Skip to playerSkip to main content
- P6.793T National Budget sa 2026 nilagdaan; P92B unprogrammed funds vineto


- Analyst: Langis ang target ng Amerika lalo't pinakamalaki sa mundo ang oil reserve ng Venezuela


- Backhoe, inanod sa ilog; helper, nakaligtas


- Lolang sugatan at may benda sa ulo, nahanap ng pamilya


- Ret. MGen. Poquiz, inaresto sa kasong Inciting to Sedition; iginiit na panggigipit ang asunto


- Proud daddy Dennis | Rides with DenJen at 'Sanggang-Dikit FR' stars


- Iba't ibang art installation na gawa sa yelo, bida sa Harbin Ice and Snow World


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Ganap ng batas ang 2026 national budget, pero may mga items sa unprogrammed funds na vinito o hindi nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:19It will not allow the unprogrammed appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending.
00:28Its utilization is provided with safeguards and is only available when clearly defined triggers and tests are met and will be released only after careful validation.
00:41Sa 6.793 trillion pesos na halaga ng pambansang budget sa 2026 General Appropriations Act, inalis niya ang mahigit 92 billion pesos na halaga ng pitong items sa ilalim ng unprogrammed appropriations.
00:56Tiniyak ng liderato ng Senado at Kamara na malinis at tugma sa gusto ng taong bayan ang 2026 budget.
01:03Pero para sa ilang kongresista, posible pa rin makurakot ang mga unprogrammed funds.
01:09Kaya balak ni Caloacan Representative Edgar Arise na dumulog sa Korte Suprema para questionin kung legal o naaayon ito sa sanigang batas.
01:17We're already drafting the petition. Mahalaga din na matundukan na ito na ma-define na talaga ng Korte Suprema kung talaga bang ang ganitong uri ng pagbabudget na walang katapat na source of financing ay labag sa ating konstitusyon.
01:38Nasa Korte na sa New York sa Amerika, si Nicolás Maduro, ang Pangulo ng Venezuela, na dinampot kasunod ng US assault sa kanilang bansa nitong weekend.
01:51Isinasakdal siya sa kasong droga at terorismo.
01:54Pero si US President Donald Trump nagbanta rin sa iba pang bansa sa Latin Amerika.
01:58Ang basa ng mga eksperto sa pakay ni Trump sa Venezuela at mga maaaring epekto niyan, alamin sa report na ito.
02:13Gulpid di gulat ang ginawang pambobomba ng Amerika sa Venezuela at pagdampot kay President Nicolás Maduro para isakdal siya sa Amerika.
02:22Akusasyon kasi ng Amerika sangkot si Maduro sa narco-terrorism o pagpapapasok ng droga sa Amerika.
02:28Sabi ni US President Donald Trump, ang Amerika na ang magpapatakbo ngayon sa Venezuela
02:33at hahabulin nila ang Venezuelan Oil Reserve na pinakamalaki paman din sa buong mundo.
02:38We're going to be rebuilding and we're not spending money.
02:43The oil companies are going to go in, they're going to spend money.
02:46We're going to take back the oil, we're going to get reimbursed for all of that.
02:49Tingin dito ni UP Professor Herman Joseph Kraft, target talaga ng Amerika ang langis ng Venezuela kahit may sarili namang oil reserves ang US.
02:58If you can exploit others, first use the oil of other sources, Venezuela's oil reserves are actually the largest in the world, even bigger than in the Middle East.
03:08Bago pa man umatake ang Amerika, naglatag na ito ng blockade sa mga oil tanker na magpapasok at maglalabas ng langis sa Venezuela.
03:15Dahil dyan, naubusan na ng mapag-iimbakan ng langis at napipilitan tuloy magbawas ng produksyon ng Venezuelan state-run oil company.
03:23Babala ni Trump kung hindi bubuksan ang Venezuela ang kanilang oil industry at kung di pipigilan ang drug trafficking, posibleng ulitin nila ang pag-atake.
03:32Acting President ngayon ng Venezuela si Delcy Rodriguez.
03:36Palaban pa siya noong una, pero ngayon bukas daw siyang makipagtulungan sa Amerika.
03:40At ngayon, hindi lang Venezuela ang pinagbabantaan ni Trump.
03:45Sabi ni Trump, ang Colombia nakatabi ng Venezuela ay pinatatakbo ng isang sick man at dawit din daw sa produksyon at pagpupuslit ng cocaine sa Amerika.
03:54Sagot ni Colombian President Gustavo Petro, handa siyang ipagtanggol ang kanilang soberanya.
04:00Binigyang diin din niya ang mga hakbang kontradroga ng Colombia.
04:03Naniniwala rin si Trump na dapat may gawin sila tungkol sa Mexico, pero di niya ito dinitalye.
04:09Tungkol naman sa Cuba, tila hindi naman daw nila kailangang pakialaman ito dahil mukhang babagsak na ito ng mag-isa.
04:16Wala pang tugon ang mga opisyal ng Mexico at Cuba.
04:18Ang ating DFA na nababahala sa epekto ng nangyari sa Venezuela sa Rules-Based International Order,
04:24iginitang kahalagahan ng international law, pagbabawal sa paggamit ng dahas at pakikialam sa domestic affairs ng ibang estado.
04:31Pangamba naman ni FPU Professor Francis Esteban,
04:34posibleng may epekto ang ginawa ng Amerika sa laban ng Pilipinas kontra sa pangaagaw ng China sa West Philippine Sea.
04:40We've been using international law as a weapon and as our leverage in our claims in the South China Sea
04:49against our territorial dispute disruption in the Rules-Based International Order.
04:54This kind of violation of international law somehow also diminishes the legitimacy of it in a way.
05:01Sabi naman ng isang ekonomista, posibleng mabuti ang maging epekto sa stock markets ng pagkakadampot kay Maduro.
05:07Inasahan kasing mapapataas dito ang oil production sa Venezuela.
05:11Malinaw rin daw na may epekto ito sa impluensya ng Amerika sa Latin America.
05:16I think that Southern American countries will currently think twice before they increase their trade or economic ties with China or Europe instead of with the US.
05:30Ayon naman sa Department of Economy, Planning and Development, di pa nila ito nakikita ang dagok sa ating ekonomiya.
05:36Pero ibang usapan kung may ibang bansang gumaya sa Amerika.
05:40There is hardly nothing. I don't think that there's any going to be perceptible effects on us unless that we'll have some duplications elsewhere
05:51and bolden some other governments to do similar things.
05:54Pinagsamang epekto ng shearline, easterlies, amihan at trough ng bagong low-pressure area ang nagpapaulan sa iba't ibang lugar sa bansa.
06:06May report si Mark Salazar.
06:07Hindi kinayan ang bako ang malakas na ragasan ng tubig sa ilog sa makilala, Cotobato.
06:17Nakasakay noon ang isang helper na pinipilit iba ni Obra ang heavy equipment kahit pa ito'y halos tumagilid na.
06:25Nakaligtas siya ng sumaklolo ang mga kasamahan.
06:27Sa Tibuli, South Cotobato, tuluyang naputol ang isang hanging bridge na inabot na ng Agus ng Baha.
06:37Naipaabot na sa LGU ang panawagan ng mga residente na magawan agad sila ng bagong tulay.
06:43Wala pang tugon sa ngayon ang LGU.
06:46Tulay rin ang hiling ng mga taga-Esperanza Sultan Kudarat, lalo na ang mga gurong buwis buhay ang pagtawid sa ilog doon.
06:54Sinalanta ng tidal surge o pag-alsa ng dagat ang coastal area sa Concepcion, Iloilo.
07:03Hinampas na mga alon ang mga nasa tatlumpong bahay.
07:07Wasak din ang mahigit dalawandaang bangka mula sa labindalawang coastal at island barangay ayon sa MDRRMO.
07:17Binahari ng mga establishmento sa Buracay.
07:20Paliwanag ng PDRRMO, maayos naman ang drainage systems.
07:26Pero sa dyang marami ang bumuhos na ulan.
07:29Bukod sa Buracay, isang pumbarangay mula sa apat na bayan sa Aklan ang binaha.
07:34May mga nasira ring seawall.
07:37Sa Lapu-Lapu City, nagkaaberya sa laot ang isang motorbanka.
07:41Ayon sa Coast Guard, nasira ang makina at nabutas ang hall ng bangkang nag-a-island hopping malapit sa Ulanggo Island dahil sa malakas na hangin at alon.
07:53Ligtas ang hindi bababa sa 60 sakay nito, kabilang ang nasa 50 Korean National.
07:59Sa Sosugon, stranded sa Matnog Port dahil sa lakas ng alon ang nasa 100 pasaherong pasamar.
08:09Ayon sa pag-asa kasabay ng epekto ng shearline, easterlies at amihan,
08:14nagpapaulan din sa ilang bahagi ng bansa ang trough ng bagong low-pressure area
08:19na namataan 625 kilometers southwest ng Pag-asa Island o sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
08:29Mababa ang tsansa nito maging bagyo at hindi papasok sa par.
08:33Hindi naman inaalis ang pag-asa ang posibilidad na magkabagyo ngayong Enero.
08:38Nakaraniwang pwedeng tumama sa Eastern Visayas o Bicol at maaaring mahagip ang Northeastern Mindanao.
08:46May tsansa ring lumihis palayo ng bansa ang bagyo.
08:49Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:54Nag-viral ang isang lolang sugatan at may benda pa sa ulo.
08:58Nahanap na siya ng kanyang kaanak at nabigyang linaw kung ano ang kanyang sinapit.
09:03Kung nabugbog ba o nadisgrasya.
09:06May report si Mariz Umali.
09:12Palakad-lakad na may benda sa ulo at inabutan pa ng limos.
09:16Ang lolang yan na makita sa CCTV sa ilalim ng MRT station sa Pasay Kagabi.
09:21Ipinost ng concerned citizen ang kanyang litrato sa pag-asang mahanap ang kanyang mga kaanak.
09:27Sabi ng netizen, hindi masabi ng lola ang kanyang pangalan dahil pinagpapaloomano ito sa ulo.
09:32Nang mag-viral ang post, nakita ito ng anak ng lola kaya agad pinuntahan ang ina.
09:38Pinuntahan din ng GMA Integrated News ang mag-ina.
09:41Siya pala si Marife Fernandez, 74 na taong gulang, na ayon sa anak na si Emanuel ay may Alzheimer's disease,
09:49kondisyong nagdudulot ng pagiging makakalimutin at humahad lang sa pasyente na maggawa ang pang-araw-araw na gawain.
09:56Ilang beses na raw na nawala ang ina pero nahahanap naman niya hanggang nawala ulit nitong Agosto.
10:01Kasi nawala po ito noong Agosto.
10:04Tinan ako po sa social media. Ngayon nawala po. Medyo natagalan po.
10:10Nalaman niyang nabundol ng motorsiklo ang ina sa antipolo kaya nagkasugat sa ulo, mukha, mata at tuhod.
10:17January 2 pa daw po na siya. Nasa gasaan ng motor.
10:20Hindi na lang po siya doon ang nabanggag. May pag-mote daw po siya doon.
10:24Kaya lang ano, ayaw niya magpagamot.
10:27Kaya siguro, ninyutin na lang yan.
10:30Umalis po siya doon.
10:32Dumaan kami.
10:33O, tapos?
10:34Eskinita na.
10:35Ha?
10:36Pumasok pa yung motor.
10:37O, tapos?
10:39Ayaw, nag-asa.
10:41Kalauna, nakarating si Marife sa Pasay kung saan siya nakita ng concerned citizen na nagpost ng kanyang litrato.
10:47Bakit mayroong mga issue na kaysa pinagpapaluraw siya?
10:50Hindi po. Ano yun, ma'am? Kasi ang nagsabi sa akin, yung nakakita sa ano.
10:57O, ano sabi?
10:58Kasi nakakita doon sa hospital na nasa gasaan doon ng motor.
11:02Kanina, dinala si Marife sa Pasay City General Hospital at doon tinahi ang sugat.
11:08Tinanong siya at ang kanyang anak kung nais bang kasuhan ang nakabundol.
11:12Wag lang, walang-wala yun.
11:13Kusipo siyang managot.
11:14Wala pa raw report sa kanila kaugnay sa insidente.
11:17Gayunpaman, nagsasagawa na rin daw sila ng backtracking para matukoy ang buong pangyayari
11:22at mapanagot ang nasa likod ng sinapit ni Nanay Marife.
11:26Marise Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:29Inaresto pagka-uwi ngayong araw si retired Major General Romeo Pocquez
11:35na kinasuhan ng inciting to sedition.
11:38Tugo ni Pocquez pananakot at panggigipit ang asunto sa kanya.
11:42May report si Ian Cruz.
11:46Nang maglunsad ng mga protesta noong Nobyembre
11:49kontra sa maanumalyang flood control projects at iba pang korupsyon sa gobyerno,
11:54isa sa mga nag-organisa si retired Air Force General Romeo Pocquez.
11:59Nang grupong United People's Initiative o UPI.
12:03Ilang buwan makalipas niyan.
12:11Tinakip siya kanina na maotoridad pagka-uwi mula Thailand.
12:15Nakablur ang mukha ni Pocquez sa aris video mula sa CIDG.
12:19Mula sa concourse, ineskorta na siya palabas ng terminal.
12:25Ito eh, panggigipito, pang ahahas, pang kananakot sa ating mga taong bayan.
12:33Papahayap ang damdamin, abatid yung korupsyon sa bayan natin.
12:37Bago maisakay si Pocquez.
12:38Okay, yung lawyer ko ando niya ito eh.
12:40Pakatawag ko na lang siya.
12:42Kung United People's Initiative.
12:44Tinawag siya ng kanyang abogado.
12:46At ipinakita ang kamay na may posas.
12:49Ang kanyang abogado at mga kasama sa UPI
12:52nasa gate at humiling din na makausap si Pocquez.
12:55Kaya, ang tagapagpatupad ng tama, hindi mali.
13:01Dapat, marinig nyo, maintindihan nyo, sinasabi namin.
13:04Simple lang naman, lawyer.
13:05Pakitali lang po.
13:06Pakipag-usap ang lawyer to lawyer.
13:09Hindi ito optional.
13:10Kaya magpag-alito.
13:12Hindi po ito pakiusap.
13:16We are not requesting, we are demanding.
13:19Hindi umano na pagbigyan ang mga abogado ni Pocquez sa airport na makausap siya.
13:24Pero ayon sa pinuno ng arresting team.
13:27Sila yung wala sa area.
13:29Late na sila dumating.
13:30Wala silang security clearance to go up.
13:34Ando naman yung family?
13:35Hindi kami late dumating sa airport.
13:38Maaga kami sa airport kanina.
13:40Kapag interview, interview pa nga eh.
13:41Bago sila lumabas.
13:43Mula na ia, dinala sa CIDJNCR sa Camp Kramis si Pocquez
13:47para sa booking process.
13:49Gaya ng pagkuhan ng mugshots, fingerprints at check-up.
13:51Alauna-imedia, iniharap si Pocquez sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77
13:57na nag-issue ng kanyang warrant of arrest para sa kasong inciting to sedition.
14:02Sa ilalim ng revised penal code,
14:04ang sedition ay pag-aalasah ng hayagan at magulong paraan
14:08para pigilan ang pag-iral ng batas,
14:10pagganap ng tungkulin ng pamalaan at pagdaraos ng eleksyon,
14:14pati pag-udyok sa mga tao na magalit, maghiganti at manggagaw ng ari-arian.
14:20Hindi pa man malinaw kung ano eksaktong mga pahayag ni Pocquez
14:24ang itinuturing na inciting to sedition,
14:26ang sabi lang ng PNP na nagsampan ng reklamo.
14:29There's one to press dated December 5, December 5 pa,
14:35and so we'll gotta implement it.
14:38The units that will implement same will be the CIDG and the CPD of the NCRPO.
14:50Inusig sila at inusig sila sa prosecution office
14:55in coordination with DC-20 and at the same time ngayon,
14:59lilitisin na siya.
15:01Doon November 25, sa paghain ng counter affidavit sa naturang kaso,
15:06ipiniliwanag ni Pocquez na nag-ugat ang reklamo sa kanyang mga social media posts.
15:11Ito ay one doon sa mga posts ko sa Facebook na sinasabi nila
15:16ito ay mga inciting to sedition and inciting to rebellion.
15:21Pero sa amin, very clear, pati yung mga lawyers natin,
15:24in-explain namin na hindi ito inciting to sedition and inciting to rebellion.
15:29Sinagot namin lahat yun.
15:30Yung mga statements po niya kasi in-interpret po na ito daw ay pag-i-insight.
15:39Nakapagpiyansa si Pocquez ng 48,000 pesos
15:43at nakalabas na rin siya ng kamkrami bandang alas 3 ng hapon.
15:48Sa January 14, nakatakda ang kanyang arraignment.
15:51Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:54Dennis Trillo, proud daddy sa anak na si Calyx.
16:03Mula raw sa dating pagiging driver ng anak,
16:06siya na raw ang ipinagmamaneho nito.
16:10Nagbahagi rin ang kapuso drama king ng photo collage
16:13since 2014 to 2026 with the caption na
16:17Bilis nga naman talaga ng panahon.
16:19From daddy to husband real quick,
16:25nag-ride si Dennis with wife Jeneline Mercado
16:27at co-stars nila sa kapuso prime action series na
16:31Sanggang Dikit for Real.
16:35Katrina Halili turns 40
16:38at ang birthday paandar niya,
16:40i-revive ang pagiging Black Darna.
16:43Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:49Mararanasan po ang isa sa pinakamahabang winter
16:57sa tiniguriang Ice City,
16:59ang lungsod ng Harbin sa China.
17:02Ang mga nagyayelong obra roon
17:03na tampok sa kanilang Ice and Snow World
17:06pusuan sa report na ito.
17:11Do you wanna build a snowman?
17:14Sa China, di lang snowman.
17:16Dahil gamit ang yelo,
17:17bumuo sila ng buong kaharian
17:19mula sa kastilyo, railway at giant slide.
17:26Lahat nililok ng napakahusay
17:28para sa taon ng Harbin Ice and Snow Festival.
17:32Ngayong araw,
17:33binuksan ang Ice and Snow World sa publiko.
17:35Bungad palang mamanghanas sa gate
17:37na hangos sa original design
17:39ng orihinal na old railway station ng probinsya.
17:43At ang main castle o dream stage,
17:45wangis sa isang tulay sa Harbin City.
17:48Umiikot sa temang A Fairytale World
17:51ang buong festival
17:52at isa sa mga kinaaliwan
17:53ang nagyielong mga rosas.
17:55Huwag magpahuli sa mga balitang
18:02dapat niyong malaman.
18:03Mag-subscribe na
18:04sa GMA Integrated News
18:06sa YouTube.
18:07Outro

Recommended