Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Malik po tayo sa mga balita dito sa bansa.
00:02Muling isinusulong sa Kamara ang Charter Change o Pag-Amienda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Convention.
00:10Sa CONCON, pagbubutohan po ang mga delegadong mag-aamienda sa Konstitusyon.
00:16Ayon sa mga naghain ng panukala, layunin itong baguhin ang ilang malalabuan nilang probisyon gaya ng impeachment proceedings.
00:25Balitang Hatid, Mitina Panganiban Perez.
00:30Muli na namang nabuhay ang usapin ng Chacha o Charter Change sa inihain panukala ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno at iba pang kongresista.
00:40Sa panukala, CONCON o Constitutional Convention ang isinusulong nilang paraan ng pag-amienda ng Konstitusyon.
00:49Matapos daw ang apat na dekada, nakikitang hindi perfecto ang pagkakasulat dito
00:54dahil sa mga malalabong probisyon na nakaka-apekto raw sa pagbabago, pagpapanagot at pagtitiwala sa institusyon ng gobyerno.
01:04Partikular na tinukoy ang probisyon kaugnay ng impeachment proceedings at ang kontrobersyal na katagang
01:11shall forthwith proceed na naging magkakaiba ang interpretasyon at naging dahilan ng mainit na debate.
01:19Tinukoy rin ang mga malalabong probisyon kung ang kongreso ay kikilos bilang isang joint body o bilang magkahiwalay na kapulungan.
01:27Sabi pa sa panukala, ang isang konstitusyon na walang textual precision ay hindi maaasahang gabay para sa pagkilos ng gobyerno at maaari pang mamanipula.
01:40Sa isinusulong nilang CONCON, magkakaroon ng 150 delegates na pipiliin sa pamamagitan ng isang eleksyon sa May 11 ng susunod na taon.
01:50Such a constitutional convention is timely, especially because of more recent events
01:56where I believe that the efficacy of government organizations and institutions are being reviewed by the general public.
02:07May iba pang hiwalay na panukala para sa CONCON na inihain na sa Kamara
02:12kasama ang para sa pagpapababa sa minimum age requirement ng mga gustong tumakbong presidente,
02:18vice-presidente at senador.
02:21This is part of our principle of inclusivity.
02:24We don't see any reason why age should be a restriction for anybody to be part of nation building.
02:35And we realize, Mr. Chair, that the youth is, you know, their idealism and their patriotism can also be used as a way to, you know, help the government.
02:49Pero ang mga bayan bloc, tuto sa pag-amiyanda sa konstitusyon dahil baka raw alisin ang mga pateksyon sa national patrimony,
02:59anti-political dynasty, mga karapatan natin at iba pa.
03:03Kaduda-duda rin daw ang timing.
03:05Papalapit na ang 2028. So again, lalong lalakas ang hinala ng mga taong bayan na muli na namang itutulak ng Kongreso
03:19ang usapin ng pagbabago ng term limits or term extension.
03:25Dahil may mga panukalang batas para sa charter change na hindi pa na ire-refer sa komite,
03:31nagtakda ng susunod na pulong sa December 3.
03:34Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:45Mag-ingat sa mga nag-aalok ng notaryo.
03:48Sa Pasay, nabisto po ng NBI ang isang grupo roon na nag-aalok ng peking notaryo sa labas po yan ng isang opisina ng gobyerno.
03:57Arestado ang pumipirma sa mga peking dokumento, pati tatlong kasama niyang nanghihimok na mga parukyano.
04:03Ang modus po ng grupo, mula sa kanilang tolda ay dinadala umano ang mga ipapanotaryong dokumento sa isang bahay
04:11at doon isinasagawa ang pamimike.
04:14Na-discovery rin na may pangtatak din po ha ang grupo sa ilalim ng pangalan ng isang abogado na prosecutor.
04:21Kahit walang pahintunot mula sa kanya, kumpiskado rin po ang computer at iba pang gamit pang notaryo.
04:28Umamin ang isa sa mga suspect at sinabing nagawa lamang niya ito para sa kanyang sakit.
04:34Walang pahayag ang iba pang suspect.
04:36Para wag po tayong maging biktima ng mga peking notaryo, magtungo po sa korte at tanungin kung lisensyado ang nilapitan niyong taga-notaryo.
04:46Dapat ding tandaan na kailangang kaharap po ninyo ang abogadong magno-notaryo sa dokumento po ninyo.
04:53Arestado sa Valenzuela ang isang lalaking nag-trespass o pumasok sa isang tindahan at pinangka yung pagnakawan.
05:04Git po ng suspect na gawa daw niya ang krimen para magkaroon ng pamasahe.
05:09Balitang hatid ni Bea Pinlock.
05:17Nagkagulo sa tindahan na ito sa Valenzuela City pasado alauna ng madaling araw nitong lunes.
05:22Nahuli kasi ang 21-anyos na lalaking niyan nang pasukin niya ang tindahan at tinangkapaumanong pagnakawan.
05:31Ayon sa pulisya, mismong ang may-ari ng tindahan ang nagsumbong sa mga otoridad.
05:36Kanyang napansin na mayroong bukas na bintana sa kanyang tindahan.
05:41Dahilan sa kanyang pagsilip at napansin po niya na mayroong chinelas at saka payong po doon sa loob.
05:49Agad po siyang kinutuba na mayroong tao sa loob.
05:52Agad rumisponde ang barangay at pulisya.
05:55Naabutan pa nila ang suspect sa tindahan.
05:57Gulo-gulo na po doon sa loob ng tindahan.
06:00Nakolocated po doon sa bahay ng ating biktima.
06:03During that time na nahuli po siya, wala pa naman po siya nailabas o nanakaw mula sa tindahan.
06:09Aminado naman ang suspect sa krimen.
06:12Ang nagtulak-umano sa kanya para gawin ito, kakulangan sa pera.
06:16Ginawa ko lang po kasi kailangan ko po ng pamasahip ako. Wala po akong makuha ng trabaho po.
06:21Reklamang qualified trespass to dwelling ang isinampa laban sa suspect na hawak nga ng Valenzuela City Police.
06:28Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:32Hinahabol ng dalawang lalaki niya ng isa pang lalaki sa kahabaan ng Market Avenue sa barangay San Miguel, Pasig.
06:43Ilang saglit pa na dapa sa gitna ng kalsada ang hinahabol nila.
06:47Doon na siya hinataw ng pamalo sa katawan at ulo.
06:50Sinubukan pa niyang lumaban pero lumapit ang lalaking nakaputi at inundayan siya ng saksak.
06:56Tumakas po yung mga sospek.
06:58Dead on the spot naman ang biktima.
07:00Kalauna, naaresto po ang lalaki na naksak.
07:04Ang sospek kinakasama ngayon ng dating nobya ng biktima.
07:09Pinaghanap naman ang kanyang kasabuan.
07:12Sa embisikasyon ng pulisya, love triangle ang ugat ng krimen.
07:16Nahuli umano ng naarestong sospek na cutshot ng kanyang kinakasama ang biktima.
07:22Doon na raw nagbanta ang sospek sa biktima hanggang nauwi nga po ito sa pananaksak.
07:27Mismong ang babaeng pinag-awayan ng dalawang lalaki ang nagturo sa mga pulis para maaresto ang sospek.
07:33Tatayo rin daw siyang testigo sa kaso.
07:36Iginiit naman ang naarestong lalaki na biktima lamang din siya at sa korte na lamang daw sila o siya magpapaliwanan.
07:44Wala pang pahayag ang mga kaanak ng nasabing biktima.
07:49Ito ang GMA Regional TV News.
07:55Dalawang patay sa barilan sa pagitan ng mga pulis sa loob ng Bangged Municipal Police Station sa Abra.
08:02Batay sa embisikasyon, nagsisipilyo si Police Staff Sergeant O'Neill Ryan Calica
08:06nang bigla siyang barilin ng kanyang team leader na si Police Lieutenant Jameson Bulataw.
08:13Apat na tama sa dibdib ang tinamo ni Calica.
08:16Sulodong na tinarget ni Bulataw si Police Senior Master Sergeant Edwin Bandok pero hindi tinamaan.
08:22Gumanti si Bandok at tinamaan sa dibdib si Bulataw.
08:25Dead on arrival sa hospital si na Calica at Bulataw.
08:29Subuko naman si Bandok na walang pahayag.
08:31Naharap siya sa kaukulang reklamo.
08:33Ayon sa Bangged Police Station, dati nang nagkaroon ng alitan si na Calica at Bulataw.
08:40Patuloy ang embisikasyon.
08:46Nasira ng daluyong na dulot ng bagyong uwan ang seawall at kalsada sa isang barangay sa Santa Catalina Necros Oyektal.
08:54Kinordo na na at nilagyan ang mga babala ang kalsada niyan sa barangay poblasyon.
08:59Dalawang lay ng kalsada ang hindi na madaanan dahil sa tindi ng pinsala.
09:04Ayon sa mga residente, nasira na rin ang naturang kalsada noong nakaraang taon dahil sa bagyo.
09:10Kaya tingin nila, substandard ang proyekto.
09:12Ayon naman sa DPWH 3rd Engineering District ng probinsya, standard yan ng road concreting at seawall.
09:19Yan daw ang disenyong ipinatutupad sa buong bansa.
09:23Ongoing na ang pagsasayayos sa napinsalang bahag din ng kalsada.
09:29Certified Trentahin na ang Sparkle GMA Artist Center at bilang special treat sa milestone na ito.
09:46May palibling konsert ang Sparkle.
09:49Yan ang Sparkle Trenta the 30th Anniversary Concert sa Mowa Sky Ampic Theater sa Pasay sa November 15.
09:55Hindi lang ito basta pre-concert, it's a fun-filled day to connect and give back to fans at supporters ng Sparkle sa loob ng tatlong dekada.
10:05Bago ang big day, may pa-sneak-peak na ang Sparkle teams, Sparkada at ilang cast members ng Maka Love Stream sa kanilang performances.
10:14Tila naging reunion din ito para sa ilang stars ng rehearsals.
10:18Reunion on stage, kaya I'm super excited to see mga nakaasama ko dati na hindi ko masyado nakikita ngayon.
10:25Namiss kayo yung sparkada actually and since anniversary nga ng GMA, hindi lang namin siya sinaselebrate kasama ng mga artists but kasama din ng mga fans.
10:34Makakasama nila sa star-studded events si na Asia's Multimedia Star Alden Richards, Kapuso Primetime Princess Barbie Portesa, Kapuso Beauty Queen Michelle D, Asia's Limitless Star Julian San Jose, Kapuso Ultimate Heart Trab Miguel Tan Felix, Kapuso It Girl and Global Endorser Gabby Garcia,
10:53Undeniable Star Rita Daniela, Star of the New Gen Jillian Ward, Kapuso Total Heart Trab Raver Cruz, at Stars on the Floor Ultimate Dance Star Roden Cruz.
11:04Present din ang well-loved new generation ng sangres na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, Tate na Silva, at Kapuso Prime Gem Bianca Umali.
11:13Together with Cloud 7, Sparkle Campus Curies, Pinoy Big Brother Celebrity Colab Edition Sparkle Housemates, at marami pang iba, don't worry team bahay,
11:24dahil mapapanood ang livestream ng konsert sa TikTok Live Philippines at Sparkle TikTok account.
11:29Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:36Samantala, humina ang halaga ng piso kontra dolyar.
11:40Nagsara po kahapon ang palitan sa panibagong all-time low na P59 pesos and 17 centavos.
11:47Mas mababa po yan sa P59 pesos and 13 centavos na naitala noong October 28.
11:52Wala pang bagong pahayag ang Banko Sentral ng Pilipinas kaugnay nito.
11:56Pero una nang nilang sinabi na maaaring sinasalamin ng paghina ng piso ang pangamba ng merkado sa posibleng pagbagal ng ekonomiya,
12:05bunsod ng kontrobersya sa infrastructure projects.
12:14Inilabas na ng Department of Trade and Industry ang Notche Buena Prize Guide para sa ngayong taon.
12:20At sa mahigit 200 food items sa 14 na kategorya, 100 at 20 siyam ang hindi nagbago ang presyo.
12:29Bahagyang tumaas naman ang presyo ng siyam naputlimang iba pa dahil sa gasto sa raw materials, packaging at labor.
12:36May mababa naman ang presyo ngayong taon ng peeling ham products, queso de bola at spaghetti sauce.
12:44Bisitahin po ang official website at social media pages ng DTI para sa kumpletong listahan ng Notche Buena Prize Guide.
12:56Update po tayo sa mainit na balita tungkol sa press conference ni Pangulong Bongbong Marcos
13:01na sumentro sa isyo ng mga kwestyonableng flood control projects.
13:05At may ulat po on the spot si Ivan Mayrina.
13:09Ivan?
13:09Kony, mahigit tatlong buwan mula ng bitiwan ng mga katagang, mahiya naman kayo na naglantad sa mga numalya sa mga flood control projects.
13:22Ay nagbigay ng report si Pangulong Bongbong Marcos kung ano na na ang ginawa ng kanyang administrasyon tungkol sa isyo nito.
13:30Una, para panagutin ang mga may sala.
13:32Pangalawa, para bawiin ang mga ninakaw ng pondo ng bayan.
13:35At pangatlo, ang mga reformang ipinatutupad para hindi na maulit ang ganitong kalakaran.
13:40Nagilaman na ng balita ang mga reklamo ay sinampalaban sa mga dating opisyal ng DPWH tulad ni na Henry Alcantara,
13:46Bryce Hernandez at JP Mendoza ng Bulacan Engineering District,
13:50mga kontraktor na gaya ng mag-asawang diskaya at ilang mga senador at kongresista.
13:54Natanong ang Pangulo tungkol sa dating Appropriations Committee Chairman Zaldico
13:58na ngayon na sa ibang bansa at ang pinsang si dating House Speaker Martin Romualdez.
14:02Sagot ng Pangulo, oras na masampahan ng reklamo si Zaldico,
14:06agad kakansalahin ang kanyang passport at gagawa ng hakbang ang pamahalaan
14:09para siya ay agad na mapabalik sa bansa.
14:12Ang kanyang pinsa namang si Romualdez,
14:14hindi pa rin daw nasasampahan ng reklamo at tanging sa Senate hearing pa lamang lumutang ang pangalan.
14:19Pero gitang Pangulo, tulad ng nauna na niyang sinabi,
14:23walang immune at walang sinisino sa pananagutan sa usapin ng katibulian sa flood control,
14:27pero hindi raw magsasampahan ng reklamo ng basta-basta lang at lahat.
14:31Dapat may matibay na ebidensya para matiyak na ang mga tunay na may sala ay mananagot.
14:37Katunayan, babala naman niya sa mga sangkot na hindi pa nasasampahan ng reklamo,
14:41tapos na ang maliligayang araw nila at patuloy silang ahabulin ng administrasyon.
14:47Sa mga nasampahan ng reklamo, tinitiyak ng Pangulo na marami sa kanila,
14:51walang Merry Christmas dahil magpapaskuraw sa bilangguan.
14:55Samantala, patuloy naman ng Anti-Money Laundering Council at iba pang ahensya ng gobyero
14:59sa paghahabol sa mga nakaw na pondo,
15:01naniniwala ang Pangulo na bilyong piso ay inaasahang mababawi rito.
15:05Patuloy rin daw ang pagpapatupad ng reforma sa mga ahensya para sa transparency,
15:09tulad ng mas baiting na proseso sa procurement at pagbabayad sa mga kontrata.
15:13Lahat para tiyaking hindi na mauulit ang ganitong tiwaling kalakaran.
15:18Kaya't yung mga taong yan na kasabwat dyan,
15:25eto,
15:26sa nagnanakaw ng pera ng bayan,
15:31tapos na ang maliligayang ninyong araw.
15:35Ahabulin na namin kayo.
15:37Connie, matapos ang press conference,
15:41tumulok ang Pangulo sa lalawigan ng Katanduanes.
15:44Magukunit ang Katanduanes ay isa sa mga napuruhan ng bagyong uwan.
15:48Inaasahang personal niyang iinspeksyonin ang pinsala ng bagyo
15:51at mag-aabot din ng tulong sa mga nasalanta.
15:55Connie?
15:55Maraming salamat, Ivan Mayrina.
15:57Nagpamangha ang pambihirang Aurora Borealis o Northern Lights
16:08na nasaksihan sa iba't ibang lugar sa Italy at Amerika.
16:12Kabilang po riyan ang mga nakuna ng isang Pinoy U-scooper sa Rosemount, Minnesota.
16:17Tila sumasayaw raw sa mata.
16:19Ang matitingkad at sari-saring kulay sa kalangitan.
16:22Pink at green din ang kulay ng Aurora Borealis na nakunan sa Johnstone.
16:27At Perry sa Iowa.
16:30Bright red naman ang Northern Lights na nabuo sa Matterhorn Mountains sa Italy.
16:35Contrast pa ang kulay nito sa kabundukan sa napapaligiran ng niebe.
16:41Ang Aurora Borealis po ay natural phenomenon na nangyayari
16:44kapag naglalabas ng plasma ang araw tuwing may solar storm.
16:48At nakikipag-interact ito sa geomagnetic field ng Earth.
16:53Kaya wow na wow!
16:57Roo.
16:58Roo.
16:59Roo.
17:00Roo.
17:01Roo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended