00:00Mga kapuso, ganyan po kalaki ang sakop ng bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility na tatawag yung Bagyong Uwan.
00:08Ayon sa pag-asa, nasa mahigit 1,000 km ang lawak ng bagyo.
00:12Kaya nitong takpan ng halos buong Luzon at Visayas.
00:16Pusible pa rin itong maging super typhoon kapag lumapit sa bansa.
00:19Ang iba pang update sa bagyo, tutukan dito sa Balitang Halit.
00:23Mainit na balita, umakit na sa 188 ang nasawi dahil sa nagdaang Bagyong Tino, ayon sa Office of Civil Defense.
00:34Pinakamarami po sa nasawi sa Central Visayas.
00:37Sa panayam ng unang balita sa unang hirit kay OCD spokesperson Junie Castillo, 140 sa mga namatay ang galing sa nasabing lugar.
00:4633 naman sa mga biktima ay mula sa Negros Island Region.
00:50Umakit din sa 135 ang bilang ng mga nawawala, 79 sa Central Visayas at 56 sa Negros Island.
00:59Sa pinakahuling datos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
01:03mahigit 2.2 milyong Pilipino ang naapektuhan dahil sa Bagyong Tino.
01:11Isa pang mainit na balita, ilang ralista ang sumugod sa tanggapan ng ombudsman.
01:20Sigaw ng mga nagpaprotesta ang pagpapanagot sa nangyayaring katiwalian sa bansa.
01:27Mabagal daw kasi ang aksyon ng gobyerno.
01:29Kinalampag ng mga ralista ang gate ng ombudsman.
01:32Ang ilan, sinubukan pang akyatin ito.
01:35Ang buong detalye, ihahatid namin maya-maya.
01:38Lumakas pa bilang severe tropical storm ang binabantay ang bagyo sa Pacific Ocean.
01:47Ayon sa pag-asa, taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa isang daang kilometro kada oras.
01:53Huling na mataan yan, 1,325 kilometers, sila nga ng Eastern Visayas.
01:58Mamayang hating gabi o madaling araw bukas, inaasahang nasa loob na po ng Philippine Area of Responsibility ito bilang typhoon.
02:07Posible rin magkaroon ng rapid intensification o mabilis na paglakas ang bagyo habang tinatahak nito ang Philippine Sea.
02:15Hanggang sa ito'y maging super typhoon bago mag-landfall sa Isabella Aurora area sa lunes.
02:20Maaga nang naglabas ng abiso ang pag-asa ukol sa posibleng ulan na ibubuhos ng bagyong uwan.
02:26Sa narating po na linggo, posible ang torrential rains o matitinding ulan sa Catanduanes.
02:32Intense rains naman sa Northern Samar, Eastern Samar, Suorsogon, Albay at Camarines Provinces.
02:39Heavy rains o malalakas na ulan ang mararanasan sa Samar, Biliran, Leyte, Masbate, Quezon Province, Marinduque, Romblon, Aurora, Quirino, Isabella at Cagayan.
02:49Kung tinignan naman natin ang rainfall forecast ng Metro Weather, posible ng ulanin dahil sa bagyong uwan ang ilang bahagi ng Bicol Region at Summer Island, umpisa Sabado ng hating gabi.
03:01Umaga po ng linggo, asahan na rin ang ulan sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
03:08Posible ang torrential rains sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
03:12Kasunod ng pagdadeklara ng State of National Calamity sa bansa, itinas na ng Department of Health ang Code Blue Alert status sa lahat ng kanilang opisina at pasilidad.
03:24Ibig sabihin, may mga karagdagang health personnel na ipadadala sa evacuation centers at pansamantalang tinutuluyan ng mga sinalanta ng bagyong tino.
03:32Handa rin nilang ipamahagi ang mga gamot, medical supplies at mobile response teams para umalalay sa mga lokal na pamahalaan.
03:39Mas pabibilisin din ang koordinasyon sa emergency response sa pamamagitan ng kanilang operations center at health emergency management staff.
03:48Handa naman daw ang Department of Social Welfare and Development na maghati ng tulong sa mga pamilyang posibleng maapektuhan ng paparating na bagyo na tatawaging uwan ngayong weekend.
03:57Ayon sa DSWD, mahigit 2 milyong family food packs ang nakahanda sa kanilang mga bodega sa buong bansa para sa mas mabilis na pamamahagi nito.
04:05Nakikipagugnayan na rin sila sa Department of Budget and Management para sa agarang dagdag sa kanilang quick response funds.
04:13Ang DILG naman, hinihikahit na mga lokal na pamahalaan na palikasin ngayong weekend ang mga nakatira sa high-risk areas o mga lugar na mas mataas na bantaang pagbaha at landslide.
04:24Halos 918,000 na consumers ang wala pa rin kuryente sa ilang rehyon sa bansa dahil sa Bagyong Tino.
04:32Batay po yan sa datos ng National Electrification Administration as of 3 p.m. kahapon.
04:37Kabilang sa mga apektadong rehyon ay Mimaropa, Western, Central at Eastern Visayas pati Karga.
04:45Paglilinaw ng NEA, ito pa lang yung sakop ng mga electric cooperative at bukod pa sa private distribution utilities.
04:5128 electric cooperatives pa ang nakararanas ng partial interruption.
04:57Ang DOE naman may binuong task force Tino na magmamonitor sa supply ng kuryente sa mga apektadong probinsya.
05:03Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ngayong araw ang deadline para maayo sa mga naapektuhang transmission lines.
05:14Sa ibang balita, patong-patong na reklamo ang kinakaharap ng tatlong magkakaibigan sa Quezon City matapos maahulikam na nanakit at nanutok ng baril.
05:23Balitang hati ni James Agustin.
05:28Bumaba mula sa minamanehong motorsiklo ang isang lalaki at saglit na pumasok sa kanyang bahay,
05:33sa bahaging ito ng San Simon Street sa barangay Holy Spirit, Quezon City.
05:37Maya-maya pa, dumating ang ilang magkakaibigan na nakasakay sa dalawang motorsiklo.
05:41Paglabas ng lalaki, nilapitan siya ng magkakaibigan.
05:44Hanggang sa nauwi ito sa komprontasyon at besikalan.
05:48Hindi pa rin natapos ang kaguluhan.
05:50Biglang naglabas na mga barilang dalawa sa magkakaibigan at itinutok ito sa lalaki.
05:56Mabilis na naka-responde ang mga taga-barangay at operatiba ng Holy Spirit Police Station.
06:00Pagkatapos na ihatid ng complainant yung boyfriend ng pamangkinong kinakasama niya,
06:09ilang sandali lang po ay bumalik itong boyfriend ng pamangkinong kinakasama niya.
06:15Kasama na po yung mga kaibigan ito.
06:18Pagkatapos ho nun nagkaroon ng alitan, konfrontasyon,
06:23doon na ho nagkainitan yung kabilang panig at doon na ho sa binunutan at tinutokan ng baril.
06:29Base po doon sa pagtanong-tanong natin doon sa complainant,
06:33ay ayaw po ng pamilya nila doon sa boyfriend po ng pamangkin nila.
06:37Kaya hindi siguro tanggap nitong boyfriend, kaya nagkaroon po ng ganong insidente.
06:46Naareson ng pulisya sa lugar ang 20-anyos na boyfriend
06:49at ang kaibigan niyang 23-anyos na nahulian ng kalibre 38 baril na kargado ng mga bala.
06:55Sa follow-up operation, nahuli naman ang 26-anyos na kaibigan
06:58na nakuha na ng kalibre 45 na gun replica.
07:02Request na po tayo ng firearms verification,
07:04pero po lumalabas doon na hindi po sila lisensyado na magkaroon po ng sarili nilang baril.
07:11Tumangging magbigay ng payag ang 20-anyos at 26-anyos sa mga sospe,
07:16habang ang 23-anyos nilang kaibigan.
07:18Sa korte na lang po natin pag-usapan, sir.
07:21Maarap ang tatlo sa reklamong grave threat.
07:23May karagdag ang reklamong physical injury ang 20-anyos,
07:26habang ang dalawa pa niyang kaibigan ay reklamong paglabag
07:28sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
07:31James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:36Ito ang GMA Regional TV News.
07:42Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
07:46Patay ang isang pedestrian ng mabangga ng bus sa Gumaca Quezon.
07:51Chris, ano ang nga detalya ng pangyayari?
07:55Pony, hindi raw gumana ang preno ng bus,
07:57kaya nito nabangga ang binatilyong naglalakad noon sa kalsada.
08:02Basis ang desigasyon, bago ang insidente,
08:04ay nasiraan ang bus sa barangay Inaklagan.
08:07Nagtulungan ang mga pasero nito para itulak ang bus
08:10at ng mapagana, nawala naman umano ito ng preno
08:13hanggang sa magdere-derecho sa bangin.
08:16Labing pito sa dalawamput siyam na sakay nito ang sugatan.
08:20Pahirapan ang pagrescue sa kanila
08:21dahil madilim at matarik sa lugar.
08:24Hinahanap pa ng maotoridad ang bus driver.
08:27Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag
08:29ang pamunuan ng bus.
08:30Patay din ang isang lalaki
08:33nang mabangga naman ang isang armored van
08:35sa Kurimao, Ilocos Norte.
08:38Ayon sa pulisya,
08:39nag-overtake ang armored van
08:40hanggang mawala ng kontrol ang driver nito.
08:43Doon na nabangga ang lalaking,
08:45nakikipagkwentuhan lang daw sa gilid ng kalsada.
08:48Nagtamu siya ng matinding sugat sa ulo
08:50na kanyang ikinamatay.
08:52Nakaligtas naman ang kanyang mga kasama noon.
08:54Sumukul sa pulisya ang driver ng armored van
08:57na wala pang pahayag.
08:59Ayon sa Kurimao Police,
09:00nagkaroon na ng pag-uusap
09:01ang driver at mga kaanak ng biktima.
09:04Patuloy pa ang investigasyon.
Comments