Skip to playerSkip to main content
Idinadaing ng ilang residente ang pagiging bahain pa rin ng kanilang barangay sa Valenzuela kahit nilagyan na ng pumping station at river wall. Nasa barangay pa naman ang dalawang pinakamahal na flood control project sa Metro Manila.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Idinadaing ng ilang residente ang pagiging bahain pa rin ng kanilang barangay sa Valenzuela
00:06kahit nilagyan na ng pumping station at river wall.
00:11Nasa barangay pa naman ang dalawang pinakamahal na flood control project sa Metro Manila.
00:17Ang tugon ng City Hall at DPWH sa pagtutok ni Maris Umali.
00:21Sa tuwing hahagupit ang bagyo o habagat, isang lungsod na Valenzuela sa agad na binabaha.
00:30Kaya ang pamahalaan, may mga itinayunang flood mitigation facility kabilang ang pumping station na ito
00:36at river wall sa barangay Vente Reales sa Valenzuela.
00:40Base sa sumbong sa Pangulo.ph, ang pumping station na ito ay natapos si Tayo noong 2024
00:45at nagkakahalaga ng mahigit 234 milyon pesos.
00:49Naunang matapos si Tayo ang river wall o road dike na ito noong 2023
00:54na nagkakahalaga naman ng halos 200 milyon pesos.
00:57Ang dalawang proyektong ito ang lumalabas na dalawang pinakamahal na flood control projects sa NCR.
01:03Pero sa kabila ng malaking pondong inilaan, reklamo ng mga residenteng nakatira sa may tabing ilog
01:08na katabilang din ng itinayong pumping station at river wall tuloy ang pagbaha sa kanilang lugar.
01:14Sa dalas nga raw ng baha, kita pa ang bakas na iniwan ang tubig sa kanilang mga pintuan
01:18gaya sa bahay ni Elda.
01:20Pag umuulan dito, hindi na po nawawala sa amin yung babahain talaga kami.
01:26Siyempre po may kaba, tapos lagi namin nasasabi na,
01:30anong naman ang silbi ng ano na yan, ng pumping eh.
01:34Parang mas mabilis po ngayon tumas yung tubig.
01:38Sa akin po, panghinayang. Kasi yung ginastos na sobrang laki, wala rin silbi na itulong sa aming mga tao dito.
01:50Mas lumalapa. Ibig sabihin, gumastos ng, wala, useless.
01:56Yung ginastos, hindi naman namin napakinabangan, lalo lang kaming nahirapan.
02:00Pag umuulan na, ayan na, babaha na, nakakatakot na, papasok na sa loob ng bahay.
02:07Matagal pong umupas sa loob ng bahay yung baha.
02:10Pero dinepensahan ni Valenzuela Mayor West Gatchalian ang mga proyektong ito.
02:14Ang nanotice ko nandito na mas mataas po ang high tide na ngayon sa nangyayari.
02:20Mas ang rainfall natin is double, triple the number.
02:24So, in Valenzuela naman po, masasabi ko, wala po tayong tulad ng mga lumalaba sa balita ngayon na ghost projects.
02:33Everything was funded, everything was ginagamit.
02:38Hindi perfect, I admit, but this will mitigate.
02:41Yung floodwall na nakita niya, talagang anlaking protection po yan sa amin.
02:46Maging ang DPWHNCR, kumpiyansang walang sabit ang kanilang mga flood control project.
02:51From 2022 to 2025 po, there's a total of 1,692 projects po na flood control dito sa NCR.
03:00Malaki yung improvement kasi although nagbaha sa ibang areas, mabilis yung pagbaba niya.
03:05May mga areas din naman po na dating binabaha na ngayon hindi na.
03:09Paper man ang memorandum of agreement, ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela at UP Resilience Institute
03:15para makapagtayo rin ng drainage at flood master plan sa susunod na tatlong taon
03:20para makatulong daw sa malaking problema na pagbaha sa lungsod.
03:23Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended