- 4 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 12, 2025
- Protesta kontra-katiwalian, idaraos ngayong araw sa gitna ng kontrobersiya sa flood control projects
- 2 flood control projects ng DPWH sa Brgy. Budlaan, nasira; isa sa mga nasira, wala pang 2 buwan mula nang maitayo | DPWH, sinusubukang kunan ng pahayag tungkol sa mga nasirang flood control projects sa Cebu City
- Maliit na porsiyento lang ng mga Pilipino ang nagsabing komportable sila sa kanilang kinikita, base sa survey | Maraming Pilipino, sinabing kailangan pa ng dagdag na trabaho para maitawid ang mga bayarin
- Sen. Lacson: Walang sisinuhin ang Blue Ribbon Committee sa mga imbestigasyon sa flood control projects | CCTV footage ng pagpunta ng kinatawan ng WJ Construction sa Senado, hawak ni Sen. Lacson | Dating Sen. Grace Poe, balak ipatawag sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee; tatanungin din daw si Sen. Mark Villar
- Blind auditions sa bagong season ng "The Voice Kids," mapapanood na simula sa Linggo
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Protesta kontra-katiwalian, idaraos ngayong araw sa gitna ng kontrobersiya sa flood control projects
- 2 flood control projects ng DPWH sa Brgy. Budlaan, nasira; isa sa mga nasira, wala pang 2 buwan mula nang maitayo | DPWH, sinusubukang kunan ng pahayag tungkol sa mga nasirang flood control projects sa Cebu City
- Maliit na porsiyento lang ng mga Pilipino ang nagsabing komportable sila sa kanilang kinikita, base sa survey | Maraming Pilipino, sinabing kailangan pa ng dagdag na trabaho para maitawid ang mga bayarin
- Sen. Lacson: Walang sisinuhin ang Blue Ribbon Committee sa mga imbestigasyon sa flood control projects | CCTV footage ng pagpunta ng kinatawan ng WJ Construction sa Senado, hawak ni Sen. Lacson | Dating Sen. Grace Poe, balak ipatawag sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee; tatanungin din daw si Sen. Mark Villar
- Blind auditions sa bagong season ng "The Voice Kids," mapapanood na simula sa Linggo
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Good morning.
00:29Ito ay narito ako sa bahagi ng Edsa Ortigas kung saan nakatakdao magkaroon ng kilos protesta mamayang alas 11 ng umaga ang ilang grupo.
00:37Ayon sa Bangon Sambayanan Movement, layan ang kanilang protesta na ipanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magbitew na sa kanilang pwesto.
00:46Base sa schedule, magkakaroon ng programa at noise barrage mula alas 11 ng umaga hanggang alauna ng hapon.
00:53Itutuloy yan pagdating ng alas 5 ng hapon kung saan inaasahan nilang mas marami raw ang lalahok sa programa.
00:58Bukod sa Edsa Ortigas, mayroon din mga grupo na magsasagawa ng kilos protesta sa harap naman ng Senado mamayang alas 9 ng umaga.
01:06Yan ay para ipanawagan ng solusyon sa problema sa mga flood control project ng gobyerno.
01:10Magkakaroon din ang kilos protesta sa UP Diliman pagsapit naman ang alas 10 ng umaga.
01:15Ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO, aabot sa 200 polis ang nakatakdang ideploy sa Edsa Ortigas mamaya.
01:22Iginiit ng NCRPO na mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance para masiguro naligtas ang publiko sa kabila ng mga gagawing pagkilos mamaya.
01:31Igan sa mga oras na ito, wala pa tayo nakikita mga grupo na naghahanda dito sa bahagi ng Edsa Ortigas kaugtay ng kanilang gagawing kilos protesta.
01:41Pero mayroon na mga polis na nakita tayo dito na idineploy ng mga NCRPO.
01:46At sa ngayon, wala pa namang o hindi pa naman mabigat ang daloy ng trapiko dito sa kahabaan ng lugar.
01:53Live mula dito sa Edsa Ortigas, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:01Ikinadismaya ng ilang residente sa isang barangay sa Cebu City ang pagkasira ng dalawang flood control projects sa kanilang lugar.
02:12Isa sa mga nasirang proyekto ngayon taon lang natapos.
02:15Live mula sa Cebu City, may ito mabalita si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
02:23Susan, dalawang proyekto ng Department of Public Works and Highway sa isang barangay sa Cebu City ang nasira.
02:29Isa sa mga ito ay dalawang buwan pa lang mula ng magawa.
02:40Personal na ininspeksyon kahapon ni Cebu City Mayor Nestor Archival ang 70 million pesos na flood control project sa barangay Budlaan.
02:49Tumambad sa alkalde ang mga nasira at bumigay na parte ng proyekto.
02:54Ayon sa marsidente, limang taon pa lang mula nang matapos itong gawin.
02:58Ang batong ipangutang, niigod ang ipangutang sa ilalong niya.
03:04Pagka humat, di ligid na konkret ba?
03:07Siguro na ibatong, ikongkreto pero di ligid na full konkret na na yung mga kabilya.
03:12Sa ako lang personal na opinion o electrical engineer man ko,
03:16para na ko di ligid tumaong pagkatawaan ko.
03:18Ang dating barong-barong ng 80-anyos na si Josefina Ramos,
03:22sa gilid ng ilog ang isa sa mga inanod ng baha nitong Agusto nang tumaas ang sapa.
03:28Dismayado siya sa sitwasyon ng proyekto dahil sayang ang perang ibinuhos dahil agad itong nasira.
03:35May mga bahay rin na ilang hakbang na lang at tila.
03:52Mahuhulog na sa gilid ng sapa at maabutan kung tataas ang level ng tubig sa lugar.
03:59Dahil dito nangangamba ang marsidente sa kanilang kalagayan.
04:03Kung ano ta sir, baka nang, kung ano lang din, tarong mo lang ta'n nilag tabaho ba?
04:09Kaya nakumta, kainig budget niya eh.
04:12Ayon sa punong barangay, may 400 na pamilya ang apiktado ngayon, lalo pag umapaw ang nasabing sapa.
04:19Limang taon pa lang ito at pinunduhan ng DPWH ng 70 milyon pesos.
04:25Nagsimulang masira ito noong nakaraang taon.
04:27Dahil walang ginagawang pagkumpuni ang DPWH at ang kontraktor sa nasirang bahagi ng revetment wall,
04:35ang barangay na lang ang nag-aayos sa nasirang bahagi.
04:39Sa barangay Budlaan din, ilang buwan lang nang matapos gawin ang reprap nang bumigay ang parte ng proyekto.
05:01Ayon sa punong barangay, inilagay ang 5 milyon pesos na reprap project upang magsilwing proteksyon sa mga motorista upang maiwasang mahulog sa bangin.
05:13Sinimulan ang proyekto noong Enero, ngayong taon at natapos pagkatapos ng 6 na buwan na siyang target completion date ng proyekto.
05:24Ngunit dalawang buwan pa lang matapos makumpleto, may parte ng gumuho.
05:29Dagdag ng punong barangay na bago pa man sinimulan ang proyekto, nagkortisikol sa kanyang tanggapan.
05:35Sa barangay ang DPWH ngunit, nang matapos na ang proyekto, hindi na sila sinabihan.
05:46Susan, patuloy na sa nusubukan ng GMA Regional TV na makuha ang reaksyon ng DPWH kaugnay ng dalawang proyekto.
05:55At dahil walang project details, wala na nakakaalam kung sino ang mga kontraktor ng nasabing mga proyekto.
06:03Susan.
06:04Palang salamat, Alan Domingo ng GMA Regional TV.
06:08Lumaba sa isang survey na malita porsyento lang ng mga Pilipino ang komportable sa kanilang kinikita.
06:14Kumusta naman kaya ang iba pa nating kababayan?
06:17Live mula sa Pasay City.
06:19Ewan ang balita si Bam Alegre.
06:22Bam?
06:22Ewan, good morning. Paano kaya ang label ng ating mga kapuso sa kanilang financial status?
06:31Comfortable, managing, or struggling?
06:34Yan ang tatalakay natin sa Street Hiring.
06:40May forever para kay Mary Van Taculo.
06:43Share sila ng kanyang asawa sa gastusin sa pamilya.
06:45Kaya naman kahit papaano, masasabi niyang komportable ang kanilang financial resources.
06:50May katuwang, kaya kayang matugunan ng mga pangunahing pangangailangan at nakakaluwag-luwag na.
06:56Comportable naman.
06:58Wala namang problema kasi dalawa namang yung mag-asamang kumikita.
07:01May katuwang ko.
07:02Oo, may katuwang ako.
07:03Ayon sa isang ulat, maliit na porsyento lang pala ng mga Pilipino ang nakakapagsabi na komportable sila sa kanilang kinikita.
07:10Services, 14% lang pala ng mga Pilipino ang komportable raw at kayang bilhin ang karamihan sa kanilang kailangan.
07:1875% naman ang nagsasabi na naitatawid naman nila pero kailangan pa ng dagdag na trabaho.
07:24Habang 11% naman ang nagsasabi na naghihirap sila sa kanilang finances.
07:29Ang magkatrabahong sina Cindy Hoyohoy at Kimberly Garcia, maraming bayarin pero naitatawid naman daw.
07:35At kung may pagkakataong mag-sideline para sa extra cashing, abay kanilang susuungin.
07:40Sa inflation po na nangyayari ngayon, parang hindi masyadong komportable.
07:46Pero nakakaraos naman, ayun nga lang sa mahal ng mga bilihin po ngayon.
07:50Parang nagiging yung parang yung pang-saving sana na pupunta sa mga needs.
07:57Sa mahal din po ng bilihin ngayon and also supporting po the family as well.
08:02Hindi po siya sumasapat at the same time yung renting.
08:06Si Nandito Bugan naman, ramdam daw ang hirap ng pagkakaroon ng dalawang trabaho.
08:10Minsan, nagsasakay siya ng mga pasahero o kaya nagde-deliver ng gamit.
08:14Kung hindi kakayod ng extra, mahihirapan sa gastusin talaga.
08:18Kailangan pa po ng extra.
08:20Kailangan po talaga ng dupline para may makain, may mabili ng ulap.
08:24Kung hindi mo gagawin, ano?
08:25Oo, kung wala po talaga, kung hindi ko gagawin.
08:27Kailangan itong survey ang resulta ng panayam sa 2,000 na mga Pilipino mula Pebrero hanggang Abril ngayon taon.
08:39Ito ang street hirin mula rito sa Pasay, Bama Legre para sa GMA Integrated News.
08:43Diniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakso na walang sisinuhin ang kanilang komite sa mga embisigasyon kahit kapwa mambabatas ang masagasaan.
08:54Kabilang sa mga inaalam ay kung sino ang kinausap ng kinatawan ng isang construction company nang magpunta siya sa Senado noong August 19.
09:02May unang balita si Ian Cruz.
09:08Masagasaan na raw kung sino ang dapat masagasaan.
09:11Yan ang tugon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakso sa posibilidad na baka mambabatas ang mahagip sa paghahanap ng nag-insert umano ng mga item sa 2025 national budget.
09:25Isa sa inaasahang ipapatawag sa susunod na pagdinig sa Webes si Engineer Bryce Hernandez.
09:30Na naunang isiniwalad sa pagdinig sa Kamara na may P355M na ibinaba umano ng proyekto si Sen. Jingoy Estrada sa Bulacan at 30% umano ang SOP o kickback niya rito.
09:48Sagot dito ni Estrada.
09:49Wala kayong tatanda na paano siya ako?
09:52I don't know. Sa dami ng mga mayors, mga governors, mga konsyahal na humihingi sa akin ng mga project.
10:03Eh lahat, pinababaya ko na lang. Binibigay ko na lang sa mga staff ko para sila na magbigay sa mga mayors.
10:12Ayon naman kay Lakson, may nakita nga silang insertion sa 2025 budget na P355M.
10:20May proyekto nga raw na na-award mula sa nasabing pondo nitong Mayo lang.
10:25Pinatsik ko agad sa General Appropriations Act.
10:27Kung meron bang insertion na nagkakahalaga ng P355M na intended para sa Bulacan.
10:36And we found one. Meron talaga insertion na wala sa house version pero lumabas ito doon sa after Bicam.
10:47So maliwanag na either sa Senate version or sa Bicam yun na insert.
10:52Aminado si Sen. Ping Lakson.
10:55Walang record na mga kasamang posibleng nagsingit ng mga items sa 2025 national budget.
11:01Mahirap man daw ang trabaho, hahanapin daw nila kung sino-sino ang mga ito.
11:06Isa pang iniimbisigahan ng pagpunta-umano ng kinatawan ng WJ Construction sa Senado noong August 19.
11:14Kailangan daw malaman kung kanino nagpunta at sino ang kinausap ng kinatawan sa Senado noong araw na yon.
11:23Sinisika pa namin makuha ang panig ng WJ Construction.
11:26As we speak, meron kaming video footage ng CCTV footage na dumalaw dito talaga yung WJ.
11:36Ang pangalan niya, Tamina no.
11:39Ipapatawag namin yun.
11:40Kasi tatanungin namin, although may idea kami kung saan siya nagpunta rito,
11:45kaninong opisina ang dinalaw niya,
11:47pero ipapatawag namin para malaman natin kung kanino siya nagpunta,
11:51kaninong opis at sino yung kinausap niya.
11:54Para maliwanag whether or not i-stop ng Blue Ribbon yung pinuntahan o legislator yung pinuntahan,
12:01edi magpaliwanag yung kapwa Senador.
12:05Naungkat ang pangalan ng WJ Construction sa testimonya ni Hernandez sa Kamara noong Martes,
12:12kaugnay sa pagde-deliver umano ng anyay obligasyon para sa proyektong ibinigay,
12:18ni Nooy Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
12:22This was way back in 2022, the time when Ben Ramos was introduced to me by my boss, D. Alcantara.
12:32Who is Ben Ramos?
12:33Staff of Sen. Jingo Estrada po.
12:36This was the time na meron pong project na binigay si Boss Henry Alcantara kay Ms. Ben Ramos
12:41through Ms. Mina of WJ Construction.
12:47So yun po yung ginamit na license or contractor.
12:52At dandyan po yung pag-uusap kung kailan po magde-deliver ng obligasyon dahil kailangan po ni Boss Henry.
13:00Sabi noon ni Estrada, wala siyang staff na Ben Ramos.
13:04Pero meron daw itong kapangalang staff ng Senate Blue Ribbon Committee.
13:09Inilipat na raw ang nasabing casual employee sa isang departamento, Annie Lakson.
13:14Inimbisigan siya, actually ngayon, meron siyang parang explanation at napag-explanation siya ng wala pa akong update.
13:22Pero yun ang huling usap namin ni Secretary General, Secretary Bantug.
13:29For humanitarian reasons, sabi ko, medyo dahan-dahan din tayo.
13:34Samantala, kinukonsidera na rin daw ng Blue Ribbon Committee na ipatawag ang dating pinuno ng Senate Finance Committee na si dating Senadora Grace Po.
13:43Inter-parliamentary courtesy, si Sen. Grace Po, para ma-identify kung saan o kung sino yung nag-insert nung 355 milyon na yun.
13:54Kasi established na natin na either sa Senate version o sa bicameral, sa bicam, lumabas bigla yung...
14:01Kasi wala sa NEP, wala niya sa GAB.
14:05Pagdating naman sa mga proyekto noong Duterte administration, pwede raw nilang tanungin si Sen. Mark Villar na nooy kalihim ng DPWH.
14:14Sen. Villar could be a very good resource person, at the same time, member of the panel.
14:22He can share. He's free to share his whatever he thinks or he knows about what happened from 2016 to 2022.
14:32Sa nakita ko, very, very, very active ang bank accounts ng Diskaya Coppol simula ng 2015, 2016.
14:41Ito ang unang balita. Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
15:11Ang newbie coach na si Zach Tabudlo ng Project Z, kahit maguhan, may advantage daw si Coach Zach na na-experience din niya maging contestant sa singing competition.
15:20Hindi rin naman papahuli ang returning coaches na si Julie Ann San Jose ng Julie Squad at si Billy Crawford ng Team Believe.
15:28Abangan ang exciting na agawan nila sa talented young Pinoy singers.
15:32This Sunday na ang simula ng blind edition sa The Voice Kids 7PM dito sa GMA Network.
15:38GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment