Aired (September 27, 2025): Sa Quiapo, Manila, may bagong pinipilahan—ang mami overload ni Justine, isang 17-anyos na negosyante. Hindi basta-basta ang toppings ng kanyang mami, may spicy ribs, pata, lechon at tuwalya! Sa halagang ₱100–₱150, siguradong mabubusog ka na. Dahil mura at masarap, sumakses si Justine na nagsisikap daw para sa anak niya. Atin siyang bisitahin kasama ang "Pambansang Rater" na si Markybap. Panoorin ang video. #GoodNews
Be the first to comment