00:00Nang dahil sa umano'y onsehan sa iligal na droga, patay sa pamamaril ang isang lalaki sa Taguig.
00:07Arestado ang suspect na nahulihan paraw ng shabu. Nakatutok si Bea Pinla.
00:15Tila normal lang na naglalakad ang lalaking ito sa barangay Sembo, Taguig City.
00:21Nang makarating sa madilim na bahagi ng isang eskenita,
00:24bumunot siya ng baril at agad pinagbabaril ang 37-anyos na lalaking nakatambay lang sa motor habang nagsiselfon.
00:33Hindi nagaanong nahagip sa CCTV ang pamamaril, pero kitang bumulag ta ang biktima.
00:39Ang suspect naman, sumabay sa pagtakbo ng ibang residenteng nagpulasan sa takot.
00:46Pero maya-maya, bumalik pa siya para pagbabarilin ulit ang biktima bago tuluyang tumakas.
00:54Paling nakuha po kasi limang basyo. Pero ang rami pong tama eh. Puro katawan po ang tama eh.
01:00Sa likuran.
01:01Sa likod, sa ano.
01:02Ang 41-anyos na suspect sa pamamaril, naaresto ng pulisya sa barangay Pitugo kahapon.
01:09Nakumpis ka rin umano sa kanyang tatlong sachet ng shabu na may halagang mahigit 8,000 piso.
01:16Ayon sa pulisya, onsehan sa droga ang isa sa mga tinitignang motibo.
01:20Itinanggi ng suspect ang krimen.
01:22Wala po, wala po ako ng pangyayaring yun. Hindi ko po alam kung bakit ako yung tinuturo nila at kung ano yung daylan.
01:31Senlinggo pa lang po kami magkakilala.
01:33Sa imbistigasyon ng pulisya, may isa paumanong kasabwat ang suspect na patuloy pa nilang tinutugis.
01:41Reklamong murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng suspect na nasa kustudiyan na ng Taguig City Police.
01:50Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
Comments