00:00Nakabantay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sitwasyon ng mga lugar na matinding sinalantan ng bagyong tino.
00:06Nakaalerto na rin ang buong kwersa ng pamahalaan sa pagtugon at pagbangon ng mga apektadong komunidad.
00:12Si Kenneth Pashente sa report.
00:15Tutok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sitwasyon sa mga lugar na matinding na salantan ng bagyong tino.
00:22Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro,
00:25patuloy na binabantayan ng Pangulo ang lagay ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
00:30Kung saan libo-libo nating kababayan ang nangangailangan ng mabilis na tulong.
00:33Ikinalugod ng Pangulo ang agarang pagkakasa ng pre-emptive evacuation
00:37na nagtiyak ng kaligtasan ng mga residente sa mga apektadong lalawigan.
00:42Siniguro rin ang punong ehekutibo ang mabilis na pamamahagi ng mga family food pack
00:46ng Department of Social Welfare and Development para sa mga nasalanta.
00:49Ang DSWD ay nakapag-preposition na ng food packs at relief goods sa mga apektadong lugar na handa ng ipamahagi.
00:58Ang DOE at NEA ay tumutugo na sa mga ulat ng power outages
01:03habang ang DPWH at MMDA ay nagpapakilos ng mga clearing teams para linisin ang mga daan.
01:10Totungo rin ang ilang miyembro ng gabinete sa mga pinaka-apektadong probinsya
01:15upang personal na alamin ang kalagayan at tiyaking na ibabalik agad ang mga pangunahing servisyo.
01:22Hinimok din ang Pangulo ang mga residente na makiisa sa mga otoridad upang maiwasan ang anumang panganib
01:28kasabay ang pagtiyak na handa ang pamahalaan na rumisponde sa anumang pangangailangan.
01:33Tinitiyak ng pamahalaan ang patuloy na pagkilos upang mapabilis ang pagbangon ng ating mga kababayan.
01:40Batay sa datos ng Office of Civil Defense, mahigit 17,000 na pamilya o katumbas ng 60,000 na katao
01:46ang apektado ng pananalasan ng bagyong tino.
01:49Dahil sa agarang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation, umabot sa 129,700 na pamilya
01:56o mahigit na 387,000 na individual ang agad na nailikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
02:04Patungkol sa supply ng kuryente sa 57 electric cooperatives na nasa mga apektadong lugar,
02:098 ang walang power, 15 ang partially no power, habang 18 naman ang nananatiling operational.
02:15Patuloy namang isinasagawa ang restoration efforts upang agarang maibalik ang servisyo ng kuryente.
02:21Binibiripi ka pa ng otoridad ang mga naiyulat na nasa wisa pa na nalasan ng bagyo.
02:26Siniguro naman ang OCD na sapat ang Quick Response Fund ng pamahalaan sa harap ng magkakasunod na kalamidad.
02:32Nagpalabas na po ng kautosan ng ating mahal ng Pangulo na magdagdag na po, mag-replenish na dun sa ating QRF.
02:39So as of now, as we speak, hindi natin nakikitang kukulangin ito.
02:42At meron naman pong mga mekanismo if in case mas mabawasan pa ito.
02:46Patuloy din ang assessment ang Agriculture Department para alamin ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong tino sa sektor ng agrikultura.
02:54Kenneth, Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.