Skip to playerSkip to main content
Nagkagirian ang pulisya at ang mga raliyistang sumugod sa tanggapan ng Ombudsman. Apela nila, huwag pagtakpan ang mga dapat managot sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkagirian naman ang polisya at ang mga rallyista na sumugod sa tanggapan ng Ombudsman.
00:06Apila nila, huwag pagtakpan ang mga dapat managot sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno.
00:13Nakatutok si Salima Refra.
00:22Kasabay ng pagpasok ng konvoy ni Ombudsman Jesus Christine de Buya,
00:25na sumugod ang iba't ibang grupo sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
00:32Nakagirian nila ang mga polis Quezon City nang subukan nilang pumasok.
00:37Kinalampag nila ang gate para panagutin ang mga nasa likod ng katiwalian sa flood control at infrastructure projects.
00:46Inikisan din nila ang mga larawan ni na Pangulong Bongbong Marcos,
00:49Vice President Sara Duterte, Ombudsman Remuya,
00:53at logo ng isang contractor na nasa likod o mano ng flood control projects sa Cebu.
00:59Sigaw nila, huwag mamili sa pananagutin at walang pagtakpan.
01:04At dapat ay isama si Marcos Jr. na i-imbestigaan dahil naniniwala kami na si Marcos Jr. ang pangunahing kurap dito.
01:13Siya ang pumirma ng napakalaking pondo para sa flood control project.
01:18Send help please.
01:20Kasunod ng mapaminsalang baha sa Visayas, dulod ng Bagyong Tino,
01:27hiling nilang imbestigahan ng Ombudsman ang mahigit apataraang flood control projects sa Cebu
01:32na nagkakahalaga ng halos 27 bilyong piso.
01:36Kailangan may managot dito sa Cebu flooding disaster.
01:39Sino ang mga opisyal na nag-approve ng permit para sa real estate, quarrying, reclamation, mining na responsable dito sa baha?
01:48Sino ang responsable sa mga substandard na flood control projects sa Cebu?
01:53Ayon sa Office of the Ombudsman, nakikiramay sila sa mga nasalanta ng Bagyong Tino.
01:58Inatasan nito ang isang special task force para imbestigahan ang mga proyektong dapat pumigil sa pinsala ng bagyo tulad ng baha.
02:06Sinusubukan pa naming hingin ang pahayag ng Pangulo.
02:10Para sa GMA Integrated News, Salima Refra, nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended