Skip to playerSkip to main content
-Presyo ng lechon sa La Loma, tumaas dahil sa dagdag-gastos ng pagpapakatay at transportasyon sa mga baboy

-Chinese na target dahil sa kasong estafa, arestado sa Taguig

-17-anyos na buntis, patay matapos pagsasaksakin ng 21-anyos na asawa

-Lalaking nagpapanggap umanong pulis para mangikil, arestado; isa sa mga biktima niya, natangayan ng abot sa P700,000

-Carla Abellana, pinakilig ang netizens sa picture na may suot na singsing habang may ka-holding hands

-Kampo ni FPRRD, hihiling sa ICC na mabisita ng kanyang pamilya sa Pasko kahit official court holiday iyon

-Sen. Gatchalian: Budget deliberations ng Senado, bibilisan na para maiwasan ang reenacted budget sa 2026

-Halos 800, patay sa malawakang pagbaha sa Indonesia, Thailand at Malaysia

-P250,000 halaga ng hindi rehistradong vape devices at products, nakumpiska sa 2 tindahan; 2 empleyado, arestado

-Laguna 4th Dist. Rep. Benjamin Agarao, Jr., unang sumalang sa pagdinig ng ICI ngayong araw


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00African Swine Fever
00:30Sa pagpapakatay, sa slaughterhouses at transportasyon sa mga baboy
00:34Ang dating 8,000 pisong lechon na 6 na kilo, 10,000 piso na po ngayon
00:40Mabibili ang 7 hanggang 8 kilong lechon ng 12,000 piso
00:45Aabuti naman ng 14,000 piso ang siyam hanggang 10 kilong lechon
00:51Tumaas din po ng 200 piso ang kada kilo ng lechon na 1,400 na ngayon
00:59Maasa po ang mga nagtitindaan na makakabawi sila ngayong holiday season
01:03Tinitiyak naman nilang ASF free at ligtas kainin ang kanilang ibinibentang lechon
01:09Isang Chinese national na may kasong estafa ang target ng raid sa isang gusali sa tagig
01:18Yun lang, hindi lamang po ang target ang nakita ng mga otoridad
01:22Nabisto rin ang isang iligal na operasyon ng Pogo
01:25Balitang hatid ni Nico Wahe Exclusive
01:29Target ng operasyon ng CIDG Southern NCR, Paok at Southern Police District
01:50ang Chinese national na may kasong estafa
01:53Sa intelligence report, narito siya sa 10th floor ng gusaling ito sa Bonifacio Global City sa tagig
01:58Nang punta ng CIDG, tuluyan siyang naaresto
02:02Actually itong Chinese na ito, minomonitor namin ito ng mga about almost a week
02:06May lap lang kasi siya, kaya ngayon lang namin na tsambahan
02:13Pero ang mas ikinagulat ng mga operatiba pagkakit sa 10th floor, ang iligal na operasyon ng Pogo rito
02:19Walong mahabang lamesa na may mahigit sandang computers ang nakita ng otoridad
02:24Naka-display sa bawat computer ang link ng umano'y iligal na online sugal
02:28Mayroon ding nakita ang mga cellphone sa bawat computer table
02:31Ayon pa sa CIDG, tila may nagaganap pang love scams
02:35During the service ng warrant of arrest, nakita natin na talagang may Pogo hub doon
02:42Na maraming computers, maraming mga love scams doon sa monitor makikita
02:48At saka mga gambling, iligal gambling online
02:53Ayon sa CIDG, nagpapanggap umano bilang IT solution company ang Pogo hub
02:58Yung pangalan nila, yung company name nila is hindi siya registered sa PagCore upon checking
03:05Labing pitong dayuhan at siyam naputlimang Pilipino ang naabutan ng otoridad na nagtatrabaho sa umano'y Pogo hub
03:10Continuous pa rin yung documentation namin sa kanila
03:13At kung talagang may violation, may working permit din yung mga foreigners natin
03:18Then dito lang, ay kung wala, additional case to be filed against them
03:23Yung mga pinag-isa?
03:25Ayon, there will be a charge ng employee ng Pogo
03:28So violation din po yun
03:31At kung bakit naman nasa Pogo hub din ang naturang Chinese na target ng operasyon
03:35Usually, nagiging interpreter siya ng mga Pogo hub
03:40Wala bang pahayagan na arrestong suspect at maging ang mga pamunuan ng establishmento kung saan sila nahuli
03:46Ngi Kuahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News
03:50Ito ang GMA Regional TV News
03:56Balita sa Visayas at Mindanao atid ng GMA Regional TV
04:01Patay sa pananaksak ng sariling asawa
04:03Ang isang bunti sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
04:07Sara, bakit daw nagawa yan ng mister?
04:11Rafi, inaalam pa ng pulis siya ang motibo ng 21 anos na asawa ng biktima
04:17Naresto siya sa cut-pursuit operasyon
04:20Wala siyang pahayag
04:21Ayon sa pulis siya, rumesponde sila sa bahay ng biktima
04:24Kasunod na isang sumbong tungkol sa pananaksak
04:27Naisugod pa sa ospital ang 17 anos na babae
04:31Pero dahil sa malubhang kondisyon
04:33Kinailangan siyang ilipat sa isa pang ospital kung saan siya idiniklarang dead on arrival
04:38Sa Bacolod City naman, arestado dahil sa umano'y pangingikil
04:43Ang isang lalaki na nagpapanggap daw na pulis
04:46Nahuhi ang 38 anos na sospek sa entrapment operasyon sa Bargay Singkang Airport
04:52Batay sa embisigasyon, nagkukulwari siyang pulis
04:55At tatargetin ang mga nasa drug watch list para makapangikil
04:59Sa isang biktima pa lang, nasa 700,000 pesos na raw ang natangay ng sospek
05:04Tumangging magpa-interview ang sospek na nahaharap sa reklamong usurpation of authority
05:09At 16 counts of robbery extortion
05:12Kilig overload ang netizen sa larawan na ipinost ni kapuso actress Carla Abeliana
05:23Sa picture, may kaholding hands kasi si Carla
05:28At ang napansin pa ng marami
05:30Ang suot niyang precious na sing-sing
05:33May Bible verse caption pa ang post na tungkol sa hope at future
05:37Wala nang ibang detalye na ibinigay si Carla
05:40Overwhelming love at congratulatory message naman
05:45Ang natanggap niya mula sa mga kaibigan
05:48Matatandaan na nitong August
05:50Kinumpirma ni Carla na dating sila ng mystery guy sa kanyang mga post
05:55The International Criminal Court is now in session
06:01Rodrigo Roa Duterte
06:04Ihilingin ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court
06:15Na mabisita siya ng kanyang pamilya sa Pasko
06:18On the actual Christmas Day itself, Boxing Day, these are official court holidays
06:27So no visits unfortunately are allowed at all
06:29However, we are going to try and change that
06:34We will do our best to make sure that that happens
06:37But unfortunately, I can't be too optimistic
06:39But we do our best
06:40Sabi ng legal counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman
06:44Hiling ng dating Pangulo na makasama ang kanyang pamilya sa darating na Pasko
06:49Pero ipinagbabawal ng ICC ang mga bisita tuwing December 25 at 26
06:54Na official court holiday
06:56Ang pwede lang daw bumisita sa Petsangyon ay mga spiritual guide
07:00Sa ngayon, hinihintay pa ng kampo ni Duterte
07:03Ang resulta ng kanyang medical test
07:05Na inaasakang lalabas sa December 5
07:08Para malaman kung siya ay fit to stand trial
07:11Itutuloy na ng Senado mamayang hapon ang deliberasyon
07:18Sa 2026 budget matapos masuspindi ang sasyon
07:21Dahil sa sunog sa Senate Building noong November 30
07:24Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Wynn Gatchalian
07:27Papaspasan na nilang deliberasyon sa budget
07:29Para maiwasan ng re-enacted budget
07:31Kung walang problema
07:32Sisimula ng bicameral conference sa December 11
07:35At mapipirmahan ng bicam report sa December 16
07:38O bago mag-Christmas break
07:40Ila-livestream ang bicam meeting ngayong taon
07:43Para maiwasan ang mga kontrobersya sa 2025 budget
07:47Sa December 29 naman
07:50Target papirmahan kay Pangulong Bogbong Marcos
07:52Ang 2026 General Appropriations Bill
07:55Tuloy-tuloy ang pag-akyat ng bilang na mga nasasawi
08:05Sa malawakang pagbaha sa ilang bansa sa Timog Silangang Asya
08:09Halos umabot na yan sa walong daan
08:12Mahigit anim na raan sa mga yan na itala sa Indonesia
08:15Hinangangambahan pang tataas ang bilang na yan
08:19Dahil aabot pa sa halos limang daan ang hinahanap pa
08:23Binibilisan na rao ang clearing operations
08:25Pagsasayos sa mga nasilang daan at tulay
08:28At pagbabalik ng komunikasyon at supply ng kuryente
08:31Mahigit tatlong daan naman ang nasawi sa mga pagbaha sa Sri Lanka
08:36At mahigit tatlong daang iba pa ang nawawala
08:39Gaya sa Indonesia, Thailand at Malaysia
08:41Hinagupit din ang bagyo ang Sri Lanka
08:44Ito na ang mabibilis na balita sa bansa
08:49Aabot sa 250,000 pesos na halaga ng sumagod mo ng vape devices at products
08:56Ang nakumpis ka sa Maynila
08:58Mula yan sa dalawang tindahan na sinalakay ng NBI
09:01Sinisikap ang kunin ang pahayag ng dalawang naarestong empleyado
09:04Gayun din ang mga may-ari ng dalawang tindahan
09:07Na nahaharap sa patong-patong na reklamo
09:10Arestado sa Valenzuela ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa Ligaspi Albay
09:17Nahuli ang lalaki matapos ang labing-anim na taong pagtatago
09:21Batay sa embistigasyon, noong 14 anyos ang suspect
09:24Hinalay umano niya ang 9 anyos na babaeng pamangkin
09:28Bukod dyan, isang lalaking pamangkin ang pinagsamantalahan din umano niya
09:32Nakausap ng GMA Integrated News ang suspect
09:35Na humingi ng tawad sa insidente
09:37Hindi na ron niya maalala
09:39Binusisi sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
09:50Ang ilang proyekto ng DPWH sa 4th District of Laguna
09:54May ulot on the spot si Joseph Morong
09:57Joseph?
09:59Yes, conysa
10:00Pinakaunaw na ang pagkakataon ay binuksan na sa publiko sa pamamagitan ng live stream
10:05Ang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
10:09Na nag-iumistiga sa mga anomalya mga off-go sa mga flood control projects
10:13Sa social media page ng ICI nila ni live stream ang pagdinig na pinangunahan ngayong araw
10:19Ni na ICI Chairman Joseph Andres Reyes Jr., Commissioner Rogelio Singson
10:23As Special Advisor, General Rodolfo Azurin Jr.
10:27Unang sumalang si Laguna 4th District Representative Benjamin Benji Agaraw Jr.
10:33At sumentro ang pagtatanong ng komisyon kung magkano ang natanggap na proyekto sa distrito ni Agaraw
10:38Na ayon kay Singson ay may nagkakahalaga ng 700 million pesos
10:42Pati sa pagtatanong ni ICI Chairman Joseph Reyes
10:46Ay meron din daw na 1.2 billion pesos na halaga ng mga proyekto sa kanyang distrito
10:51Pero kay Agaraw ay mga proyekto raw ito ng DPWH
10:56Na hindi na nila pinakikialaman
10:59Bagay na hindi tila nagustuhan ni Joseph Reyes
11:02Dahil bakit daw hindi ito pinakikialaman ng kongwisista
11:05Gayun sa lugar nila ito ipinatutupad
11:08Tinanong din si Agaraw kung kakilala niya
11:10Ang mag-asawang diskaya na umuninagbigay ng 9 million pesos na advance sa kanya
11:15Pati na yung pagre-regalo na umanok kay Agaraw ng isang exotic na bulldog
11:20Itinagin ni Agaraw ang lahat lang ito
11:23Narito ang pahayag ni Congressman Agaraw
11:26Nagpaposalamat sa ICI at biligan ako ng pagkakataon
11:32Na may taliwanan na mga lokasyon sa mga paratang ng mag-asawang diskaya
11:41Yung po ay hindi totoo, wala po akong kinalaman sa mga paratang diskaya
11:47Sir, pag yun pong sinabi na pag bumababa ang pera sa inyo, hindi nyo pinapakailaman?
11:51Pati hindi nyo pinapakailaman?
11:52Eh, wala naman po kasing bumababa
11:54Connie, sa mga oras na ito ay sumasalang naman yung mga opisyal ng Land Bank of the Philippines
12:01At tinatanong sila ng komisyon yung proseso ng pagbabayad sa mga kontraktor
12:06Mula sa budget na binibigay ng DBS sa DPWH
12:09Sa mga susunod na araw, Connie, nakasalang
12:12At ang iba pang mga publicista, katulad na lamang nitong si House Majority Leader
12:17At Presidential Sun Congressman Sandro Marcos
12:19At pati na itong si Davao City First District Representative
12:22Paulo Apulong Duterte, Connie?
12:27Maraming salamat, Joseph Morong
Be the first to comment
Add your comment

Recommended