Handang magboluntaryo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at mag-imbestiga sa mga flood control project lalo’t hindi aniya maaaring Kongreso ang mag-imbestiga sa sarili. Ikinuwento rin niya ang kaniyang mga nakuhang impormasyon mula mismo sa ilang kontratista tungkol sa kung paano pinaghahatian ang pondo ng gobyerno.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Handang mag-voluntaryo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at mag-imbestiga sa mga flood control project na alot hindi anya maaring kongreso ang mag-imbestiga sa sarili.
00:11Ikinwento rin niya ang kanyang mga nakuhang informasyon mula mismo sa ilang kontratista tungkol sa kung paano pinaghahatian ang pondo ng gobyerno.
00:21Nakatutok si Mackie Polido.
00:23Mahigit P272 billion ang ipinapanukalang budget para sa taong 2026 para sa flood control projects ng DPWH.
00:35Mas mababa ng higit P75 billion kumpara ngayong taon.
00:39Ang bulto ng panukalang budget na ito ay para sa nationwide flood control project ng DPWH habang higit P2 billion ang mapupunta sa MMDA.
00:48Kinaltasan ang pondo matapos sabihin ni Pangulong Marcos na 15 lang sa mahigit 2,000 aprobadong construction company ang nakakuha ng 20% ng flood control budget.
01:00Dapat ang implementing agencies po natin marunong mag-monitor to make sure na yung mga proyekto po ma-implement ng tama at saka sa tamang oras po.
01:12Sa ipinapanukalang budget, sabi ng DPWH, may mga bagong flood control project at bagong pondo para sa pagpapatuloy ng mga nasimulan na.
01:20Kung may palpak naman daw kasing proyekto, may legal na proseso tulad ng blacklisting ng construction company sa halip na tinatanggal ang pondo.
01:27Giit ni DPWH, Secretary Manny Bunuan, mahigpit ang kanilang bidding process.
01:44Pero ayon kay Baguio City Mayor Benji Magalong, kalimitan, moro-moro ang bidding.
01:49Sabi niya, ang mga paboritong construction companies na mga politiko ay ang mga mabilis umanong magbigay ng kickback sa kanila.
01:57Ayon daw mismo sa mga nakausap niyang kontratista, sa 100% na project cost, 25% umanong ibibigay sa Committee on Appropriations ng Kongreso,
02:065 to 10% para sa kongresista na kung tawagin ay parking fee o pass-through,
02:113% sa bids and awards committee ng DPWH, at may 3% din ang mga lumahok sa moro-moro na bidding.
02:17Kung 12% ang kita ng construction company, 30% na lang umano ang matitira para sa mismong flood control project.
02:24Ang kwento nga dyan, ang mga de-contractor, sabi niya, kung sino pa ang di pumipirma sa dokumento,
02:31siya pa ang may pinakamalaking porsyento.
02:35Sipin mo, pag nagkakaso, sinong kakasuhan?
02:39Yung mga nakapirma sa dokumento, sa kontrata, DPWH, at yung contractor.
02:44Pero yung pinakamalaking mga porsyento, ito yung mga politiko, anong sabit, paano sila masasabit?
02:52Handa mag-volunteer si Magalong para imbestigahan ang flood control projects.
02:56Hindi naman daw pwedeng kongreso ang mag-iimbestiga niyan kasi parang iimbestigahan nila ang sarili nila.
03:01Kung masimulan, tiyak, babaha daw ng ebedensya.
03:04People will volunteer to submit pieces of evidence, pati mga people involved, basically.
03:16Talagang maglalabas siya kasi takot din sila lahat eh. Alam nila na may iipit sila eh.
03:20Hinimok naman ang Malacanang si Magalong na ilahad sa Pangulo kung anuman ang maitutulong nito.
03:25May naiset naman na daw kasing mekanismo ang Pangulo kung paano iimbestigahan ang mga proyektong ito.
03:30Pero hindi naman daw kailangan ng iba pang mamumuno sa investigasyon.
03:33Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment