00:00Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbisita sa probinsya ng Bicol para alamin ang lagay ng mga naapektuhan ng bagyong uwan.
00:21Personal na pinuntahan ng Pangulo ang Kararayan Naga Elementary School na malubhang naapektuhan ng bagyo.
00:28Pinangunahan din niya ang Situation Briefing kung saan binigyan ng impormasyon ng mga local official ng Pangulo sa lagay ng kanilang nasasakupan.
00:36Tiniyak niya na nakahandang tumulong ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbangon ng mga nasalanta.
00:42Kinagabihan, dumalo ang Pangulo sa selebrasyon ng 150 anibersaryo ng HSBC.
00:48Kinilala niya ang papel ng institusyon sa pagsuporta sa national development lalo na sa trade financing, infrastructure support at enterprise growth.
00:58Merkules, pinangunahan ng Pangulo ang oath-taking ni Acting Department of Finance Secretary Frederick Goh.
01:04Gayun din ang panunumpan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto.
01:08Webes, nanguna ang Pangulo kasama si na First Lady Lisa Marcos at Presidential Son Vini Marcos
01:13sa pagbubukas ng bagong renovate na Phil Sports Complex sa Pasig City.
01:18Hakbang ito ng pamahalaan para mas itaas ang moral ng mga atletang Pilipino.
01:22Tiniyak din dito ng Pangulo na patuloy na sinusuportahan ang pamahalaan ng mga manlalarong Pinoy sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang pangangailangan.
01:31Kinilala naman ang Pangulo ang kabayanihan at katatagan ng mga overseas Filipino worker sa kanyang pangunguna sa bagong Bayani Awards 2025.
01:39Dito pinarangalan ang mga natatanging OFW na nagpakita ng katapatan, integridad, husay at malasakit sa kanilang mga profesyon at komunidad sa ibang bansa.
01:50Inilatag din ang Pangulo ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para suportahan at umagapay sa mga OFW.
01:56Kabilang naanya ang pagsisulong ng kanilang proteksyon at pagpapabilis ng mga serbisyo para sa kanila.
02:02Biyernes dumalo ang Pangulo sa 31st session ng Asia Pacific Regional Space Agency Forum sa Cebu.
02:10Dito kanyang binigyang diin na ang forum ay isang mahalagang plataporma para sa regional cooperation,
02:15pagbabahagi ng karanasan at pagpapalakas ng space capabilities.
02:19Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments