00:00Mga illegal na nakaparada at nagpapavulcanize sa bangketa
00:04ang inabutan ng MMDA sa muling pagsuyod sa ilang kalsada sa Metro Manila.
00:10Pati ang fire hydrant na malaking tulong, lalo kapag may emergency,
00:14e naharangan. Nakatutok si Oscar Oida.
00:19Pagdaan namin kanina ng Chino Roses Extension sa boundary ng Taguig at Makati,
00:24kaabilaan na naman ang paradahan ng mga pampaserong jeep sa gilid ng kalsada.
00:30Pati mga bangketa, yung iba, tambakan na ng mga gamit.
00:35Ang fire hydrant na ito, naharangan ng bakal.
00:40Muling nag-operate ang MMDA Special Operations Group doon kanina
00:43at marami na naman ang natikitan.
00:47Tulad ng motoristang ito na nagpapavulcanay sa gilid ng kalsada.
00:52Sir, kasi in-notice na ako e. Kailangan mong palit ng gulong.
00:55Ano e?
00:58Paano yan? Natikitan pa rin?
00:59Wala na. Wala na akong magagawa.
01:01Wala naman po may gusto na magkaroon po ng aberya sa kalsada.
01:03But then again, nasa tapat lang po ang gas station.
01:06So it's a matter of choice po yan e.
01:08Hindi naman po always na wala po tayong choice.
01:12Maraming beses nang nag-operate ang MMDA roon.
01:16Pero hanggat hindi raw natitigil ang paglabag,
01:18hindi rin daw sila magsasawang manghuli.
01:21Ilang dekada, ilang taon na natin nakasanayan nito e.
01:24It will take time to grow on them.
01:26So I don't think it's frustrating.
01:29Pero ang kailangan natin isipin na lang po dito no,
01:31kung ano po yung pwede natin gawin ngayon
01:33para magkaroon po ng pagbabago sa ating mga lansangan.
01:37Pinasadahan din ng MMDA kanina ang Padre Faura
01:40at masangkay sa lungsod ng Maynila.
01:43Nahuli rito ang mga sakyang alanganin ang parada.
01:46Sa masangkay, may pa-parking ordinance
01:49o pwedeng magparada ng may bayad.
01:52Pero...
01:53Hindi lang po basta may ordinansa e.
01:56Okay na po, pwede natin iparada
01:57o iwan na sa sakyan natin kahit sa pedestrian crossing,
02:00sa kanto po ng kalsada.
02:02Or worse no, meron na nga pong parking slot.
02:04Ang gagawin po natin, ipaparada natin
02:06yung kalahati ng kotse sa kalsada,
02:07yung kalahati na sa banketa.
02:09Sabi ni Go, dumating sana ang panahon
02:11na susunod na ang lahat.
02:13Hindi lang dahil sa takot mahuli.
02:16I hope no, na hindi lang po ito
02:18yung just the sense of natitikitang kayo.
02:20Pero ito ay sana isipin nyo rin
02:22para rin po sa kaayusan at safety
02:24ng bawat mga motorista
02:26at mga naglalakad po sa ating mga kalsada.
02:28Para sa GMA Integrated News,
02:30Oscar Oida Nakatutok, 24 Oras.
02:34.
Comments