00:00In-alerto ng Philippine Space Agency ang ating mga kababayang nakatira sa Dalupiri Island at Santa Ana sa Cagayan,
00:09gayon din sa Camigin Norte.
00:11Ito'y kaugnay sa posibleng debris na nahulog mula sa Long March 7A rocket na inulunsad ng China mula sa Hainan.
00:19Bagamat hindi nakikita ang mga debris sa kalupaan,
00:23banta pa rin ito sa mga aeroplano, barko, mga bangka at iba pang vessels na dumaraan sa mga drop zone.
00:29Maari din umanong matangay ng alo ng naturang mga debris patungo sa mga dalampasigan.
00:35Nagpaalala naman ang filsa sa ating mga kababayan na agad iulat sa mga lokal na otoridad
00:40ang mga makikitang debris at huwag itong hahawakan dahil sa posibleng nilalaman itong toxic substances tulad ng rocket fuel.