Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naniniwala ang ilang mambabatas na tila binago ng Korte Suprema ang mga patakaran sa impeachment.
00:06Kasunod ng desisyon nitong pag-tibayin ang pagdideklara ng unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte noong 2025.
00:18Si Senate President Tito Soto, pinalutang ang pag-amienda sa saligang batas. Yan ang aking sinaksihan.
00:24Sa February 6, matatapos ang one-year bar o pagbabawal na magsampan ang panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:36Kaya inaasahan na raw ng bise ang mga panibagong tangkang sampahan siya ng impeachment complaint.
00:41Hindi lang ngayong taon na ito dahil sigurado kapag hindi sila nakapagsahe ngayong taon, sisunod na taon at hanggang matapos ang aking terminawa.
00:51Nasa The Netherlands si Vice President Duterte para bisitahin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa detention facility ng ICC.
01:01Mula ko ng 2023, hindi raw tumigil sa paghahanda ang legal team ng bise kahit di natuloy ang paglilitis sa kanya noong nakaraang taon.
01:10Pero di na raw niya ito binanggit sa kanyang ama.
01:12Mas pabuting pag-usapan na yung mga ibang bagay na mas may relevance sa buhay natin at sa bayan kesa yung sa impeachment.
01:23Ipinagpasalamat ni Nambisi ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang apila ng Kamara sa pagdadeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban sa kanya.
01:33Gayunman, binanggit ng Korte Suprema na hindi nila inaabswelto si Duterte sa mga paratang.
01:38Sinusunod lang daw ang itinakda sa saligang batas na isang beses lang sa isang taon pwedeng magsimula ang impeachment proceedings laban sa isang impeachable na opisyal.
01:49Si President Tito Soto kakausapin ang liderato ng House of Representatives kung ano pa ang maaring gawin saan niya'y pagkakamali sa desisyon ng Korte Suprema.
01:58Bottom line, ayaw na nila may impeachment sa Pilipinas. Yan o nang itsura nitong desisyon na ginawa ng Supreme Court.
02:05I think impeachment now is an impossible dream.
02:09Pinalutang din ni Soto ang usapin ng pag-amienda ng saligang batas para raw maiwasto ang ginawaan niyang panghimasok ng kataas-taasang kukuman sa kapangyarihan ng Kongreso.
02:19Palitan na natin ang konstitusyon. Baguhin na natin pagkaganyan. Pagkatapos marahil yung constituate assembly makakagawa lang dyan.
02:33Or mag-iintay tayo ng decades. Bakit? Kailangan ma-retire na muna itong mga Supreme Court justices na ito.
02:41Tingin din ng ilang kongresista, binago ng Korte ang rules on impeachment.
02:44The Supreme Court is not merely review of the House's compliance with clear constitutional commands.
02:51It has rewritten the operating manual for impeachment initiation.
02:57It has supplied new rules, new timelines, and new consequences that are nowhere found in the text.
03:05This sets a very dangerous precedent that weakens separation of powers.
03:09Sa desisyon na inilabas kahapon, may mga nilinawan Supreme Court.
03:13Una, ang unang tatlong impeachment complaints laban kay Vice President Duterte ay hindi inilagay sa order of business ng Kamara sa loob ng nakatakdang sampung session days.
03:24Dahil ang dapat sundin sa pagbubilang ng araw ay simpleng calendar day o bawat literal na araw na nakasesyon ng Kongreso.
03:31Ang sinunod kasing bilang ng Kamara sa isang session day, wala sa pagbukas ng sesyon hanggang sa i-adjourn ito.
03:39Pangalawa, maituturing ng initiated ang isang impeachment complaint kaya aandar na ang one-year bar sa paghahain ng iba pang impeachment complaint laban sa opisyal kapag in-refer na ito sa Committee on Justice.
03:52Kung hindi inilagay sa order of business sa loob ng sampung session days o pagkatapos nito ay hindi in-refer sa House Committee on Justice sa loob ng tatlong araw o kung hindi ito inaksyonan ng Kamara bago mag-adjourn si Nidye.
04:05Ang ikaapat na impeachment complaint noon laban sa Vice, hindi na dumaan sa Committee on Justice at direktang ipinadala sa Senado dahil supportado ito ng mahigit one-third ng mga kongresista, alinsunod sa probisyon ng saligang batas.
04:19Dati, sinabi ng Supreme Court na dapat binigyan ang bisi ng pagkakataon na sagutin ang mga paratang bago i-refer sa Senado.
04:27Pero sa bagong resolusyon, nilinaw ng Korte na kung ganitong paraan ang gagamitin, ang pagkakataon ng nasa sakdal na magbigay ng panig ay sa paglilitis na mismo sa Senado.
04:37Ayon kay former Supreme Court Associate Justice Adolfo Ascuna, isa sa mga bubalakas sa 1987 Constitution,
04:43Sa bagong resolusyon ng Supreme Court, mas bumilis ang second mode of impeachment o yung pagpafile ng complaint ng one-third ng lahat ng miyembro ng House of Representatives na agarang itatransmit sa Senado.
04:57Kung dati kasi required na padaanin pa ito sa House Committee on Justice, ngayon sinabi ng Supreme Court na maaari na itong gawin ng Kamara kung nais lamang nila.
05:06Mas maganda na ngayon at hindi na masyadong mahigpit ang pagproseso ng impeachment.
05:16Nanggal na yung mga requirements na kailangan magkaroon ng hearing, kailangan magkaroon ng prueba na naintindihan nila yung complaint at saka yung ebidensya, hindi na kailangan yun.
05:27So optional na lang yung hearing at saka yung dating procedure na i-refer na sa committee as a way of initiating a complaint.
05:40Pero kabalik na rin ang tingin ni Soto dito.
05:43Kailangan ma-insure na yung endorsement ng mga members may verified.
05:48Hindi pa pwede masapirma.
05:50Kailangan i-confirm din ng member ng House supporting the grounds for the complaint.
05:57Tapos every member should be given a copy of the complaint.
06:03As well as the evidence supporting, kailangan bigyan lahat.
06:07Napakadali ng pigili ng impeachment niyan.
06:10Sabihin nung isa, ayaw ko.
06:13Ayaw ko pa sa'yan eh.
06:14Punto pa ni Ascuna, hindi na rin pwedeng upuan o hindi aksyonan ang impeachment complaint.
06:20To cover the loophole, when Congress makes e-fit, the complaint doesn't refer it to a committee, ini-e-fit lang and lumampas yung panahon.
06:31Sabi ng Supreme Court, hindi pwede yun.
06:34If you do not refer to a committee within the time period and the time lapses, yun, commence na rin yun.
06:40Or, even if you do not refer to a committee and the time is still running, but the Congress adjourns, yun, initiated na rin yun.
06:53Wala ka na mahi-impeach.
06:55Kasi ang gagawin ng kahit sinyo, magpa-file ng impeachment ng walang kakwenta-kwenta, basurang impeachment, siguradong walang mangyayari.
07:03Hindi na pa pwedeng i-entertain yung pangalaman, pangatlo, pangapat na impeachment.
07:08Paano kala ni Escuna? May magagawa pa ang Kongreso sa pamamagitan ng pagpupasa ng rules na naaayon sa posisyon nito.
07:16Palagay ko, pwede nilang baguhin yung mga sinabi ng Supreme Court as long as it's consistent with the Constitution.
07:25They can adapt all the rules they like as long as it is consistent with the Constitution.
07:31Sabi naman ng ilang kongresista, para maiwasan ang constitutional crisis, baguhin na lang ang rules of impeachment ng Kamara.
07:38If we will be insisting on what we believe and we will not be recognizing the authority of the Supreme Court,
07:46we will be having a chaotic nation na nagkakanya-kanya ng policy at gusto nilang mangyari.
07:54Meron tayong pangtingin na nagkaroon ng judicial overreach at kung kinakailangan na ibaguhin yung House rules para to comply with the Supreme Court decision,
08:04nang sa ganoon hindi uli pa rin takbuhan ng mga naabuso sa kapanyadihan ang Supreme Court then so be it.
08:09Ginagalang naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang desisyon ng Korte Suprema.
08:14Ang Supreme Court po ang siyang final arbiter ng mga legal issues so nirirespeto po yan ang Pangulo.
08:19Ayon sa mga leader ng House Committee on Justice, wala ng epekto sa impeachment proceedings laban kay Pangulong Bongbong Marcos ang desisyon ng Korte
08:28dahil na-refer na ang reklamo sa kanilang kumite.
08:31The resolution has no effect on the impeachment of the President.
08:36First, the President is sought to be impeached by two groups by the filing of complaints and these were endorsed.
08:51And these complaints have now been referred to the Committee on Justice.
08:56Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
09:03Nagsalpukan ng isang motorsiklo at isang tricycle sa bahagi ng National Road sa Kauyan City, Isabela.
09:10Paliko noon ang tricycle at nasa linya ng kasalubong na motorsiklo.
09:15Tumansik ang rider na naputulan ng dalawang daliri.
09:19Sugatan din ang binatilyong tricycle driver.
09:22Wala silang payag pero ayon sa pulisya, nagkaayos ang dalawang panig.
09:30Sa muling pagbalik ni Alias Totoy sa NBI Homicide Division,
09:34pina-examine ng mga embisikador ang kanyang mga kamay.
09:37Kasunod yan ang kanyang salaysay na kumapit siya sa tali sa isang gondola
09:41nang tumalon ng labing apat na palapag mula 39th floor hanggang 21th floor
09:45ng kondominium building ni na Michelle D. at Rian Ramos.
09:48Yan daw ay para tumakas. Matapos daw, Marnie, natatapusin umano siya.
09:53Matapos umano nung bugbugin ng mga bodyguard ni Nadia Ramos.
09:57Sa eksaminasyon ng mga medical expert ng NBI,
10:00may nakita silang mga pagaling ng mga marka sa kamay ni Alias Totoy.
10:04The medical examination conducted by our doctors,
10:07may nakita talaga sila ng mga healed mark doon sa kamay ni Alias Totoy.
10:11The reason for this is for us to be able to know kung yung healed marks may be compatible
10:16to yung potential wound o marks incurred by a victim na napatali at napahawak doon sa tali.
10:22Ang pagtalon ni Totoy, binanggit din ni D sa inyayin niyang blotter sa barangay.
10:26Base sa blotter, nangyari raw yan nung nasa ilong-ilo siya.
10:30Nakawilang daw si Michelle nung alas 3 sa madaling araw ng January 18.
10:34Kinumpronta raw niya si Alias Totoy tungkol sa umanipagnyanakaw.
10:37At nang sabihin na ipapapulis niya ito, hindi raw ito nagustuhan ni Alias Totoy
10:41at hinablot daw ng malakas ang kanyang braso dahilan para masaktan at magkapasa siya.
10:47Bukod sa pasa, nagkaroon daw siya ng mga kalmot at bakat ng kuko sa kanyang kanang braso.
10:53Sa blotter, sinabi ni Lili na dahil sa nangyari, nangamba siya para sa kanyang buhay at reputasyon.
10:59Hindi raw siya sigurado sa kung anong kayang gawin ni Alias Totoy,
11:02lalot nagkaroon ito ng akses sa kanyang bahay.
11:04Naniniwala raw siyang banta sa kanyang buhay at pamilya si Alias Totoy.
11:09Ang tumanggap ng blotter noon, kinuwento na emosyonal daw si Di nang magtungo sa kanilang tanggapan.
11:15Ang pinakamporpos po niya nung pagpunta dito is magpapablotter nga po siya.
11:19Meron po siyang pinapakita as a pro, pero inadvise ko po siya na magpa-medical po siya.
11:26Pero giit ni Alias Totoy, hindi totoong sinaktan niya si Di.
11:30Hindi po yan doto, sinasabi niya.
11:33Lumamuhip siya na ang galing ilo-ilo, itin ng umaga.
11:38Ginisin niya ako, tinadyakan niya ako sa ulo.
11:41Sabi sa akin bangon ka, maglaro tayo.
11:45Tapos yun, sabi niya maghubad ka.
11:47Naghubad sa akin yung bodyguard niya kasi hindi ako makahubad kasi sobrang sakit ang katawan ko sa bugbog nila.
11:53Tinanong niya sa akin kung anong gamit ko yung kamay pagsulat.
11:55Sabi niya sa akin, sabi ko kanya, kaliwa.
11:59Hinawakan niya ang kamay ko, pinasok niya sa tsyan niya, kabilaan.
12:04Tapos, inangat niya ang kamay ko, ilagay niya sa liig niya ganyan.
12:10Dinidikit niya.
12:11Tapos sabi niya, gusto mong laro.
12:12Sabi ko, wag pumam, wag pumam.
12:13Tapos hindiin niya.
12:14Hindi ko naman yan, masaktan siya kasi bante sarada ko sa mga bodyguard niya.
12:18Inaantay pa ng NBI ang resulta ng medical certificate ni Alias Totoy na ginawa nang lumapit siya sa NBI.
12:24Hawak na ng NBI investigating team ang litrato ng mga bodyguard at tauhan ni D na umunoy sangkot sa insidente.
12:31Nakakuha naman ang aming team ng CCTV videos ng detention facility ng Makati Police Station
12:36kung saan makikita si Alias Totoy nang dinala siya roon noong gabi ng January 19.
12:41Gayun din ang dalawang beses na paglabas sa kanya dahil sa pag-inquest sa kanya noong January 21
12:46at pagpapalaya sa kanya nitong umaga ng January 22.
12:50Kabilang ang mga ito sa ibibigay ng Makati Police sa investigating team ng NBI.
12:54Nauna nang sinabi ng Makati Police na handa sila makipagtulungan sa anumang gagawing imbisigasyon
12:59kahwag na isang pananakit umano ng dalawa nilang polis.
13:02We are actually adhering to the principles of thoroughness.
13:05Masaya kami na makikipagtulungan sila.
13:07Huwag ko sila mag-alala because we're going to give them a fair treatment.
13:11Ayon naman sa mga abogado ng BD Queen at isa pang inareklamo na si Samantha Pandilio,
13:15di nabasa ni Pandilio ang reklamo pero kumpiyansa raw siyang mali-dismiss ito
13:20dahil pawang gawa-gawalan daw ito.
13:22Ipinunturin nila ang pagkakaresto kay Alias Totoy para sa qualified theft.
13:27Bagamat na-dismiss daw ang reklamo, nirefile na raw ito.
13:30Makikipag-ugnayan daw sa mga kinakukulan ang kanilang kliyente para malinis ang kanyang pangalan.
13:36Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi!
13:41Sermon ang inabot ng apat na rider na nag-Superman stunt sa kahabaan ng Commonwealth Avenue noong lunes.
13:50Saksi si Mark Salazar.
13:54Ganito sila noong lunes ng gabi sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
13:59Akala mo mga Superman na hindi takot masaktan.
14:02Natila wala rin takot sa pananagutan.
14:05Kaya basta-basta gumagawa ng stunts na takaw disgrasya.
14:09Ito na sila kanina, habang pinapanagot ng LTO at sinesermonan.
14:28Pareho palang 16-anyos lang ang dalawang nag-Superman stunt sa video.
14:32May dalawa pa silang kasama sa umano'y drug race, pero hindi nanakunan ang video.
14:39Kasama ang mga magulang nilang pinaharap sa LTO kanina.
14:52Malabo ang kuha sa plaka ng kanilang motorsiklo sa nag-viral na video.
14:56Pero may kakayahan sa Digital Forensics ang QCPD Traffic Enforcement Unit.
15:02Nakita namin yung viral video and nakita namin na yung isa is may plate number.
15:07So pina-enhance namin doon sa mga IIT natin from QCPD and we came up with yung plate number.
15:14And immediately po, inerify namin with LTO and yun, nakita na natin yung records.
15:19Na-impound ang isang motorsiklong ginamit habang ang isa naman ibinenta umano agad sa nangangalakal na mag-viral ang kanilang stunt.
15:28Nasaan yung motor?
15:29Kisina nagbenta?
15:33Ang binis ko naman na nang nabenta.
15:36Reckless driving, no helmet, wrong footwear at improper person to operate a motor vehicle ang mga ititikit sana sa kanila.
15:45Kaso, sa kanilang apat, isa lang naman ang may lisensya na pwedeng patawan.
15:50Pinuntusan kita na isolender mo sa akin ang lisensya mo na lunes ng aras meto ng umaga sa tanggapan ng intelligence and investigation and official.
16:00Asan po yung nanay?
16:03Isolender mo ninyo sa akin ang lisensya mo.
16:05Okay?
16:05Sa amin sa LTO, kahit wala silang lisensya dahil 16, pero pag umabot sila sa yung hustong gulang nila para mag-apply, hindi pa rin sila mabibigyan for one year.
16:17Kasi yun yung lalabas pa rin yung record na nangyari ngayon.
16:22Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
16:28Mga kapuso, maging una sa saksi.
16:31Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended