00:00Baya nakatakdang alamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Cebu
00:06sa matinding sinalanta ng Bagyong Tino.
00:10Una riyan, agad na pinakilos ng Pangulo
00:12ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mabilis
00:14na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
00:18Ang mga yan sa ulat ni Kenneth Pasyente.
00:22Walang patid ang pagtulong ng pamahalaan
00:25sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino
00:26kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30Ayon sa Palacio, agad na namahagi ang DOH
00:33ng mga hygiene kit, inuming tubig
00:35at mga gamot sa mga lubhang naapektuhan ng bagyo.
00:38Nakabantay din ang ahensya para tugunan
00:40ang pangangailangan medikal ng mga residente
00:43sa mga apektadong rehyon sa bansa.
00:46Nakamonitor din ang DOH
00:48sa panganid ng lahar mula sa bulkang Kanlaon
00:51at sa sunod-sunod na pagulan,
00:54dala ng Bagyong Tino.
00:55Tuloy-tuloy din ang pamahagi ng DSWD
00:57ng mga family food pack
00:59at ready-to-eat food items sa mga nasa lanta.
01:02Dagdag pa riyan ang tulong pinansyal
01:03sa mga naulilang pamilya ng biktima ng Bagyong Tino.
01:06Sa ulat ng DSWD,
01:09umabot sa 121,988 family food packs
01:13at 1,628 ready-to-eat food items
01:17ang kanilang naipamahagi sa mga apektadong residente
01:21sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas,
01:24Negros Island, Central Visayas,
01:27Eastern Visayas at Caraga.
01:29Hindi rin daw tinitignan ng Pangulo
01:30at ng gobyerno ang kulay politika
01:32sa ganitong panahon ng sakuna.
01:35Kahit naman po hindi kaalyado ng Pangulo
01:37kung ahit anong kulay po niya
01:38na Pangulo po ay handang tumulong
01:40kahit po kanino.
01:41Basta po kinakailangan ng tulong ng gobyerno
01:44kahit ano po ang kanilang
01:45saan sila, kaalyado,
01:48tutulong ang Pangulo.
01:49Kaugnay ng bahang naranasan sa Cebu,
01:51sinabi ng Malacanang na dapat mas silip
01:53ang mga flood control projects sa probinsya
01:55kung gumagana ba ang mga ito.
01:58Sa datos kasi na nakuhan ng palasyo
01:59mula sa DPWH,
02:01nasa 343 flood control projects
02:03ang nagawa noong 2016 hanggang 2022 sa Cebu.
02:06Kaya ang tanong,
02:07bakit binaha?
02:09Kung binuhusan naman ng pondo
02:10ang mga proyekto.
02:11Kung meron po siya pang mga alam,
02:14alam, may mga facts,
02:16may mga data rin po,
02:17si Governor para dito
02:20mas na makakatulong sa ating gobyerno
02:23para mapanagot,
02:25ang dapat mapanagot niyan po ay welcome.
02:27So dapat din po itong makita
02:29dahil kung meron po 343 flood control projects
02:32noon pa man,
02:33dapat po sana ay gumagana ito.
02:34So pagtulong-tulungan po natin mahanap
02:36ang dapat na mapanagot
02:38sa mga maanumalyang flood control projects.
02:41Ipinag-utos na rin ng Pangulo
02:42sa mga ahensya ng gobyerno
02:44na gawing simple
02:44at makabuluhan
02:46ang Christmas at year-end celebrations.
02:48Ito ay bilang pakikiisa
02:50ng administrasyon sa taong bayan
02:51na nakaranas ng maraming pagsubok
02:53dulot ng sunod-sunod na sakuna sa bansa
02:55mula sa lindol na yumanig
02:57sa Visayas at Mindanao
02:58at sa mga bagyong tumama
03:00sa ilang bahagi ng bansa.
03:01Paalala sa mga kawani ng gobyerno,
03:04mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko
03:06na may pag-aalala
03:07sa kapwa nating patuloy na bumabangon
03:10at nagsisimulang muli
03:11mula sa maraming kalamidad
03:13na tumama sa bansa.
03:15Bagaman wala pang tiyak na pecha,
03:17sinabi ng palasyo
03:18na nakatakda raw bumisita sa Cebu
03:19si Pangulong Marcos Jr.
03:21Kenneth Pasyente
03:23para sa Pambansang TV
03:25sa Bagong Pilipinas.