Skip to playerSkip to main content
Apat na buwan nang babad sa baha ang mga residente sa Calumpit, Bulacan kaya galit na galit sila ngayon. Hindi na nga nila inasa sa gobyerno ang pagpapagawa sa isang tulay roon na sila ang nag-ambagan. Wala rin silang mahita sa mga flood control project na may ambag din ng kanilang buwis.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Kalumpit Bulacan, 4 buwan ng babad na sa baha ang mga residente, kaya galit na galit ngayon.
00:07Hindi na nga nila inasa sa gobyerno ang pagpapagawa sa isang tulay roon na sila ang nag-ambagan,
00:12e wala pa silang mahita sa mga flood control project na may ambag din ng kanilang buwis.
00:18Nakatutok doon live si June Ginerasho.
00:21June.
00:22Vicky, sa loob ng mahabang panahon, inakala ng ilan sa mga taga rito sa barangay San Miguel, Kalumpit Bulacan,
00:32ang problema nila sa baha ay dala ng kalikasan at pabago-bagong panahon.
00:37Kaya ganoon na lang ang kanilang galit ngayong lumalantad na at nabubuggar na.
00:42Nakabilang din pala sa nagpalubog sa kanila ang kasakiman sa pera ng mga korup na tao sa loob at labas ng gobyerno.
00:52Apat na bonang hindi humuhupa ang baha rito sa Sicho Cabo, barangay San Miguel, Kalumpit, Bulacan.
01:00Pati ang kanilang kongkretong makeshift bridge, kahit mataas, nilubog ng tubig.
01:051.5 meters yan.
01:07Ang taas?
01:08Ang taas.
01:09O eh ngayon, lubog pa rin.
01:11Gano'n lang katagal?
01:134 months na, magpa 5 months na.
01:15Hindi nyo lang nakikita pero itong aking nalalakaran, makeshift bridge ito dito sa isang bahagi ng barangay San Miguel.
01:26Alam nyo ba, yung tulay na ito naipatayo gamit yung pera ng mga residente.
01:32Nagambagan sila para maski pa panoy merong solusyon dun sa kanilang problema.
01:36Diyan ang gagaling yung galit ng mga residente rito dahil nababalitaan nila ngayon na bilyon-bilyong piso pala ang nawawala
01:43dahil sa korupsyon, kaugnay ng mga flood control project na dapat sana'y napapakinabangan nila.
01:50Ang kalumpit ay sakop ng 1st Engineering District, Bulacan, kung saan maraming proyekto ang lumalabas sa mga pagdinig na substandard.
01:58Hugot tuloy ng mga taga rito kung hindi sana inuna ang kasakiman sa pera.
02:02Malamang, hindi ganito kalaki ang problema nila sa baha.
02:05Hindi po sana mangyari na, puro hearing lang po. Puro hearing lang. Sana po eh may managot po talaga.
02:13Maraming residente na ang umalis at inabando na ang kanilang bahay na pinaghirapanan nilang maitayo sa malinis na paraan.
02:21Ang mga naiwan, araw-araw na nagtitiis.
02:24Katulad ngayon, kahit saan ka bumaling, tubig dahil po sa mga kagagawa ng mga korup na po na yan.
02:30Subukan po nila na itry na mamuhay ng pamumuhay namin ngayon. Baka po sakaling makonsensya po sila.
02:37Talaga ang hirap na hirap na kami sa nangyayari na yan.
02:42Hindi po namin akalain na abutin, naburgar nga ngayon yung mga korakot na tao.
02:50Nasa dalawang pong pamilya ang nasa evacuation center ngayon ng barangay.
02:54Karamihan, hindi na mabilang kung ilang beses nang lumikas.
02:58Sila po nagpapakasaya, kami pong mga Pilipino. Nagpapakahirap po kasi.
03:03Nahirapan po talaga kami.
03:05Hindi nakakakumpleto ng isang linggo nang pasok ang mga estudyante dahil laging lubog ang kanilang eskwela.
03:12Masakit po yung nakukuha po nila yung mga pondo po ng Pilipinas dito po.
03:18Mahirap din po.
03:21Matatandaan na nitong nakaraang buwan lang,
03:23mismong si Pangulong Bongbong Marcos,
03:25agnad inspeksyon sa mga flood control projects sa mga karating barangay ng San Miguel.
03:31Sira-sira, butas-butas at nakausli ang mga bakal ng diking pinuntahan sa barangay Frances.
03:37Sinita rin niya noon ang proyektong indireport ng tapos,
03:40kahit kulang pa ng dalawang daang metro at butas-butas pa sa barangay Bulusan.
03:47Itong linggo, Vicky, ay kasama itong mga taga-barangay San Miguel sa mga sumama sa rally dito sa kanilang bayan sa kalumpit
03:57para kundinahin yung korupsyon sa mga flood control project.
04:01At kung may mga susunod pa raw na rally,
04:04ay sasama muli sila para matiyak na mapanagot ang mga taong.
04:07Imbes na makatulong, ay nagpalalapa sa kanilang problema.
04:11Vicky.
04:11Maraming salamat sa iyo, June Veneracion.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended