Skip to playerSkip to main content
Kumakalat online ang mga larawan kung saan isa-isang nakasama ni dating DPWH Engr. Henry Alcantara sa magkakaibang pagtitipon sina Sen. Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at dating Senador Bong Revilla. Dalawa diyan ay pagpapasinaya sa flood control projects. Ang isa, ipinagmalaki sa pagtitipon na napondohan sa tulong ng isa sa mga senador.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kumakalat online ang mga larawan kung saan isa-isang nakasama ni dating DPWH engineer Henry Alcantara
00:07sa magkakaibang pagditipon si na Sen. Jingoy Estrada, Joel Villanueva at dating Sen. Bongrevillea.
00:14Dalawa yan ay pagpapasinaya sa flood control projects.
00:17Ang isa, ipinagmalaki sa pagditipon na napondukan sa tulong ng isa sa mga senador.
00:23Nakatutok si Mark Salazar.
00:25Sa salaysay ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
00:33dalawang kasalukuyan at isang dating senador ang kanyang iniugnay sa pagtanggap ng kickback sa mga flood control project.
00:40Sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva at dating Sen. Bongrevillea.
00:46Ang ugnayan ni na Estrada at Alcantara unang naungkat sa pagdinig ng House Infrastructure Committee
00:52nang ilabas ng dating Assistant District Engineer Price Hernandez
00:56ang mga larawan ni Estrada kasama ni Alcantara.
01:00Kuha o man na ito sa birthday party ni Estrada.
01:03Dati nang iginiit ni Estrada na hindi niya kilala si Alcantara
01:07at wala raw katotohanan ang bintang na nakinabang siya sa flood control projects.
01:12I do not know. I cannot recall that event.
01:15Pero sa dami naman nagpapapicture sa akin.
01:18Hindi ko mo pwede tank yan.
01:20Remember, we are all public figures here.
01:22Mga picture din ni Alcantara kasama naman si Villanueva
01:25ang naglutangan ilang linggo matapos pumutok ang kontrobersya sa flood control projects.
01:31Tulad ng larawang ito sa sariling Instagram post ni Villanueva noong 2021.
01:38Sabi ni Villanueva sa post,
01:40inspeksyon ito sa mga pinasinayaang pumping station sa Bukawi River.
01:45Sa Instagram post din ni Villanueva,
01:47may video rin siya ni Alcantara na sakay ng isang pick-up truck
01:51ng pasinayaan ng isang tulay sa Bukawi noong 2021 din.
01:56Ito na po ang bagong tulay ng Bukawi!
02:01Sa isang panayam naman noong 2022,
02:05ikinwento rin ni Alcantara na naponduhan ang pagkukumpunin ng Manila North Road sa Bulacan
02:10sa tulong ni Villanueva.
02:12Right now po, we have a release of I think 87 million
02:18na pamagitan po ng tulong ng ating Senador Chowell.
02:26Nareleased po iyan.
02:27Ngayon po, ginagawagawin po namin yan.
02:29600 linear meters po iyan.
02:31Sinabi na dati ni Villanueva
02:32na hindi totoo ang bintang na nabigyan siya ng kickbacks sa flood control projects.
02:38Hindi rin daw siya kailanman nagkaroon ng transaksyon kay Alcantara.
02:42Wala kayong transaksyon with Alcantara?
02:44Lahat ng senador, lahat ng sekretary na pumunta sa presidente ng Pilipinas
02:49nandun nakakasama siya.
02:51So, yun ba?
02:52It's an evidence na sangkot?
02:54Bakit si Joel lang yung tinuturo?
02:57Bibigyan ko kayo lahat ng picture nilang lahat.
03:00Matapos naman banggitin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
03:03lumutang ang mga larawang ito ni Revilla kasama ni Alcantara.
03:07Sa press release noong 2023 ng DPWH,
03:11nag-inspeksyon noon si Revilla ng mga flood control projects
03:14sa Paumbong at Hagonoy sa Bulacan.
03:17Nauna na rin sinabi ni Revilla,
03:19walang katotohanan ng bintang na nakinabang siya sa flood control kickbacks
03:23at wala raw siyang kinalaman dito.
03:26Sa salaysay ni Alcantara,
03:27iisang tao lang ang nag-uto sa kanyang magbigay ng kickback
03:31sa tatlong senador.
03:33Yan ay ang tinawag niyang boss
03:35na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
03:40Sa akin pong boss
03:41na nabanggit po nung nakarang hearing
03:46ng aming kasama.
03:50Undersecretary Roberto Bernardo po.
03:52Matagal at malalim na ang samahanin na Bernardo at Alcantara.
03:57Taong 1997 daw nang sila'y magkakilala
03:59sa Laguna 2nd Engineering District.
04:02At nasaksihandaw niya ang unti-unting pagtaas
04:05ng posisyon ni Bernardo
04:07hanggang maging undersecretary ito ng DPWH.
04:11Lumabas din noon na nagkasama si Bernardo at Alcantara
04:15sa District Engineering Office ng Maynila
04:17nung administrasyon ni Mayor Joseph Estrada.
04:21Magkasama ko sa Maynila,
04:22magkasama ko sa DPWH.
04:25Tapos tinatanggi mo ngayon
04:26na wala kayong koneksyon
04:27kay Jingoy Estrada,
04:29Senador Jingoy Estrada.
04:31Paano na nangyari?
04:31Tingin nyo maniniwala yung mga taong bayan?
04:34Wala po kong personal na
04:35koneksyon po kay Senador Jingoy, Your Honor.
04:38Siya ay magiging susi dyan
04:39kasi siya yung naglagay sa kanila dito sa Bulacan eh.
04:43So siya yung parang tinuturo nila lahat,
04:46dilan tatlo.
04:47Para sa GMA Integrated News,
04:51Mark Salazar,
04:52nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended