- 7 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00BANGKULONG
00:30BANGKULONG
01:00BANGKULONG
01:30BANGKULONG
02:00BANGKULONG
02:03Maraming salamat, Tina Pangaliban Perez.
02:12Happy Monday mga mari at pare.
02:15Marami ang natuwasa mala
02:17mother and daughter closeness
02:19ni ating kapatid Starcar Mina Villaruel
02:21at ni ex-PBB housemate Ashley Ortega.
02:25Instant sweetness overload
02:28and peg ng dalawang actress off-screen.
02:31Benta sa netizens ang ilang moments ni na Carmina at Ashley
02:34sa golden birthday ni Carmina nitong weekend.
02:38Si Ashley ang girlfriend ni Mavi na anak ni Carmina.
02:41Napadyampa nga ng Crazy for You si Ashley
02:43habang proud siyang binibideo nga ni Mavi.
02:47Todo cheer naman sa kanya ang kambal ni Mavi na si Cassie.
02:50Noong Mother's Day ng magkasama ni na Ashley at Mavi,
02:53si na Carmina at Zorin Legaspi sa isang double date celebration.
02:58Dati na rin nagkasama sa hit GMA Prime series na Widow's Web,
03:02si na Ashley at Carmina.
03:12Malita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
03:16Arestado ang nagsisilbing accountant ng isang kumpanya sa Bacolod City.
03:21Cecil, para sa anong krimenya?
03:22Raffi embezzlement umano o pagnanakaw ng pera ng kumpanya ang ginawa ng sospek.
03:31Ayon sa pulisya, abot sa 900,000 pesos ang ninakaw ng babaeng accountant sa loob ng dalawang taon.
03:38Nabisto lang daw ito ng magsagawa ng company audit.
03:42Napagalaman na kumukuha siya ng bahagi ng kitang nire-remit ng mga sales staff ng kumpanya.
03:47Aminado ang sospek sa pagnanakaw at sinabing ginamit niya ang pera sa e-sabong at online gambling.
03:54Nahaharap siya sa 40 counts ng reklamong qualified staff.
03:58Arestado ang isang lalaki matapos luoban ang bahay ng isang negosyante sa barangay Fatima sa General Santos City.
04:07Mahigit 400,000 pisong halaga ng grilo at gintong alahas ang narecover ng pulisya sa bag ng 25-anyos na sospek.
04:15Ayon sa pulisya, ilang beses nang niluoban ng lalaki ang bahay ng biktima at nakunan pa siya ng CCTV.
04:23Noong August 12, inakyat niya ang pader ng bahay.
04:26Nakunan din siyang naglalakad sa loob ng parehong bahay noong July 8.
04:30Dagdag pa ng mga otoridad, aabot umano sa milyon-milyong pisong halaga ang ninakaw ng sospek.
04:36Aminado ang sospek sa krimen, pero hindi raw totoo na aabot sa tatlong milyong piso ang kanyang ninakaw.
04:43Paliwanag niya, nagawa lang niyang magnakaw para sa kanyang nakababatang kapatid na may sakit.
04:49Humingi siya ng tawad sa kanyang nagawa.
04:51Hindi nagpaunlak ng panayam ang may-ari ng bahay na disidido raw na sampahan ng reklamo ang sospek.
05:03Nakahandusay ang lalaking yan habang kinukuyog ng grupo ng mga lalaki sa Cebu City.
05:08Habang sinasapak siya, may isa pang tumalon at tila naglanding sa muka ng biktima.
05:14Abot sa labing dalawa ang nambugbog sa kanya, na karamihan daw ay minor de edad.
05:19Pag-amin ang biktima, miyembro siya ng isang gang at mga miyembro raw ng kaaway na gang ang mga nambugbog.
05:26Nagkaharap na ang mga sangkot sa insidente kasama ang mga otoridad.
05:30Doon na pag-alaman na nagsimula ang gulon ng habuli ng biktima ang kabilang grupo.
05:35Inakala raw na may dalang sandata ang biktima kaya siya kinuyog.
05:40Sa huli, walang plano magsampan ang reklamo ng biktima.
05:43Eto na ang mabibilis na balita.
05:50Arestado sa Kaloocan ang dalawang suspect sa pagpatay umano.
05:53Sa dalawang babaeng natagpong patay sa tabing kalsada sa Palawig, Zambales.
05:57Ayon sa pulisya, natunto ng dalawa sa isang hotel sa barangay Bagong, Baryo.
06:01Na-recover sa mga suspect ang isang baril at dalawang sasakyan na ginamit nila sa pagtakas.
06:07Ayon sa mga pulis, posibleng may kinalaman umano sa iligal na droga ang motibo sa pagpatay sa mga biktima.
06:12Tinutugis pa ang dalawang kasamahan na mga na-aresto.
06:16Nakataktang i-turnover ang mga suspects sa Zambales Police para sa pagsasampan ng reklamo.
06:20Wala silang pahayad.
06:24Sinuspindi ng siyamnapung araw ng Land Transportation Office ang lisensya ng viral pickup driver na nag-counterflow sa Malolos, Bulacan.
06:32Inimbitahan din ng LTO ang driver na personal na nagsumiti ng komento o paliwanag sa kanilang tanggapan sa August 22.
06:39Pusibleng siyang maharap sa reklamong Driving Against Traffic, Obstruction of Traffic at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
06:47Wala pang pahayag ang pickup driver.
06:49Sumakses ang pagpapalabas ng ganito tayo kapuso short films kahapon sa Quezon City.
07:00Sa mga hindi po nakapunta, mapapanood din yan sa kapuso channels at digital platforms.
07:06Balitang hatid ni Athena Imperial.
07:12Pinilahan sa isang mall sa Quezon City ang Ganito Tayo Kapuso, film showing ng GMA na handog ng network sa mga manonood.
07:21Filipino core values ang tema ng seven short films na tampok sa screenings in celebration of the network's 75th anniversary.
07:29I'm really glad na meron ganitong advocacy ang GMA kasi sa panahon ng misinformation, in fact sa dami ng information, kuminsan hindi mo na alam kung ano yung mahalaga.
07:41At the end of the day, ang babalikan mo yung tinatawag na core values.
07:44Sana huwag lang tayong matuwa.
07:47We take to heart kung ano man yung mga messages at lessons at values na pinararating ng bawat pitong pilikula.
07:55Tampok sa Tres Maria, si na Mikey Quintos, Ana Linbaro at Thea Tolentino, susubukin ang kanilang pananampalataya at pagiging makadyos sa film na ito.
08:07Wala sa pagkahumaling sa gadgets, matutuklasan ng mga batang ginampananin na Ewan Mikael at Shena Stevens sa storyang Gigi,
08:14ang totoong saya sa mamamagitan ng paglaro at pakikipagkaibigan.
08:20Tungkol naman sa pag-abot ng pangarap ang kwento ng Rakitera.
08:23Isa sa buhay ni na Althea Ablan at Patricia Tumulak kung paano maging maabilidad.
08:30Sa pelikulang Opo ni na Vanes Del Moral, David Sean at Erika Laude, matututunan ang pagiging makabayan.
08:38Isang ina ang nagpamanarito ng mga kultura at panlasang Pinoy sa kanyang mga anak.
08:43Pagmamalasakit naman ang tema ng The Job Interview.
08:46Si Alan Ansay, gumanap bilang aplikant na naantala ang job interview dahil sa pagtulong sa kapwa.
08:54Inalala naman ang isang amaang sakripisyo bilang jipney driver sa pelikulang Para sa Pamilya.
09:00Pagiging mapagmahal ang ipakikitang aral ni na Matt Lozano at Heath Journalist.
09:05Pagkamalikhain ang tinampok sa The Mommy Returns, kung saan ang mga recipe ng mami sumikat online dahil sa talento ng isang estudyante.
09:15Ang magamang Roy at Anton Vinson, magkasamang gumanap sa isa sa short films.
09:21Scenes nila ang pinakapumatok sa moviegoers.
09:24Kwento nila, hindi raw planado ang pagiging cast ni Roy.
09:27Ihinatid lang daw niya si Anton sa set ng last day of shoot.
09:31Kinausap ako, ngayon yung taga Channel 7, pwede ka bang gano'n ito?
09:36Of course! Sige!
09:38Ihinatid ko lang siya.
09:39Sabi ko, okay game!
09:41Good experience daw kay Anton na makasama sa short film ang kanyang daddy na nagtuturo sa kanya ng acting tips at pakitisama sa mga cast at production staff and crew.
09:52Dapat gililain mo muna yung co-actors mo bago ka tumuntong sa set na yun.
09:58And dapat i-memorize mo lang lagi, paulit-ulit lang dapat yung i-memorize mo kaya dumatutupad yung eksena na yun.
10:07Mapapanood din ang short films sa GMA, GTV, iHeart Movies at Heart of Asia, maging sa YouTube at GMA Pinoy TV para sa mga global kapuso.
10:18Athena Imperial, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:22Umabot sa 25 privado at pampublikong sasakyan ng pinara at tinikita ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC ngayong araw dahil sa paglabag sa batas trafiko.
10:34Kamilang rito ang ilang bumubiyahe kahit pudpudang gulong at ilang rider na walang helmet.
10:39Ang mainit na balita hatid ni James Agustin.
10:41Sunod-sunod na pinara ng maoperatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC ang mga motorsiklo na hindi nakasot ng helmet ang rider at angkas sa magsaysay Boulevard sa Sampaloc, Maynila, kaninang umaga.
10:57Halos lahat ng angkas, mga estudyante na hiyahatid sa kalapit na eskwelahan.
11:02Todo dahilan ng mga magulang.
11:03Nagmamadali lang sir, kakagising ko lang kasi kasi kinagkatid lang rin ako ng asawa ko eh.
11:08Ngayon lang ngayon lang kasi nagmamadali ako eh.
11:11Paalala ng SAIC sa mga magulang.
11:13Dapat nakasuot ang tamang helmet ang kanilang mga anak kapag sumasakay sa motorsiklo.
11:18Napaka-delikado po dahil hindi natin masabi yung aksidente kung kailan o posible po bang mangyari.
11:24Iba po yung nandun tayo sa ika nga ay pag-iingat.
11:28Hindi rin pinalampas ang mga jeepney na bumabiyahing pudpud na ang gulong at sira ang brake lights.
11:33Mayroon pang gumagamit ng improvised plate.
11:36Sabi, tsaga-tsaga muna po eh. At wala pa pong pambili yung mayari.
11:41Extra lang po ko si Dito, nasira kasi yung unit ko eh.
11:44Ngayon lang pa ako nakabiyahe dito eh.
11:48Eh, pinawagan na ako, bumiyahe ako. Kakaabiyahe ko lang nga po eh.
11:52Ang bus na ito, tinanggalan ng plaka dahil out of light.
11:55Nagsakay daw ng pasayro sa Cubao, kahit ang nakasahad sa prangkisa na biyahe, ay sorsogon hanggang Pasay lang.
12:01Sumusunod lang po kami sa mga dispatcher namin kung pinapasakay kami ng pasayro po.
12:08Umabot sa labing limang motorcycle riders, pitong jeepney drivers, dalawang bus driver at isang truck driver ang natikitan dahil sa iba't ibang paglabag.
12:16Sabi ng SAI, kahit araw-araw ang kanilang inspeksyon, marami pa rin pampublikong sasakyan na nakikitaan ng mga paglabag.
12:23Kaya mas hihigpitan nila ito simula ngayong araw.
12:25Yung pong mga mahuhuli po natin na mga lumalabag dito po sa ating mga ginagawang road worthiness inspection,
12:33ay ire-recommenda na po natin for actual inspection ng kanika nila pong mga sasakyan sa LTO
12:38para ito po ay masuri at makita po kung karapat dapat po po bang makatakbo sa mga pampublikong kalsada.
12:45James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
12:50Iniutos ng National Police Commission na bawiin ang balasahan sa pulisya na ipinatupad ni PNP Chief General Nicolás Torre III.
12:59Sa papamagitan ng resolusyon, may direktiba ang NAPOLCOM na ibalik bilang Deputy Chief for Administration si Lt. Gen. Jose Melencio Nartates.
13:09I-pinababalik naman kay Lt. Gen. Bernard Banak ang posisyon ng Commander ng Area Police Command Western Mindanao.
13:17Matatandaang nagpalit ng posisyon si Nartates at Banak sa utos ni Torre.
13:23Dagdag pa sa direktiba ng NAPOLCOM, ipatupad na ng PNP ang bagong assignments ng labing isa pang pulis.
13:31Nakasaad sa resolusyon na hindi tumaan sa NAPOLCOM ang bank ang rigodon na ipinatupad ni Torre.
13:36Sa kabila nito, nagpahayag ng pagsuporta ang ilang Police Regional Office kay Torre.
13:41Ayon kay Torre, na-resolba na ang anyay conflict sa pagitan ng PNP at NAPOLCOM sa pamamagitan ng dayalogo.
13:50Hindi raw siya magbibigay ng detalya dahil internal matter daw ito.
13:56Dumalo ngayong umaga sa flag ceremony ng National Bureau of Investigation ang nagbitiw na NBI Director na si Retired Judge Jaime Santiago.
14:04Tatlong araw yan, matapos siya magpasa ng irrevocable resignation o hindi na mababawing pagbibitiw sa pwesto.
14:11Sabi ni Santiago, walang tigil anya ang paninira sa kanyang reputasyon ng mga interesado o mano sa kanyang posisyon.
14:17Para daw hindi masira ang kanyang pangalan, pinili na lang daw ni Santiago na mag-resign.
14:22June 2024, nang italaga si Santiago bilang NBI Director.
14:27Mananatili na daw siya sa pwesto hanggat wala pa siyang kapali.
14:29Hanggat walang words, walang napipili, walang ano, I will still perform my duty.
14:42Yun ay bilang respeto.
14:45Lilinawin ko ito. Hindi ako umalis dahil sa ayaw ko na sa administration.
14:51Wala silang inutos na iligal.
14:53Ito ang GMA Regional TV News.
14:59Patay ang isang rider matapos mabanga ng minivan ang minamaneho niyang motorsiklo sa Pulomulok, South Cotabato.
15:07Nanatnan pa ang lumiliyab ang motorsiklo na inapula ng mga bumbero.
15:11Ayon sa pulisya, nabanga ang motor ng kasalubong na minivan nang ito'y lumiko sa highway sa barangay magsaysay.
15:18Dead on arrival sa ospital ang rider na nagtamaw ng matinding tama sa ulog.
15:23Sugata naman ang angkas niyang hindi patupoy ang pagkakakilanlan.
15:27Ipinamedical din ang driver ng van na sumuko sa mga otoridad.
15:31Sinusubukan pang kunin ang kanyang pano.
15:33Arestado ang dalawang nalaki sa Vibas Operation sa barangay Bagaspas sa Daet, Camarines Norte.
15:43Ay sa pulisya, nasabat sa mga sospek ang mahigit sa 2 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakalaga ng mahigit sa 14 na milyong piso.
15:52Nakupis ka rin ang isang kotse, 500 pisong Vibas money at mga peking, 500 at 1,000 piso.
15:58Nasa kustodiyanan ng Diet Municipal Police Station ang mga sospek na maharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
16:08Wala silang pahayag.
16:14Extra special ang 20th showbiz anniversary ni Kapuso Primetime Queen at Stars on the Floor Dance Authority Marian Rivera.
16:22Kasama niya kasing nag-celebrate ang mga estudyante ng Philippine National School for the Blind.
16:29Game si Marian na nakisaya sa meet and greet doon.
16:32Say ni Marian, thankful siya sa mga estudyante dahil sa hatid nilang inspiration at pagmamahal para sa buhay.
16:40Last month naman, nang pasayahin ni Marian ang Smile Train Kids.
16:45Speaking of smile, kumasa si na Mommy Yan at Sixto Dante sa New Mom Trend Online.
16:52Sa video, may ibinulong si Marian kay Sixto.
16:55Ang caption nito ay,
16:57Smile if you want a new mom.
16:59Biglang nawala ang smile ni Sixto at umiling pa.
17:03Si Marian naman na pasmile sa cuteness overload ni Sixto na ikinatawarin ng netizens.
17:09May 6.8 million views na yan sa Facebook.
17:12Mga mari at pare, confirmed!
17:18Getting ready na ang Global Superstars BTS para sa kanilang much-awaited comeback.
17:25Inanunsyo yan mismo ng grupo sa kanilang 7-minute live broadcast sa Weverse nitong weekend.
17:31Chika ng OT7, looking forward na silang iparinig ang kanilang binubuong album na nakatakdang i-release sa 2026.
17:39Feeling emotional naman ang ARMY dahil sa non-stop kulitan at tawanan ng K-pop idols while enjoying their beach vacation sa Los Angeles, California.
17:49Ito naman, kapag nagbabayad po ng pamasahe, syempre dapat ibinibigay ka agad ang sukli.
18:00Pero ang bida nating graduating student na taga Manila, may one last lesson bago mag-marcha.
18:06Natuto raw siyang alisin ng hiya para maibalik ang sukli nilang magkataklase.
18:12Ayan o, malapit nang bumaba sa modern jeep si Maybel at mga kaklase niya.
18:29Kaya kailangan na raw talagang makuha ang sukli nila.
18:33Kaya ang kaibigan si Arvin, naglakas loob na para mapansin ng manong doktor.
18:37For the Barker, ang peg sa loob ng jeep gamit ang portable mic at speaker.
18:41Worth it naman dahil naibigay ang 16 pesos na sukli.
18:46So 100 pesos, nabayad nilang magkataklase ang video.
18:50Nakakuha pa ng mahigit 1 million views.
18:53Yan ang trip na Trending!
18:57Bakit hindi ba kaagad naibigay ang sukli?
18:59Baka naman nakalimutan.
19:01Tsaka may wife pa na dun sa loob.
19:03Hindi baka dala nung si Jante.
19:05Baka baka may video okay sila.
19:07Pero kwela naman, at talagang paalala naman ito, balik nyo naman kaagad.
19:12Lalo na maraming nagtitipid na estudyante, di ba?
19:15Malaking bagay yung kahit na piso lang.
19:17Correct.
Recommended
2:00
|
Up next
2:02:16
8:46
13:06
14:17
1:27:58
16:16
20:16
14:10
4:42
19:24
17:07
11:26
10:31
26:36
16:24
Be the first to comment