00:00TINA PANGANIBAN PERES
00:30Sa sulat ni ako, Bicol Partilist Representative Elizalde Co, kay House Speaker Faustino D. III.
00:37Tiniyak niyang babalik siya sa Pilipinas para sagutin ang mga aligasyon laban sa kanya kaugnay sa anomalya sa mga flood control project.
00:45Haharapin daw niya ang mga akusasyon sa tamang forum.
00:48Pero nangangamba raw si Co kung ano ang naghihintay sa kanya pagbalik sa Pilipinas
00:53dahil nahusgahan na raw siya ng publiko at ni D kasunod ng pagkansela sa kanyang travel clearance
00:59nang hindi man lang daw siya hinihinga ng paliwanag at kahit wala pang reklamong inihahain laban sa kanya.
01:06Matatanda ang nag-leave si Co nang uminit ang isyo sa mga budget insertions para raw magpagamot sa Amerika.
01:13Pero ang travel authority niya para rito, kinansela ng maupo bilang speaker si D.
01:19Ang Department of Justice, kinukumpirma pa raw ang ulat na wala na sa Amerika si Co at ngayon ay nasa Spain na.
01:27Sa kanyang sulat, iginiit ni Co na wala siyang tinanggap na pondong konektado sa mga proyekto ng DPWH.
01:34Pinabulaanan din niya ang aligasyon na mag-isa siyang gumawa ng budget insertions sa 2025 national budget.
01:41Hindi raw ito totoo dahil aprobado naman ang Senado at Camera at may Cameral Report na sumunod-umano sa proseso.
01:50Hindi rin daw totoo ang bintang na humingi siya ng fish import allocations para sa ZC Victory Fish Incorporation.
01:57Wala raw siyang kinalaman sa naturang kumpanya at hindi raw Zaldico ang ibig sabihin ng ZC kundi Zamboanga City.
02:05Pati ang aligasyong pag-aari niya ang eroplanong naghatid kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands, pinabulaanan niya.
02:14Pumaasa si Co na pagbalik niya sa Pilipinas, bibigyan siya ng due process at matitiyak ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
02:23May hanggang September 29 si Representative Elizalde Co na bumalik sa bansa.
02:28Alin sunod ito sa direktiba ng speaker.
02:31Kung hindi siya makakabalik sa nasabing pecha, babala ng speaker, mahaharap si Co sa disciplinary at legal actions.
02:40Sabi pa ni D, hindi naman prejudgment kay Co ang pagbawi sa travel clearance nito, kundi oportunidad para direktang harapin ni Co ang mga aligasyon sa tamang forum.
02:50Tiniyak pa ng speaker na kung babalik nga sa bansa si Co, makikipag-ugnayan ang kamera sa mga otoridad para masiguro ang kaligtasan niya at kanyang pamilya.
03:01Sakaling hindi umuwi sa takdang pecha si Co, sabi ng Malacanang, maaari raw humingi ang Department of Justice ng Blue Notice mula sa International Police o Interpol.
03:12Ito ay para sa pagkalap ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan, lokasyon o aktibidad ng isang tao kaugnay ng isang criminal investigation.
03:23Maaari din naman po maghiling ang DOJ ng Blue Notice at dahil nagsisimula na rin po silang mag-imbestiga.
03:30Pero bilang courtesy po sa Senado, mas nanaisip po nila na mauna po ang Senado ng kumilas dito.
03:35Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments