Skip to playerSkip to main content
Inalmahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang aniya'y "below the belt" na akusasyon na nauwi sa pagbibitiw niya sa Independent Commission on Infrastructure o ICI. Tingin niya, may nakanti siya kaya binato ng mga isyu kabilang ang isang tennis court sa Baguio na gawa umano ng kumpanya ng mga Discaya. Samantala, inaalam na rin ng Anti-Money Laundering Council kung may mga dawit sa flood control projects na bumili ng mga ari-arian abroad o nagdeposito sa mga offshore account. 


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Inalmahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang anyay below the belt na akusasyon na nauwi sa pagbibiting niya sa Independent Commission on Infrastructure o ICI.
00:14Tingin niya may nakanti siya kaya binato ng mga issue, kabilang ang isang tennis court sa Baguio na gawa-umanon ng kumpanya ng mga diskaya.
00:24Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:25Naniniwala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mayroon siyang nagalit kaya kung ano-ano raw ang ibinato sa kanya sa kanyang maikling panunungkulan bilang Special Advisor at Investigator ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:45Sinabi ito ni Magalong ng magsilbi siyang resource person sa pagdinig ng Senado.
00:49Tinabi na may conflict naman ako being the mayor and at the same time being a member of the ICI.
00:54Then suddenly, here comes a below the belt naman na akusasyon na ay dahil merong project si Diskaya dun at maanumal yung tennis court.
01:06Sobra na yan. Kung bulok ba ako, lalabanan ko yung mga very powerful na tao dyan.
01:10Tinutukoy rito ni Magalong ang press con ni PCO Yusek Claire Castro noong September 26 kung saan sinabi ni Castro na hindi itinalaga si Magalong para mag-imbestiga para sa ICI.
01:22At ayaw aniya ng Pangulo mapabayaan ni Magalong ang trabaho niya bilang mayor.
01:26Binanggit din ni Castro ang posible aniyang conflict of interest dahil sa isang tennis court sa Baguio City na ipinatayo ng isa sa mga kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto ng gobyerno.
01:38I believe I struck a nerve or several nerves na they panic at kaya ganun ngayon nangyari.
01:45Sinabi rin Magalong na dumaan sa bukas at transparent na bidding ang naturang tennis court project noong 2022 at hindi paraway ito fully paid.
01:53Sa ambush interview matapos dumalo sa pagtinig, tumanggisi Magalong ni Natalia kung sino ang nasa likod ng aniya ay below the belt na atake.
02:01Mararamdaman mo talaga na anumalya rin yung pagkandak mo ng press con na yan.
02:06And probably she's taking orders from someone else na hindi ko alam.
02:11Hindi ko kaya yun sa...
02:12Any more questions?
02:21Pero, pero...
02:22Ngayon wala na raw komunikasyon si Magalong kay Pangulong Bongbong Marcos.
02:26Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang Malacanang, kaugnay sa mga pahayag ni Magalong.
02:30Sinita rin niya si Resigned Congressman Zaldico na isinasangkot ngayon sa maanumaliang flood control projects.
02:37Para raw kay ako, Bicol Partialist Representative Alfredo Garbin Jr., maituturing aniang sakripisyo ang pagbibitiw sa pwesto ni ko.
02:44My God!
02:46Nagdakaw ka ng bayo?
02:47Kata, sasabi mo, ito was a sacrifice on your part?
02:51And it's not an abandonment?
02:54Ganyan na ba kababa yung standard natin sa kongreso, Mr. Chair?
02:59Ganyan na ba tayo kawalang hiyan ngayon?
03:03Manhid?
03:04Di ba?
03:05Napaka-calousness, hypocrisy.
03:08At nakaka-insulto sa mentalidad natin Pilipino.
03:16Nang tanungin kung naniniwala siyang credible at independent pa ang ICI.
03:20O naman, ako naniniwala pa rin ako.
03:24Na magiging maayos pa rin yan.
03:27Satayin ko, basta tuloy-tuloy lang investigasyon.
03:31Huwag lang i-re-rain.
03:33Magiging credible yan.
03:35Wala rin daw siyang nakitang anomalya sa mga pagdinig ng ICI,
03:39pero makabubuti raw kung buksan na ito sa publiko.
03:42Para sa GMA Integrated News,
03:44Mav Gonzalez, nakatuto 24 oras.
03:47Inaalam na ng Anti-Money Laundering Council
03:50kung may mga dawit sa flood control projects
03:52na bumili ng mga ari-arian abroad
03:55o nagdeposito sa mga offshore account.
03:58At kung may napatunayan,
04:00pwede umunong hilingin na i-freeze ang mga ito.
04:03Nakatutok si Maki Pulido.
04:05Hindi lang mga bank accounts at ari-arian sa Pilipinas
04:11ng ilang personalidad na nasasangkot sa flood control controversy
04:15ang tinitingnan ngayon ng Anti-Money Laundering Council.
04:18Gustong malaman ng AMLC kung nagamit ba ang mga ninako na pera
04:22para ipambili ng mga ari-arian abroad
04:24o di kaya'y diniposito sa mga offshore accounts.
04:28Nagbigay na ang AMLC sa ilang financial intelligence units
04:31sa ibang bansa ng listahan ng mga personalidad,
04:34private at public official na nababanggit sa mga investigasyon
04:37kaugnay ng mga maanumalyang flood control project.
04:41Hindi sinabi ng AMLC kung sino-sino ang mga ito.
04:44Example, kung isang pura-official ay merong foreign accounts or assets
04:49sa Europa for example o sa Asia,
04:54tatanungin po namin sa FIU sa isang bansa sa Asia,
04:58counterpart, FIU.
05:01FIU, pwede niyo bang malaman kung ano mga financial transactions,
05:06kung ano mga assets, bank accounts ng taong ito?
05:10Kung may matumbok ng mga ari-arian o bank deposit,
05:13maaaring i-request ng AMLC na i-freeze ang mga ito.
05:17Pag na-freeze na po yung asset,
05:19gagamitin po natin ang mekanismo ng mutual legal assistance
05:23wherein we will request or also our counterpart
05:26to file a civil for future case dun sa bansang yun.
05:29Ang tawag po dyan may asset recovery system.
05:33Sa Pilipinas, umabot na sa 1,563 bank accounts,
05:3854 insurance policies, 154 na mga sasakyan,
05:4330 properties at 12 e-wallet ang napa-freeze ng AMLC.
05:48Sabi ng AMLC, ang susunod na batch ng freeze order
05:51kasama na pati cryptocurrency na mga personalidad na dawit sa anomalya.
05:55Sa mga virtual exchange, virtual asset exchanges dito sa Pilipinas
06:01na subject ang virtual asset na yan o cryptocurrency
06:05ng freeze order ng Court of Appeals.
06:09Therefore, hindi pwedeng i-benta, hindi pwedeng i-transfer.
06:12Para sa GMA Integrated News,
06:14Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.
06:16Itinanggi ni Sen. Mark Villar ang aligasyong nakuha ng isa niyang pinsan
06:22ang mahigit labing walong bilyong pisong halaga ng proyekto
06:25mula noong nakaupo siya bilang kalihim
06:28ng Department of Public Works and Highways.
06:31Sa isang pahayag, sinabi ni Villar na makikita raw sa official record
06:36na wala siyang kamag-anak na nabigyan ng anumang kontrata
06:40nang nakaupo siyang DPWH Secretary mula 2016 hanggang 2021.
06:46Wala rin daw siyang pagmamayari na anumang kumpanyang sumasali
06:50sa mga proyekto ng Departamento.
06:53Kahapon, inilahad ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
06:57naimbestigahan nila si Villar,
06:59kaugnay ng pagkakakuha ng isa niyang pinsan sa mga proyekto
07:02kabilang ang mga flood control project.
07:06Sabi ni Villar, sinusuportahan niya ang anumang investigasyon sa isyo
07:10dahil wala raw siyang itinatago.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended