00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay po sa pamamaril ang isang abogado dyan sa Puerto Princesa, Palawan.
00:16Chris, ano ang detalye?
00:19Connie, binaril ang biktima sa compound ng kanyang bahay sa barangay San Jose.
00:24Ayon sa mga otoridad, kauwi lang ng abogado ng barilin.
00:27Nag-latag na ng mga checkpoints sa paligid ng Puerto Princesa para makatulong sa paghuli ng nakatakas na sospek.
00:34Kinundi na naman ang Integrated Bar of the Philippines, Palawan Chapter, ang krimen.
00:38Panawagan nila, mabilis na investigasyon at mapanagot ang nasa likod nito.
00:44Isang pick-up naman, ang nahulog sa krik at isang negosyante ang nasawi matapos itong malaglag.
00:53Nangyari yan dito sa Mangaldan, Pangasinan.
00:55Sa kuha ng CCTV, kita ang pag-overtake ng pick-up ng negosyante sa isang pedicab sa barangay Salaan.
01:01Paglapas ito sa pagpasok sa makipot na tulay, kitang tila tinumbok ng pick-up ang gilid hanggang sa sumampas sa harang, bumaligtad at magdere-derecho sa sapa.
01:13Agad namang rumesponde ang mga otoridad.
01:15Maging ang ilang residente pero wala ng buhay nang mailabas sa sasakyan ng driver.
01:21Nakaburol na ang biktima.
01:22Tumangging magbigay ng pahayag ang kanyang mga kaanak.
01:25Ito ang GMA Regional TV News.
01:32Mainit na bilita balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
01:37Nagkasunog sa isang residential area sa Cebu City.
01:41Sara, ilang residente yung naapektuhan?
01:43Rafi, halos siyam na pong pamilya ang nasunugan sa barangay Tejero.
01:49Kitas po sa mahigit apat na pong bahay.
01:52Gawa raw ang mga ito sa light materials, kaya mabilis na kumalat ang apoy.
01:56Ayon sa DSWD sa Cebu City, lumikas muna sa gym ng barangay ang mga apektadong residente.
02:02Wala namang nasaktan sa kanila.
02:04May ilang residente na binalikan ang natupok nila mga bahay para tingnan kung may pwede pang mapakinabangan.
02:11Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy.
02:20Arestado ang isang babaeng traffic enforcer sa Iloilo City dahil sa pangingikil umano.
02:26Inireklamo siya ng isang lalaking motorista na pumasok noon sa isang one-way na kalsada.
02:31Imbes na idaan sa tamang proseso, naningil daw ng 500 piso ang sospek para sa paunang bayad.
02:38Bukod dyan, pinagbayad pa raw ang biktima sa pamamagitan ng online transactions na umabot sa halos 30,000 piso sa loob ng 6 na buwan.
02:47Tinatakot daw ng sospek ang biktima na sasampahan siya ng reklamo kapag hindi niya kinumpleto ang bayad.
02:53Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek.
02:56Ayon sa kapatid ng sospek, posibleng may naguutos lang sa kanyang kapatid.
03:00Patuloy ang investigasyon.
03:04Sa Noveleta Cavite, arestado ang dalawang lalaking pumasok sa isang bahay at nanutok ng baril.
03:11Nadatnan pa ng mga polis ang mga sospek sa harap ng bahay na pinasok nila sa barangay San Rafael.
03:17Batay sa investigasyon, nakatira sa pinasok na bahay ang isang mag-live-in partner.
03:21Ang babaeng tinutukan ng baril, dati palang kinakasama ng isa sa mga sospek.
03:26Ayon sa mga polis, pinasok nila ang bahay ng mga biktima para singilin ang mahigit 200,000 pisong utang umano ng babae.
03:34Itinanggin ang babaeng aligasyon at sinabing desidido silang magsampan ng reklamo.
03:39Bukod sa hindi lisensyadong baril, narecover din sa dalawang sospek ang limang pakete ng shabu.
03:45Aminadong gumamit sila ng iligal na droga bago gawin ang krimen.
03:48Nahaharap sa mga reklamong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition at Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga sospek.
Comments