Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Who will come to Castle City?
00:04Kumuha ng toilet paper,
00:06yung babaan yan pumunta sa drawer at may kinuha.
00:08Ang babae, kasambahe pala,
00:10at ang kinuha niya ay dalawang sing-sing ng kanyang amo.
00:14Natuntun at naaresto kalauna ng suspect
00:17sa San Jose del Monte, Bulacan.
00:19Na-recover ang engagement ring na 156,000 pesos ang halaga,
00:23pero hindi ang 65,000 pesos na wedding ring
00:26dahil naibenta na raw ng suspect.
00:29Aminado ang suspect sa krimen,
00:31na nagawa raw niya dahil nasa ospital ang kanyang apo.
00:34Nahaharap ang suspect sa reklamong qualified theft.
00:40Kinutugis ng Manila Police ang limang hall dapper
00:43na nambiktima sa mga pasahero ng isang jeep sa tondo.
00:46Balitang hati ed ni Jomer Apresto.
00:50Kita sa CCTV ang pagbaba ng limang lalaking yan.
00:54Mula sa pampasaheron jeep sa Tayuman Street,
00:56baragay 154 sa tondo, Maynila,
00:58pasado alas 7 kagabi.
01:00Maya-maya, pumasok sila sa gate ng supermarket
01:03habang dumiretsyo naman ang jeep at kumaliwan ng One Luna.
01:06Ayon sa barangay 55, hindi kaanong maaninag sa CCTV nila,
01:10pero ang mga lalaking bumaba mula sa jeep,
01:12mga hall dapper pala.
01:14Base sa salaysay ng isa sa mga biktima sa barangay,
01:17galing sa isang mall sa Santa Cruz ang jeep at papunta ng Pritil,
01:20isa raw sa mga salarin ang sumakay sa bahagi ng Dagupan Street.
01:24Sa bali, nag-declare ng hold-up.
01:26Paglagpas po ng dagupan, biglaan, marami sila sa loob ng jeep.
01:30May mga pera, cellphone, kasama po pa yung ibang mga gadget ng pasahero.
01:40Bukod sa mga cellphone, nakuha rin ang mga hold-upper ang passport ng isa sa mga biktima
01:45na gagamitin niya pa sana ngayong umaga.
01:47Papuntang Indonesia, yung isa sa mga na-hold-up.
01:51Base sa investigasyon ng Jose Abansantos Police Station,
01:54posibleng nakasakay na ng jeep ang apat sa limang salarin
01:57sa bahagi pa lang ng mall sa Santa Cruz.
01:59Armado raw sila ng mga patalim.
02:01Hindi pa malinaw sa ngayon kung gaano karami ang nabiktima
02:04dahil isa pa lang ang lumapit sa kanilang tanggapan.
02:07Ayon sa Manila Police District,
02:08na ikipag-ugnayan na sila sa management ng supermarket
02:11upang makakuha ng kopya ng CCTV.
02:14Yan ay para makita ang malinaw na mukha ng mga sospek
02:17at makita rin ang direksyon na kanilang pinuntahan.
02:20Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:26Ito ang GMA Regional TV News.
02:31Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
02:35Patay ang angkas ng isang motorsiklo matapos madamay
02:39sa aksidente ng dalawang truck sa Taggawayan, Quezon.
02:43Chris, ano ang detali?
02:46Connie, nahagip ng truck ang motorsiklong sinasakyan ng biktima.
02:50Sa dashcam video, kita ang pag-overtake ng truck sa ilang sasakyan sa Quirino Highway
02:55sa Barangay San Vicente.
02:57Sa isa pang angulo, makikita ang nag-overtake na truck na bumanga
03:01sa likod ng isa pang truck na nagderederecho sa bangin.
03:05Nahagip din ng nakabanggang truck ang motorsiklo kung saan nakaangkas ang nasawing biktima.
03:10Sugata naman ang rider, pati na ang pahinante at driver ng truck na nahulog sa bangin
03:16at ang driver ng nakabanggang truck.
03:19Base sa embesikasyon na wala ng preno ang nakabanggang delivery truck.
03:22Nakatakdang mag-usap ang mga may-ari ng dalawang truck.
03:25Wala pang pahayag ang pamilya ng mga sakay ng motorsiklo.
03:29Dito naman sa Pangasinan, sugata ng isang dalaki matapos na bumanga sa truck sa Santa Barbara.
03:36Sa pangang CCTV, makikita ang humaharurot ang tricycle na yan sa Barangay Maninding.
03:42Sinubukan ang tricycle na mag-overtake sa motorsiklong nasa unahan ito.
03:46Nagderederecho ito sa kabilang linya at bumanga sa nakaparad ng truck.
03:51Nagtamo ng mga gasga sa katawan ang driver na nawalan din ng malay dahil sa lakas ng pagkakabanga.
03:57Nakalabas na siya sa ospital at nagpapagaling.
04:00Sa embesikasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol sa manibela ang 25-anyos na tricycle driver dahil sa kalasingan.
04:07Sinisikap pang makuna ng pahayag ang tricycle driver at ang may-ari ng truck.
04:12Ayon sa pulisya, nagkaareglo na ang magkabilang panig.
04:16Pero naharap pa rin ang tricycle driver sa mga traffic violation
04:20dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya at walang suot na reflectorized vest
04:25na alinsunod sa ordinansa ng Dalawigan.
04:28Tumaas pareho ang net worth ni na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte
04:34batay sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth.
04:38Ang paghimayang ng GMA Integrated News Research sa kanilang SAL-N sa balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
04:44Ang GMA Integrated News Research ang unang nakakuha ng kopya ng joint state metafacets,
04:53liabilities and net worth o SAL-N ni na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Marcos
05:00mula sa Office of the Ombudsman.
05:02Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng 21 piraso ng real estate properties
05:09kabilang ang mga lote at bahay na nagkakahalaga ng mahigit 142 million pesos.
05:15Nagdeklara naman sila ng personal properties kabilang ang cash,
05:20investments, alahas, sasakyan at mga paintings na nasa 247 million pesos.
05:26Kabilang dyan ang isang Mercedes-Benz Maybach na nasa 10.5 million pesos ang halaga.
05:33Ang koleksyon ng paintings ng mag-asawang Marcos aabot sa 126 na piraso
05:39kabilang ang ilang likha ng mga itinuturing na Filipino masters.
05:43Kabilang na riyan ang isang obra ni Fernando Amorzolo,
05:47labing pitong obra ni Ben Cabrera, ilang likha ni Arturo Luz at iba pa.
05:52Meron pa ng isang likha ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
05:57Pinakamahalam painting ni Jose Hoya na nasa 19 million pesos ang halaga.
06:02Walang utang na idiniklara ang mag-asawang Marcos
06:05kaya ang kanilang net worth nasa mahigit 389 million pesos.
06:10Pero sa isirubiting sal-end ng Pangulo, makikita ang isang annex-D
06:16kung saan may ibang nakalagay na net worth na nasa 1.375 billion pesos.
06:22Base ito sa appraisal report ng pribadong appraiser na Cuervo Appraisers Inc.
06:28Makikita rito na mas mataas ang mga nakasaad na halaga ng mga lupain
06:33at personal properties ng Pangulo at First Lady
06:36pati na ang halaga ng mga paintings na kanilang idiniklara.
06:40Nakasaad sa deklarasyon ng Pangulo na magkaiba ang dalawang nakadeklarang net worth
06:45dahil ang isa ay nakabase sa mga alituntunin ng Civil Service Commission
06:50habang ang isa na mas malaki ay nakabase naman sa appraisal ng Cuervo Appraisers
06:56na dati na raw ginamit ng Pangulo.
06:58Kung titignan, tumaas ang net worth ng Pangulo mula noong June 30, 2022
07:03nang siya'y maging Pangulo na nasa mahigit 329 million pesos
07:08base sa sal-end na nakabase sa alituntunin ng CSC
07:13at nasa mahigit 908 million pesos
07:16kung pagbabasehan ng appraisal report ng private appraisal firm.
07:21Nakuha rin ng GMA Integrated News Research ang sal-end
07:25ni Vice President Sara Duterte mula sa Office of the Ombudsman.
07:29Joint statement nila ito ng kanyang asawang si Attorney Manasa Scarpio.
07:33Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng real estate properties
07:38na nagkakahalaga ng halos 67 million pesos.
07:42Kabilang dito ang mga lote, bahay, condominium unit, karamihan sa Davao City.
07:47Meron din silang dineklarang personal properties
07:50na nasa mahigit 31.6 million ang halaga.
07:54Ang kabuang assets na idineklara ng mag-asawa
07:57nasa halos 98.5 million pesos.
08:01May idineklara rin silang utang na halos 10 million piso.
08:05Kaya ang kanilang declared net worth nasa mahigit 88.5 million pesos.
08:11Kung ikukumpara sa kanyang sal-end mula ng maging Vice President noong 2022,
08:16tumaas ang net worth ng Vice Presidente.
08:19Nasa mahigit 71 million pesos ito noong June 30, 2022.
08:24Umakyat sa mahigit 77.5 million pesos noong December 2023.
08:31At nitong 2024, umabot na sa mahigit 88.5 million pesos.
08:37Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:48Mga mare, ihanda na ang popcorn dahil mapapanood nyo na sa mga sinihan
08:54starting November 26, ang KMJS Gabi ng Lagim The Movie.
08:59Tatlong kwento ng katatakutan at kababalagan ang tampok sa pelikula na based on true stories.
09:12Isa riyan ang pochong na hango sa folklore sa Indonesia.
09:16Pagbibidahan niya ni Miguel Tan Felix kasama si na Christopher Martin at John Lucas directed by Yam Laranas.
09:23Pagbibidahan naman ni Nasanya Lopez at Elijah Canlas ang berbalang
09:28na isang mythical creature from a Filipino folklore mula sa Tawi-Tawi.
09:33Kasama nila riyan si Rocco Nasino under the direction of Dodo Dayaw.
09:38Mapopossess naman ang demonyo ang karakter ni Jillian Ward sa storya ng Sanib.
09:43Kasama niya riyan si Terese Malvar at director nila si King Mark Baco.
09:48Presented by no other than Kapuso, multi-awarded journalist and host Jessica Soho
09:55na hindi rawakalain maisa sa pelikula ang kanilang mga kwentong KMJS.
10:01Sa media conference ng Horror Trilogy, present si GMA Network Senior Vice President Atty.
10:07Annette Gozon Valdez at GMA Pictures Executive Vice President
10:11and GMA Public Affairs Senior Vice President Nessa Valdelion.
10:15What makes this film really momentous is that Miss Jessica Soho has lent Kapuso mo Jessica Soho to this movie.
10:27Ang Kapuso mo Jessica Soho ang number one TV show running for so many years now.
10:32At ang Gabi ng Lagim ay isa palagi sa highest rating episodes for the year.
10:37Kaya it's such an honor and privilege to have a movie carried by Kapuso mo Jessica Soho sa Gabi ng Lagim.
10:44At!
10:45Let's say the shootout.
10:47If no, it's not compare any minutes to the Nationaluchican
Be the first to comment
Add your comment

Recommended