Skip to playerSkip to main content
- Leyte Rep. Romualdez, nagbitiw bilang house speaker; pinalitan ni Isabela Rep. Bojie Dy


- Malawakang pagbaha sa Morong at Teresa, Rizal


- Ilang kalsadang tinaasan para iwas-baha, nagkaroon ng matarik na bahagi at takaw-aksidente


- Palasyo, pumalag sa batikos ni VP Sara Duterte sa pagbuo ni PBBM sa independent commission for infrastructure


- Marine Scientific Research Station sa Verde Island Passage, isinusulong


- #BagyongMirasol


- (cured version pls ang gamitin:) Encantadia Chronicles: Sang'gre book 2 at Shuvee's first horror movie


- Tuwing naliligo, may nawawalang natural oils sa balat—derma 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:30The Speaker of the House of Representatives, Faustino Boji D. III, will now address the body.
00:47Sa botong 253 pabor, 28 abstain at apat na hindi bumoto,
00:53inihalal na House Speaker si Isabela 6 District Representative Faustino Boji D. III.
00:59Si D. ang nag-iisang ninominate kapalit ni Representative Martin Romualdez
01:03na nag-resign sa gitna ng anomalya sa flood control projects
01:07at aligasyong may mga kongresistang kumikikbak sa mga ito.
01:10The issues surrounding certain infrastructure projects have raised questions
01:16that weigh not only upon me but upon this institution we all serve.
01:23The longer I stay, the heavier that burden grows.
01:27Sa kanyang talumpati matapos manumpa, nagbitaw ng pangako si D.
01:32Under my leadership, this house will change.
01:38I will not defend the guilty and I will not shield the corrupt.
01:43We must threaten the oversight committee and fully cooperate with the Independent Commission of Infrastructure.
01:51Our duty is not to protect each other.
01:54Our duty is to protect the Filipino people.
01:58Aminado si D. na may pagkukulang ang kamera, kaya humihingi ng pagkakataong makuha ang tiwala ng taong bayan.
02:04Kami po ay nagpapakumbaba. Sana bigyan nyo kami ng pagkakataong ituwid ang mga maling kalakaran at linisin ang aming hanay.
02:15Kahapon pa umugong ang pagbibitiw sa pwesto ni Romualdez.
02:18Kagabi, nagsimula ng magtanggal ng gamit sa tanggapan ng speaker, kabilang ang nameplate ni Romualdez.
02:24Ngayong hapon, halos tapos na ang pagbakante sa opisina.
02:27Bago maging speaker, nagsilbing deputy speaker si D. ni Romualdez.
02:31Kilalang malapit na kaibigan ng pamilya Marcos si D.
02:34Na ikinampanya ang unit team ni na Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte noong eleksyon 2022.
02:40Galing siya sa political clan ng mga D. sa Isabela.
02:43Dalawang anak niya ang nasa politika.
02:45Si Ino, mayor ng Echage.
02:46Si Kiko, vice-governor ng Isabela.
02:49Dalawang pamangki naman niya ay kasama niya sa kamera.
02:51Tatlong dekadang hawak ng pamilya D. ang kapitulyo ng Isabela bago naagaw ni Grace Padaka noong 2004.
02:58Pero nabawi ulit ni D. noong 2010.
03:00Halos limang dekada naman na namumuno ang pamilya D. sa bayan ng kawayan.
03:04Naging kinatawan siya ng 3rd district ng Isabela mula 2001 hanggang 2010.
03:08Naging gobernador at vice-gobernador din siya ng Isabela 2025 nang magbalik kamara si D.
03:15Sabi ni Majority Leader Sandro Marcos, hindi lang naman si D. ang kinonsidera.
03:19Nasa listahan din daw si Navotas Rep. Tobitianco na nagsabing ayaw niyang maging speaker.
03:25Pati na si Bacolod Rep. Albi Benitez na nagparaya raw para kay D.
03:29Pero ang tawag ni Davao City Congressman Paulo Tuderte sa palitan ng liderato, cover up o takipan.
03:36Sabi niya, ang anak ng Pangulo na si Majority Floor Leader Sandro Marcos ang pumili kay D na kaaliado rin nila.
03:43Hirit pa niya kay Pangulong Marcos kung seryoso siyang labanan ng korupsyon, bakit hindi raw agad kasuhan ng mga tiwaling mambabatas?
03:50Baka style niya yun nung anak siya ng Pangulo. Pero I can assure you that me, we are consultative with all the party leaders.
03:57Pwede mo silang tanungin. We met for plenty of weeks. Kung nagpakita sana si Kung Pulong dito sa trabaho at sa session, baka makikita din niya.
04:07But I'm sure he's busy looking for the 51 billion that was spent in his district.
04:10Sinusubukan pa namin makuha si Congressman Duterte sa sinabing ito ni Majority Leader Marcos.
04:16Welcome naman daw para kay Sen. Chise Scudero ang paghalal kay D bilang bagong House Speaker.
04:22Pero ang transition ito ay di daw dapat maka-distract mula sa mga issue patungkol sa mga nakaraang budget at infrastructure anomalies.
04:30Jonathan Andala, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:33Hindi bababa sa isang daang bahay ang binahas sa kasiguran Aurora kung saan nag-landfall ang bagyong Mirasol.
04:41Thunderstorm at habagat naman ang nakakapekto sa iba pang lugar sa bansa.
04:45May report si Nico Wahe.
04:52Rumagasa ang baha sa barangay may bangkal sa Murong Rizal, kasunod ng malakas na buhos ng ulang dulot ng bagyong Mirasol.
04:58Malawakan din ang pagbaha sa bayan ng Teresa.
05:07Gaya sa mga pangunahing kalsada, umapaw rin ang ilang ilog.
05:12Nagnistulang ilog naman ang Kalakwasan Market National Road sa kasiguran Aurora kung saan nag-landfall ang bagyo.
05:18May mga nangahas tumawid. Ang iba naman, nagpahupa na muna.
05:21Sa datos ng MBRRMC, hindi bababa sa sandang bahay mula sa 6 na barangay sa kasiguran ang binaha.
05:29Kinailangan namang ilikas sa mga nakatira sa lugar na abot-bewang na ang tubig.
05:32Aspekto nung galing sa bundok, pababa. At mostly kasi ang pinagabutan ng baha, yung mga river natin, yung mga malalaking ilog na papunta ng palabas ng dagat.
05:47Eyo, nag-overflow sa sobrang lakas siguro nung volume kahapong.
05:52Sa record ng PDRRM, o limang manging islang na paulat na nawawala matapos pumalaot sa kasagsagan ng malakas na ulan.
05:58Kaninang hapon, nakita na ang apat na sakay ng isang bangka.
06:03Sa bayan naman ang dinalungan at dilasag, labing limang bangka ang nasira matapos hampasin ang alon.
06:10Ramdam ang malakas na hangin sa ilagan Isabela.
06:12Pansamantalang isinara ang Guka Bridge sa bayan ng Echage dahil sa pag-apaw ng tubig.
06:18Walang tigil din ang pag-ulan sa bahagi ng Talavera at San Jose City sa Nueva Ecija.
06:22Mabigat naman ang daloy ng trapiko sa bayan ng Karanglan.
06:25Umapaw kasi sa kalsadang tubig na may buhangin at pato mula sa bundok.
06:29Ayon sa kapitan ng Barangay Pungkan, dalawang dekada na nilang problema ito.
06:34Sana'y mahalagyan po ng malaki-laking kanal na diretso po sa pinakamalaking creek.
06:39Sa Baguio City, may at may ang paglilinis sa mga naiipong basura para mapigilan ang pagbaha.
06:44Inalerto na rin ang mga lugar sa lungsod pati sa bengget na flash flood at landslide prone.
06:49Abagat naman ang nagpaulan sa Naga City, Camarinesur, maraming motoristang na perwisyo.
06:56Localized thunderstorms naman ang naka-apekto sa Takurong Sultan Kudarat at Tantangan South Cotabato.
07:02Nghi Kuahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:13Tag-tag ngayon ng reklamo ang ilang kalsada sa Hagonay, Bulacan na tinaasan para iwas baha.
07:20Hindi na kasi pumantay ang mga ito sa ibang bahagi kaya nagdudulot ng disgrasya.
07:25May report si Vaughan Aquino.
07:26Sa puha ng CCTV noong August 13, makikita ang tricycle na ito na paakyat sa matarik na bahagi ng San Nicola-Santo Rosario Road sa Hagonay, Bulacan.
07:39Nawalan ito ng balanse, tumagilid at tuluyang nabuwal sa kalsadang may baha.
07:45Kumalso yung kulong-kulong namin. Kaya umangat yung gulong sa sideway. Kaya bumaligtad kami. Matarik ko kasi talaga rin. Marayo talagang tumatawag.
07:58Kinabukasan, kuha muli ng CCTV. Isang tricycle na naman ang naaksidente sa matarik na kalsada.
08:05Nagtulong-tulong ang mga tao para maitayo ang tricycle at makalabas ang pasahero.
08:10Bukod sa peligroso para sa mga motorista, ang pagdaan sa bahaging ito ng kalsada dito sa barangay San Nicola sa Hagonay, Bulacan.
08:18Ay perwisyo din daw yung bahang na idudulot dahil yung bahaging ito ay hindi pa na ipapantay dito sa itinaas na kalsada.
08:25Hindi pa yan na natutuligsa. Hindi pa yan na natataddad ng reklamo.
08:30Tatlo, apat, isang araw ang aksidente.
08:33Masakit sa akin bilang isang kapitan.
08:35Dahil hindi naman namin pinapabayaan ito. Pag bumaha, tinutulungan kami ng mga kabarangay ko na nagpahiram ng water pump.
08:43Ang mababang bahaging ito na pinangyarihan ng mga aksidente na iwan ang ipagawa at itaas ang kalsada.
08:50Sabi ng barangay kapitan ng San Nicolaas, sinukat na ito noon ang engineer ng contractor ng DPWH bago itaas ang kalsada.
08:57Ang sabi nila, nung aalis na sila, hanggang dito lang sila. Yun lang pinarating sa amin. Hanggang yan lang daw po ang inabot ng kanilang contractor.
09:07Na nung una, sabi nila, aabot sila hanggang dulo. Bitin ng 60.
09:11Nang makita raw ito ng kanilang alkalde, gumawa ng paraan para mapahaba ang ramp at mabawasan ang tarik ng kalsada,
09:19kaya't ang isang lane under construction pa. Habang isa pang lane, tinambakan muna ng lupa.
09:24Approach lang. Kasi ang iniwan sa aming approach ng contractor ay halos 6 meters lang na dapat ay 12.5 yung haba.
09:36Yun ang ginawa nilang kapirwesyuan sa aming barangay.
09:38Ang mga motorista nag-adjust na ng kanilang tricycle. Tinaasan para hindi abutin ang baha.
09:45Eh, nakatatakot. Baha at murigtad.
09:47Ang nagtitinda ng isda, napapagastos pa raw kapag nasisira ang kanilang tricycle pagdaan sa kalsada.
09:54Tulungan nyo naman po kami mga nagsisipaghanap buhay para naman po hindi kami maperwisyo.
09:59Di kalayuan sa San Nicolás Santo Rosario Road, in-extend din ang ramp ng San Nicolás Sagrada Road.
10:06Nagdudulot din daw na mga aksidente sa mga motorista ang kalsada rito ayon sa barangay.
10:11Hagonoy LGU rin daw ang tumulong na maipagawa ito.
10:14Sinisikap pa namin kunan ng pahayag ang DPWH kaugnay dito.
10:19Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:23Pinalaga ng palasyo ang batikos ni Vice President Sara Duterte sa pagbuo ni Pangulong Bongbong Marcos sa Independent Commission for Infrastructure.
10:32Gusto raw ng Pangulo ay investigasyon at due process at hindi EJK o extrajudicial killing style na sa libingan ang hantungan.
10:41Tanong pa ni Palas Press Officer Undersecretary Claire Castro, may moral ascendancy ba si Duterte para magsalita tungkol sa katiwalian?
10:51Sabay-ungkat sa pahayag ng ama niyang Sinoy Pangulong Rodrigo Duterte.
10:56Kung ano sinabi niya rito, and I quote,
11:00Hindi ako nagmamalinis, marami rin akong nanakaw, pero naubos na. So wala na. End of quote.
11:06So 2017 ito, sana na ibigay na rin niya sa kanyang ama kung paano agarang masusupo ang korupsyon.
11:15Kung ikukumpara ba sa nakarang administrasyon na nagsabing korup,
11:21mismo ang Pangulo at maraming ghost projects,
11:25ano ang itatawag natin sa panahon na yon?
11:29Living hell?
11:30Isinusulong na magkaroon ng Marine Scientific Research Station sa Verde Island Passage.
11:37Patatagpuan sa pagitan ng Luzon at Mindoro,
11:40ang Verde Island Passage, isang straight o kipot na hitik sa yamang dagat.
11:45Tinaguran ito ng DNR bilang center of the center ng marine shore fish biodiversity sa daigdig
11:51at mahalaga ring daanan ng mga sasakyang pandagat.
11:55Ang mungkahi ay isa sa mga tinalakay sa isang forum kaugnay sa paglalatag ng Roadmap
12:00para sa pagtuklas at pangangalaga sa Verde Island Passage.
12:05Katuwang ang mga partner sponsor at stakeholder sa Roadmap
12:08na isinasaalang-alang ang halaga nito sa kalikasan, ekonomiya at pangkalahatang seguridad.
12:14Bago ngayong gabi, dalawang bagyo na ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility,
12:22ang bagyong Mirasol na panatili ang lakas nito habang nasa coastal water ng Pagudpud, Ilocos Norte.
12:29Sa 11 p.m. bulitin ng pag-asa, may lakas yan ng hangin na 55 km per hour
12:34at bugsong aabot sa 75 km per hour.
12:38Patuloy itong kumikilos pa north-northwest sa bilis na 10 km per hour.
12:44Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Batanes, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands,
12:49northern portion ng Isabela, Apayaw, Abra, Galinga, Mountain Province,
12:54eastern at northern portion ng Ifugao, Ilocos Norte,
12:57northern at central portion ng Ilocos Sur.
13:00Sa forecast track, posibleng mabas na ng Philippine Area of Responsibility
13:04ang bagyong Mirasol bukas ng umaga.
13:07Samantala, nakapasok na rin ang par ang bagyong Nando.
13:10Namataan yan, 1,170 km east of southern Luzon.
13:16Inasaang nalakas pa ito sa mga susunod na araw
13:18at di inaalis ang posibilidad na umabot sa typhoon o super typhoon category.
13:24Dahil po sa pagmamahal po sa amin ng mga Encantadix,
13:35ang Encantadia Chronicles po ay may bagong yung to.
13:38It's official, patuloy na mapapanood si Natera,
13:43Flamara, Adamus at Deya
13:46sa book 2 ng Encantadia Chronicles Sangre.
13:49Mas naingganyo kami, mas maging creative,
13:52mas pag-usayan at mas gandahan pa.
13:54Parang bumalik sa umpisa,
13:55pero this time, mas knowledgeable
14:00and mas kaya na namin i-channel yung bawat characters.
14:05It's Will's 23rd birthday today.
14:11Very 90s matinee idol,
14:13ang black and white portrait ng Nation's son
14:15sa photoshoot.
14:19Shuvie Etrata,
14:20excited na sa first ever horror movie niya
14:23na huwag kang titingin
14:25ng GMA Pictures at Mentor Production.
14:28Horror is something na alam kong challenging for me.
14:33I'm just excited for the people to see the outcome.
14:37Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:42Feeling fresh lagi ang mga Pinoy
14:44dahil sa ugali nating pagligo.
14:47Pero totoo nga bang hindi kailangan madalas
14:49o araw-araw maligo?
14:51Ang payo rito ng eksperto
14:52alamin sa Tip Talk ni Katrina Son.
14:59Tuwing papasok sa paaralan o trabaho
15:02o kung may lakad sa labas
15:04o kahit nasa bahay lang
15:06para sa mga Pinoy,
15:09hindi pwedeng hindi naliligo
15:11kahit ilang beses pa.
15:13Usually mga 2 to 3 times a day.
15:15Bakit?
15:16Aside sa mahilig ang mag-exercise,
15:18yung weather din sa Metro Manila.
15:21Kung ano, mainit,
15:22dalawa at saka tatlo, ma'am.
15:25Ang negosyante, si Mark,
15:26twice a day raw naliligo.
15:28Galing ka na sa labas
15:29o na-expose ka na sa
15:30kung ano-ano usok,
15:32ganyan, germ.
15:33So kailangan talagang maligo
15:35bago matulog.
15:37Pero ayon sa isang dermatologist,
15:39ayos lang na madalang maligo
15:41kung malamig naman ang panahon.
15:43Bukod dyan,
15:44you remove the natural oils
15:45on your skin.
15:47Ayan.
15:47Lalo na kung ikaw ay gumagamit
15:49ng extreme of temperatures
15:50na mainit na tubig
15:51o sobrang labig.
15:52Nagsisilbing pansalag
15:54sa mikrobyo
15:55at nagpapanatili ng moisture
15:57ang natural oils sa balat.
15:59Kaya payo ni Doc,
16:00huwag masyadong magkuskus
16:01o magscrup.
16:03Mas mainam kung maligam-gam
16:04ang tubig.
16:05Pero kung walang paraan
16:06o oras na magpakulo,
16:08pwede na ang galing
16:09sa gripo o shower.
16:10Iakmarin ang dalas
16:11ng paliligo sa uri ng balat.
16:13Kung may dry skin,
16:15huwag madalas.
16:16Matapos maligo,
16:17mainam daw
16:18na magmoisturizer o lotion.
16:19Sa skincare products,
16:21iwasan ang matatapang
16:23o aggressive.
16:24Hanggat maari,
16:25unscented o walang kulay.
16:27Better if hypoallergenic.
16:29Gaya raw ng sabon
16:30ng sales agent
16:31na si Maria Fe
16:32na twice a day rin maligo.
16:34Nagre-react yung skin ko
16:35kapag matapang yung sabon
16:37na gagamitin ko.
16:38Iwasan ko yun.
16:39Na.
16:40Na magdadry yung skin ko.
16:42Pero sabi ni Doc,
16:43walang hard and fast rule
16:45kung ilang beses
16:45dapat maligo,
16:46lalo na kung tila
16:47nanglalakit
16:48o nanglilimahid ka.
16:49Ang paliligo kasi
16:51ay ano yan,
16:52personal preference.
16:54Kung ang trabaho mo
16:55ay yung sinasabing
16:56high sweating activity,
16:58siyempre,
16:59kailangan mo talagang
17:00maligo araw-aral
17:01dahil yung mga
17:01pag nagsisweat ka
17:02kasi parang may pandikit
17:03sa mga mikrobyo
17:04at saka sa mga madumi,
17:06yung mga dust.
17:08Katrina Son,
17:09nagbabalita
17:10para sa
17:11Jimmy Integrated News.
17:13Yan po ang
17:14state of the nation
17:15para sa mas malaking
17:16misyon
17:17at para sa mas malawak
17:18na paglilingkod
17:19sa bayan.
17:20Ako si Atom Araulio
17:21mula sa GMA Integrated News,
17:23ang news authority
17:24ng Pilipino.
17:25Ako si Atom Araulio
Comments

Recommended