Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00How are you doing at Nino Atcano International Airport today on Long Undas Weekend?
00:10May ulat on the spot si Oscar Royda.
00:13Oscar?
00:17Yes, Rafi, mas maluwag-luwag ngayon dito sa E-Terminal 3 kung ikukumpara daw kahapon.
00:24Yan ay bahas sa mga nakausap natin mga security guard dito sa nasabing paliparan.
00:30Marahil daw ay marami na ang nakalipad kahapon pa lamang.
00:34Ganun pa man ay naka-full alert pa din ang pamunuan ng paliparan.
00:39Patuloy pa rin kasi ang pagdating ng mga pasahero ngayong bisperas ng All Saints Day.
00:44Ayon sa Manila International Airport Authority,
00:46nasa tinating 1.3 million na mga pasahero ang inaasahan sa Ninoy Aquino International Airport
00:52mula October 28 hanggang November 5.
00:55Kaya di pa rin daw pwedeng magpa-petix-petix.
00:58Paalala naman ang mga kinakukulan sa mga pasahero dumating ng maaga sa paliparan,
01:02ideally mga tatlong oras lalo kung international flight,
01:06kyaking handa ang lahat ng kinakailangan mga dokumento,
01:09gaya ng boarding pass,
01:10at kyaking nakapag-fill up ng e-travel form
01:13para sa isang hassle-free na biyahe.
01:16Rafi?
01:19Maraming salamat, Oscar Oida.
01:28Itinanggi ng Philippine Navy na nasa proteksyon ng Philippine Marine Corps si Orly Guteza.
01:34Kasunod po yan ang pahayag ni dating anak ang sugod partyless representative Mike Defensor
01:38na nasa kustudiya raw nito si Guteza.
01:41Ayon kay Philippine Navy spokesperson Captain Marisa Martinez,
01:44noong June 30, 2020,
01:47nagretiro si Guteza bilang technical sergeant.
01:50Si Armed Forces of the Philippines Chief General Romeo Browner Jr.
01:54pinaimbisigahan pa raw kung nasa headquarters ng Philippine Marines si Guteza.
01:59Hindi rin daw polisiya ng AFP na magtaggo ng witness.
02:03Wala pang komentor yan si Defensor.
02:06Noong September 25,
02:07nang lumitaw si Guteza sa pagdinig ng Senate Will Ribbon Committee.
02:11Nagpakilala siyang security consultant
02:14ni dating Congressman Zaldico.
02:16Isiniwalat niya na maletang pera na tinawag nilang basura
02:20ang idiniliver kay Coe at dating House Speaker Martin Romualdez.
02:24Parehong itinanggi ni Nako at Romualdez ang paratang.
02:29Ito ang GMA Regional TV News.
02:34Ilit na balita muna sa Visayas at Mindanao,
02:37hatid ng GMA Regional TV.
02:39Unti-unti nang inaayos ang mga puntod na nasira
02:42ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo, Cebu.
02:45Cecil, gaano karami ang iyong mga nasirang puntod?
02:48Connie, halos 20,000 puntod sa Corazon Cemetery ang nasira ng lindol.
02:56Ayon sa pamuloan at simeteryo,
02:58tumulong din ang lokal na pamalaan ng Bogo City
03:01na nagbigay ng mga materyales.
03:03Mahigit 50 puntod ang kanilang napasimento hanggang kahapon.
03:07Dito sa Corazon Cemetery,
03:09inilibing ang karamihan sa mga nasawi dahil sa lindol.
03:13Dahil naman sa takot sa patuloy na aftershocks,
03:16tumumal at konti na lang ang mga negosyanteng nagbibenta
03:19ng mga bulaklak at kandila sa labas ng simeteryo.
03:23Ang iba, wala pa raw kapital.
03:25Para magtinda, para matiyak ang siguridad ng simeteryo,
03:29tuloy-tuloy ang pagbabantay ng pulisya.
03:36Ipinatupad na ang mahigpit na siguridad
03:38sa paligid ng Roman Catholic Cemetery sa Davao City.
03:41May ulap on the spot si R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
03:46R. Jill?
03:48Cecil nagsimula ng magsidatingan ang mga dabawenyo
03:53sa isa sa mga pinakamalaking simeteryo sa lungsod
03:56na Roman Catholic Cemetery.
03:58Nandito rin ang musoleo ng Pamilya Duterte.
04:04Mahigpit na siguridad ang ipinatutupad ng Davao Police
04:06papasok lang o papasok pa lang sa simeteryo.
04:09Isa-isang chinecheck ang mga dalang gamit.
04:11Ipinagbabawal kasi ang mga matutulis na bagay,
04:14alak, speakers at lighter.
04:16Bawal din ang pagsusuot ng jacket
04:18at pagdilala ng backpack sa loob.
04:20Maagang dumalaw ngayong araw ang mag-inangkarsunete
04:22sa puntod na kanilang padre de familia
04:24na 30 taon nang namatay.
04:26Mabilis lang naman nilang natuntun ang puntod
04:28dahil taon-taon naman daw silang bumibisita dito.
04:31Pinili nilang bumisita ngayong araw
04:33upang hindi na makipagsiksikan sa nagsana mga bibisita bukas.
04:36Karamihan sa mga dumalaw ngayong araw
04:38ay nagpalinis ng mga puntod.
04:40Sa musolego ng pamilyang Duterte
04:42kung saan nakalibing ang mga magulang
04:44ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
04:46na sinadating Governor Vicente Duterte
04:48at Solidad Duterte
04:49nakasara pa sa ngayon
04:51at wala pang mga nakasinding kandila.
04:53Cecil, ayon sa pamunuan ng sementeryo
04:56ay simula kahapon ay meron ng mga bumisita
04:58at inaasahang dadagsapas simula bukas.
05:01At bukas naman ang Roman Catholic Cemetery
05:03mula alas 6 ng umaga
05:05at magsasara ito alas 9 ng gabi
05:07simula ngayong araw hanggang sa November 3
05:10Cecil.
05:11Maraming salamat, RGL Relator
05:17ng GMA Regional TV.
05:19Every year, inaabangan syempre ang
05:27spooktacular at katatakutan fits
05:30para sa Halloween.
05:32Para sa entry ng ilang netizens at kapuso stars,
05:35narito ang latest.
05:36Walang pakakabog sa katatakutan
05:41with glam sa isang Halloween book,
05:44Vengeful Bride si Jillian Ward.
05:46Ala Batman villain si Kailin Alcantara
05:49at si Michelle D bilang clown in Red and Black.
05:52Black Witch si Mika Salamangka.
05:55Si Roxy Smith ginawang inspirasyon si Galinda ng Wicked.
05:59Inid ng online series na Wednesday,
06:06pati ang Fate of Ophelia look ni Taylor Swift.
06:09Trick or treat is in the air.
06:12Sa dinalupihan bataan,
06:14Gina G papabata o matanda,
06:16may nagbihis donut pa.
06:18Ang isang netizen pinaandar ang pagka-creative online.
06:24E for effort kung manakot,
06:26si Mini Sadako.
06:28E for effort din sila ng kanyang nanay
06:30sa pagbuo ng costume na inabot daw ng limang araw.
06:33Pero sabi nga ng iba online,
06:36ang tunay na horror,
06:37nasa kamayraw ng mga kurakot.
06:40Engineer ang biis ng batang si Cal
06:43na may backhoe pa na ang tatak DPWH.
06:47Ang kahulugan pala niyan,
06:49Department of Paranormal Witches and Hauntings
06:52na nasa likod daw ng mga ghost projects.
06:56Aubrey Carampel nagbabalita
06:58para sa GMA Integrated News.
07:01Habang papalapit tayo sa tanghali ay unti-unti na natin nakikita
07:13yung pagdami ng mga tao dito sa Manila North Cemetery.
07:17Isa na rito ang ating nakausap na sinanay Victoria de la Cruz.
07:21Nataon na natin siyang nakikipagtawaran sa mga nagtitinda ng bulaklak
07:24bago pumasok dito sa Manila North Cemetery.
07:27Maayos nga daw ang latag ngayon itong simenteryo
07:29kaya madalis ang nakapasok.
07:31Hindi naman daw kalayuan ang bahay nila rito
07:33pero hindi tulad sa mga nakaraan
07:35e hindi na ron niya kinilangang makipagpatentero sa mga sasakyan.
07:38Dahil medyo maaga siyang dumating,
07:40e mabilis lang siyang nakalusot sa security,
07:42ata inspection area at nakapasok sa simenteryo.
07:45Madalas naman daw niyang dalawin ang puntod dito
07:48ng kanyang panganay na anak na nasawi dahil sa komplikasyon
07:50matapos ang kanyang kidney transplant
07:52pero iba pa rin daw ang pagdalaw sa panahon ng undas.
07:55Narito ang ating panayam kay Nanay Victoria.
08:01Nami-miss nyo yung panganay nyo?
08:03Ay, sobra. Sobra.
08:07Kaya talagang kahit hindi araw ng ano, sumasaglit ako dito.
08:12Samantala, alamin na po natin ang latest na sitwasyon
08:17sa North Zone Expressway.
08:19Kausapin po natin si Robin Ignacio,
08:21Assistant Vice President for Traffic Operations
08:24ng NLEX Corporation.
08:25Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali, sir.
08:28Magandang tanghali, Mang Coni,
08:31at magandang tanghali po sa ating mga taga-subaybay ng Balitang Hali.
08:35Yes, sir Robin, sa mga babiyahe pa lamang ngayong araw,
08:38kamusta po ang sitwasyon ngayon sa NLEX?
08:42Apo, sa ngayon po dito sa ating mga papasok na tall plaza,
08:45actually light na po yung papasok na volume.
08:48At yung mga nakapasok po dito sa loob ng kahabaan na po ng NLEX,
08:54meron lang po tayong about a kilometer na 30 to 40 kph po dito
09:00sa may Marilaw area kung saan nakapag-implement kami ng counter.
09:05Kasi earlier, ang counter flow natin is as long as from Balintawak up to Marilaw.
09:12Pero ngayon, may kawayan to Marilaw na lang po.
09:14Meron din po tayong counter flow sa may Kanda Babayadak.
09:21At ganoon din po yung from San Fernando to Daupo.
09:25I see.
09:26Sa tingin nyo ba, Sir Robin,
09:28tapos na yung sinasabing bultoho ng mga pasahero na
09:32kumbaga lalabas po papunta sa mga probinsya sa Norte?
09:36O meron pa po yung second wave kumbaga ng dagsa?
09:42Sa assessment po namin, Ma'am Connie,
09:44ito na po paubos na po.
09:46Talaga ang dagsa, masasabi natin na mas marami po talaga kahapon
09:50kasi umpisa nun time hanggang gabi po ito
09:54at yun po ang surprising po.
09:56Magkabi ng direksyon po nung hapon hanggang gabi
09:59dito sa bandang Bocave hanggang Valensuela.
10:04I see.
10:05So, inaantay na lang natin na maubos po itong konting volume na nandito sa loob
10:10and then magla-life traffic na po tayo.
10:13Nangyari na po ba yun na pupwedeng sa umaga?
10:16Baka natakot masyado.
10:17May mga nagdagsaan naman po bandang gabi na.
10:20Apo, nangyari din po kanina.
10:24Nagdagsa po ulit kaninang madaling araw,
10:26around 3 a.m.
10:28Tunti na po ulit natin nakita na tumataas yung volume po natin
10:31pero ngayon, pangkonti na.
10:33So, ang inaasaan naman natin, yung balikan na lang po nila.
10:37So, baka maaaring meron na po konti bukas
10:39pero ang dagsaan pa rin po ay Sunday afternoon at 3 a.m.
10:42I see.
10:43At yung atin po namang pagbibigat ng traffic ko dyan,
10:47kailan po inaasahan kayang bibigat?
10:49Sabi nyo, by tomorrow pwedeng may mga nagbabalikan na.
10:52Pero ang bultuho ba nyan?
10:53Baka sa Sunday kaya?
10:55Kung may pasok na sa Monday ano, sir?
10:57Yes, ma'am. Tama po kayo.
10:59Yung panorte, paubos na po ngayon.
11:01Pero yung mga balikan naman po,
11:03maaaring bukas meron na pong ilan na babalik po natin mga kababayan
11:07pero expected pa rin po na ang volume ng dagsa talaga
11:12is Sunday ng hapon hanggang gabi at maging early Monday morning po.
11:17I see.
11:18Alright. Maraming maraming salamat po sa inyong ibinigay sa aming oras
11:21dito po sa Balitanghali.
11:23Thank you, sir.
11:24Maraming salamat po at magandang kahali po.
11:26Yan po naman si NLEX Assistant Vice President for Traffic Operations,
11:31Robin Ignacio.
11:37Idiniklarang natapos pero ghost project pala.
11:43Yan po ang nadeskubre ng mga taga-department of Agriculture
11:47sa ilang farm-to-market road projects sa may Davao Occidental.
11:51Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
11:57Batay sa record 2021 patapos ang farm-to-market road na ito sa Davao Occidental.
12:02Pero nampuntahan ni Agriculture Secretary Kiko Laurel
12:05na bistong ang dapat ay kalsada, nananatiling lupa at graba.
12:09Sa pag-usad nila sa isang bahagi ito naman,
12:12kitang-kitang kakabuhos lang ng semento.
12:14Ilang araw pa lang itong tapos ayon sa mga taga-roon.
12:17Sinukad din nilang kapal ng semento.
12:24Eight inches ang kapal.
12:25Yun nga lang, walang bakal.
12:27May mga na-confirm talaga na wala yung project.
12:31At may na-confirm din na luma na yung pondo.
12:34Ibig sabihin 21 hanggang 23.
12:36Pero makikita na fresh pa yung mga concrete.
12:40Ibig sabihin, tinatry na habulin na gawin yung pagsasayos ng kalsada.
12:46Isa lamang ito sa hindi bababasa pitong natutuklas ang ghost farm-to-market rule.
12:50Matapos i-audit ang 4,000 km ng mga kalsadang ipinagawa mula 2021 hanggang 2025.
12:57Makaling kung natapos sana ay baka magpapabili sa dalay ng mga produkto
13:01mula taniman patungo sa mga pamilihan.
13:03Makakatulong sa pagpapababa ng presyo
13:05at makapagbibigay ng mas magandang kita sa mga magsasaka.
13:09Dahil sa nabisto, babaguhin na ang kasalukoyang sistema
13:13na Department of Public Works and Highways o DPWH
13:16ang magpapatupad ng mga proyekto katuwang ang primadong kontraktor.
13:19Sa halip, Agriculture Department na makangasiwa ng konstraksyon
13:23ng mga farm-to-market rule.
13:25Suportado ito ng DPWH.
13:28Nag-meeting kami nung isang araw para mag-coordinate kami ng efforts
13:31sa pag-imbestiga at pagsisigurado din na hindi na tumawulit.
13:37At ang mga mapapatunayan o manong nagsabuatan.
13:40Matatanggal sa trabaho, kakasuan, makukulong,
13:44babawiin natin pati yung mga ari-ari-anigan.
13:47Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:51Nag-be-deal sa tapat ng Department of Justice ng ilang grupo at mga kaanak ng mga nawawalang sabongero.
14:03Nanawagan sila na huwag kalimutan ang mga missing sabongero sa pangambang natatabunan na ito ng ibang isyo sa bansa.
14:10Nanawagan din silang panaguti ng mga umunoy sangkot dito.
14:14Itineriting nila ito sa pamamagitan ng pagsabit ng poster at pagbato ng itlog sa negosyanting si Atong Ang
14:20na itinuturong sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
14:23Meron din nagsuot ng maskara ni Ang at ni Gretchen Barreto na itinuturong kasabwat din umano sa pagkawala ng mga sabongero.
14:30Dati na itinanggini na ang at pareto ang mga paratang.
14:37Hulikam sa La Paz, Iloilo City, nakaparada sa gilid ng kalsada ang truck na yan nang biglang nasalpok na ang humaharurot ng SUV.
14:45Pumailalim ang harapang bahagi ng SUV na wasak at natanggalan ng mga pintuan.
14:51Sugatan ang driver at dalawa pang sakay ng SUV.
14:54Batay sa imbisigasyon, tumigil at nakahazard ang truck dahil sininit ng driver ang mga gulong nito sa harap.
15:01Napagalaman din na nakainom ang driver ng SUV at kanya mga kasama nang mangyari ang insidente.
15:16Sa mga pasahero sa Batangasport, huwag maging biktima sa 20 pesos modus.
15:21Base sa ilang post, may nangihingi raw ng 20 piso sa mga pasahero bilang dagdag sa mga lehitimong bayarin.
15:28Ayon sa pamunuan ng pier, baka may nagpapanggap na tauhan ng Batangasport para manloko.
15:33Nag-ikot ang Batangasport manager kahapon at wala naman daw nagsabi sa kanya na nabiktima sila ng ganyang modus.
15:40Paalala ng pamunuan, tangi ang taripalang pasakay ng barko ang kailangang bayaran.
15:46Gumaraan daw ngayon sa unos ang malaking kalakalan sa mundo ayon kay South Korean President Lee Jae-myung.
15:55Pero naniniwala siyang nasa tamang landas ang tinatahak ng mga miyembro ng APEC.
16:00At live mula sa Jongju, South Korea, may ulot on the spot si Bernadette Reyes.
16:06Bernadette?
16:07Bernadette?
16:08Connie, pagkakaisa at pagtutulungan daw ang sagot para magkaroon ng mas magandang hinaharap ang mga miyembro ng APEC ayon kay South Korean President Lee Jae-myung.
16:20Pasado alas 9 ng umaga, oras sa South Korea, pasado alas 8 naman sa Pilipinas nang magsimulang dumating sa Huwabek International Convention Center ang mga world leaders.
16:359.34 naman oras sa Korea o 8.34 sa Pilipinas nang magharap si na Pangulong Bongbong Marcos at South Korean President Lee Jae-myung na nagsisilbing chair ng APEC Economic Leaders Meeting ngayong taon.
16:50Sa nalinag-usap ang dalawang world leaders bago naglakad ang pangulo sa venue ng first session ngayong pagtitipon.
16:57Hindi na dumalo sa Economic Leaders Meeting si U.S. President Trump sa halip ay nagsisilbing kinatawan si U.S. Secretary of the Treasury Scott Besant.
17:06Ayon kay President Lee, nasa punto raw tayo ngayon kung saan may mga malaking pagbabago sa international order.
17:13Dumadaan raw ngayon sa unos ang free trade o malayang kalakalan tulad na lamang ng mga hamon sa artificial intelligence.
17:20Pero naniniwala raw si Lee na ang sagot para malampasan ang krisis na ito ay nasa landas na tinatahak ng APEC.
17:28Malinaw raw na hindi sa lahat ng pagkakataon pare-parehas ang kanilang posisyon dahil nakasalala yung interes ng kanya-kanyang bansa.
17:36Subalit sa pamamagitan ng iisang hangarin na umunlad sa pamamagitan ng pagtutulungan, sabay-sabay raw silang titindig.
17:43At dito sa Kyeongju, South Korea, na isa ng millennium-old capital, umaasa siyang makakakuha na inspirasyon at tapang ang mga world leaders para sa mas mabuting hinaharap.
17:55Samantala, isa sa mga key agenda ng APEC ay ang creative at cultural industry.
18:00Kaya naman si RM na leader ng sikat na K-pop group na BTS ay nagbigay ng keynote speech sa APEC CEO Summit.
18:08Hanggang sa venue dito sa International Media Center ay ramdam ang K-pop feels.
18:14Kabilang sa mga snacks ay ang iba't ibang flavors na mga seaweed chips kung saan tampok sa cover ang isa pang K-pop group na Seventeen.
18:23Connie sa kasalukuyan ay 12.54 ng tanghali dito sa South Korea at dyan naman sa Pilipinas ay 11.54 ng umaga.
18:34Mahigpet Connie ang pinatutupad na siguridad dito sa Kyeongju at sa impormasyon ng ating natanggap ay nasa 14,000 mga police officers ang naririto para magbigay ng siguridad sa mga world leaders pati na rin sa mga delegasyon na nandito.
18:49Mamayang hapon ay inaasahang magbibigay ng special remarks si Pangulong Bongbong Marcos sa APEC CEO Summit habang mamayang gabi naman ay magkakaroon ng evening gala ang mga world leaders.
19:01Mula rito sa South Korea, Bernadette Reyes para sa GMA Integrated News.
19:05Ito ang GMA Regional TV News.
19:10Ebigat na traffic ang naranasan ng mga motorista at biyaherong pauwi para sa undas sa bahagi ng Maharlika Highway sa Lopez Quezon.
19:22Tinapuntang dalawang oras o mahigit pa.
19:25Ang dalawampung minuto lang sanang biyahe papunta sa katabing bayan ng Kalawag.
19:29Bukod sa pagdami ng mga motorista, may mga lubak parao sa kalsada na lalong nakapagpabagal sa trapiko.
19:36Apektado niya ng mga pauwi sa Bicol, Visayas at Mindanao.
19:40Gayun din ang mga bus na paluas ng Maynila.
19:43Patuloy ang pagbabantay ng pulisya upang hindi na lumala ang problema sa traffic doon.
19:57Sa mga customer ng Meralco, maghanda na po sa inaasahang dagdag singil sa Nobyembre.
20:04Bukod yan po ng dagdag singil sa Feed-in Tariff Allowance o FIT-ALL na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission.
20:12Ang FIT-ALL ay pass-through charges na idinadaan sa Meralco para singilin ang consumers para ipambayad sa producers ng renewable energy.
20:21Isinasapinal ng Meralco ang halaga ng kanilang singil sa kuryente.
20:2527 driver ang nagpositibo sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Zamwanga Peninsula.
20:42Ayon sa Pidea Region 9, mahigit 1,200 driver ang nag-drug test sa rehyon.
20:48Matapos magpositibo ng ilang driver, kinumpis ka ng Land Transportation Office ang kanilang mga lisensya.
20:53Magkakaroon pa ng confirmatory test.
20:56Kung sakaling magpositibo ulit, posibleng tuluyan ng bawiin ng LTO ang kanilang lisensya.
21:03Nag-inspeksyon din sa mga terminal ng bus ang Movie and Television Review and Classification Board.
21:12Yan ay para matiyak na sumusunod sa content regulations ang mga ipinalalabas na mga telebisyon sa terminal at mga bus.
21:20Dapat ay nasa Rated G o General Audience at PG o Parental Guidance lang ang mga palabas.
21:27Kabilang sa mga pinuntahang terminal ay sa Maynila, Caloocan, Pasay at Quezon City.
21:33Walang nakitang mga paglabag sa inspeksyon.
21:35Scary at fun andar ang ilang sparkle artists sa Shake, Rattle and Ball 2025.
21:49Kabilang sa mga naki-fun sa Once Upon a Time theme si Michelle D.
21:55Mula sa pagiging fashionable chic at beauty queen, nag-transform siya bilang isang girl with spikes.
22:02Celestial Angel naman ang peg ni T.J. Marquez.
22:07Hindi rin nagpahuli si Tim Yap sa kanyang ancient soldier outfit.
22:11Si J. Ortega naging Disney Prince sa kanyang Aladdin costume.
22:16Fierce as a warrior naman ang peg ni Matthew Ull.
22:25At eto na ang ilang pumatok na costume natin this year.
22:30Isang holy win sa tagig at isang fauli win sa leite.
22:40Ayan, ayan, ayan, ayan. May paandal sa basura.
22:44Ayan ang pinatunayan na accounts ng si student na si J. Lasaka mula Takloban.
22:50Waggie bilang funniest costume sa kanilang Halloween party ang kanyang ostrich costume na gawa lang sa ilang,
22:56o sa isang trash bag at sa nadamakmak na creativity.
23:00Hindi halatang last minute ang obra dahil may diniliver pang reveal.
23:05Good vibes naman!
23:07Ang na-cutie cam moment sa tagig.
23:10Ang isang nakaspooky madre costume nakatagpo ng mga totoong madre.
23:16Si cosplayer wala katakot-takot na nagmano kina-sister.
23:21Ang parehong video, daan-daang lipo na ang views.
23:25The Serb maging trending!
23:29Ayan, ingat po tayong lahat mga kapuso, ha?
23:32Lalo na dun sa mga magkocostume, baka kung sino yung magulat nyo.
23:35Awaa!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended