Skip to playerSkip to main content
Ibinunyag ni Sen. Ping Lacson na may mga gusto umanong magpabagsak ng gobyerno. Dagdag pa ng senador, inalok pa siyang maging bahagi ng itatatag na civilian-military junta o ‘yung gobyernong mga sibilyan at military ang magpapatakbo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibinunyag ni Sen. Ping Laxon na may mga gusto umanong magpabagsak ng gobyerno.
00:06Dagdag pa ng Senador, inalok pa siyang maging bahagi ng itatatag na civilian military junta
00:12o yung gobyernong mga sibilyan at militar ang magpapatakbo.
00:16Nakatutok si Jonathan Andal.
00:20Saktong isang linggo bago ang malawakang kilos protesta sa November 30,
00:25kinumpirma ni Sen. Ping Laxon na may mga nagbabalakpabagsakin ng gobyerno
00:29sa pamamagitan ng civilian military junta.
00:33Inalok pa nga raw siya na sumali rito.
00:35Sa akin nga may naguudyok at gusto civil military junta.
00:39May mga nag-message sa akin, mga retired military, hindi ko na magbabanggit ng pangalan.
00:45Dinededma ko nga eh.
00:48Kasi meron pa nga offer na maging part ako ng junta eh, ng council eh.
00:54Kaya nga dinededma ko eh.
00:55Ang civil military junta ay isang pamahalaang pinapatakbo ng pinagsamang grupo ng mga sibilyan at opisyal ng militar
01:02matapos mapatalsik o mapalitan ng namamahalang administrasyon.
01:06Pero sabi ni Laxon, wala namang kumukontak sa kanyang aktibong sundalo at pulis na gustong sumali sa junta.
01:12Yung ibang groups kasi nag-couple sila, total reset. Parang wala ang presidente, wala ang vice president.
01:19Tapos mas kailangan kong suksesyon, hindi po pwede. So civil military junta.
01:24Sabi ni Laxon, natanggap niya ang alok na maging bahagi ng junta bago ang rally ng INCO, Iglesia Ni Cristo, noong nakaraang weekend.
01:31At mas umugong nang lumutang ang video ni Zaldico.
01:34Kaya tingin niya, may nagkukumpas sa mga nangyayari.
01:37Mukhang orchestrated lahat yung series of events leading up to the INC rally.
01:43Mukhang coordinated, orchestrated, and calibrated. Parang minamaksimized, para talaga magalit yung mga nangyayari.
01:51Pero sino kaya ang mga nagkukumpas sa mga ito?
01:53Yung mga groups na interested, mga partisan, mayroon talagang obvious na moves na i-overture yung mga nangyayari.
02:00Mga kurakot, dapat manalo!
02:03Sabi ni Laxon, bagamat dapat magpatuloy ang galit ng publiko sa katiwalian sa likod ng maanumalyang flood control projects,
02:11hindi ito dapat humantong sa paglabag sa konstitusyon.
02:14Sabi naman ni Senat President Tito Soto, hindi niya itong susuportahan dahil hindi makabubuti ang civil-military junta.
02:20It will be very difficult. Anything unconstitutional as far as running the government is concerned, we will turn it into a banana republic.
02:29Paglilinaw naman ang Koalisyong Trillion Peso March na magrarally sa linggo,
02:33hindi kasali sa kanila magiging panawagan ang pabagsakin ang pamahalaan o mag-resign ang mga nasa pwesto.
02:39Binasa ko rin sa aking opening statement, sa unity statement, lalong-lalo na,
02:47na hindi tayo sumusuporta sa pwersa na magtatatag ng military junta o revolutionary government
02:58o ano paman na papalitan yung ating government ngayon.
03:03In other words, we adhere to the call of the Constitution, democratic process ang ating sundin.
03:14Kung mag-resign man sila, dapat daw na ayon pa rin sa konstitusyon ang susunod na mangyayari.
03:20Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended