Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa dagatman o sa mga lugar na malamigang panahon, sinulit ng mga turista ang bakasyon sa unang araw ng taon.
00:08Ang ilang pasyalan gaya sa Tagaytay, punuan.
00:11Saksi si Maris Umali.
00:16Dahil malapit-lapit sa Metro Manila, paboritong pasyalan ng mga pamilya at magkakabarkada ang Tagaytay.
00:23Kaya pagtungtong ng Tagaytay-Calambar Road.
00:25Matinding traffic na ang sasalubong sa mga motorista at mga namamasyal.
00:29Halos lahat papunta sa mga sikat na pasyalan dito.
00:32Sa isang bahagi ng Tagaytay-Calambar Road, may kinukumpuni pa sa kalsada.
00:37Kaya nakadagdag pa sa pagbigat ng traffic, lalo't isang lane na lang ang nagagamit.
00:42Dito sa Picnic Grove, pinili ng maraming mamasyal para makapag-horseback riding.
00:47Zipline. Picture-taking sa magatang view ng Taal Volcano.
00:51May mga nagpalipad na saranggola gaya ng mga Indianational na ito na dito rin pinili magliwang ng New Year.
00:57It's my culture in India. This is named Basant Panchami in Mar.
01:03That's why I'm here in the Philippines.
01:05Because Tagaytay is a very good place, very good nature, very good place here.
01:12That's why my wife is first time here in Tagaytay.
01:15May mga hindi na makapuesto sa magandang view ng Taal dahil punuan na raw.
01:20Para-paraan para makapag-picnic.
01:22Ang pamilya nito na galing parao sa Camarines Norte ang iba.
01:25Sa parking area naglatag ng picnic mat at nagsalo-salo.
01:29Gutom na po kami. Gutom na po kami.
01:33Sobrang layo ng biyahe. Hindi na po kinayo sa taas.
01:36Every year po talaga nagbabakasyon po kami kahit sa ampung lugar.
01:39May nagbukas ng trunk ng sasakyan at saka naglatag ng mesa para pagsaluhan ang mga natirang handa sa medyanoche.
01:46Pagpasok na dito, medyo punuan na yung parking.
01:52Inexpect na po namin dahil New Year.
01:55Pag New Year kasi bihirang.
01:58Actually pag may mga okasyon, masaya talaga na.
02:01Kompleto ang pamilya.
02:04Tapos yung build ng memories.
02:07Labis naman daw ang saya ng pamilyang ito na napagsama-sama ang magkakapatid at iyahe yung mga senior citizen na.
02:13Hindi iwasan po namin ang mga usok sa Maynila.
02:17Init at gusto namin magsaya dito dahil sa malamig.
02:21Si Lola po mahilig mamasyal.
02:23Kahit 95 years old na siya, ito naman, bulag siya.
02:29Ay masaya din siya kahit bulag basta nakakalinig.
02:31Si Lolo, kapatid ko rin siya.
02:34Ngayon sabi niya, kung saan kayo masaya, yun din na po.
02:39Pati mga fur babies kasama naman sa pangamasyal ng iba.
02:42Nakaluwag-luwag ng schedule sa trabaho kaya mas na napili namin dito para relax, makasagap ng sariwang hangin.
02:51Mahalaga po ma'am.
02:52Kasi gawawa din naman pag may iiwan siya, umiiyas.
02:59Tagaytay outfit niya, binili talaga namin pang tagaytay.
03:02Maganda na yung view tapos malapit lang, masarap yung hangin.
03:06Tapos pwede yung dog.
03:08Pwede namin siya isama.
03:09Mahalaga po kasi nagwa-worry din po pag wala siyang kasama sa bahay.
03:14Partner ng family yan eh.
03:15Sa Baguio City, maraming turista ang sinulit ang lamig ng lungsod.
03:19Kaninang umaga, 15.6 degrees Celsius ang temperatura sa City of Pines.
03:24Si Brie Abadiano na taga-Palawan, dumayo pa sa Baguio para roon mag New Year.
03:29Ano kasi sa amin eh mainit, so hindi ko laging nararanasan na ganito yung weather.
03:35So kahit malamig, sinusulit namin sa pamamasyal dito.
03:39Ayun, fur baby.
03:40Piling ko nag-enjoy naman siya.
03:42Anong name yan?
03:43Nag-sigising niya lang, snow.
03:44Pang-ginawan.
03:46Well, siyempre, sinusulit yung lamig kasi siyempre alam naman natin,
03:48pagbalik sa Metro Manila, iba na yung temperatura.
03:51So most likely, enjoy natin yung lamig ngayon dito sa Baguio habang nandito pa tayo.
03:56Maagang nagsigising ang mga turista para pumasyal sa ilang tourist attraction tulad ng Children's Park.
04:02Marami rin ang in-enjoy ang mga unang oras ng 2026
04:05sa beach parties at fire dance performances sa Boracay.
04:09Sa kabila naman ng makulimlim na panahon kinaumagahan,
04:12may mga turista pa rin nagtampisaw sa dagat at nag-island hopping.
04:17Kahit nga makulimlim tingnan mo yung dagat natin, maganda pa rin.
04:21Hindi rin kinalimutan ng iba ang pagkapasalamat sa Panginoon.
04:24Unang araw sa bagong taon ay si Lord yung unahin natin.
04:33Opo kasi the rest para siya ang mag-guide sa atin the whole year.
04:37Para sa GMA Integrated News, Marise Umali ang inyong saksi.
04:43Matapos ang kaliwat ka ng selebrasyon,
04:45nabalot ng smog ang ilang bahagi ng Metro Manila.
04:48San damakmak na basura rin ang iniwan ng mga selebrasyon.
04:52Saksi si Darlene Kai.
04:53Kung nagliwanag at naging makulay ang langit sa pagsalubong ng bagong taon,
05:03ganito na kinaumagahan.
05:05Balot ng smog o pinaghalong usok at hamog ang iba't ibang lugar sa Metro Manila.
05:09Sa Quezon City, halos matak pa na ng smog ang ilang gusali.
05:13Malabo ang paligid.
05:15Tulad sa kuha ng isang motorisa sa Commonwealth Avenue,
05:17kaninang alas 9 ng umaga.
05:20Batay sa monitoring ng Environmental Management Bureau ng DNR
05:23sa Kalidad ng Hangin sa Metro Manila,
05:25as of 4pm, umabot sa emergency level
05:28ang air quality sa North Caloocan at Makati.
05:31Acutely unhealthy naman sa tagig.
05:34Batay yan sa PM 2.5 o Particulate Matter 2.5.
05:38Ito yung mas pinong piraso ng dumi o pulyutan sa hangin.
05:41Batay sa guidelines ng DNR,
05:43kapag umabot na sa emergency level ang PM 2.5,
05:46dapat manatili ang mga tao sa loob ng bahay
05:49at dapat gamitin lang ang mga sasakyan kapag may emergency.
05:52PM 10 naman, yung coarse dust.
05:55Unhealthy for sensitive groups ang PM 10 level sa Marikina.
05:58Halos pareho ang dato sa nakuha ng Swiss research firm na IQ Air.
06:02Umabot sa mapanganib na level ang hangin sa ilang lugar sa Metro Manila,
06:07tulad sa tagig kaninang alas 7 ng umaga.
06:10Very unhealthy o lubhang nakasasama sa kalusugan ang hangin kanina sa Pasay City.
06:14Bukod sa Metro Manila,
06:16naobserbahan din ang pag-asa sa kanilang field stations
06:18ang smog sa Central Luzon.
06:20Pero posible raw yung mawala bago matapos ang araw,
06:23lalo kung umambon o umulan.
06:26So maraming po tayong emision po ng mga Particulate Matters
06:28na galing po sa mga paputok.
06:30And also yung mga paputok,
06:32ito po yung nagkukos bakit medyo nagkakaroon po ng reduction sa visibility
06:37sa ilang bahagi po ng ating bansa.
06:39Maaari po sila maka-experience ng mga light rains
06:41na possible po na mag-wash out
06:43doon sa mga areas po na medyo mataas yung concentration ng air pollutants.
06:47Paalala ng Department of Health,
06:49seryosong banta sa kalusugan
06:51ng maaaring idulot ng paglanghap ng particles sa hangin o alikabok.
06:55Pag ito kasi pumasok sa ating baga,
06:58pwedeng pumunta yan doon sa kalalim-laliman
07:01noong ating baga at manatili doon.
07:03At pag nangyari doon,
07:04nagkakaroon ng irritation.
07:06May mga pag-aaral pa nga na nagsasabi
07:08na maaaring tumawid ito papunta sa ating dugo.
07:12And later on, magkaroon ng problema sa ating circulatory system.
07:16Kung nasa loob ng bahay,
07:18isara muna ang mga bintana at pinto.
07:20Mainam din daw maglagay ng basang tela sa mga siwang.
07:23Kung lalabas, maiging magsuot ng face mask.
07:26Ideally, gumamit tayo ng N95 mask.
07:29Kung wala naman,
07:30kahit pong anong medical mask
07:31o mga tela na basa,
07:33pwedeng itakip natin.
07:34Isa pang banta sa kalusugan
07:36ang sandamakmak na basura na mula sa mga paputok.
07:40Tulad sa kanto ng Central at Visayas Avenue sa Quezon City
07:43na pinagtulungan ng mga tagahakot sa dami.
07:47Sa Summer Street,
07:48maraming nagkalat na pabalat at papel ng paputok.
07:50Sa bahagi ng Maynila,
07:52madaling araw pa nagsimulang maglinis
07:54ang mga street sweeper.
07:55Pati mga residente at tauhan ng barangay,
07:57tumulong din sa paglilinis.
07:59May mga nahakot din na basura sa tondo.
08:02Bayanihan din ang diskarte sa Samson Road sa Kaluokan
08:04para mas madaling makolekta ang mga basura.
08:07Para sa GMA Integrated News,
08:09Darlene Kaye ang inyong saksi.
08:11Nasawi ang Vice Mayor ng Duenas Iloilo matapos ang aksidenteng mabaril ang sarili sa loob ng kanyang bahay.
08:20Saksi si John Sala ng GMA Regional TV.
08:23Habang nag-aayos ng gamit si Duenas Iloilo Vice Mayor Aimee Paz Lamasan Martes ng umaga sa kanyang bahay sa lapas.
08:36Itatago sana niya ang isang 9mm pistol.
08:39Pero bigla raw itong pumotok at tinamaan ang kanyang tiyan.
08:42Ay sugod pa siya sa ospital.
08:43Sabi ng kanyang pamilya noong Martes,
08:45maayos na ang kanyang kondisyon at nagpapagaling sa ospital.
08:49Pero kahapon ang hapon, ilang oras bago ang pagpapalit ng taon,
08:53nasawi si Lamasan.
08:55Humihiling ang pamilya ni Lamasan ng privacy.
08:58Panjan nga tinawag sa amon,
09:00na nag-ahibig sa telepono,
09:02ngawaay na si Vice Mayor ay wikin kasakit sa pamilya naman.
09:08Sa embisigasyon ng polis siya,
09:19ang live-in partner ng BC Alcalde na siya ring nagbigay ng statement sa polisya
09:23ang nag-iisa nitong kasama ng naganapang insidente.
09:27Na isiang isa ilalim ng polisya sa parafin test.
09:29Na-request ko ni Vice Subong na pag-anat na siya na request sa parafin test.
09:36Hindi raw isinasan tabi ng polisya ang posibilidad na may iba pang anggolo
09:43bukod sa accidental firing niya.
09:45Part of now,
09:46ang accidental firing ang isa sa mga naku na ginatutukan sa bahayin sa kapulisan.
09:52But as we are saying,
09:55na sige pa man i-follow up naton.
09:57So in case nga may mga ebidensya nga mag-surface,
10:01otherwise nga mag-consider kita sa ibang anggolo,
10:05sige pa man ikay pagayon pa rin pag-investigar na ito.
10:08Hinihintay pa ng lapas PNP ang resulta ng ballistic examination sa 9mm pistol.
10:14Hinihintay rin ang kumpirmasyon ng Regional Civil Security Unit kung ang BC Alcalde
10:18ang nagmamayari ng barila.
10:20Si Duenas Mayor Robert Martin Pama nag-abot ng pakikiramay sa pamilya Lamasan
10:25sa pagkamatay ng BC Alcalde na itinuturing ani ang kapatid.
10:29Sinusubukan naming kuna ng pahayagang living partner ng Vice Mayor
10:33na nagtatrabaho sa LTO Central Office at dating OCD Regional Director sa Eastern Visayas.
10:39Para sa GMA Integrated News, ako si John Sala ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
10:47Sa pagpasok ng bagong taon, may mga bagong programa rin dapat abangan mula sa Kapuso Network.
10:53Narito ang showbiz saksi ni Nelson Canlas.
11:00Hit takes action at misteryo ang GMA Prime this 2026.
11:05Kung lalang nagkasakit ang nanin, naiba ka.
11:07Pangungunahan nito ni Ding Dong Dantes sa action series na The Master Cutter.
11:12Kasama si na Paulo Contes, Max Collins, Joe Berry, Shufi Etrata, Charlie Fleming at ang child star na si Shiena Stevens.
11:23Magtatambal naman sa kauna-unahang pagkakataon si na Jillian Ward at David Licaco sa Never Say Die.
11:29Kung saan makakasama naman nila si na Kim Ji Su, Rahel Birria, Angelou De Leon at Raymart Santiago.
11:36We've reached an agreement. We'll be having a get-together at Hotel 88.
11:42Mystery and intrigue naman ang hatid ng The Secrets of Hotel 88.
11:46Tampok ang mga bituin ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si na Mika Salamanca, Brent Panalo, AC Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, Clarice De Guzman, Esnir, Cyril Manabat, Josh Ford, Kira Ballinger, Dustin Liu, Bianca De Vera at Will Ashley.
12:06You're welcome to Hotel 88.
12:11Kasama rin sa GMA Prime lineup ang Code Grey na pangungunahan ni Asia's multimedia star Alden Richards, hari ng tundo with primetime action hero Rur Madrid, ang Firewall CODE at Whispers from Heaven.
12:26Tuloy-tuloy pa rin ang matitining eksena sa Encantadia Chronicle Sangre.
12:30Sa GMA Afternoon Prime naman, mas intens ang mga drama ngayong 2026 tulad din na Beauty Gonzalez at Chris Bernal sa House of Lies.
12:42Ikaw yung gusto kong makasama sa mga alo na ganito.
12:45Kasama si na Martin Del Rosario at Mike Tan.
12:48Salamat po sa inyong lahat. Abot ako hanggang dulo.
12:51Music and rivalry ang tema ng Born to Shine na pagbibidahan ni na Zephanie, Olive May at Michael Sager.
12:58Ay, ano pang gawin niya sa akin ka lang?
13:00Psychological thriller naman ang A Boy sa Dugu, starring El Villanueva, Terek Monasterio at Ashley Ortega.
13:07Isasara ang afternoon rhyme ng A Mother's Tale.
13:12Sa entertainment at comedy, mas mapapalapit sa tao ang tawanan sa Dabubay and Tekla show on the go.
13:19Tampok din ang The People Have Spoken at magbabalik ang The Boys Kids at Stars on the Flower.
13:25Abagana ng ating world-class kabuso films.
13:29Sa pelikula, mas pinatatag pa ng GMA Network ang Filipino storytellers.
13:34Tatay ko si Reynaldo Momay, ang 58th victim of the Maguindanao Massacre.
13:40Pangungunahan ng 58, ang mga orihinal na hando.
13:44Isang animated documentary film na idinirek ni Carl Joseph Papa.
13:48Kasunod ang Ella Arcangel, na animated film adaptation naman mula sa comics ni Julius Villanueva at idinirek ni Mervyn Malonzo.
13:57Darating din ang horror film na huwag kang titingin.
14:00Na pangungunahan ni na Sofia Pablo, Alen Ansay at Marco Masa.
14:05Para sa GMA Integrated News, Nelson Canlas ang inyong saksi.
14:10Mga kapuso, maging una sa saksi.
14:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
14:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News.
14:22Mag-subscribe sa GMA Director.
14:23Mag-s Door sprinkle lingering length unlike sa GMA.
Be the first to comment