Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 26, 2025

- Ilang motorista, may agam-agam sa muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy; MMDA, tiniyak na masusing pag-aaralan ang violations

- Mahigit 1,000 pulis, ipinakalat bilang dagdag-seguridad sa Metro Manila | Paglilinis sa hanay ng mga pulis, hakbang kontra-katiwalian ng PNP | DILG, makikipag-ugnayan sa ICC para sa oath-taking ni FPRRD bilang mayor-elect ng Davao City | DILG Sec. Remulla: Vice Mayor-elect Sebastian Duterte, uupong Davao City Mayor kung hindi makakapanumpa si FPRRD

- PBBM, igigiit ang karapatan at hurisdiksiyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa 46th ASEAN Summit | ASEAN, nais magkaroon ng iisang tinig kaugnay ng bagong polisiya ng Amerika ukol sa taripa | ASEAN, makikipagpulong din sa Gulf Cooperation Council o mga bansang nag-su-supply ng langis | China, makikipagpulong sa ASEAN at GCC para sa kalakalan at ekonomiya | PBBM, magkakaroon ng mga bilateral meeting

- VP Duterte, bibiyahe pa-Qatar ngayong araw; makakasama ang Filipino community roon | VP Duterte, pupunta ulit sa The Hague para bisitahin ang amang si FPRRD na nakakulong sa ICC

- Ilang estudyante, napipilitang magbayad ng regular na pamasahe sa tuwing kinukuwestiyon ang kanilang pangangatawan | Ilang PUV drivers, iginiit na hindi sila naniningil ng doble sa mga plus size na pasahero | LTFRB: Laki at timbang ng pasahero, hindi dapat maging basehan ng kanilang pamasahe | LTFRB sa mga PUV driver at operator: May katapat na parusa ang mapapatunayang naningil nang doble sa mga plus size na pasahero | Mga pasaherong nakaranas ng diskriminasyon sa pampublikong transportasyon, hinihikayat na mag-report sa LTFRB

- (w/ back to live) Dating OWWA Administrator Arnell Ignacio, irereklamo ng DMW kaugnay sa maanomalya umanong P1.4B land deal | DMW Sec. Cacdac: Nakonsulta lang ang technical working group matapos mapirmahan ang deed of sale | DMW Sec. Cacdac: Ignacio, inilipat sa OWWA ang pagbabayad ng P36M na local transfer tax kahit exempted dito ang OWWA | Dating OWWA Administrator Arnell Ignacio, iginiit na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng P1.4B halaga ng lupa; itinangging kumita siya

- NFA sa mga trader: Huwag nang tawaran ang presyo ng ibinebentang palay ng mga magsasaka

- Final 4 para sa NCAA Season 100 Women's Volleyball, kompleto na

- "Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience," mapapanood sa mga sinehan sa Taiwan simula June 13

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00E.J. Gomez
00:23E.J.
00:24E.J.
00:24Igan, may tatlong daang CCTV kameras ang MMDA na manghuhuli sa ilalim ng no-contact apprehension policy simula ngayong araw.
00:38Epektibo yan.
00:39Pero no, unang araw pa lang yan, andami ng motorista ang umaalma.
00:43Sa ilalim ng no-contact apprehension policy o NCAP, wala ng enforcer na manghuhuli ng traffic violator.
00:55Kung lalabag sa anumang batas trapiko, maaaring makakuha ng abiso ng violation sa loob ng pitong araw na isisend sa impormasyong nakakalip sa rehistro ng sasakyanan ng motorista.
01:07Ayon sa MMDA, sa panahong matanggap ng traffic violators ang kanilang violation notice, may sampung araw sila para mag-contest.
01:15Pwede silang mag-fiscal filing o di kaya naman ay pumunta sa MMDA Traffic Adjudication Division.
01:22Balik no-contact apprehension sa mga national road tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, Aurora Boulevard, Rojas Boulevard, South Super Highway, Siobolivard, Ortigas Avenue at Katipunan Avenue.
01:34Paliwanag ng MMDA na kahit may AI o Artificial Intelligence ang ehensya, ay may layers pa rin daw sila ng review sa mga violation.
01:43Halimbawa na lang, kung nakitang may tumigil na ibang sasakyan, kaya kumabig ang isa.
01:48O di kaya naman ay may emergency vehicles na kasabay sa kalsada gaya ng ambulansya o bumbero.
01:54Masusiraw nilang pag-aaralan ang mga violations na makakalap ng kanilang CCTV cameras.
01:59Giit pa ng MMDA, hindi fundraising ang NCAP, kundi paraan para tumino ang mga anilay barumbadong motorista.
02:09Taliwas naman yan sa iniisip ng ilang motorista. Narito ang kanilang mga pahayag.
02:14Ang pangunguto kasi ng MMDA, mawawala. Pero para sa akin, opinion ko, hindi sa government.
02:23Kaya lang yan kasi, ma'am, parang nag-generate ng pera eh. Gusto nilang mag-generate ng pera.
02:29So kotong din yun eh. Alam naman nila na chaos ang kalsada. Ayusin muna nila para walang masabi tao.
02:36I-implement na nila yan dati, di ba? Marami din nagka-problema, maraming reklamo, di ba?
02:43Di ba marami dati na nagka-problema dahil naiipon yung mga huli nila na hindi nila alam.
02:51Kasi nga lumibata sila ng address, hindi nila alam.
02:54So nung pag-renew nila, ang laki-laki na nang babayaran nila na hindi nila alam.
02:58So isa siguro yun sa ano na dapat i-address na muna nila.
03:06Igan, sisikapin natin kuna na reaksyon yung MMDA tungkol doon sa mga agam-agam ng ilang mga motoristang nakausap natin.
03:16Pero una nila nilang nilinaw na hindi ipatutupad yung NCAP sa mga lugar na may mga sira o may problema.
03:23Yung ilang traffic signages at kasama din dyan yung pag-check natin doon sa talagang pagpapatupad ng MMDA.
03:33Sabi pa nung ilan natin mga nakausap na motorista, talagang dapat bigyan muna ng pansin yung pagsasayos ng ilang problema sa kalsada.
03:43Gaya na lang yung pagkakaroon ng sariling lane para sa mga motorsiklo.
03:48Igan yan ang latest mula rito sa Pasig City.
03:51EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
03:54May isang libong polis ang pinakalat para pag-itingin ang seguridad at kaligtasan sa Metro Manila.
04:02Bagi niyan, nag-ikot at inspeksyon ang DILG at PNP sa ilang istasyon ng polis sa NCR.
04:08Bula sa Quezon City, may unang balita live.
04:10Si Bea Pingla.
04:12Bea.
04:12Igan, make the Filipino people safe again.
04:19Iyan daw ang layo ng planong inilatag ng pulisya para mapaigting palalo ang police visibility sa bansa.
04:27Ipinresentang intensified at recalibrated police visibility plan sa 1,120 police personnel at force multiplier sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kanina.
04:37Nasa 1,680 police personnel at force multiplier naman ang permanently deployed daw para matiyak ang police visibility sa NCR.
04:46Pinangunahan nito ni NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin at Secretary of the Interior and Local Government John Vic Remulia.
04:54Ang mensahe ni SILG Remulia, make the Filipino people safe again.
04:58Hindi na lang daw dapat crime statistics ang sukata ng performance ng pulisya.
05:03Mas mahalaga rao na daman ang mga Pilipino na ligtas sila saan man sa bansa.
05:07Nag-ikut din sila ngayong umaga sa iba't ibang police station sa Metro Manila.
05:12Isanaryane itong Anonaz Police Station.
05:15Hindi na mag-i-issue ng firearms sa mga force multiplier pero plano nila na mag-apply ng insurance para sa kanila.
05:22Bukod dyan, non-stop din daw ang internal cleansing ng pulisya para masigurong malinis ang hanay ng PNP.
05:29Ang pulisya nila, zero tolerance sa katiwalian sa pulisya.
05:35Crime prevention.
05:37More than crime solution.
05:39Siyempre, crime solution dahil important.
05:40Pero sa kanya, crime prevention talaga.
05:42May disconnect kasi mga tao sa kalye, they don't feel safe.
05:46So, ang calibration yan, dapat, ang report ng pulis maganda.
05:50Dapat na people should feel safe also.
05:52Walang solusyon niya, kundi prevention eh.
05:54Dapat uunahan nyo.
05:55Dapat makita na may pulis.
05:57Kailangan seryoso ang pulis.
05:58Igan, sinagot din ni SILG Remulia.
06:06Yung magiging setup sa Davao ngayon, matapos nga manalo, ni former President Rodrigo Duterte na mayor doon, kahit na nasa kustudiya siya ng ICC sa The Netherlands.
06:14Yung plano nila ay makikipag-ugnayan sila sa ICC para payagan daw yung ating PH Consul na pumunta roon para makapag-oath si former President Duterte.
06:26Dahil nire-recognize daw nila ang victory nito bilang Davao mayor.
06:30Pero, kilaro rin niya na ang mayor ay dapat physically present.
06:36So, ibig sabihin, kapag daw hindi maging physically present, si former President Duterte ay uupuraw muna yung Vice Mayor na si Baste Duterte.
06:45Yan muna ang latest mula rito sa Quezon City.
06:48Bayapinlac para sa GMA Integrated News.
06:52Gayo araw na magsisimula ang pagpupulong ng mga leader ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
06:58At kabilang si Pangulong Bongbong Marcos, inaasang matatala kayo roon ng bagong polisya ng Amerika sa taripa at supply ng langis.
07:06Lahay mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, may unang balitan kasama natin si Ivan Mayrina.
07:11Ivan!
07:15Igaan mga kapuso, selamat pagi magandang umaga mula dito sa Kuala Lumpur, Malaysia,
07:21kung saan nga ngayong umaga po ay magsisimula na, magbubukas na ang 46th ASEAN Summit.
07:26At pinangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang official Philippine delegation
07:30at syempre kasama po ang inyong GMA Integrated News sa official media delegation.
07:35Tulad ng kanyang mga nakaraang partisipasyon sa ASEAN,
07:38igigit ng Pangulo ang ating karapatan at jurisdiksyon sa West Philippine Sea
07:42sa ilalim ng UNCLOS at ng 2016 Arbitral Award.
07:46Pero bukod dyan, isa sa mga inaasahan magiging highlight
07:48at isang panibagong isyong kakaharapin ng mga bansa sa ASEAN
07:51ay ang reciprocal tariffs na ipinataw ng Amerika sa halos lahat ng bansa sa mundo
07:56kabilang ang mga bansang miyembro ng ASEAN.
07:59May kanikan niya mga pulong ang mga ASEAN member states sa Amerika
08:01pero nais din ng ASEAN na magkaroon ng iisang tinig na mas malakas
08:05at magbibigay ng mas malaking kapakinabangan sa mga ekonomiya na mga miyembro nito.
08:10Sa dalawang araw na pagtitipon, magkakaroon din ang ASEAN GCC Summit.
08:14Ang GCC po ang ibig sabihin niya ni Gulf Cooperation Council na may 6 na miyembro
08:19ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Kuwait at Oman.
08:24Mahalaga yan sa ASEAN dahil alam naman natin na ang mga bansa sa GCC
08:28ang nagsusupply sa pangailangan sa langis ng malaking bahagi ng mundo.
08:33At para naman sa Pilipinas, mahalaga ang ating ugnayan sa mga bansa ng GCC
08:37dahil sa daandaang libong Pilipinong nagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito.
08:42Maliban sa ASEAN GCC, magkakaroon din ang ASEAN GCC China Summit
08:45kung saan lalahok ang China bilang dialogue partner sa ASEAN at GCC
08:50sa mga usapin ng kalakalan at ekonomiya.
08:54Maliban sa mga pulong na yan, magkakaroon din ang bilateral meetings sa Pangulo.
08:57Ito po yung mga one-on-one na pag-uusap sa mga leader ng Kuwait, Lao at Vietnam.
09:02Yan ang mga kumpirmado at maaaring madagdagan pa.
09:06Kasama sa delegasyon ng Pangulo, si Foreign Affairs Senior Undersecretary Teresita Lazaro
09:10na pinangalanan ng susunod na magiging kalihim ng DFA
09:12at si Trade and Industry Secretary Cristina Roque
09:16na miyembro ng economic team na nauna ng inanunsyo na mananatili sa Gabinete ng Pangulo.
09:21Kasama rin dito si Presidential Communications Secretary Jay Ruiz
09:24at si Leo Tereso Magno, Chairperson ng Mindanao Development Authority.
09:29Habang naririto ang Pangulo, naririyan siyempre ang mga isyong naiwan sa Pilipinas
09:33at inaasahan magkakaroon tayo ng pagkakataong matanong siya.
09:36Una, tukol halimbawa sa ginagawang balasahan sa kanyang gabinete
09:40at iba pang may init na isyong kinakaharap ng kanyang administrasyon.
09:45May mahigit 200,000 na Pilipino dito sa Malaysia
09:48pero sa pagkakataong ito ay walang nakaschedule na pagtitipon ng Filipino community
09:53sa pagbisitang ito ng Pangulo para sa 46th ASEAN Summit.
09:57At yan ang latest mula dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
10:00Balik sa iyo, Igan.
10:03Maraming salamat at ingat, Ivan Mayrina.
10:08Pabiyayang papuntang Qatar si Vice President Sara Duterte ngayong araw.
10:12Ayon sa Office of the Vice President,
10:14pakipagkita ang bisis sa Filipino community sa Qatar bukas May 27.
10:19Pagtatagal siya roon ng ilang araw bago tumuko naman sa The Netherlands
10:22sa May 30, June 2 at June 3
10:23para bisitayin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:27na nakakulong pa rin sa International Criminal Court sa Dehague.
10:30Makikisa rin ang bisis sa pagtitipon ng ilang Filipino community sa harap ng ICC Detention Center sa May 31.
10:38Nakatakdang bumalik sa bansa si Vice President Duterte sa June 4,
10:42isang araw matapos ang itinakdang pag-convene ng impeachment court ng Senado.
10:48Sa kabila ng kampanyang pampublikong transportasyon para sa lahat,
10:54nakararanas pa rin ang diskriminasyon ng ilang pasahero.
10:57Kabilang dyan ang mga sinisingil ng doble sa pamasahe
11:01dahil sa kanilang laki o timbang.
11:03Bawal po yan ayon sa LTFRB.
11:06Ang mga parusang haharapin na mapapatunayan lalabag dyan,
11:10alamin sa unang balita ni Von Aquino.
11:12Ang estudyanteng si Stella Maris,
11:17minsang napilitang magbayad ng regular na pamasahe sa Egypt
11:20nang questionin siya ng driver dahil sa kanyang pangangatawan.
11:24Kasi may kasama ang kaklase ko, sabi niya, dalawang student po.
11:29Pero sabi niya, bakit daw student ako, eh dapat daw regular.
11:33Nagbayad na lang din ako ng regular para okay na
11:36may pagkakataon din daw na nahihirapan siyang sumakay.
11:44Kasi pag sa Egypt po, aircon po, diba?
11:46So minsan, parang pumipili sila ng kung sino paparahan nila.
11:52Kasi pag mas maliit, so mas daming capacity makakasakay sa jeep.
11:57Ganito rin ang karanasan ng estudyanteng si GAP.
12:00Minsan po, parang di rin po sila huminto kapag pumapara ako.
12:06Ang ilang PUV drivers na nakausap namin,
12:10hindi naman daw nanginingil lang doble sa mga plus size na pasahero.
12:13Hindi naman kami nag-isip na malulugi kami.
12:17Tulong na rin namin yun sa...
12:19Siyempre, masikip eh.
12:22Mayirapan naman yung mga pasahero ko.
12:23Ang PW po eh, 11 pesos pa rin mga pag isang tao lang po.
12:27Kahit mataba siya o mali, 11 pesos pa rin po.
12:30Gitna LTFRB, hindi dapat gawin basihan ang size o timba ng isang pasahero
12:35sa kanyang pamasahe sa PUV.
12:37Naman ang bigat mo, eh isang pasahero lang yan.
12:41Marami kasing nakakatatindi sa LTFRB na yung matatabang pasahero sinisingil ng doble.
12:47O kaya naman, napipilitan na lang yung mataba na magbayad na lang ng dalawa.
12:52Masa na iya.
12:53Kung PWD ka, senior citizen o estudyante, entitled ka sa discount.
12:59Maski gaano ka katabak.
13:01Sabi ng LTFRB, may paglabag at katapat na parusa.
13:05Ang mga PUV driver at operator na mapatutunayang naniningil ng doble sa mga plus size na pasahero.
13:11Eh dun sa operator, no, dahil franchise violation po yun.
13:16Ngayon, dun naman sa driver, eh maaari siyang matanggalan ng lisensya.
13:23Maaari ma-penalize yung operator kasi siya nag-employ ng driver na pasahay.
13:30Hinihikayat ng LTFRB ang mga pasaherong makararanas ng diskriminasyon na magsumbong.
13:35Ito ang unang balita, Von Aquino para sa GMA Integrated News.
13:40Mas marami pa raw nalaman ang Department of Migrant Workers sa maanumalya o manong pagbili ng lupa ng Overseas Workers Welfare Administration na may halagang 1.4 billion pesos.
13:52Kami lang dito ang pagbago raw sa deed of sale ni dating Administrator Arnel Ignacio.
13:57May unang balita si JP Soriano.
13:59Handa na ang Department of Migrant Workers na ihabla si dating OWA Administrator Arnel Ignacio.
14:08Kaugnay sa umano'y di-otorizadong pagbili ng lupa sa halagang 1.4 billion pesos.
14:14Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Katdak, marami pang nalaman sa umano'y maanumaliyang proyekto.
14:20Gaya ng pagpaparentaan niya ni Ignacio ng lupang binili.
14:23At tinanong ko sa kanya, nasaan ang upa o rent?
14:28Ang sagot niya ay hiningi pa natin dun sa kolektor ng rent.
14:33Sabi ko, sino yung kolektor ng rent?
14:35Yung dating may-ari ng lupa.
14:38Sag ko, bakit? Bakit yung dating may-ari ng lupa?
14:40Nauna nang sinabi ni Ignacio na dumaan sa Technical Working Group ang programang halfway house o dormitoryo para sa mga OFW malapit sa Naiya Terminal 1.
14:50Taliwa sa naunang pahayag ni Katdak na hindi raw nakonsulta ang board tungkol sa pagbili ng lupa na malinaw raw na paglabag sa OWA Charter.
14:58Yung Technical Working Group was after the signing of the deed of sale.
15:03At kung nag-umulat ang technical working group sa board, after the signing of the deed of sale, na-establish na yung deed of sale sa board.
15:12September 2024, pinirmahan umano ni Ignacio ang deed of absolute sale kaugnay sa lupa na nangyari sa parehong buwan.
15:19Sabi ni Katdak, binaguraw ni Ignacio ang nakalagay sa deed of sale na sa halip na magbibenta ng lupa ay OWA na ang magbabayad ng local transfer tax na P36 million pesos.
15:32Aniya, exempted ang OWA sa mga ganitong uri ng buwis.
15:36Sabi namin, anomalya yan, dapat iproduce yung ibalik yung pera na yan at agad naman binalik. But that's right after sinabihan namin.
15:44Isa pang inimbestigahan ng DMW, ang hindi raw pagbanggit ni Ignacio sa board, nagigibain ang mahigit 50 condo units na nakatayo na sa biniling lupa, na anyay labag din sa OWA Charter.
15:57Sinusubukan pa namin kunan ng bagong pahayag si Ignacio kaugnay sa mga sinabi ni Katdak.
16:02Ito ang unang balita, JP Soriano, para sa GMA Integrated News.
16:07Nito viernes na magbigay ng unang pahayag si dating OWA Administrator Arnel Ignacio kaugnay sa maanumalya umunong land deal.
16:16Ang kay Ignacio, 2018 pa nagsimula ang proyekto noong hindi pa siya Administrator ng OWA.
16:21Dumandaw ito sa tamang proseso tulad ng pagsuri sa board. Itinanggin niyang may kinita siya sa nasabing transaksyon.
16:29Wala rin daw siyang itinagong detalye ng land deal.
16:31Nanawagan ang National Food Authority sa mga trader na huwag nang tawaran pa ang presyo na binibentang palay ng mga magsasaka.
16:39Sa panayam ng Super Radio DZBB, sinabi ni NFA Administrator Larry Laxon na namonitor nila sa ilang lugar na may mga trader na bumibili ng 11 pesos and 50 santabos kada kilo ng palay sa ilang magsasaka.
16:52May bumibili pa rao ng 13 hanggang 15 pesos kada kilo.
16:55Ayon kay Laxon, kawawa ang mga magsasaka dahil ang pupuna nila ay nasa 12 hanggang 14 pesos kada kilo.
17:04Pusibleng dulot daw ito ng pagbaba ng presyo ng bigas sa global market at puno pa ng bigas ang mga bodega ng NFA.
17:11Para solusyonan yan, naglaana ng espasyo sa ilang warehouse ng NFA para paglagyan ng mabibiling palay mula sa mga magsasaka.
17:25Buo na ang Final Four ng NCAA Season 100 Women's Volleyball.
17:31Pasok po dyan ang number one seed na Benilde Lady Blazers na may record na 15-2.
17:36Sunod sa kanila ang letran Lady Knights na may 43 record at lalaban din po sa semifinals ang Mapua Lady Cardinals at ang Arellano Lady Chiefs na parehong may 11-6 record.
17:47Nagpapatuloy pa ang Round 2 para sa final standings ng Season 100.
17:55Going international muli ang Vault is 5 Legacy, The Cinematic Experience next month.
18:04Nag-share si Direct Mark Reyes ng Taiwanese version ng movie poster.
18:09Mapapanood na yan sa mga sinahan sa Taiwan sa June 13.
18:14Pinagbibidahan niya ni na Sparkle stars Miguel Tan Felix, Isabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Rafael Landicho.
18:22Unang napanood ang Vault is 5 Legacy, The Cinematic Experience sa Pilipinas noong 2023 at napanood sa Japan last year.
18:52Mapapanood na yan sa pasokan mga tin na draußen almuer
19:05Mapapanood na yan saéré gate sa Iki sang sana na kanood si lalabanil higare sicher.
19:11Melinda by hirwe ter knewðu the AoL tulipina wa shtоныne.

Recommended