00:00Kabilang naman ang sapat na relief goods at mga gamit pang rescue sa mga inihahanda ng Ilocos Region bago pa tumama ang Bagyong Uwan.
00:08Yan ang ulat ni Jude Pitita ng Radyo Pilipinas.
00:13Bilang paghahanda sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Uwan sa Ilocos Region ngayong weekend,
00:19inihanda na ng Office of the Civil Defense ang mga relief resources
00:23maging ang koordinasyon sa mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng kalamidad.
00:28Sa isinagawang pre-disaster and risk assessment,
00:32handa na ang lahat ng mga gamit pang rescue at dumating na rin ang mga dagdag na tulong mula sa national government.
00:52Nasa mahigit 94,000 na relief goods ang nakapreposition ngayon.
00:57Sa iba't ibang warehouses ng Department of Social Welfare and Development dito sa Region Ilocos,
01:03ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
01:07na bago pa maghanap ang kalamidad,
01:09nakahanda ng maghatid ng tulong ang mga ahensya ng pamahalaan sa bawat Pilipinong maaapektuhan nito.
01:15Mula dito sa Lungsod ng Lawag para sa Integrated State Media,
01:19Jude Pititan ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.