Skip to playerSkip to main content
Pareho sa ginawang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte ang gagawin kay Sen. Bato Dela Rosa sakaling isyuhan siya ng arrest warrant ng ICC. Ayon 'yan sa Department of the Interior and Local Government bagaman wala pa silang nakikitang warrant sa ngayon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pareho sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:04ang gagawin kay Sen. Bato de la Rosa
00:06sakaling issuehan siya ng arrest warrant ng ICC.
00:10Ayon yan sa Department of the Interior and Local Government.
00:13Bagaman, wala pa silang nakikitang warrants sa ngayon.
00:17Nakatutok si Mark Salazar.
00:22Pangalawang araw ngayon, nawala sa sesyo ng Senado
00:25si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
00:27Sa gitna ito ng ugong ng warrant of arrest laban sa kanya
00:30ng International Criminal Court o ICC.
00:34Maging kasamahan niya sa minority, hindi alam kung nasaan siya.
00:38Hindi ko na tinatanong, mas maigi na, di ba?
00:41Hindi naman sasabihin at ayoko rin malaman.
00:44Ang asawa ni Sen. de la Rosa ang nakausap raw ni Sen. Aimee Marcos,
00:49kabadong kabaduraw, sa sinasabing warrant of arrest laban sa asawa.
00:53Wala ako na rinig kay Sen. Bato, si Nancy de la Rosa na lang nagtetekste.
00:59Sanay na sanay yan eh. Talagang asawa ng pulis.
01:02Pero ganun pa man, takot na takot.
01:05At kabang-kaba, nananawagan, natulungan sana sila
01:08na kahit papano may due process, may justicia, may soberania ng Pilipinas.
01:15Hanggang ngayon, kahit si DILG Secretary John Vic Rimulya,
01:18hindi pa rin nakikita ang warrant of arrest na ibinunyag ng kanyang kapatid,
01:23si Ombudsman Crispin Rimulya.
01:25Pinakita na ba sa inyo ni Ombudsman Rimulya yung kopya?
01:29Hindi po. Sa trepo lang kami nag-uusap.
01:32Ang sinabi niya sa akin, nakuha niya ang electronic company from a third source.
01:38Third source?
01:39Hindi po, hindi po galing sa ICC.
01:43Okay.
01:44But in form and in function, mukha siyang official.
01:49But as far as we are concerned kasi, basta nasa national security apparatus ka,
01:54dapat actionable document.
01:56Yun nga po.
01:56Dapat dumating talaga.
01:58Dapat kay hard copy.
01:58Yung hawak ng kapatid po ninyo, hindi pa masasabing actionable document yun.
02:03Hindi pa po.
02:04Pero sabi ni Rimulya, parehong latag lang ang gagawin kay De La Rosa.
02:08Kung paano inaresto noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte, basta may papel na.
02:13Yung dating Pangulo po, may proper channels po yun.
02:19Ako po mismo, nakuha po ko ng copy ng official na warrant of arrest through Interpol.
02:26In this case, wala po po kami nakukuha.
02:29Hindi po dumating sa Department of Justice.
02:31So, I cannot comment on a non-entity.
02:34So, hinting po natin dumating bago ko mag-comment po.
02:37Kung may warrant, ilabas.
02:39Kung walang warrant, tumahimik na kayo.
02:42Tantana na ninyo kami.
02:43Ano ba naman pananakot ng ginagawa yan?
02:46Sa social media naman, naglatag ng argumento ang abogado ni De La Rosa.
02:50Sabi ni Atty. Israelito Torion,
02:53kung RA 9851 o yung batas na nagtatali sa atin sa International Humanitarian Law
02:59ang gagamitin para isuko sa ICC si De La Rosa,
03:03bitin ang batas dahil wala pa raw itong implementing rules and regulation.
03:06Maliban kay De La Rosa, isa pang inaabangan sa Senado
03:11ang pagpapatuloy ng Blue Ribbon Committee investigation sa biyernes.
03:16Base raw sa impormasyong nakukuha ni Senadora Marcos,
03:19may mga testigo raw na aatras sa kanilang testimonya.
03:22Ang mangyayari ngayon, mag-re-recant ang mga testigo.
03:26Panoorin ninyo, sigurado ako dyan.
03:29Isa-isa yan na biglang babaliktad dahil pre-nessure,
03:34tinakot ang pamilya at halos tinutukan ang asawa at anak.
03:39Nang tanungin kung sino ito?
03:42E alam na ninyo kung sino yung pinakamatinde ang testimonya.
03:46Si Orly Gutesa.
03:47Ang pamilya na tinakot ay kay Gutesa, kay Orly Gutesa.
03:51O basta, yun na yun. Abangan na lang ang susunod na kabanata.
03:55Si Orly Gutesa ang nagpakilalang dating Marines
03:58na nagsabing nagdala raw mismo ng pera na tinawag niyang basura
04:02kinadating Congressman Zaldico at dating House Speaker Martin Romualdez.
04:07Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar.
04:12Nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended