruption rally sa Cebu City sa linggo.
04:58November 30, panawangan ng Archdiocese of Cebu at ilang cost-oriented groups.
05:03Bumaba na sa pwesto ang mga sangkot sa katiwalaan sa gobyerno.
05:06May unang balita live si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
05:11Alan.
05:11Igan, all systems go na ang gaganaping anti-corruption rally dito sa Cebu City ngayong linggo.
05:21Bahagi ng aktibidad, ang MISA at Peace March.
05:29Nakakasana ang preparasyon sa isasagawang anti-corruption rally na gaganapin sa Cebu City sa linggo, November 30.
05:38Hiling ng iba't ibang cost-oriented groups na bumaba sa pwesto ang masangkot ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa malawakang korupsyon sa bansa.
05:51Hiling din nila na panagutin ang masangkot sa katiwalaan.
05:57Ang isa sa mga itinutumbok ng mga grupo ang sanhi ng grabing baha na naranasan ng Metro Cebu ng Manalasa ang Bagyong Tino noong November 4.
06:08Ang anti-corruption rally na tatawaging suguanong pakibisog kontra-korupsyon o supak ay pangungunahan ng Archdiocese of Cebu.
06:20Sisimulan ito ng MISA sa Basilica Minor del Santo Niño at susundan ng Peace March papunta sa Fenty Usmenia Rotunda.
06:30Nindot man yung kaya ko ng katawahan magkahiusa para madunggan po sa mga nagdumala sa atong nasod, labinagyod sa mga tao na nakaako sa pagpanghilabot sa kundo sa gobyerno.
06:43Nananawagan ang arsobispo lalo na sa mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa malawakang baha sa kasagsagaan ng Bagyong Tino na sumali sa anti-corruption rally.
06:55We hope during the rally siguro usan nila makasultipod, matagagkigayunan para magdalas tingog sa mga kabos.
07:03May marshal din ng simbahan ang mag-iikot para masigurong hindi mahaluan ng politika ang isasagawang pagtitigom.
07:13Nindot ng marshals na dinigod sila makadala o mga placards na ay pangalan sa politisyan.
07:27Kabilang sa lalahok, sa rally ang kasapi ng Bagong Alyansang Magkabayan at ibang cause-oriented groups.
07:34Puspusan na rin ang paghahanda ng Cebu City LGU para masiguro na magiging maayos at matiwasay ang isasagawang rally.
08:04Igan, ayon sa simbahan, inaasahan nilang aabot sa mahigit 5,000 individual ang lalahok sa anti-corruption rally dito sa Fuente Usmania sa Cebu City ngayong linggo.
08:20Igan, maraming salamat, Alan Domingo ng GMA Regional TV.
08:27Nagsasagawa ng sit-down strike ang mga guro mula sa iba't ibang paaralan para manawagan kontra-corruption sa gobyerno.
08:33Live mula sa Quezon City, may unang balita si Jomer Apresto. Jomer.
08:37Susan, good morning. Nagsimula ng sit-down strike ng mga guro dito sa San Francisco Elementary School sa Quezon City.
08:47Layo ng programa na iparating ang kanilang panawagan sa gobyerno laban sa katiwalian at igiit na rin ang hiling nilang dagdag sweldo.
08:54Maagang namigay ng flyers sa mga magulang ang ilang guro sa San Francisco Elementary School sa Quezon City.
09:03Nakalagay rito ang kanilang mga hinaing at panawagan sa gobyerno kung bakit sila magsasagawa ng sit-down strike ngayong araw.
09:09Una nang sinabi ng Alliance of Concern Teachers na nasa apat na rang paaralan sa iba't ibang panig ng bansa ang lalahok sa aktibidad.
09:16Mahigit sandaan na tapat na po rito ay mula sa Quezon City.
09:19Ayon sa pangulo ng QC Public Schools Teachers Association at GMRC teacher na si Erlinda Alfonso,
09:24unang nagkaroon ng sit-down strike noong 2008 at 2011 kung saan hindi nagturo ang mga guro.
09:30Pero sa aktibidad ngayon, magtuturo raw sila. Pero bawat lecture ay may kaugnayan sa korupsyon.
09:36Mahalaga raw na habang bata pa ay mamulat na sa katotohanan ng mga estudyante sa kung ano ang nangyayari sa bansa.
09:42Bukod sa usapin ng korupsyon, layo din ng mga guro na muling ipanawagan sa gobyerno ang kanilang matagal ng hiling na dagdag sahod.
09:48Hindi naman kalabisan na paghiling ng aming karagdagang sweldo.
09:53Noong nakaraan, sabi namin, 50 kay ang hinihiling namin. Pero ang noong binigay ng gobyerno, 50 pesos per day.
10:00Pabor naman dito ang magulang na si Jerlene.
10:03Mahalaga ito kasi habang bata sila, nagugro yung pananaw nila sa buhay nila para paglaki nila, madadala nila ito.
10:11Magsasama-sama rin ang mga guro sa UP Diliman at sabay-sabay na magmamarcha papunta sa Filcoa kung saan sila magsasagwa ng programa.
10:18Sa ating mga motorista, hinihiling namin ang inyong pakikisa.
10:22Siguro kung dadaan kayo sa aming pikat mamaya, pwedeng bumusina bilang pagsuporta sa aming kahilingan.
10:29Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng Department of Education at Commission on Higher Education kaugnay sa programa ng mga guro.
10:35Mahanda raw humarap si Presidential San Sandro Marcos sa Independent Commission for Infrastructure na nag-iimbestiga sa isyo ng flood control.
10:51Ayon sa ICI, posibleng i-livestream ang pagharap ni Congressman Marcos na kung sakali, unang beses gagawin ang komisyon.
10:59Samantala, dalawang kontratista ang inreklamo ng tax evasion kaugnay ng mga ghost project umano sa Bulacan.
11:06May unang balita si Joseph Moro.
11:10Labing dalawang reklamang kriminal na ang naihain ang Bureau of Internal Revenue kaugnay sa mga maanumalyang flood control project.
11:17Halos siyam na bilyong piso ang potensyal na tax liabilities na inimbestigahan.
11:21Pinakabago ang reklamang tax evasion at willful failure to supply correct and accurate information na isinampan ng BIR sa DOJ
11:31laban sa mga opisyal ng Sims Construction Trading at IM Construction Corporation na dawit sa mga umanay ghost project sa Bulacan.
11:4013.8 million pesos ang halaga ng hinahabol na buwis.
11:44Kahit ghost project, nagdeklara umano ang mga ito ng construction cost.
11:47Nag-file po siya ng tax return sa Bureau of Internal Revenue at nagdeklara ng deductions or construction cost.
11:57Subalit, since wala naman pong aktwal na proyekto na nagawa,
12:02e di ibig sabihin ho, fictitious itong deductions, non-existent.
12:07At ito po ay ginawa lamang para maiwasan ang pagbabayad ng tamang buwis.
12:12Ayon sa BIR, magahain pa sila ng mga criminal complaint sa mga susunod na linggo.
12:18Sinisikap naming makuha ang panig ng dalawang kumpanya.
12:21Sa ombudsman, inereklamo sinadating Pangasinan 4th District Representative Christopher de Venecia,
12:27suwal mayor Liseldo Calugay at asawa ng mayor.
12:30Reklamang plunder, malversation of public funds, grave misconduct, gross neglect of duty,
12:35at dishonesty ang inihain ni Jaime Aquino, isang lokal na mamamahayag at leader
12:40ng asosasyon ng mga tsupero at operator ng mga tricycle sa Pangasinan.
12:45Kaug na iyan sa anomalya umano sa 286 milyon pesos na halaga ng flood control projects sa San Jacinto, Pangasinan.
12:53Sabi ng DPWS Oficial Sakwan, yung mga nakausap namin sa Region 1,
12:58ay yung kumikulikta daw, sabi nila, si Congressman de Venecia, si Christopher,
13:07ng 20% sa lahat ng mga kontrata, mga iba pang doon, hindi lang sa flood control.
13:16Kabilang dito ang Riverbank Protection Project sa Barangay Santo Tomas, Cacibong,
13:21na nagkakahalaga ng mahigit 48 milyon pesos.
13:24Ang BET Construction and Supply ang nakalistang gumawa ng proyekto.
13:28Ang una kasi ang may-ari talaga si Liseldo Calugay.
13:33Siya talagang may-ari ng construction firm.
13:35Ngayon, nung nag-asawa na siya kay Garre, ay siyempre siya na ang nagmamanih.
13:41Mag-nagmamanih ko ngayon.
13:43Nakikita ninyo ang project ng DPWH dito sa Barangay Santo Tomas, Cacinto.
13:52Bagong gawa lang ito, 2024, ito ay nagkakahalaga ng mahigit 40 milyon pesos.
14:07Pero tingnan ninyo kung anong may-ari.
14:08Hindi pa napaka-kinabangan na was out na.
14:14Inereklamo rin ang ilang opisyal ng DPWH Region 1 at DPWH Pangasinan 2nd Engineering District,
14:21kayo'n din ng contractors na Zoda Trading and Construction at Joint Venture ng Silver Wolves Construction at Lux Dragon Construction.
14:30Pati ang private contractor, Omononi de Venecia.
14:32Sinisikap namin makuha ang panig ng mga inereklamo.
14:36Sa Independent Commission for Infrastructure o ICI humiling ng Executive Session,
14:41si na Quezon City 6th District Representative Maria Victoria Copilar
14:45at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas.
14:49Ilan sila sa mga binanggit ng mag-asawang Pacifico Curley at Sara Descaya
14:53na umuinin ng hihingi ng 10-25% na komisyon mula sa mga proyektong nakukuha nila.
14:59Tumangging humarap sa media si Copilar pero sa isang pahayag na in-upload niya sa kanyang social media page,
15:05sinabi niyang walang ghost project sa District 6 batay sa inspeksyon ng DPWH,
15:11Quezon City Engineering Office at iba pa.
15:13Hindi rin nagsalita si Vargas.
15:15Pero sa isang pahayag, sinabi ni Vargas na ipinakita niya raw sa komisyon
15:19ang mga dokumento na nagpapatunay na walang mga proyekto ang mga diskaya sa kanyang distrito.
15:24Nag-voluntary naman tumistigo sa ICI si House Majority Floor Leader at Presidential Sun Congressman Sandro Marcos.
15:32Sa sulat niya sa komisyon, sinabi niyang handa siyang humarap sa ICI anumang oras
15:37at magbigay linaw sa anumang bagay para matulungan ang komisyon sa investigasyon nito.
15:42Naano ng inakusaan ni dating Congressman Saldico na may budget insertion si Marcos,
15:47bagay na itinanggi ng kongresista.
15:49Magtatakda ang ICI ng petsa para sa pagdinig.
15:53Regardless of whom that person is,
15:55kung voluntarily appear and testify under oath,
15:59ay malaking bagay sa amin niya.
16:00Yung pong pagtestigo ni Sandro is a welcome development.
16:04What do you think of it?
16:05Why, sir?
16:06Wala, of course.
16:07Because?
16:08Wala.
16:10Any testimony is okay.
16:11Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI,
16:15maaari nilang i-livestream ang pagtestigo ni Congressman Marcos
16:19dahil hindi naman ito humingi na executive session sa komisyon.
16:22Kung matutuloy ito, si Marcos ang kauna-unahang testigo na maaila-livestream ng komisyon.
16:28Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
16:33Inilabas si dating Congressman Saldico ang kopya ng isang liham
16:36na ipinadala niya umano kay Pangulong Bongbong Marcos noong Pebrero.
16:40Kabilang sa mga binanggit sa sulat at tungkol sa 100 billion pesos na budget insertions
16:45na iniutos sa muna ng Pangulo at ang kontrobersyal na mga blanco
16:49sa 2025 Budget Buy Camp Report.
16:52May unang balita si Tina Panganiban Perez.
16:57Noong February 2025, sumulat po ako ng isang confidential letter kay Pangulong Marcos.
17:03Doon ko ipinaliwanag na ginagawa ko lang ang mga utos niya tungkol sa mga insertions
17:10na sinasabi niyang hindi na raw niya makilala.
17:15Tulad ng kanyang sinabi sa videong pinost noong Martes,
17:19inilabas ni dating Congressman Saldico ang kanya umanong confidential letter
17:23kay Pangulong Bongbong Marcos.
17:26Ang pitong pahin ng sulat, pirmado ni Ko.
17:29Walang nakasaad na pecha rito.
17:31Bagamat sinabi ni Ko na ipinadala niya ito sa Pangulo noong Pebrero.
17:37Hindi rin malinaw kung paano ito ipinadala sa Pangulo.
17:41Walang anumang marka na natanggap ito ng Malacanang o ng Office of the President.
17:46Sa liham, sinabi ni Ko na sumulat siya sa Pangulo para magpaliwanag
17:50dahil pakiramdam niya na akusahan ng Kamara na ginulo nito ang 2025 Budget
17:57gayong sinunod lang naman daw nila ang National Expenditure Program na isinumite ng ehekutibo.
18:04Binanggit din ni Ko sa sulat ang umanay 100 milyon pesos na budget insertion
18:09na hinihiling umano ng Pangulo.
18:12Sabi ni Ko na paulit-ulit daw niyang tinanong kung inutos nga raw ba talaga ito ng Pangulo.
18:17Kinumpirmaan niya ni na Nooy Budget Secretary Amena Pangandaman
18:22at dating PLLO Chief Undersecretary Adrian Bersamin na utos nga raw yon ng Pangulo.
18:29Sinisiri ni Ko si Nooy Senate President Chief Escudero
18:32kung bakit na lumobo ng husto noon ang budget ng DPWH
18:37ng mas malaki pa sa budget ng edukasyon.
18:41Gusto raw kasi ni Escudero na magkaroon ng 200 bilyon na alokasyon ang Senado
18:46na ang malaking bahagi ay ipapasok sa mga proyekto ng DPWH
18:51kaya kinailangang magbawas sa pondo sa ibang departamento.
18:56Nagbabala pa raw siya kay Escudero
18:58na hindi pwedeng mas malaki ang alokasyon ng DPWH kesa edukasyon
19:03pero nagbanta raw si Escudero
19:05na patatagali ng budget deliberations
19:08para magkaroon na lang ng re-enacted budget.
19:11Ito raw at ang hininging budget insertion ng Pangulo
19:14ang dahilan kung bakit naging mas malaki ang budget ng DPWH
19:18sa edukasyon bagay na hindi raw alinsunod sa saligang batas.
19:24Itinuro rin ni Ko ang staff ng Senado
19:26na siya raw may kasalanan sa kinwestiyon noong mga blanco
19:30sa Bicameral Conference Committee Report sa 2025 budget
19:34at hindi raw ang mga tao ng Kamara.
19:37Binanggit din ni Ko si dating DPWH Secretary Manny Bonoan.
19:42Ayon kay Ko, sa opisina raw ni Bonoan
19:45nag-aaway-away umano ang mga broker at mga contractor
19:48dahil daw nakapagbigay na ng mga anyay advance.
19:52Hinimok pa ni Ko ang Pangulo
19:54na i-review raw ang mga naging desisyon ukol sa budget
19:57at investigahan ang papel ng Senado
20:00at ng mga pinakamalalapit na kaalyado ng Pangulo
20:03sa malakihang realignment sa budget.
20:07Hinihingan pa namin ang reaksyon si Escudero,
20:10si Bonoan at ang malakanyang tungkol sa mga sinabi ni Ko.
20:14Ang ilang mambabatas naman na aming nakausap
20:17hindi raw kumbinsido sa mga pahayag ni Ko.
20:20Hinimok nilang bumalik ito sa bansa,
20:23panumpaan ang lahat ng kanyang sinasabi
20:25at humarap sa korte.
20:27Dapat niyang ihain ito sa proper forum
20:31and then make himself personally
20:34be able to at least make these complaints
20:37before the courts
20:40so that he can also be given the due process
20:43to make all these allegations come into light
20:46before the proper forum.
20:48Umuwi siya.
20:49Mahirap malaman kung ano yung nasa utak ni Saldiko
20:53but if you look at the statements,
20:56it's very serious accusations
20:58but at the same time,
21:00sabi lang niya yun.
21:01Ang iniintay ko ay maglabas siya ng supporting evidence,
21:05lalong-lalo na yung independent corroboration.
21:09Dapat bumalik siya dito,
21:11iharap niya yung mga kaso.
21:13Ito ang unang balita.
21:15Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
21:19Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte
21:22sa pagbaba ng desisyon ng International Criminal Court Appeals Chamber
21:26sa inaapilan niyang interim release.
21:30Ayon sa Duterte Defense Team,
21:31pumirman ng waiver ang dating Pangulo
21:33para hindi humarap sa pagbasa ng desisyon.
21:37Ayon sa ICC Appeals Chamber,
21:38ilalabas nila pa siya mamayang alas 10.30 ng umaga
21:41oras sa De Haig, Netherlands
21:43o alas 5.30 ng hapon dito sa Pilipinas.
21:47Balalaman dyan kung papaboran
21:49ang iginigin at defense team na mahina na si Duterte
21:52kaya hindi naan nila dapat ikulong
21:55habang nililiti sa kanyang kasong crimes against humanity.
21:59Sa panayam ng unang balita kanina,
22:00sinabi ni ICC Assistant to Council Attorney Christina Conti
22:03na uusad pa rin ang kaso ni Duterte,
22:06payagan man o hindi ang interim release.
22:12Minimal or halos walang impact
22:14itong interim release doon sa main case.
22:17Malinaw dito na ang kanyang interim release
22:20ay hindi kumbaga bastang laya.
22:23Kailangan kung ano pa rin ang restrictions
22:26na medyo halos katulad ng nandoon sa ICC,
22:30ganun din.
22:31Kung ni-reject, hindi siya makakalabas.
22:33Status quo.
22:34Gusto mo bang mauna sa mga balita?
22:37Mag-subscribe na sa GMI Integrated News sa YouTube
22:40at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment