Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Aired (March 7, 2026): Paano nga ba ang trabaho ng isang lechero? Susubukan mismo ni Kuya Kim ang kakaibang gawaing ito! Magawa kaya niya ito nang maayos? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:01Sir, ayaw sa'kin!
00:03Ba't wala po'n lumalabas?
00:06Isang maling hila, isang maling galaw.
00:10Pwede kang masipa ng inahing kalabaw.
00:14Ganito pala kahirap ang trabaho ng isang lechero.
00:29Alam niyo ba na mga lechero o lechera kung babae ay yung mga tradisyonal na milkmen ng Pilipinas noong unang
00:35panahon?
00:36Ang salitang lechero ay hango sa salitang Espanyol na leche, nang ibig sabihin naman ay gatas o milk.
00:42Ang ginagawa nila, naglalako ng sariwang gatas ng kalabaw sa mga bahay-bahay.
00:46At sa araw na to, ako muna ang lechero ninyo.
00:52Let's go!
01:00Dito sa Valenzuela City, ang motto ng isang pamilya, Trust the Process.
01:06Maygit tatong dekada na sila nag-aalaga ng mga baka.
01:10At ginagawa nila kabuhayan ang gatas nito.
01:13Yung gising po ng mister ko, ano, 4 o'clock.
01:16Tapos po, magkakapilang siya pupunta na sa kalabaw.
01:19Kaya before 5 to 5.30, nakauwi na po siya, nakagatas na.
01:26Si tatay ompong po ulit, pero hindi po siya makapagsalita.
01:29Kaya meron tayong translator.
01:31Ang asawa niya na si Marivik.
01:32Marivik, meron ba yung special technique para makakuha po tayo ng gatas?
01:36Paano po?
01:38Yung daw kung pagbatak ng dede ng kalabaw.
01:41Pagbatak ng dede ng kalabaw, ano po dapat gawin?
01:44Mahinahon daw po.
01:45Mahinahon.
01:46Bago katasan ang inahing kalabaw,
01:48kailangan munang pasusuwiin ang anak nito para buhaba ang gatas.
01:55Hinugasan yung dede niya para walang bakterya, walang dumi.
01:59Kasi pag di natin hinugasan, kasasama yung dumi doon sa gatas.
02:02Pwede mapanis ang gatas.
02:04At pagkatapos hugasan, game na sa hilahan at pisilan.
02:17Parang wala ah.
02:24Matula po lumalabas.
02:31May kinala ba kayo ang trabaho ay pagiging lechero?
02:34Hindi po yung nagbebenta ng lechon.
02:36Yun ang tawag sa nagagatas o nagbebenta ng gatas.
02:39Kakayanin ko rin kayo maging lechero.
02:42Let's go!
02:43Sa araw na to,
02:46ako muna ang lechero ninyo.
02:57Parang wala ah.
03:04Bakit wala po lumalabas?
03:10Masipahin mo.
03:13Kaya nga po, ba't sa inyo meron? Sa akin wala.
03:26Sa akin wala.
03:28Sir, ayaw sa akin.
03:32Magic.
03:34Pagka siya, meron.
03:36Dapat ang squeezing motion pala nito.
03:38Mahila.
03:39Hindi dapat pinipis silang.
03:46Teka muna.
03:50Gano'n pala, no?
03:52Ganun pala, no?
03:56Nung wala pang glass bottles,
03:58kadalas ang nilalagay sa clay jars o banga
04:01ang fresh milk sa Asia, Middle East, Africa at Europe.
04:04Ang mga clay jars kasi ay may malilig tabutas
04:07na nakakatulong para dumamig ang damang gatas.
04:09Ang dami mong alam, Kuya Kim.
04:12Sila Tatay Ompong at Nanay Maribik.
04:14Sa mga bote nila nilalagay ang mga gatas.
04:18Pinakukuluan nila ito para ma-sterilize ang gatas.
04:21At sa kanya na sinasala gamit ang tela
04:23para ma-filter ang likid doon ito.
04:28Bago inumin ang sariwang gatas na mula sa anumang kayo,
04:31kailangan muna itong painitin o pasteurize
04:34para masigurong bigtas itong inumin.
04:36We have to be cautious din
04:38pagdating doon sa kanyang mga microorganism
04:41na nag-reside doon sa ating gatas ng kalabaw.
04:45Ito ay nagtataglay ng mga pathogenic bacteria.
04:48Halimbawa na lamang dito ay ang ating E. coli.
04:51At ang pagkonsumo ng pagkain ng E. coli
04:54o kontomidado ng E. coli
04:56ay maaaring magresulta sa diarrhea.
04:59Ang pasteurization ay isang heat treatment process
05:02na dinevelop ng French scientist
05:04na si Louis Pasteur noong 1864.
05:07Ginagawa ito para mapatay ang mga
05:09papanganib na bacteria sa gatas, wine, at beer
05:13na hindi nasasacrifice ang nutrisyon ng mga ito.
05:16Ang pinakakomun na paraan ay ang
05:18high temperature, short time, o HTST method
05:21kung saan painitin ang gatas sa 72 degrees Celsius
05:24for 15 seconds.
05:27Sterilized milk naman ang tawag
05:29kapag pinainitan ang mas matagal ang gatas
05:31sa mas mataas na temperatura
05:32kumpara sa pasteurization.
05:36Kapag handa na ang paninda.
05:40Ilalako na ito sa kalye.
05:43Napakalaki po ng tulong.
05:45Kasi katulad nung mister ko,
05:46isang PWD.
05:48Yan talaga yung trabaho niya.
05:50Yan din yung sumusuporta sa amin sa araw-araw.
05:52Alin nyo, ano, boomer ako eh.
05:54So, nabuhay ako nung 60s at nung 70s.
05:56Nung mga early 70s,
05:58tanda-tanda ko pa dun sa amin sa San Andres.
05:59Talagang may lechero pa naghahatid ng mga gata sa amin.
06:02Yung lalagyan ng kata,
06:03sinusoli namin yan at the end of the day.
06:06Yung experience ko naman dito, hindi simple eh.
06:08Mukhang simple ang motion.
06:10Parang hinihila mo pa gano'n.
06:11Hinihila ni Manong pa gano'n.
06:13Pero pag hinihila mo, hindi eh.
06:14Kailangan meron lambing.
06:16Alam ng kalabaw kung sino ang humahawak sa kanya eh.
06:19At alam niya, pagka magaling yung lechero,
06:21pagka hindi magaling, alam niya eh.
06:23Tumitigil yung gatas eh.
06:24Ang mga lechero,
06:26bahagi ng makulay na kasaysayan natin mga Filipino.
06:31Kaya't hanggat nandito pa sila,
06:33gatasan natin ang bawat sandali.
06:35At ligin natin sila ng halaga.
06:39Ang dami mong alam, kuya-
06:41Hey! Hey! Hey! Hey!
07:11Hey!
Comments

Recommended