- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sa iba pang balita, ang kawayan po na dating tinatawag na poor man's timber,
00:05itinuturing na ngayon bilang green gold.
00:08Dahil po yan sa tila countless na gangit na mga kawayan gaya ng Ibnita
00:12sa 27th Bamboo Training Seminar sa Carolina Bamboo Garden.
00:17Ang simpleng bamboo po pwedeng i-transform para maging upuan,
00:21lampshade at buong bahay kubo.
00:24Kabilang po yan sa itinuro sa mga dumalong negosyante,
00:27bamboo grower at istudyante interesado sa lumalagong bamboo industry.
00:32Present din sa training seminar ang ilang kinatawa na DOSC at DTI Rizal.
00:37Bukod sa papwedeng pagkakitaan, tinatalakay rin po doon kung papaanong nakatutulong
00:41ang kawayan bilang pangontra sa baha.
00:47Kailangan talaga magkaroon tayo ng program na maraming maraming maraming maitanim na bamboo
00:54para lahat ng pangangailangan, hindi lamang construction, hindi lamang food,
01:01pero more importantly is save lives.
01:05Huli ka ang mga insidente ng pambubugbog ng SUV driver na yan
01:17sa driver ng isang pampasherong bus sa Silang Cavite.
01:21Batay sa imbestigasyon ng Department of Transportation,
01:23nagtalo ang dalawang driver matapos magkabanggaan sa outer lane ng Aguinaldo Highway.
01:29Nauwi ang pagkatalo sa panununtok ng driver ng SUV.
01:33Nagtamo ng mga galos katawan ang bus driver.
01:36Matapos ang insidente, nagkasunduraw ang magkabilang panig at inako ng SUV driver
01:41ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa bus driver.
01:45Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na panaguti ng mga abusadong driver,
01:50sinus pindi ng Department of Transportation ang lisensya ng SUV driver sa loob ng siyamnapung araw.
01:57Ipinatatawag din siya ng Land Transportation Office para magpaliwanag.
02:01Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
02:03Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng flu-like illnesses,
02:12ipinag-utos po ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa Quezon Province.
02:17Ayos na rin ang Provincial Health Office,
02:19ipatutupad po yan sa lahat ng indoor settings at outdoor areas
02:23kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.
02:26Alinsunod po yan sa utos ng Department of Health na nabibigay ng kapangyarihan
02:30sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng health measures na naayon sa kanilang lugar.
02:37Ipinag-uutos na rin sa Camarines Norte State College
02:40ang mandatory na pagsusuot ng face mask ng mga estudyante at kanilang mga tauhan.
02:45Pinayuhan din ang mga estudyante na huwag munang pumasok kung may sakit.
02:49Tinakpong muli ng DOH na walang kakaiba o bagong virus o strain na kumakalat sa bansa.
02:56Sa gitna po yan ang pagdami ng mga kaso ng flu-like illnesses.
03:00Sabi ng DOH, ang tatlong nangungunang sanhi ng malatrang kasong sakit
03:04ay influenza A, rhinovirus at enterovirus.
03:09Para maiwasan po ang hawaan, payo ng DOH,
03:11sumunod sa mga health measures gaya ng
03:13madalas na paghuhugas ng kamay,
03:16pagsusuot ng face mask sa mataong lugar,
03:19pagpapabakuna at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.
03:28Hindi na lalahok si Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo
03:31sa SEA Games ngayong taon na gagawin sa Thailand.
03:34Yan ang anunsyo ng Gymnastics Association of the Philippines o GAP.
03:38Hindi raw gaya ng mga edisyon ng ibang edisyon ng SEA Games,
03:41limitado sa iisang aparatos o event ang pwedeng salihan ng isang gymnast.
03:46Ayon kay GAP President Cynthia Carrion,
03:48gusto ni Yulo na bigyan ang pagkakataon ng kanyang mga teammate
03:51na manalo sa aparatos na kanilang sasalihan.
03:54Sa ngayon, sumasabak si Yulo sa 53rd Fig Artistic Gymnastics World Championships
03:582025 sa Indonesia.
04:00Mga mari at pare, katahimikan, katahimikan.
04:10May mga nagbabalik na kababol sa unang episode ng two-part anniversary special
04:15ng Longest Running Gag Show sa Bansa na Bubble Gang.
04:19Ang hari ng Big Obo!
04:23Wait, wait, wait, wait!
04:24Magbigay-bugay para saan ang iisang si Boy Pickup!
04:31Isa na riyan ang surprise na pagbabalik ni na Boy Pickup at Neneng B.
04:36Played by Ogie Alcacid at Sam Pinto.
04:39Nostalgic feels ang hatid ng panibagong pickup lines ni Boy Pickup para kay Neneng B.
04:44Nagbabalik din ang iconic na ang dating doon skit featuring ang dating cast
04:49na sina Brother Willie played by Cesar Cosme at Brother Jocel played by Chito Francisco
04:54na sinamahan ni Coco DeSantos as Congressman Ticoy.
04:58Special guest din sa episode sina Jillian Ward and A.I. de las Alas
05:01as a comedic duo, pati si Rian Ramos sa role na Trixie sa Mr. and Missies.
05:08Mapapanood ang second part ng anniversary special ng Bubble Gang sa October 26,
05:12Sunday sa GMA.
05:16Mga kapuso, nag-umpisa na ang big-time pamaskong handog na Proof of Purchase Provo
05:21ng GMA ang kapuso big-time panalo season 4.
05:26On its fourth season, four lucky winners ang makatatanggap ng
05:30TIG 1 million pesos sa Grand Draw.
05:33Ten winners ng 50,000 pesos cash at three winners ng 50,000 pesos worth ng pangkabuhayan package.
05:40May 70 lucky kapuso rin ang mananalo ng 7,500 pesos cash at mahigit 200 winners ng 1,000 pesos.
05:51Ipadala lang ang inyong entry sa 700 Dropbox locations nationwide hanggang December 26.
05:58Paalala po, mag-ingat sa fake news, fake Facebook accounts o scam texts.
06:04Para sa detalye at announcements, tutok lang sa GMA at sa official Facebook page at website ng GMA Promos.
06:11Ano pang hinihintay niyo mga kapuso?
06:13Sali na!
06:14Sa gitna ng biyahe, nabulabog ang isang flight papuntang South Korea dahil sa sunog.
06:27Bigla kasing may nagliyab sa overhead compartment ng Airbus 320 flight CA-139.
06:32Ayon sa airline company, sumiklab ang isang lithium battery na nasa carry-on luggage ng isang pasahero.
06:37Walang nasaktan pero dahil sa insidente, napabalik sa Shanghai, China ang flight at hindi na tumuloy sa South Korea.
06:46Dati na ipinagbabawal ang ilang airline sa mga pasahero na magdala ng lithium batteries sa biyahe.
06:50Sa pagsasimula ng bagong season ng NBA ngayong linggo, may special shout-out ang ilang basketball legends sa Pinoy fans.
07:04Ang Sports Bites Hatid ni Martin Javier.
07:06Dekalibre ang mga bibidang talent sa bagong season ng NBA na mapapanood sa isang streaming platform.
07:20Mga kapuso, dito mismo sa Amazon Studios sa Los Angeles, California, naganap ang launch ng NBA On Prime Video na dinaluhan ng iba't-ibang personalidad sa mundo ng basketball.
07:31Kabilang sa basketball legends na magbibigay ng kanilang opinion at saluubin bilang analyst sa mga laro.
07:37Si Nadric Nowitzki, Blake Griffin, Steve Nash, Candice Parker at Dwayne Wade.
07:43Kwento nila, hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga Pilipino sa basketball.
07:48I was there.
07:49You were there?
07:50At the World Cup a couple years ago.
07:51I had a great time.
07:52Met so many fans.
07:54You guys have so many basketball crazy fans over there.
07:57It's been an incredible time for me.
07:59And so hi to all my fans in the Philippines and hope to see you guys soon.
08:04Well, the game of basketball is loved in the Philippines and we love our fan base.
08:08So we're so thankful for all the support.
08:11Miami, my coaches have Filipino.
08:13You know, so we have so much love.
08:15There's so many times where I would finish a game in LA and there would be somebody holding a sign from the Philippines that made the trip to come see me play.
08:23And, you know, I get messages all the time from the Philippines.
08:27Parte rin ng broadcast ang Filipino-American na si Cassidy Hubbard na may mensahe sa mga Pinoy.
08:33The best.
08:34The best fans in the world.
08:35They should just be excited because the league's in an amazing place.
08:38So our thing is not only to entertain but also to educate.
08:41You know, and also be able to give fans sort of an inside look at what's going on.
08:47We want to reach new people.
08:48Give people an insight into the game that maybe they didn't have an avenue or pathway to the game before.
08:53Magsisimulang mapanood ang NBA sa Prime Video sa October 25 dito sa Pilipinas.
08:59Mula sa Los Angeles, California sa Amerika.
09:02Martin Avere, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:06Mga Kapuso, sa Paranaque na ang susunod na stop ng Noel Bazaar.
09:14Sa Noel Bazaar nitong weekend sa Alabang, Muntinlupa, mahigit isang daang stalls na mga damit, bag, sapatos, accessories, laruan at gamit sa bahay ang pinagpilian ng mga early shopper.
09:26May mga food stall din.
09:27Sa booth ng GMA Kapuso Foundation, pwede mag-donate ng isang set of school supplies sa halagang P250.
09:35Present sa pagbubukas ng Noel Bazaar last Friday sa Philinvest tent,
09:39si Nakat Unlimited Incorporated President and CEO at Noel Bazaar Founder Mayos Gozon Bautista
09:46at GMA Kapuso Foundation Executive Vice President and Chief Operating Officer Ricky Escudero Catiborg.
09:53Again, sa Paranaque na ang next stop ng Noel Bazaar sa November 14 to 16 po yan.
10:06Truly a night to remember ang first ever concert ni Sparkle star at nation's son Will Ashley.
10:16Pinakilig ni Will ang fans sa kanyang dance moves at singing performances.
10:21Isa sa kanyang surprise guests, si Asia's multimedia star Alden Richards na nakaduit pa niya.
10:28Hinara na rin ni Will ang kanyang Mommy Mindy na naging emosyonal sa stage.
10:32Present sa big events na GMA Senior Vice President Attorney Annette Bozon Valdez,
10:37Sparkle First Vice President Joy Marcelo, pati ang ilang dating kasama ni Will sa bahay ni Kuya.
10:43Nagbunyi rin ang fans dahil layag na layag ang Team Wilka with their special dance number.
10:50Sa Instagram, nagpasalamat si Will sa tiwala ni Bianca.
10:54Sabi pa ni Will, lagi niyang susuportahan at koprotektahan si Bianca.
11:0566 days na lang, Pasko na.
11:08Partner, may pa-welcome back ba?
11:09Sa'yo, ang isang caroller mula po sa Davao City.
11:14Pag siya raw ang nag-perform, hindi lang tenga ang mapupukaw, pati ang inyong mga mata.
11:20Egy na ba kayo sa kanyang Christmas hirit?
11:22Eto.
11:23Ayan.
11:34Literal na nag-shine brightly sa kanyang caroling, si youth grouper Noribel Salise.
11:40Huwag kukurap dahil kukuti-kuti tap.
11:43Siya yung habang kumakanta po.
11:45Ayan o.
11:46About, pinuluputan pa naman ang katawan ng solar Christmas lights.
11:51Tamang charge lang sa araw sa umaga para mag-twinkle-twinkle siya sa gabi.
11:57E ligtas naman daw sa katawan ang ginamit niyang pailaw sa electrifying performance.
12:01Ang video, 4 million na ang views.
12:03Wow.
12:04Deserve maging...
12:06Trending!
12:07Lutin na lang.
12:08Grabing test siya.
12:09Maramance, no?
12:09Ha, ha, ha, ha.
Be the first to comment