Skip to playerSkip to main content
  • 4 days ago
Trending ngayong Halloween ang lalaki na nagsuot ng police uniform costume, bagay na hindi nagustuhan ng NAPOLCOM. Ano nga ba ang sinasabi ng batas sa ganitong klaseng “costume controversy”? Kasama si Atty. Gaby Concepcion, alamin kung may legal na pananagutan ang ganitong aksyon sa ilalim ng batas.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Baka puso, usap-usapan at trending ang tatalakayan natin ngayong umaga.
00:04Viral po kasi ang larawang ito.
00:06Papakita namin.
00:08Yan, yung lalaki nagsuot ng police uniform bilang costume sa isang Halloween party.
00:15Ang uniforme pinutula ng manggas, ang police badge, may bahagi rin ginupit.
00:20Bagay na hindi nagustuhan ng Napolcom at ng liderato ng pulisya.
00:25Ipinagutos ang Napolcom na hanapin ang lalaki pero nagkusa na rin siya pumunta sa tanggapan ng komisyon.
00:32Ang show cost order sa kanya, pinunit na lang at hindi na isinilbi.
00:37Ang bayan, samot-sari pong opinion dyan pero ano nga bang sinasabi ng batas sa issue na yan?
00:43At para sagutin yan, may special time bisita ngayong umaga.
00:47Walang iba, our very own kapuso sa batas, Atty. Gabby Concepcion para sa issue ng bayan.
00:55Good morning, attorney.
01:00Uy, maraming salamat at ginest nyo ka dito.
01:02Pero, attorney, on one hand, may nagsasabing ang police uniform dapat igalang.
01:08On the other hand, may nagre-react naman na parang nag-overreact ang polisya o ang Napolcom dito.
01:15To settle this, ano ba ang sinasabi ng batas, attorney, sa pagsusot ng police uniform bilang costume?
01:22Kailan natin masasabing may nalabag sa batas?
01:24Well, actually, meron tayong provision sa Revised Penal Code, yung Article 179, na sinasabi,
01:30bawal ang illegal use of uniforms or insinia ng isang tao,
01:34kung hindi siya miyembro ng klas na mga taong gumagamit ng uniform or insinia na yan.
01:40Ito nga ang ginagamit na parang, actually, di ba, parang panakot.
01:44Nasasampahan ang kasong to na may penalty na arresto mayor or one month and one day to six months na kulong.
01:51So, medyo mabigat din, di ba?
01:53Pero, personally, hindi kasi ako sang-ayon sa interpretation na ito na ginagawang krimen yung paggamit nito bilang Halloween costume.
02:01Ngayon, kung yung isang tao, nagsuot siya ng police uniform, tumayo sa kanto at nangingikil para nananakot ng tao,
02:08yun definitely, masasabi natin, illegal use of uniform yun.
02:12Unfortunately, walang kaso na umabot sa Korte Suprema para magkaroon na ng official interpretation ng Article 179.
02:19Pero, merong napakalumang kaso na sa Court of Appeals umabot na ang ginamit na uniform ay uniform naman ng mga madre.
02:27At ito nga yung ginamit na Provisioned Revised Penal Code.
02:30At ginamit yung uniform habang humihingi ng limos sa kalsada.
02:33So, yung ganyan, yan, na-convict ng illegal use of uniform, yung ganyang klaseng paggamit,
02:40naintindihan natin kung bakit siya nagiging bawal.
02:43Pero, yung ginawang Halloween costume, parang hindi naman yata, yan, yung intention nung batas,
02:50ipinagbawal niya yung illegal use of uniform.
02:52O, may nabasa ako parang, parang di nga ito, Halloween costume na eh.
02:55Ibig sabihin ba lahat na may nag-costume ng doktor, mao-offend ba mga doktor?
02:59Diba, kumuha ka nung, hiniram nung isang tao yung quote ng tatay niya,
03:03parang doktor.
03:04Ay, yun ba, iahabla mo.
03:06Eto, attorney, ano ba pinagkaiba nito sa mga costume o sa pag-portray ng mga polis
03:11na ginagamit sa mga serye?
03:12Alibaba, dito sa GMA, yung, ano ba ito, sanggandikit, yan, polisyon.
03:19Anong pinagkaiba?
03:21Well, mukhang, actually, parang mukhang medyo sensitive.
03:25Mukhang very sensitive talaga ang mga polis sa pag-portray sa kanila.
03:28Alam niyo ba na mayroong Executive Order 297 na ni-release nung panahon ni ERAP,
03:35na dating presidente ng ERAP, na ni-regulate, actually, yung batas,
03:40re-regulate ang sale and manufacture ng mga polis uniform.
03:44Na naiintindihan naman natin, diba?
03:46Pero sa implementing rules nito, blingang may nakalagay na kapag may gumamit ng polis uniform,
03:52habang nagra-represent ng polis character sa sine o sa mga play,
03:56ay dapat daw under the supervision at regulation ng Chief PNP.
04:00Wala namang ganun sa, yung main na batas, yung Executive Order 297,
04:05wala namang nakalagay na ganun.
04:06Pero, pinapatupad nila ito, actually, naging, kaya din ako aware dito,
04:10naging issue kasi ito dati sa MTRCB,
04:13na meron hindi sila masyadong nagustuhang portrayal ng polis sa isang telesery o isang sine.
04:18Kaya't nabanggit nga ang Executive Order na ito at ang implementing rules niya,
04:23na ganun din ang reaction ng mga tao.
04:24Parang art yan, diba?
04:26Art imitates life, we don't know.
04:28Pero, ganyan yung portrayal ng polis na expression ng interpretation ng ibang tao.
04:34So, parang masyadong hinihigpitan, riniregulate.
04:38Eto, attorney, paano raw kaya?
04:39Kapag mga events sa school, halimbawa,
04:41bawal din ba yung pagsuot ng costume ng mga polis sa mga bata?
04:46Ibaayos sa ba ng pagano, diba?
04:48Sasabihin nga ng mga tao, absurd na yan, absurd.
04:50Hindi, absurd, absurd naman kung ganun na ang magiging interpretation ng batas natin.
04:55Lalo na kung obviously, bata ang nagsuot ng costume na ito.
04:58They should consider it actually an honor kung gusto ng mga bata na maging polis sa paglaki nila, diba?
05:04So, I suppose kung educational purpose, gaya ng ngang career day or role-playing,
05:09definitely wala dapat na problema yan.
05:11Ang importante, hindi nga ginagamit para magpanggap bilang tutay na alagad ng batas,
05:16na ginagamit kasi actually, gusto nilang paigtingin niyang batas na yan
05:20kasi, diba, ginagamit sa pag-hold up, yung paggamit ng polis uniform.
05:25Kaya dapat naman talaga i-regulate.
05:27Tsaka siguro kung halimbawa yun, Halloween, ang polis ba nakakatakot?
05:31Di ba daw, bawad, may nagkostyum dito, kontraktor.
05:35O, mas nakakatakot yun, di ba?
05:37Mas nakakatakot.
05:38At darling, paano naman yung mga nagbebenta ng costume na pang-polis
05:42o kahit ibang uniform ng people and authority?
05:45Well, yan naman.
05:45Yung nabanggit natin na EO297, actually, yan talaga ay pinasa para pagbawalan ng unauthorized
05:51manufacture, use and distribution ng mga polis uniform.
05:55Kasi nga ginagamit ng mga masasamang elemento yung polis uniform para sa pangingikel,
06:00pag-hold up, di ba, mga bank robbery.
06:02Yun ang talagang iniiwasan ng batas natin.
06:05Kaya kung authentic uniform parts ang binibenta ng walang permit,
06:09pwedeng ma-pinalize ang seller pero walang kulong.
06:11Pero maaaring siyang mawala ng lisensya at isara ang business niya.
06:14So, safe lang.
06:16But in general, I think it will be safe kung generic costume yung binibenta,
06:20hindi eksaktong kopya ng official design.
06:23Yung ano kaya? Nakadagdag kaya sa problema nung nagsuot yung pinagpupunit niya?
06:27Well, I guess so. Pero ang intention din niya siguro talaga, aside from the fact that it's Halloween,
06:32eh ito, to stylize it para hindi naman talaga mapagkamalan na nagpa-pretend siya bilang polis.
06:39Attorney Gabby, thank you very much.
06:41Ay, maraming salamat din sa pag-imbita niyo sa akin.
06:44Yan po ang ating issue ng bayan. Magbabalik po ako ng hirin.
06:48Wait! Wait, wait, wait!
06:50Wait lang! Huwag mo muna i-close.
06:53Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
06:57para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
07:00I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
07:04Thank you! O sige na!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended