00:00Ilang mambabatas ang may kaanak, kaibigan o di kaya may campaign donor na may mga kontrata rin sa gobyerno.
00:08Batay po yan sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism na sinilip din ng GMA Integrated News Research.
00:16Ang ibang mambabatas na nga e tumatayo pa rin opisyal ng ilang government contracting companies hanggang ngayon.
00:22Kilalanin sila sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
00:25Sa gitna na investigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa flood control projects,
00:33may kumukwestyon kung tama bang mismo mga mambabatas ang nag-iimbestiga kung ilan sa kanila ay naiuugnay sa mga kontratista ng gobyerno.
00:42Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism na sinilip din ng GMA Integrated News Research,
00:48ilang mambabatas ang lumabas na may kamag-anak, kaibigan o campaign contributors na kontratista ng gobyerno.
00:57Sa Senado, nariyan si na Senate President Francis Escudero, Senador Joel Villanueva at Senador Bongo.
01:04Dati ng sinabi ni Escudero na nag-donate ng 30 million pesos sa kanyang kampanya noong 2022,
01:10si Center Waste Construction and Development Inc. President Lawrence Lubiano.
01:15I-dineklara rin ito ni Escudero sa kanyang sose o Statement of Contributions and Expenditures.
01:21Ang Center Waste ay kasama sa 15 contractors na pinangalanan ni Pangulong Marcos na nakakuha sa 20% na mga kontrata ng flood control.
01:31For the record, wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work,
01:36pag-bid, pag-award, pag-bahay, pag-payad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalaan.
01:42Personally, ito po, donation or nag-donate po ako kay San Torchis yung 30 million.
01:49Hindi po galing sa kampanya yun, galing po yun sa akin as a personality.
01:54Si Villanueva ay dineklara rin sa kanyang sose ang donasyo ng New San Jose Builders noong 2022 na nagkakahalaga ng 20 million pesos.
02:03Si Villanueva, dati nang itinanggi na may kaugnayan siya sa flood control projects.
02:08Isa pangaraw siya sa nag-expose nito, tatlong taon na ang nakararaan.
02:13Sinabi rin daw sa kanya ng New San Jose Builders na wala silang government contract noon.
02:18Pagamat sa ulat ng PCIJ, sinabing nakakuha ng kontrata sa gobyerno ang naturang kumpanya.
02:25Si Go naman, kinokonekta sa CLTG Builders na pag-aari ng kanyang ama at Alfrego Builders and Supply na pag-aari ng kanyang half-brother.
02:33Pero sabi ni Go, wala siyang kinalaman sa operasyon ng mga kumpanyang ito.
02:38Ang CLTG Builders ay wala sa isumbong mo sa Pangulo website ng flood control projects.
02:44Ang Alfrego naman, merong limang proyekto sa gobyerno na nagkakahalaga ng mahigit 327 million pesos.
02:52If meron pong deficiencies at meron silang pagkukulang, ako mismo po ang magre-rekomenda.
02:57Sa committee nito, nakasuhan sila.
03:00Kahit kamag-anak ko.
03:01Lumabas din sa ulat ng PCIJ at pagsilip ng GMA Integrated News Research
03:09na sa House of Representatives, labing limang mambabatas ang nauugnay sa mga government contractors.
03:16Si dating House of Appropriations Committee Chairman, Representative Elizalde Coe,
03:20co-founder ng SunWest, pero sinabi din niyang nag-divest na siya rito.
03:25Dalawang kapatid ni Coe ang lumalabas na opisyal ng dalawa pang kumpanya,
03:29ang Hightone Construction and Development Corp at FS Coe Builders and Supply.
03:35Ang SunWest at Hightone ay kasama sa top 15 contractors na tinukoy ni Marcos.
03:40Sinubukan naming hinga ng bagong pahayag ang opisina ni Coe pero wala pa silang tugon.
03:45Ilan sa mga mambabatas na yan ang tumatayong opisyal ng kumpanya hanggang ngayon.
03:50Gaya ni na magbubukid Partilist Representative Ferdinand Beltran na manager ng Third Star Builders and Contractors.
03:58At Journey Jet Nisay, general manager ng JVN Construction and Trading base sa DPWH contracts.
04:05At si Representative Carlos Loria, tumatayong president ng Macapa Corporation.
04:10Pag-aari naman ng pamilya ni Rep. Agustina Pancho ang CM Pancho Construction Inc.
04:17At ang pamilya ni Rep. Micaela Gonzalez ang AD Gonzalez Jr. Construction and Trading.
04:23Ang ibang mambabatas naman, may kamag-anak na opisyal ng mga construction firms na may kontrata sa gobyerno.
04:30Gaya ni na CWS Partilist Representative Edwin Guardiola, Rep. Munir Arbison at Munir Arbison Jr.
04:37Sa Rep. Lani Mercado Revilla, hipag ang shareholder ng Graia Construction Corporation na tiyahin naman ni na Congressman Brian at Jolo Revilla.
04:48Bayaw naman ni Rep. Caroline Agyao ng Kalinga, ang manager ng BHM Construction.
04:55Ang ama ni One Rider Partilist Rep. Ramon Gutierrez, general manager ng Alro Construction and Development Corporation.
05:02Habang si Rep. Cristina Angeles, asawa ng general manager ng Northern Builders and Construction Corp.
05:10Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng mga nabanggit ng mambabatas.
05:16Para sa isang profesor ng UP National College of Public Administration and Governance,
05:20magandang hakbang ang pag-iimbestiga sa mga flood control projects na sinasabing ginamit ng ilang politiko para makapagbulsan ng pera sa taong bayan.
05:2920% ng ating budget ay napupunta sa bribery, napupunta sa mga politikong gumagamit ng pera ng bayan para sa kanilang sariling interes.
05:41So ang ano doon, ang daming nawawalang pera, no?
05:46At yun nga, hindi talaga napupunta sa public services.
05:50Talagang titipirin mo.
05:53Ang gagawin mo, pukuha ka ng mga pinakamura, pinakasubstandard para ma-i-deliver mo yung project.
06:00So nakakalungkot yun kasi walang quality.
06:03Sabi nga ni Dr. Mendoza, ang pondong na ibulsan ng ilan dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan.
06:09Kaya mas mabuti raw kung maipapakita ng administrasyon na mapaparusahan talaga ang mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.
06:20Kailangan meron talagang tiwala ang lahat ng tao sa gobyerno at sa mga institusyon nito.
06:26Madali siyang masustain o maraming magsusumbong kung ganyan-ganyan.
06:30Pero kung pagsusumbong lang, dapat yan, meron siyang proseso para sa karangpat na parusa o sangsyon o anong dapat na mangyari doon sa sumbong.
06:43Dapat may example.
06:44Patuloy na tinitingnan ng GMA News Research ang mga listahan ng flood control projects na matatagpuan sa isumbong mo sa Pangulong website.
06:53Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
07:00At kaugnay ng ulat na yan, sabi ng opisina ni Rep. Cristina Angeles, inutusan na raw niya ang kanilang accountant para makapag-divest na siya sa Northern Builders Construction Corporation o NBCC.
07:15Sabi pa ng kanyang tanggapan, nasa pre-operational stage pa lamang ang NBCC at hindi pa nakibahagi sa anumang bidding sa pribadong sektor man o sa gobyerno.
07:25Paliwanag nila, nagsimula ang NBCC sa kumpanyang itinatag ng kanyang asawa, halos 40 taon na ang nakararaan.
07:35Naging korporasyon lamang daw ito noong 2023.
Comments