Aired (October 12, 2025): Isang kapehan sa Romblon ang binabalik-balikan ng kanilang mga suking... ibon?! Alamin kung bakit pabalik-balik ang mga ibong garden sunbird sa video na ito.
00:00Pag sapit ng umaga, isa-isa nang nagsisilabasan ang makukulay na ibon para mag-almusal.
00:14Pero sosyal daw ang mga ibong ito dahil ang kanilang breakfast nakaserve sa mga baso.
00:26Sa isla ng Rumlon, makikita ang mga Garden Sunbird o Tamsi na masayang nanginginain sa mga baso.
00:48Kanya-kanya silang pwesto na parabang mga customer sa isang coffee shop.
00:55At ang kanilang almusal, tubig na may asukal.
01:02Finally, nakarating na rin dito sa Sunbird Ridge Coffee Shop.
01:14Matagal ko lang gusto mong puntahan ito.
01:17Ito siguro yung mga pinaglalagyan nila ng food ng Sunbird.
01:21Abangan natin, malamang maya-maya nandito na yan.
01:26Kwento ng mag-asawang Tony at Lynn, isa sa mga atraksyon sa kanilang coffee shop ay ang mga Garden Sunbird o Tamsi.
01:35How did this concept start?
01:38Really accidental.
01:39We then had seen one little tiny sunbird in captivity one time.
01:44A sunbird.
01:45And then we came here.
01:47We saw the same birds flying in the garden.
01:49And we said, it would be interesting to try and trick them to feed.
01:54Isang wildlife conservationist si Tony.
01:57Siya ang nagdala ng mga hayop mula Afrika papuntang Palawan para itatag ang isang wildlife sanctuary sa isla noong 1970s.
02:06Nang manirahan na ang magsawa sa romblon, nakakita raw sila ng apat na Garden Sunbird sa lugar.
02:16Naisipan nilang tulungan ang mga ibon sa kanilang lugar sa pamamagitan ng supplemental feeding o pagpapakain ng tubig na may asukal.
02:27Dahil matamis din ito gaya ng nectar, madaling naakit ang mga ibon.
02:34We set up a little system for it and we got the sunbirds feeding in a little canister full of honey.
02:40And from there it develops very very quickly because birds always watch each other.
02:45Sa labing walong taon na supplemental feeding nila para sa mga ibon, hindi raw bababa sa tatlong daang sunbird ang dumadalaw sa kanilang lugar.
02:55It was a long process to get the birds comfortable and come here and feed.
03:00It took time but slowly slowly over the years of course every bird flying past will spot the sunbirds in and come down to take a look.
03:07Tinatanggal nila ang mga battle feeders tuwing napapansin nilang dumi. Depende na ang mga garden sunbird.
03:14What is your explanation for feeding these birds, the wild birds?
03:19To do this, what we're doing is supplementing the food. We're not trying to keep the birds here.
03:24They don't live to eat honey all the time. And we supplement their food during very hot prayers when there are no flies or little insects they can capture.
03:32And now you'll find sunbirds everywhere on this island.
03:35Sa isla ng Romblon, kapansin-pansin ang garden sunbird na ito na sumisipsip ng nectar o matamis na katas ng bulaklak.
03:46Pilip itong inaabot ang bulaklak para makakain.
03:50Pero ang iba niyang kasamahan, sa halip na mahihirapan, nanginginain na lang sa mga basong may lamang tubig at asukal.
04:01Ayon kay Lynn, nakakaubos daw ng 8 litro ng tubig na may asukal kada araw ang mga ibon sa kanilang coffee shop.
04:12Ang maliliit at makukulay na mga garden sunbird ay endemic sa Pilipinas maliban lang sa isla ng Palawan.
04:35Gaya ng mabubuyog, mahilig din ito sa nectar o matamis na katas mula sa mga bulaklak.
04:48Ang kanilang pakurbang tuka ginagamit nito para sumisip ng nectar.
04:54Habang nanginginain din ang mga ito sa bulaklak,
04:58dumidikit sa kanilang katawan ang pollen na makakatulong sa pagpaparami ng mga halaman.
05:05Hindi raw pinapayagan nila Lynn at Tony na hawakan ng mga customer ng coffee shop ang mga garden sunbird.
05:15Natutuwa, nag-i-enjoy, napaka-free nila.
05:19Parang gusto kong maging birds din.
05:21Nakaka-relax din po.
05:22Tsaka isa pa parang may kasabay ka kumakain
05:25habang sila pinapanood mo kung paano sila kumakain.
05:30Paalala ng ornithologist o eksperto sa mga ibon na si Dr. Carmela Española.
05:36Ang mga ibon ay pollinators o tagapagpalaganap ng buto sa wild.
05:43Kaya ang simpleng pagkain nito malaking epekto sa natural na pagpaparami ng mga halaman at puno.
05:51Ang resulta noon ay pwede magkaroon din ang disease transmission
05:56kasi meron kang konsentrasyon ng mga ibon.
06:01So, naiipon sila sa isang lugar.
06:04Pwede yung may mga sakit ay pwedeng maghawahawa sila.
06:08Ang another effect noon ay overpopulation.
06:12So, pwedeng dumami sila sa isang lugar.
06:15Another effect would be pwedeng magkaroon ng imbalance.
06:23Dapat pag-aralan ang tamang paraan ng paggawa nito.
06:31Independent ang mga hayop na ito, mga ibon na ito, sa binibigay ng pagkain ng tao.
06:39May metallic blue na balahibo sa dibdib ang mga lalaking garden sunbird.
06:46Itinapakita nila ito para mapansin ng babaeng sunbird.
06:51Kaya ng mga garden sunbird mabuhay sa kagubatan at sa hardin.
06:57Itinituring din itong least concerned species ng IUCN Red List of Threatened Species.
07:04Hindi lang mga garden sunbird ang nakikinabang sa supplemental feeding nila Tony at Lynn sa mga ibon.
07:16Nakikisalo rin sa pagkain pati ang ibon na bulbul.
07:21Omnivores o kumakain ng halaman at mas malilit na insekto ang mga ibon na ito.
07:27Nandito lang tayo sa garden and the birds they feel very comfortable na nagbibuild sila ng nest dito.
07:36So ibig sabihin, they don't feel threatened.
07:40And ito, ang may gawa niyan is bulbul daw ang may gawa ng nest na yan.
07:50If you have a garden like this, tapos sa umaga pag gising mo, dito ka lang.
07:55And papanoorin mo yung mga ibon na nanginginlain dyan.
08:00Ibang feeling na nakaka-relax na you see these birds are not afraid.
08:07And it only shows that hindi sila takot dahil alam nila walang panganib sa kanila.
08:16Some will say na we shouldn't interfere with the wildlife.
08:21For me, this is lesser evil.
08:23I don't think it's that bad.
08:26Kasi sa ibang lugar, yan na rin ang ginagawa nila.
08:30Siguro depende, pagka ang panahon, kulang sa pagkain, pwede natin isupplement.
08:38Let's say summer, maraming namumulaklak na mga puno.
08:42Kaya nilang isupplement itong mga ibon na ito.
08:46Kung overweight ba sila or parang normal naman yung pangangatuan nila.
08:50Para mas dumami pa ang pagkain ng mga ibon, nagtatanim din sila sa kanilang bakuran ng mga halaman.
08:57Ang pagtulong sa mga ibon ay hindi masama, lalo na sa panahon hirap ito sa pagkuhan ng pagkain.
09:11Pero mas mainam pa rin na magtanim ng mga halaman at hayaan na natural itong maghanap at kumain ng nectar.
09:19Para maghampana ng mga ibon ang kanilang tungkulin sa kapaligiran.
09:23Maraming salamat sa panunood ng Born to be Wild.
09:30Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
09:33mag-subscribe na sa JMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment