Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
PBBM, nais mas matutukan ang mga usapin ng bansa, ayon sa Palasyo; Malakanyang, tiwalang hindi magkakaroon ng ‘overlapping’ sa imbestigasyon ng ICI sa binuong Task Force ng DOJ | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinumpirman ng Malacanang na hindi makakadalo si Pablo Ferdinand R. Marcos Jr. sa 80th session ng United Nations General Assembly sa New York.
00:10Samantala, inanunsyo naman ng GBM na manggagaling sa Office of the Executive Secretary ang pondo ng Independent Commission for Infrastructure.
00:20Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita live.
00:23Angelique Mahigpit na pagtutok sa isyo ng bayan. Yan yung naging dahilan kung bakit hindi natutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Nations General Assembly sa New York.
00:39Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, naisbantayan ng Pangulo ang sitwasyon ng taong bayan lalo na ang isyo ng pagpapababa ng bilihin.
00:50Nais din daw tutukan ng Pangulo ang isyo sa maanumalyang flood control projects, lalo pat kabubuo pa lamang ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:59Nilinaw din ang palasyo na walang koneksyon sa isasagawang kilos protesta. Sa September 21 ang naging desisyon ng Pangulo.
01:06Hindi naman po nangangamba ang Pangulo dahil alam po niya na ang pagpaprotesta ng taong bayan ay tungkol sa paglaban sa korupsyon.
01:17At binanggitdan po niya kahapon na siya mismo ang nagsimula upang mapa-embistigahan itong mga maanumalyang flood control projects.
01:28So hindi po nangangamba ang Pangulo sa gabing protesta dahil alam po niya na ang magpaprotesta dito ay kakampi rin po niya, kakampi sa kanyang adhikain.
01:37Dahil sabi nga po niya kahapon, kung hindi siya presidente, malamang ay makakasama rin siya sa pagprotesta laban sa korupsyon.
01:44Binigyang diin naman ang palasyo na fact-finding committee ang ICI.
01:51Tugon yan sa paghahain ng panukalang batas sa Kamara para mapigyan ng contempt powers ang ICI.
01:57Titignan din daw muna ng Pangulo ang nilalaman ng panukala bago desisyonan.
02:03Hindi po kinakailangan talaga po na magkaroon ng power na mag-punish doon sa mga taong hindi dadalo.
02:12Pero kung iyon po ay ibibigay sa independent commission ng mga mambabatas, maganda po siyang sugestyon.
02:21At yan po ay welcome na welcome po sa Pangulo.
02:26Kaugnay naman sa binoong task force ng DOJ na mag-iimbestiga rin sa mga proyekto kontrabaha,
02:31tiwala ang palasyo na hindi ito mag-overlap sa ICI.
02:35Hindi naman po sila gagawa na maaaring mag-komontra o mag-overlap sa adhikain at misyon ng ICI.
02:46Malamang at maaaring nating masabi ang gagawin po ng task force na ito ay para mapabilis.
02:50Ang mga nauna nilang naimbestigahan.
02:53Kung meron na po sila mga naimbestigahan noon, maaaring na po sila agad mag-sampan ang kaso.
02:58At hindi naman po ito tututulan ng ICI.
02:59Sa isang ambush interview, sinabi naman ang Department of Budget and Management
03:05na huhugutin sa tanggapan ng Executive Secretary ang punto para sa ICI.
03:10Kinatayang aabot sa 21 milyong piso ang kinakailangan para sa personal services
03:16o mga kawaning kinakailangan sa operasyon ng komisyon.
03:21Pag hindi na kaya, they will request from us.
03:24So it's a charge natin ito sa contingent fund for the MOE and capital outlist for their operations.
03:31P.S., we are already working on their structure.
03:35May executive director and then yung tatlo and then syempre may tao sa baba.
03:40We will create the positions accordingly.
03:44Sa ngayon, wala pang naitatalagang executive director itong ICI.
03:48Pero sinabi ni Jose Castro na maaaring maianunsyo na yan bago matapos ang linggo.
03:54Angelique.
03:55Okay, maraming salamat sa iyo Kenneth Pashente.

Recommended