00:00Nagpaalala ang Pangulo laban sa mga abusadong polis sa gitna ng pagdiriwang ng 124th Police Service Anniversary sa Campo Crame.
00:08Hindi anya sapat ang pagbaba ng krimen at mga bagong gamit lalo kung may mga tiwali pa rin.
00:14Nakatutok si June, venerasyon.
00:19Sa loob ng command center ng PNP, ipinakita kay Pangulong Bongbong Marcos kung paano rumisponde sa 911 emergency call sa mga polis.
00:28Ipinapanood sa Pangulo ang live feed mula sa balikam ng mga rumisponding polis.
00:33Pero may mga pagkakataong nagkaproblema.
00:36Naku, Diyos me, itong problema natin sir.
00:39Mabilis ang polis, mabagal ang internet.
00:43The internet is hanging pag sa loob sa mga building.
00:47Sa kabila ng mga hamon, ipinagmalaki ni Torre na 94% ng tawag sa 911 na nangailangan ng polis assistance
00:54mula nang maging PNP chief siya, ay narespondihan sa loob lang ng limang minuto.
00:59Five minutes, just a relatively small window of time.
01:04But five minutes can mean the difference between safety and danger, even between life and death.
01:11Bagaman pinuri ng Pangulo ang emergency response,
01:14dapat hindi anya kalimutan na may ilang tiwaling maituturing na banta sa siguridad.
01:19Aahanin pa ang pinakamodernong kagamitan kung may ilang polis pa rin ang umaabuso sa kapangyarihan.
01:27Inuulit ko, walang lugar ang katiwalian sa ating kapulisan.
01:32Sa datos ng PNP, bumaba ng 7.75% ang crime incidents mula August 2024 hanggang June 2025 kumpara sa nakalipas na panahon.
01:43Pero sabi ni Pangulong Marcos, hindi sapat ang numero para maalis ang pangamba ng publiko.
01:48May you always be reminded that the true measure of your effectiveness is how safe and empowered our people feel under your watch
01:58and the trust that they place in the badge that you wear.
02:02Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon na Katutok, 24 Horas.
Comments