- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Agad na pinababalik ng bansa si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co -- na nasa Amerika ngayon -- para magpaliwanag sa kanyang pagkakadawit sa maanomalyang flood control projects. Sa gitna niyan, nag-"tell all" naman sa Independent Commission for Infrastructure si dating DPWH Engineer Brice Hernandez, ayon kay ICI Adviser Benjamin Magalong. Samantala, para kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson, 'di pa maituturing na lusot sa isyu ng budget insertion sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen.Joel Villanueva.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Nasa Amerika ngayon si Ko para umanong magpagamot pero sabi ng House Speaker, urgent o kailangan na agad tugunan ang mga issue. Nakatutok si Darlene Kai.
00:43Unti-unti nang nagkakalinaw kung paanong napaikutan at binali ang sistema kaya nagkaroon ng mga maanumalyang flood control projects. Da ang iba ay ghost projects pa.
00:54Pero isa sa mga inihintay ang pahayag ni ako, Bicol Partylist Representative Zaldico, ang itinuturong pasimuno-umanon ng mga insertion sa budget para mapondohan ang mga nasabing proyekto.
01:07Mula kasi nang pumutok ang issue, nasa Amerika na raw siya para magpagamot at walang makapagsabi kung kailan babalik.
01:13I understand he is nasa United States for medical treatment with appropriate travel documents.
01:24Pero sa kanyang unang utos mula ng maluklok sa pwesto, binawi ng bagong upong House Speaker na si Bo GD ang travel clearance ni Ko.
01:32In issue ni D ang Notice of Revocation of Travel Clearance na may pet siyang September 18, 2025, na agarang nagpapawalang visa sa travel clearance ng Acobical Partylist Representative.
01:44Naayon daw ito sa interes ng publiko at dahil sa mga importanteng issue ng bansa na nangangailangan ng kanyang physical presence o personal na pagdalo sa Kongreso.
01:52At dahil urgent o kailangan na agad tugunan ng mga issue, binigyan si Ko ng sampung araw para bumalik sa Pilipinas.
01:59Kung hindi, maaari siyang patawan ng disciplinary action o gawa ng iba pang legal na hakbang.
02:06Hindi pa nagpapakita rito sa batasan si Rep. Zaldico mula ng magbukas ang 20th Congress noong July 28.
02:12Nasa Amerika raw siya para sa medical leave kaugnay ng kanyang heart ailment o sakit sa puso.
02:17Si Ko ang dating chairman ng makapangyarihang House Appropriations Committee na pangunahing bumabalangkas sa budget.
02:24Inaakusahan siya ni Rep. Toby Tiangco na nasa likod umano ng mahigit 13 billion pesos na insertion sa 2025 national budget.
02:33Binanggit din si Ko sa affidavit ng mag-asawang contractor na Curly at Sara Diskaya na pagdadalhan daw ng perang kinobra umano na makakawin ng DPWH.
02:41Itinangginan noon ni Ko ang mga paratang na ito.
02:44Isa rin si Ko sa nagtatag ng kumpanyang SunWest Inc., isa sa top 15 contractor na nakakornyo ng mga flood control projects mula 2022 hanggang 2025.
02:54Nauna nang sinabi ni Ko na nag-divest na siya ng investment sa SunWest mula nang maging mambabatas noong 2019.
03:01Sabi ni Deputy Speaker Paulo Ortega kung hindi kaya ni Ko na bumalik sa Pilipinas dahil sa kanyang kalusugan, may iba namang paraan para sagutin ng issue.
03:10He can answer and he can make a statement via social media, Zoom or a statement.
03:17Then if he's well enough and he can travel back, then I think he should travel back and just face the harapin niya ito.
03:27Pero para kay Akbay and Portilist Representative Percy Sendanya, nararapat lang na pauwiin si Ko.
03:33Sa akin lang, mahalaga na dapat ginagawa natin yung trabaho. Nauna, binoto tayo at pangalawa, pinapasweldo tayo.
03:40Patuloy na hinihinga ng GMA Integrated News ng pahayagang kampo ni Representative Zaldico.
03:45Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
03:49Pinalagan ng Malacanang ang mga bagong puna ni Vice President Sara Duterte.
03:57Kabilang dyan, kung bakit hindi magawang dukuti na lang ng opisina ng Pangulo si Congressman Zaldico para ibalik sa bansa?
04:06At kung bakit hindi magawang ipakulong sa kamara si Congressman Martin Romaldes?
04:12Nakatutok si Ivan Mayrina.
04:13Sa pag-uusad ng mga imbisigasyon sa mga nabisong palpak na flood control projects na pinagkakitaan lamang umano,
04:24puna ni Vice President Sara Duterte.
04:26Bakit kayo lang kumilo si Pangulong Bongbong Marcos gayong nung isang taon pa niya umano sinabing may nangyayaring hokus-pokus sa budget?
04:33Kinwestiyod din niya ang sinsiridad ng Malacanang sa paghabol sa mga nasa likod ng anomalya.
04:38Partikular niyang binanggit ang nag-resign na si House Speaker na si Representative Martin Romualdez
04:42at Representative Zaldico na itinuturong isang sa mga nasa likod ng pagsingit sa budget para mapondohan ang mga kinukwesyong ngayong flood control projects.
04:51Kasi tinuro na, pinangalanan na, hindi lang ako ang nagsabi Zaldico at Martin Romualdez.
04:58Si Zaldico hinayaan nilang umalis ng bansa.
05:05Si Martin Romualdez hinayaan nilang mag-resign. Nag-resign naman na so tapos na ang usapan.
05:10Si Romualdez at ko ay pinangalanan ng mag-asawang kontraktor na Carly at Sara Descaya sa pagdilig sa Senado.
05:17Itinanggin na ni Romualdez ang aligasyon.
05:19Habang nasa ibang bansa naman si ko.
05:21Ang office of the president involved sila sa kidnapping ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:27Bakit ngayon na wala si Zaldico at maaalis si Martin Romualdez, hindi man lang nila magawa na kidnapping si Zaldico doon sa Amerika at ibalik dito sa atin sa Pilipinas.
05:43At hindi man lang nila magawa na ikulong si Martin Romualdez dyan sa detention unit ng House of Representatives.
05:50Wala. Dahil wala silang sinsyaridad, pinapakita lang nila sa mga tao na kunwari meron silang binagwag.
05:58Agad pinalaga na malaka niya ang hirit na yan, sabay buwalta sa vice.
06:01At ang payo niya is pakidnap si Zaldico.
06:06Another thing, it's illegal.
06:09So ganun ba magbibigay ng suggestion ang isang vice presidente gumawa ng illegal?
06:16Dili ka din.
06:17Di ba niya natandaan na mas madalas din siya magbiyahe at hinahayaan siya ng office of the president
06:23kahit meron din nakabimbi na issue tungkol sa korupsyon na parte ng articles of impeachment?
06:29So anong pagkakaiba nun?
06:32Sa kanya, meron ng issues.
06:34Zaldico, iimbestigahan pa lang.
06:38At kung nababagalan daw ang vice sa pag-usad ng imbestigasyon.
06:42Unang-una, dapat hindi maging mapagpanggap at hindi dapat nagmamalinis.
06:47Tandaan natin ang Pangulo, siya ang nagsimula ng pag-iimbestiga na ito.
06:54Mabagal?
06:55Dahil inaalam ng Pangulo kung ano ang katotohanan.
06:58Hindi tulad ng mga nakaraang administrasyon, kailangan ituro lang, yun, patay agad.
07:05Hindi ganun ang Pangulo.
07:07Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok, 24 oras.
07:12Nag-tell all sa Independent Commission for Infrastructure,
07:17si dating DPWH Engineer Bryce Hernandez.
07:21Ayon kay ICI Advisor Benjamin Magalong.
07:24Kami lang sa binanggit, ang mga informasyong hindi pa nababanggit sa publiko.
07:29May sinuko rin siyang sasakyan sa komisyon.
07:33Nakatutoklay si Joseph.
07:35May likalawang araw nga na ang trabaho nitong ICI o Independent Commission for Infrastructure
07:45ay naka-recover na sila o nakabawi na sila ng isang luxury vehicle
07:48galing sa isa sa mga engineer na umunisangkot sa maanumalya mga flood control projects.
07:53Isinuko ni dating DPWH Bulacan District 1 Engineer Bryce Hernandez
08:02ang 12 million peso luxury vehicle na ito sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
08:09Mismong si ICI Chairman, Retired Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr.
08:14ang tumanggap ng susi ng sasakyan.
08:17Hindi malinaw kung saan galing ito.
08:19Sir, bakit niyo sinuli yung sasakyan?
08:22Sir.
08:24Ang pagsusoli rao nitong si dating District Engineer Bryce Hernandez
08:28ng luxury vehicle na ito sa ICI sa ikalawang araw ng kanilang trabaho
08:33ayon kay Bagu Mayor at Special Advisor Benjamin Magalong
08:37ay pagpapakita rao ng kooperasyon nitong si Hernandez
08:40sa ginagawang investigasyon ng ICI.
08:43At ayon kay Mayor Magalong, may dalawa pa na susunod na luxury vehicle
08:47na isusoli itong si Hernandez.
08:48He would like to cooperate.
08:50Te-turn over yung Ferrari na worth 58 million.
08:55Tapos Lamborghini which is worth about between 30 to 40 million.
09:00May mga motorcycles pa siyang...
09:03Ilalagay sa kustudiya ng ICI ang mga sasakyan
09:06at ipapasubasta ang mga ito.
09:09Ayon kay Mayor Magalong, may impormasyon.
09:12Sir Hernandez na sinabi sa ICI na hindi pa daw niya nababanggit
09:16sa ibang mga pagdinig.
09:17Very relevant yung kanyang mga revelations niya
09:21and to cut it short, talagang tell all siya
09:26and he continued to cooperate with us
09:29para talagang ma-identify palalo yung iba pang mga sangkot.
09:36Kompleto ang mga miyembro ng komisyon kanina.
09:40Sa isang pahayag, sinabi ng ICI chairman na voluntaryong sinagot ni Hernandez
09:45ang lahat ng kanilang mga tanong ng walang pasubali at walang pag-iwas
09:50at nagpakita ng buong kooperasyon.
09:52I-explain namin mabuti kung ano yung mga choices niya
09:57and then finally he realized na better to cooperate with us sa ICI.
10:04Are we evaluating it for the possibility?
10:06Ay, hindi namin iniisip yan.
10:08Sa ngayon, hindi namin iniisip yan.
10:10Bukod kay Hernandez, sumarap din sa ICI si Dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.
10:16For the meantime, siguro hintayin na lang natin si chairman
10:19kung ano yung magandang, kung ano yung mga na-reveal niya.
10:32Mel, ayon sa ICI, magiging regular na ang kanila mga pagdinigit
10:36magpapatawag pa sila ng ibang mga tauhan dito sa flood control mess na ito
10:40at kasabay ito ng mga inspeksyon ng mga maanumalyang flood control projects sa buong bansa, Mel.
10:47Maraming salamat sa iyo, Joseph Moro.
10:50Pinatawan ng preventive suspension ng ombudsman
10:53ang labing-anim na tauhan ng DPWH.
10:56Bulacan 1st District, kaugnay ng umanoy, maanumalyang flood control projects.
11:01Epektibo kahapon ang suspension pero hindi pa isinasapubliko ang pangalan ng mga pinatawan.
11:07Kasunod ito ng inihahing criminal complaints ng DPWH.
11:10At batay sa fraud audit reports,
11:13kaugnay ng Commission on Audit sa mga proyekto kontrabaha
11:16sa mga bayan ng Plaridel, Pandi at Bukawi sa Bulacan.
11:20Halos 390 million pesos ang kabuang halaga ng alokasyon sa mga naturang proyekto.
11:25Ang preventive suspension ay para raw maiwasang maimpluwensyahan
11:30ng mga DPWH personnel ang isinasagawang investigasyon.
11:35Di pa may tuturing na lusot sa issue ng budget insertion
11:41si Sen. Jingo Yastrada at Sen. Joel Villanueva.
11:45Yan ay para kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson.
11:51Pinayaga naman lumabas sa Senado si dating DPWH Engineer Bryce Hernandez
11:56ng isang araw para kumalap ng ebidensya sa kanyang mga aligasyon.
12:01Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
12:05So hindi mo kilala si Sen. Jingo Yastrada at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
12:12Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
12:16Okay. So talagang safe ka na?
12:18Yan ang muling biro kahapon ni Sen. Rodante Marcoleta kay Sen. Jingo Yastrada
12:30sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa anomalya sa flood control projects.
12:35Pero kung si Sen. Panfilo Lacson ang tatanungin, hindi pa pwedeng sabihin safe sa Estrada.
12:41Gayun din si Sen. Joel Villanueva na parehong naiugnay ni dating Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez
12:49sa pagtanggap ng kickback.
12:51Kasi hindi pa nare-resolve yung sinasabi ni Bryce na nag-insert sila ng in the case of Sen. Jingo
12:59yung 355 milyon sa Bulacan. Sen. Joel naman 600 milyon.
13:04Sirbihan ko na rin silang dalawa bago sila umalis na hindi pa nare-resolve ito.
13:08Sabi ni Lacson, tugma kasi sa nasa 2025 National Budget o yung General Appropriations Act o GAA
13:16ang total na 355 milyon pesos insertions na umano'y ibinaba ni Sen. Estrada
13:22sa pitong flood control projects sa Bulacan.
13:26Sa 355, tatlo yung napuntahan ng team ko. Medyo may issue.
13:31May issue yung tatlo.
13:32Lahat phase 3 o. Pero hindi pa nasisimulan yung phase 1.
13:38Yung iba naman, phase 2 and phase 3, pinagsabay ang pagbopondo.
13:42Ang isang issue doon, meron na yatang nakapag-release na ng pondo sa phase 3.
13:49Pero teka muna, nasa phase 1 pa tayo. Parang ganon.
13:52So may issue talaga.
13:53Maging ang 600 milyon pesos na ayon kay Hernandez ay insertion ni Villanueva.
13:59Nakita rin ni Sen. Sherwin Gatchalian na nasa Unprogrammed Appropriations ng 2023 budget.
14:06Ang Unprogrammed Appropriations ay bahagi ng pambansang budget pero wala pang nakalaan na pondo.
14:12At walang detalye sa simula.
14:14Kung may babangga ang pondo o kita ay maaari na itong gamitin bagamat dapat ay sa mahalagang gastusin lang ng gobyerno.
14:23Yung kay Sen. Joel, totoo yung nahati sa walong proyekto at nakapagtaka rin doon, lahat uniform 75 milyon bawat isang proyekto na walo.
14:31Pero sabi ni Laxon, may kailangan pang patunayan si Hernandez.
14:35May credibility na yung sinasabi niya. Ito, in-insert nila, binabasa aming district engineering office at sila yung mag-implement.
14:45Kaya lang, yung issue naman ng talaga bang nagbigay siya ng komisyon doon sa dalawang senador, e yun na ipoprove niya ngayon.
14:53Kung meron siyang katibayan, ledger man o kung ano man, yun ang dapat maipakita.
14:58Para makuha ang umunay ebidensya, pinayagan ang Senado na lumabas bukas si Hernandez.
15:04Pero babalik din kinagabihan para madetain dahil sa pagkakasight sa kanya in contempt.
15:09Under escort at hindi pwede mag-overnight para maghanap siya kung ano man yung pwede niyang hanapin.
15:14Itinanggi na ni Estrada na sangkot siya sa anomalya at tumaasaan niya ng patas at makatarung ang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
15:24Sabi naman ni Villanueva, wala siyang kapangyarihan sa unprogrammed funds at hindi siya ang nagpasok ng proyekto roon.
15:32Wala aniya siyang kinalaman sa flood control projects at hindi siya nakatanggap ng kickback.
15:38Labanan na lang po natin ito sa tamang forum, sa korte. Hindi demanda ko po sila.
15:44Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
15:49Sumailalim na sa evaluation ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya para maalaman kung maaaring ipasok sa Witness Protection Program.
15:58Bukod sa kanila, dalawa o tatlo pang konektado sa manumalyang flood control projects ang gusto rin magpa-evaluate.
16:06Nakatutok si Salima Refran.
16:10Sir, any statement po? Sir, any statement?
16:13Bantay sarado ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya nang dumating sa Department of Justice sa Maynila para sa evaluation kung pasok sa Witness Protection Program base sa mga nalalaman sa mga maanumalyang flood control projects.
16:27Matatandaang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, pinangalanan ng mga diskaya ang mga kongresistang tumatanggap umano ng porsyento sa mga proyekto ng DPWH mula 2022.
16:39Ang nagsagawa ng evaluation sa kanila, ang mismong Secretary of Justice na Chief Implementer ng WPP.
16:47Confidential ang proceedings ng Witness Protection.
16:50I think that they're really looking for a solution to their problems.
16:56I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
17:01Gusto lang natin dumumabas ang totoo sa bagay na ito para naman maparusahan yung dapat maparusahan.
17:08Pero nilinaw ni Rimulya na evaluation pa lang ito sa mga diskaya at hindi pa masasabi kung pasok na nga ba sila sa WPP.
17:16It's a process eh. Wala naman dyan instant, walang instant dito.
17:20Sa ilalim ng Witness Protection, Security and Benefit Act o Republic Act 6981,
17:26maaari maging state witness ang isang taong kasama sa krimen kung pasok sa ilang rekrisitos.
17:31Dapat ang krimen kung saan gagamitin ang kanyang testimonya ay isang grave felony.
17:36Dapat, kailangan-kailangan ang kanyang testimonya sa kaso.
17:40Walang ibang direct ng ebedensya para sa maayos na pagdinig sa kaso.
17:44Ang kanyang testimonya ay maaaring mapatunayan.
17:47Hindi siya ang pinaka-guilty at hindi siya nahatulan sa anumang krimen na sangkot ang labis na kabuktutan.
17:54Yung state witness po kasi, we will find that out later on in the case.
17:59Pag meron na pong naka-file na kaso sa korte, we will have to move for the discharge of the witness to become a state witness.
18:07And that's when the state immunity comes in.
18:10Bukod sa mga diskaya, may dalawa hanggang tatlo parao na konektado sa maanumalyang flood control projects
18:16ang naisumailalim sa WPP evaluation.
18:19Isa raw dito, kasama sa labing limang contractor na tinugoy ng Pangulo na nakakopo ng 20% ng kabuwang budget ng mga flood control programs.
18:29Pero kung si Rimulya raw ang tatanungin, meron daw siyang taga-DPWH na gustong makuha for WPP evaluation.
18:37Kinakausap na raw niya ang Senado tungkol dito.
18:40May mga vital link yan. Alam mo naman tayo. We have to create the links and connect the dots.
18:45And sometimes they are the most important pieces of the puzzle.
18:49Para sa GMA Integrated News, Salima Refrain, nakatutok 24 oras.
18:55Bigong matagpuan ng NBI at DPWH sa dapat na lokasyon ang limang flood control projects sa Bulacan na dineklara ng fully paid o kompleto.
19:06I-sunimiti na sa Justice Department ang paonang findings tungkol sa mga bagong discovering ghost project umano.
19:14At nakatutok si John Consulta.
19:16Sa ocular inspection ng NBI Bulacan at ng DPWH sa mga flood control projects sa Dalawigan,
19:26gumamit sila ng geotagging para matuntun ang mga dapat na kanilang roonan ng mga proyekto.
19:32Sa papel, fully paid o completed na dapat ang mga ito.
19:36Pero sa kanilang pag-iikot, wala man lang bakas ng kahit anong proyekto.
19:40Meron tayong magandang kaso against yung personalities involved.
19:46DPWH officer and contractors.
19:50Bulacan, nakita na po namin.
19:53Talagang positive yung investigation natin.
19:57Merong nangyaring kababalaghan.
19:59Ang daming ghost project.
20:01Ang daming yung hindi tama yung pagkakagawa.
20:05Sabi standard.
20:05Ayon sa source ng GMA Integrated News,
20:09limang anilay bagong ghost flood control projects ang nabisto na halos kalahating bilyong piso ang halaga.
20:16Halos lahat.
20:17Nakapangalan sa Sims Construction ni Sally Santos na nasa sentro ng kontrobersya sa mga naunang napaulat na ghost project sa Bulacan.
20:25Kanina, isinumitin ng NBI sa DOJ ang kanilang initial findings at rekomendasyon kaugnay sa limang bagong ghost flood control projects.
20:34Plano rin nila itong isubite sa Ombudsman para makapaghahain ng kaso sa Sandigan Bayan.
20:39Ang Grab Court ay sa mga empleyado lamang, salary grade 27 up.
20:46But then, if they are in cahoots with private individuals, the private individual shall be included dun sa kaso sa Ombudsman.
20:58Na-evaluate natin yan, but we will have to look at the jurisdictional matters first.
21:02Papa-evaluate din natin yan sa ating office, the people in the leadership.
21:10Kasi nga, we have a MOA with the Ombudsman.
21:12We cannot prosecute everything.
21:15The Ombudsman is the lead when it comes to grafted corruption.
21:18We can do preliminary matters and if they tell us, please turn over all the matters, all the information to us.
21:26We will do that.
21:27Inaasahan ng matatagdagan pa ang listahan ng NBI habang patuloy ang pag-iikot nila sa lalawigan ng Bulacan.
21:34Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, nakatutok 24 aras.
21:40Itinanggi ni dating Kaloocan 2nd District Representative Mitch Kahayon Uy na tumanggap siya ng kickback mula sa mga flood control project.
21:49Anya, walang basehang paninira ang aligasyon ni dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez
21:55na tumanggap siya ng 16.5 million pesos mula sa flood control projects noong 2022 hanggang 2023.
22:05Giit niya, wala siyang ugnayan at hindi niya kilala sina Hernandez at dating District Engineer Henry Alcantara.
22:12Dagdag niya, siya ay naging congresswoman sa Kaloocan at hindi sa Bulacan.
22:18Masusurian niya ng sino man ang lahat ng proyektong ipinatupad niya noong termono niya.
22:25Sub indo by broth3rmax
Be the first to comment