Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sinisilit ng Anti-Manual Laundering Council ang financial transactions na mga isinasangkot sa maanumalyomo ng flood control projects.
00:08Ayon kay AMLOC Executive Director Matthew David, nakikipagtulungan sila sa ibang ahensya kabilang ang Office of the Ombudsman, Bureau of Internal Revenue, at National Bureau of Investigation.
00:19Maaari daw maglabas ng freeze order ang Court of Appeals kapag napatunayang konektado ang pera o ari-arian sa mga krimen tulad ng korupsyon, tax evasion, o smuggling.
00:28Mandato ng AMLOC na imbestigaan ng mga kahinahinalang transaksyon para protektahan ang financial systems sa Pilipinas.
00:44Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:48Patay po sa pananaksak ang isang lalaki sa Santa Barbara, Pangasinan.
00:52Chris, may sospek na ba?
00:53Connie, isang tricycle driver ang sospek na naingayan umano sa grupo ng biktima.
01:02Ayon sa pulisya, galing sa inuman ng biktima kasama ang tatlong kaibigan at papunta sana sa isang lugawan sa barangay poblasyon.
01:09Pagdating ng grupo sa harap ng plaza, sinagawan sila ng isang tricycle driver na naingayan umano sa tambucho ng kanilang motorsiklo.
01:17Sinundan sila ng tricycle driver hanggang sa lugawan at doon na binato ng isa sa kasama ng biktima ang tricycle driver na nagalit, bumunot ng kutsinyo at nagkagulo.
01:27Nasaksak ang isa sa mga lalaki na hindi na umabot ng buhay sa ospital.
01:32Naaresto kalauna ng tumakas sa sospek.
01:35Marap siya sa reklamong homicide.
01:37Sinusubukan pa siyang makuna ng pahayag.
01:39Aristado naman sa magkahihwalay na operasyon sa Ilocos Norte ang dalawang nalaking sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.
01:48Sa barangay Gareta, Sabado, uli sa bypass operation, uli ang sospek na nasa drug watchlist na lugar.
01:57Nasa bad sa kanya ang pitong pakete ng hinihinalang syabu at ang perang ginamit sa operasyon.
02:02Wala pang pahayag ang sospek na maharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
02:09Sa lawag naman, walong pakete na naglalaman umano ng syabu ang nakumpiska mula sa isang dalaki ng biyembro umano ng isang drug group.
02:17Maharap din siya sa parehong reklamo. Wala pa rin siyang pahayag.
02:23May init na balita, lampas ulit sa dalawang milyong Pilipino ang unemployed o walang trabaho.
02:28Ayon sa Philippine Services Authority, 2.59 million ang walang trabaho nitong Julio, pinakamaraming ngayong 2025.
02:36Katumbas ito ng 5.3% ng labor force sa bansa.
02:40Mahigit 46 million naman ang mga Pilipinong employed nitong Julio, higit na mas mababa kumpara sa 50.47 million na may trabaho noong Junio.
02:49Sabi ng PSA, manufacturing sector ang may pinakamaraming bagong trabaho nitong third quarter ng 2025, kesa noong second quarter.
02:57Marami namang nabawasang trabaho sa mga sektor ng wholesale at retail, agrikultura, pangingisda at construction.
03:05Ayon din sa PSA, tumaasa 6.8 million ang mga underemployed nitong Julio.
03:10Bula yan sa mahigit 5 million na underemployed noong Junio.
03:13Sila yung mga may trabaho pero mas mababa sa kanilang kakayahan o nakukulangan sa kanilang kita.
03:26Guni-gunito, ang proyekto ko na ako nakikita dito. Baka meron may third eye sa inyo na may nakikita ang blood control dito.
03:34Reaksyon niya ni DPWH Secretary Vince Dizon ang madiskubring walang tatlong proyektong idiniklarang tapos na sa barangay,
03:41a pitong sa nawahan Oriental Mindoro.
03:43Kasama ni Dizon si Oriental Mindoro Governor Omerlito Bones Dolor sa paginspeksyon kahapon.
03:49Sabi ni Dizon, dapat nakatayo na ang 300 million pesos na halaga ng dike at esplanad sa Panggalaan River.
03:55Pati na ang dalawang ipo pang dike na aabot sa 450 million pesos ang pinagsamang halaga.
04:02Ayon sa kapitan ng barangay, walang itinayong mga proyekto roon.
04:07Sa barangay Tagumpay naman, nabisto ang isang flood control project na Anibizo na overpriced at substandard.
04:13Nasa 2.67 billion pesos ang halaga ng proyekto na hinati-hati sa pitong kontrata.
04:20Pinaghatian nito ng tatlong kontraktor, ang Sunwest Incorporated, St. Timothy Construction Company,
04:26at Elite General Contractor and Development Corporation.
04:29Wala pang pahayag ang mga natura ang kontraktor.
04:31Ayon kay Dolor, hindi niya alam ang proyekto na walaan niyang bidding o building at quarry permit mula sa kapitolyo.
04:38Hindi rin daw ipinagpaalam ang paggiba sa dating flood control project kaya binaha ang mga nakatira sa tabi ng dike.
04:44Maghahain si Dolor ng reklamo labas sa mga nasa likod ng proyekto.
04:49Nakapirma sa mga proyekto ang sinibak na DPWH Regional Director Engineer na si Gerald Pakanan na kinukuhanan pa ng pahayag.
04:56Itinanggiin ni na Sen. Jingo Estrada at Joel Villanueva na kumnikbak umano sila dyan sa flood control project sa Bulacan.
05:08Kasunod po na yan ng revelasyon ni dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez sa pagdinig ng House Infra Committee kahapon.
05:17Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
05:19Mabibigat ang aligasyon ni Engineer Bryce Hernandez sa pagdinig ng House Infrastructure Committee.
05:28Tama po si Sen. Laxon na ang mga engineers ng DPWH ay tila naging legman o bagman na lang.
05:36Kung tatanungin niyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman,
05:42tasagutin ko na po ngayon.
05:43Sabi ni Sen. Marco Leta kahapon, ligtas ka na.
05:51Hindi po ito totoo.
05:52Si Sen. Jingo Ejercito Estrada, Sen. Joel Villanueva, Yusek Robert Bernardo at D. Alcantara.
06:02Dalawang senador at isang dating undersecretary ng DPWH ang kanyang tinuro na kumikikbak umano sa flood control project sa Bulacan.
06:12Si Sen. Jingo Epo ay nagbaba ng P355M ngayong 2025 sa mga ilang projects sa Bulacan.
06:23At ang sabi po ng boss ko dito ay 30% ang commitment dito.
06:28P600M last 2023 from Sen. Joel Villanueva.
06:33At ang SOP nito ay 30% din.
06:35Ang 30% commitment o SOP na sinasabi ni Engineer Hernandez ay yung napunta sa mga senador.
06:42Kung susumahin, P106.5M ang 30% ng P355M.
06:51P180M naman ang 30% ng P600M.
06:55Nai-deliver daw ang SOP na ito kay dating District Engineer Henry Alcantara,
07:00base sa sinabi umano niya kay Hernandez.
07:02Si D. Alcantara namin ang masasabing chief implementor.
07:07Siya po ang kumakausap sa lahat ng politiko na involved dito.
07:12At least 3% po siya sa lahat ng projects na dumadaan sa opisina namin.
07:17At pinapasabi pa nga sa amin sa mga contractor na kung gusto niyong magkaroon ng maraming projects sa susunod,
07:23ay magbigay kayo ng additional na 2% sa kanya.
07:27Parang finders fee daw.
07:28Ayon kay Hernandez, si Alcantara umano ang nagde-deliver ng pera sa mga politiko
07:34at kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na nagbitiuna kamakailan.
07:40Ang para kay Villanueva, hinatid parao mismo sa bahay ng senador.
07:44D-deliver sa bahay niya sa Bukawi ni D. Alcantara at dating hepe ng aming construction si Engineer JP Mendoza.
07:54Minsan, sabi ni Hernandez, sa opisina niya sa DPWH Bulacan, pinadadala ni Alcantara ang pera tulad ng dinala ni Sally Santos ng Sims Construction.
08:05Sa office ko po, dinadala ni Sally Santos lahat ng pera na nakakahon.
08:10Can you tell us, before this committee, kung gaano nakalaki ang dinalang pera ni Sally Santos sa office mo?
08:17Ang mula po nung 2022, billion na po.
08:23Lahat po nang dinedeliver ni Sally Santos na pera na nakakahon, wala po akong ginagalaw doon.
08:29Yun po ay pinakukuha rin ng boss ko sa opisina ko.
08:33Kaya lang po doon pinapalagay kasi wala pong taong umaakit doon sa opisina ko.
08:38Wala po akong katabing opisina doon.
08:40Napaka-santo mo naman, yung billion na hindi nababawasan at wala ka man lang party doon.
08:47Bula 2022, teka muna, 2022 hanggang anong taon, yung billion na yun?
08:532025 po.
08:552022 to 2025.
08:58Okay.
08:59Sabihin na natin,
09:01pag-deliver sa opisina mo, para kanino yun?
09:05Para kay District Engineer Henry Alcantara.
09:08Itinanggi ni Alcantara ang lahat ng sinabi ni Hernandez.
09:12Wala raw siyang tinatanggap na pera at di rin siya kumausap ng mga politiko at nagde-deliver ng porsyento.
09:19Yung sinasabi niya po na dinala niya sa akin ng pera,
09:25eh hindi po totoo at wala po akong tinatanggap tungkol po sa nanggagaling na transaksyon nila kay Sally Santos.
09:32Sa Senado, binanggit po ni Sally na sila po ang nangungontrata.
09:38Paano niya po ibibigay sa akin?
09:40Eh kung iyong po ay kontrata nila.
09:42Handyan po ang mga jepe namin na kasama namin dati.
09:46Handyan po ang project engineer na magte-testify po.
09:49Sila po ay mga biktima po ng pumumwersa at pamimilit ni engineer Vice at engineer JP de Guzman Mendoza.
10:00Hindi po totoo yan na ako'y nagde-deliver sa mga politiko.
10:05Si Sen. Joel 2023, wala pong project na flood control si Sen. Joel ever since.
10:11At sino po ang makakaalam kung sino po ang naglalagay dyan? We are not part of the BICAM.
10:18Itinanggi rin niyang magkakilala sila ni Sen. Estrada.
10:21Sa isang punto, isang litrato ang pinakita ni Hernandez kung saan magkasama si na Alcantara at Estrada.
10:29Kung hindi po sila magkakilala, there was a time nag-birthday po si Sen. Jingoy sa Soler. Umaten po siya.
10:36Sabi ni Alcantara na imbitahan lang daw siya ng ibang kaibigan.
10:40Nagpakita rin si Hernandez ng isa pang litrato kung saan magkasama si na Sen. Estrada at Alcantara.
10:47I'm just trying to show that Mr. Alcantara, Engineer Henry Alcantara and Sen. Jingoy Estrada have met a couple of times already.
10:59And they appear, what do they appear? Do they appear close? And they appear super close, Your Honor.
11:04Pag-ami ni Alcantara, noong Mayor si Erop Estrada sa Maynila, nasa DPWH Manila si Alcantara, kasama si dating Undersecretary Bernardo.
11:15Magkasama ko sa Maynila, magkasama ko sa DPWH.
11:19Tapos tinatanggi mo ngayon na wala kayong koneksyon kay Jingoy Estrada, Sen. Jingoy Estrada.
11:25Paano na nangyari? Tingin niyo maniniwala yung mga taong bayan?
11:28Wala po kong personal na koneksyon po kay Sen. Jingoy, Your Honor.
11:32Nagpakita rin si Hernandez na mga litrato ng bulto-bultong pera na diniliver daw kay Alcantara.
11:39Nakaparte-parte na raw ang pera, depende sa pagbibigyan sa utos ni Alcantara.
11:44Pero di sinabi kong para kanino.
11:46Yung pera po na yun, nasa bahay na po yun, I think po, iyan po ay pera ng contractor po na nakolekta, nagamit ang ibang lisensya.
11:56Ipinakita rin ang screenshot na mga disappearing messages o mano sa isang messaging app sa pagitan daw ni na Sen. Villanueva at Alcantara.
12:05Kinunan daw ito ng picture ni Engineer J.P. Mendoza na nagsabing ito raw ay tungkol sa requests para sa multipurpose buildings.
12:13Noong October 2023, na kung saan, nagre-request po si Sen. Joel na yung mga binasa po ni Engineer Bryce ng flood control.
12:26Sinasabi ni Sen. Joel na mababa lang yung kanyang pondo, subalit siya ang majority floor leader siya noong that time and member siya ng Commission on Appointment.
12:41Yung una po, yung kay Sen. Joel, ang tanda ko po diyan, nagre-request po siya ng mga multipurpose buildings kay Sekretary at that time.
12:50Tapos po, nung nando po kami sa healing sa Senate, kinausap ko po siya, sabi niya, nagre-request ako kay Sekretary, papalo up po na lang.
13:01Ilan po yan, wala namang po nakalagay diyan na ako'y may transaksyon ng financial sa kanya.
13:05Marihing itinanggini na Sen. Estrada at Sen. Villanueva ang mga allegasyon laban sa kanila.
13:11Naggalit talaga ako, talaga napamura ako na napakasinungaling nitong tawang ito.
13:16If Mr. Hernandez truly stands by his allegations, I challenge him right now to take a lie detector test with me.
13:26Let us settle this once and for all and show the public who is telling the truth.
13:31Uulitin ko at parang sirang plaka na po ako, Mr. President. Wala po ako kailanman naging flood control project.
13:39Pinalaki po ako ng magulang ko na naniniwala ako sa langit at impyerno.
13:44Guit ni Estrada, hindi niya kakilala si Hernandez.
13:48Just common sense. Will you think I will be actively participating in this investigation na nandun siya, nakilala ko siya, nagbibigay siya ng pera sa akin?
13:58Siguro he wants to get even with me because I was the one who cited him in contempt at pinakulong siya, Senado.
14:08Hindi rin daw niya kakilala si Alcantara, kaugnay ng picture nila na pinakita sa pagdinig.
14:14I do not know, I cannot recall that event pero sa dami naman nagpapapicture sa akin, hindi ko naman pwede tangyan.
14:22E kung drug lord yan o gambling lord, malay ko naman kung drug lord yan o gambling lord, hindi ko naman matatangga kung sino nagpapapicture sa akin.
14:29Remember, we are all public figures here.
14:31Balak din daw niyang magsampa ng reklamo laban kay Hernandez.
14:35Si Villanueva, iginiit na wala siyang tinatago at hindi rin daw niya pagtataksilan ang kanya mga prinsipyo.
14:42Hindi lang po kategorically denying yung binabatong putik sa atin at para dumihan ang ating pangalan.
14:51May resibo po tayo, madaling verifikahin, tayo po ay more than willing mag-undergo at sumali sa anumang investigasyon sapagkat wala po tayong tinatago.
15:03Ayon ang patulan ng Senadora, mga sinabi ni Hernandez na umano'y gumagalaw sa kumpas na hindi niya tinukoy ang pangalan.
15:11Humiling si Hernandez ng proteksyon sa Kamara para doon madetine imbes na sa Senado kung saan na contempt siya.
15:19Pero ayon kay Senate President Tito Soto, napagkasundoan nila na sa custodial center sa Camp Krami i-detetine si Hernandez at ang Senate security ang magbabantay.
15:29Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig niya Undersecretary Bernardo.
15:35Hiniling na ni DPWH Secretary Vince Disson sa DOJ na mag-issue ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa dating Undersecretary.
15:45Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended