Skip to playerSkip to main content
- Lalaking binugbog, itinurong pasimuno pala ng gulo


- Nagpakilalang fixer sa Quezon City Hall, arestado


- 5 menor de edad, nasagip sa online kalaswaan


- Sanggol, natagpuang patay at palutang-lutang sa creek


- In Case You Missed It: Chinese vessel sa Manila Bay?; Rocket debris ng China?; Montenegro, pinag-leave of absence


- Lisensiya ng SUV driver na tumagos sa lobby ng MCU sa Caloocan, suspendido ng 90 araw


- Ilang probinsya sa Mindanao, inulan dahil sa habagat at thunderstorm


- 20 years with Marian; TGIS reunion sa Family Feud


- Limasawa Island, dinarayo ng mga gustong mag-explore ng kasaysayan at kalikasan 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06State of the Nation
00:09State of the Nation
00:15State of the Nation
00:17Hindi na nakatayo ang lalaking niya ng pagsusuntukin sa Cebu City, pinagsisiparin ang biktima.
00:23Pero ayon sa mga otoridad, siya raw ang nagsimula roon ng gulo at gumanti lang sila.
00:29Binuto raw kasi ng lalaki ang kapatid ng isa sa mga kalaunay ng bugbog sa kanya.
00:34Paglilinaw ng mga otoridad, hindi PWD ang biktima taliwas sa sinasabi nito na may epilepsi siya.
00:41Kakalaya lang din daw ng biktima na harap sa kasong frustrated homicide.
00:46Aminado ang biktima ng miyembro siya ng gang at nakaalitan niya ang kalaban nilang grupo.
00:52Nagkaharap na sa barangay ang mga sangkot sa gulo.
00:55Ang lalaki wala raw planong maghabla.
00:59Bago ngayong gabi, aristado ang isang umanoy fixer na empleyado ng Quezon City Hall.
01:04Nag-aalok daw itong maglakad ng mga permit pero nang huhut-hot at nananakot pa.
01:10At ang mga papeles, peke!
01:12Ang isang biktima niya, nalagasan ng mahigit apat na milyong piso.
01:16Yan ang exclusive report ni Katrina Son.
01:19Nakunan sa cellphone and video nito ang dalawang babae sa loob ng isang restaurant sa Quezon City.
01:28Ang isang babae nag-abot ng brown envelope sa kausap.
01:32Umalis saglit ang babaeng inabutan ng sobre.
01:35Pero pagbalik, nilapitan siya at hinuli ng mga operatiba.
01:39Suspect siya sa umanoy pangingigil at pagbibigay ng pecking permits mula sa Quezon City LGU.
01:50Ang laman ng sobre, marked money na nasa 800,000 pesos.
01:56Sumbong ng biktimang si May, nagpakilala raw na taga City Hall ang sospek.
02:01At handa raw lakarin ang permit na kailangan para ma-renovate ang kanilang dialysis center na nagsara nitong pandemic.
02:08Sabi po niya, ay ano, tamang-tama dahil malakas ako sa City Hall, sa accounting department ako nagtatrabaho.
02:14Ako yung humahawak ng payroll ng mga taga City Hall.
02:17Nagtiwala raw siya sa kagustuhang matapos agad ng renovation.
02:21Pero panay raw ang hingi sa kanila ng pera na umabot na sa mahigit apat na milyong piso.
02:27Pinipilit na rin umano silang mag-advance ng renewal ng permit.
02:30Kung hindi, baka ipasara raw ang dialysis center.
02:34Dahil nagdududa na si May.
02:36Pina-verify niya sa Quezon City Hall ang hawak nilang permit galing sa sospek.
02:41Doon, nakumpirmang peke ang mga dokumento.
02:44Para po kaming, ano, mahihimata hindi.
02:48Kasi po, niloon lang po kasi namin yung mga binayad po sa kanya.
02:55Wala na po kaming trabaho nung kapatid ko kasi po kami nagtatrabaho.
02:58Yung life savings po, pamilya namin ang tanaw po doon.
03:02Napagalaman din nilang nagtatrabaho ang sospek bilang accounting aid 3 sa accounting department ng City Hall.
03:09Ayon sa mga otoridad, matagal na raw itong ginagawa ng sospek.
03:13Sinisiyasat din kung may kasabwat siya sa City Hall.
03:16Pag natunogan niya yung isang building ay nagpaparenovate o kailangan isang permit, lalapitan niya.
03:22Tapos mag-offer siya ng, mag-assess siya, mag-assess, mag-process na lahat ng dokumento.
03:28Tapos sihinga niya ng pera.
03:32Tapos una, ratakutin niya muna na ito ay malaki ang penalty niyo.
03:36Tumangging magbigay ng pahayag sa amin ang sospek na nahaharap sa mga reklamang robbery extortion at estafa.
03:42Giit ni Quezon City Mayor Belmonte, hindi nila kinukonsinte ang korupsyon at hindi kailangan ng fixer para kumuha ng permit sa City Hall.
03:51Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:56Walang kawala sa mga operatiba ng NBI Violence Against Women and Children Division ang target nilang lalaki sa Marilaw, Bulacan.
04:11Kayo po ay ina-arresto namin sa sanang maglaba ng R-A-11 of B-0 or R-A-11 of B-0.
04:21Naaktuan siya ng mga dayuwang undercover na nag-aalok ng live show ng mga bata.
04:26Nasagip ang babaeng pamangkin ng sospek at apat pang bata na edad pito hanggang labing dalawa.
04:32Para rumahay kahit ang mga bata sa online kalaswaan, binibigyan sila ng pagkain at pera hanggang 20 pesos.
04:39Ginagamit niya po yung mga bata para kumita siya sa papamagitan ng pag-live show or pinapahubad niya yung mga bata.
04:50Sumasa ilalim sa psychological counseling ang mga bata.
04:53Ikinasa ang operasyon nang makuha na ng madalaswang video ng mga bata galing sa Pilipinas ang isang US citizen na nahuli sa Amerika.
05:00Nakita rin sa cellphone ng sospek ang mala sex tourism na alok niya sa mga parokyano.
05:05Iniimbitahan niya pa yung foreigner na pumunta sa Pilipinas para physically ma-abuse yung bata.
05:14Ang suspect na sinusubukan pang makuha na ng reaksyon na aharap sa mga reklamang paglabag sa anti-online sexual abuse or exploitation of surgeon law at human trafficking.
05:24Sa isang hospital sa Tarawan, Matangas, hinunin ng mga taga-PNP Women and Surgeon Protection Center ang isang nanay na ibinibenta raw ang dalawang anak.
05:33Nabawi sa kanya ang mga paslit na isang taong gulang at sanggol na 2 weeks old.
05:38Itong si Andre Cover will pay po si seller ng 25,000 as payment for the hospital bills and the remaining as payment po doon sa pag-adapt doon sa baby is 20,000.
05:51Napilitan lang ako kasi gusto ko mabayaran yung bill namin.
05:55Ang penalty po na impossible dito is pwede pong life imprisonment depende po doon sa gravity ng offense natin.
06:01Hindi lang po yung nagbebenta, nagbebenta ng baby ang merong napaparusahan dito but also yung bumibili po ng mga babies na wala po sa proseso.
06:12Nasa pangalaga ng DSWD ang mga bata, ang nanay, sinampahan ng paglibag sa Trafficking in Persons Act at iba pang reklamo.
06:21John Consulta, nagbabalita para sa GMA Indigrated News.
06:29Isang patay na sanggol ang natagpuan palutang lutang sa creek sa Cagayan de Oro City.
06:34Kwento ng mga residente, nakarinig pa sila ng iyak ng bata bago natagpuan ang sanggol.
06:40Iniimbisigahan na ng mga autoridad kung sino ang ina ng sanggol.
06:44Kung mapatunay ang kagagawa nito ang nangyari sa sanggol.
06:48Pusibling ireklamo ng infanticide ang ina at mga pusibling kasabwat.
06:55Sa Dagupan City, babaeng pitong taong gulang ang natagpuan patay sa dalampasigan.
07:00Walang saplot ang Bikima ang ginilitan at nakasilid pa sa garbage bag.
07:05Ang Bikima ay kinilala ng mga kaanak.
07:08Napaulit siyang nawawala kahapon.
07:11Ayon sa mga polis, pusibling kakilala o kaanak nila ang dumukot sa bata.
07:16Patuloy ang investigasyon.
07:18Barko ng China Coast Guard na mataan umano sa labas ng Manila Bay.
07:28Base sa post ng American Defense at Maritime Analyst sa si Ray Powell.
07:32Aniya hinihintay daw ng China Coast Guard Vessel 3306 ang paglabas ng BRP Cape San Agustin ng PCG na naatasang magpatrolya sa Baho de Masinlok.
07:43Ayon naman sa PCG, sa bandang sambales na mataan ang barko ng China at nataboy rin ito ng BRP Cape San Agustin.
07:50Sa look Occidental Mindoro nakuha ng PCG ang umano'y debris ng rocket ng China na unang nadiskubre ng mga manging isda.
08:01Pinaniniwala ang galing ito sa Long March 7, a rocket na pinalipad noong Hulyo, lalot may nakaimprenta rito ng watawat ng China.
08:13Political Officer ni Sen. Robin Padilla na si Nadia Montenegro, pinag-leave of absence ng tanggapan ng Senador hanggang matapos ang investigasyon sa hinalang may nagmariwana sa Senado.
08:25Nauna nang itinanggiin ni Montenegro ang aligasyon pero pinayuhan siya ng kanilang chief of staff na magpa-drug test.
08:32Sinusubukan pa naming makuhana ng pahayag si Montenegro.
08:35Dahil sa insidente, iminungkahin ni Sen. Minority Leader Tito Soto na mag-random drug test ulit sa Senado.
08:42Hinihinga namin ng pahayag si Sen. President Cheez Escudero na nauna nang iniutos na siya sa atin ang insidente.
08:50JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:56Siyab na pong araw na suspendido ang lisensya ng driver ng SUV na tumagos sa lobby ng Manila Central University o MCU sa Caloocan.
09:05Pinagpapaliwanag din siya ng Land Transportation Office.
09:09Pito ang sugataan sa disgrasya kabilang ang anim na estudyante.
09:12Apat sa kanila ay minor de edad.
09:15Ayon sa pulisya, naapakan ng driver na edad 70 ang silinyador kaya siya humaruro.
09:21Pinabulaanan nito ng driver at iginiit na naglokoraw ang sasakya niya.
09:27Hawak na siya ng Traffic Accident Investigation Unit ng Caloocan Police.
09:31Wala pang pahayag ang MCU.
09:34Ilang probinsya sa Mindanao ang inulan dahil sa habagat at thunderstorm.
09:39Bago bumuho sa malakas na ulan, kaninang umaga naging makulimlim sa bayan ng Parang sa Sulu.
09:51Naging alerto ang mga residente, lalo ang mga nasa coastal area.
09:55Nakaranas din ng malakas na pagulan ng ilang bahagi ng bonggao sa tawi-tawi.
09:59Sa Cagayan de Oro City, mahigit 600 individual naman ang lumikas ng magpabaha ang pag-apaw ng Ipuanan River resulta ng walang tigil na pagulan.
10:11Samantala, as of 8pm, isang bagong low-pressure area ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
10:19Ulitong namataan ang pag-asa, 655 kilometers west ng Olongapo City.
10:25Sa ngayon, pababa pa ang tsansa ng maging bagyo sa susunod na 24 oras.
10:30Pusible naman ang mga pag-ulan ngayong weekend sa malaking bahagi ng bansa dahil sa habagat at thunderstorms.
10:41Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagdiriwang ng 20th anniversary sa showbiz, nagbalik-tanaw sa mga naging proyekto mula 2005.
10:49Mula sa iconic Marimar at Jezebel Rules, sa transformation niya bilang si Darna.
10:58Hanggang sa box office hit films na Rewind at Malota.
11:02Labis daw ang pasasalamat ni Yan Yan sa dalawang dekadang pagsuporta at pagmamahal ng fans.
11:08PBB boys Brent Manalo at Will Ashley, cover ng isang fashion magazine.
11:15Michael Sager, featured naman sa digital billboard sa South Korea.
11:22Duet nina Shubi Etrata at Ralph De Leon sa isang event kinakiligan.
11:27Grateful daw si Shubi sa mga shippers nila, pero...
11:30Ralph and I have been talking a lot about it.
11:33So, we know naman our boundaries.
11:37Of course, he has a love team.
11:40So, I don't want to disrespect them.
11:44But if there's a project for us, why not?
11:47Jillian Ward sumalang na sa first day taping ng upcoming project na Never Say Die.
11:53Reunited din siya sa kanyang BFF na si Rahil Birria,
11:56na dati na niyang nakatrabaho sa abot kamay na pangarap at mga batang rilis.
12:01Makakasama rin nila sa action drama series si pambansang ginood David Licauco.
12:06OJTGIS Barkada reunited sa 800th episode ng Family Feud.
12:13Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:23Minsang mga dayuhan ang nag-explore sa makasaysayang isla ng Limasawa sa Southern Leyte.
12:29Ngayon, bagong henerasyon naman ang explorers at ipinakikilala ang filter-free na ganda ng isla.
12:36G tayo dyan sa report ng Ian Cruz.
12:38Kung lalayag lang din naman, ito ang islang di dapat palampasin.
12:47Islang di rin pinalampas ni Magellan at kung saan ang unang katolikong misa sa Pilipinas ay ipinagbiwang.
12:54Ang isla ng Limasawa.
12:57Ang magbabarkadang ito, mga modern explorer naman ng isla.
13:02More on, Limasawa naman yung nakikita namin sa TikTok that time.
13:07So, sobrang magical ng island.
13:09So, sabi ko, tara, try natin.
13:11Kala mo, filter lang lahat sa tag-personally mo siya na witness mo talaga.
13:15Sobrang iganda talaga.
13:17First stop, siyempre, ang Anli Swim.
13:23Sa pino at puting buhangin sa baybay ng Limasawa, mas tumingkad ang malinaw na dagat.
13:31May enchanting spot din for picture-taking.
13:35Sa kanilang island lagoon, tanawin ang kakaibang rock formation.
13:40At kung nais pagmasdan, ang di nakakasawang panoramic view ng isla sa Limasawa Peak magpunta.
13:53Payapa at banayad ang hangin.
13:56Added Adventure ang kaunting hiking.
13:59At kung ang mga Espanyol ay nakapagtatag ng kristyanismo sa islang ito,
14:06nakapagtatag naman daw sila ng kakaibang pagkakaibigan sa kanilang pag-explore sa isla.
14:14Friends of friends na kami.
14:15Hindi lang siya isang circle.
14:16So, may mga sinama po kami na hindi talaga magkakakilala.
14:19Tapos nag-ban kami,
14:21tapos naging isang circle na lang kami after ng isla.
14:24At bilang kilala rin ang limasawa na maliit na isla na may malaking kwento,
14:30bahagi ng trip ang matuto.
14:33Ang history ng lugar na yun, which is ang daming knowledge.
14:38Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:45Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
14:48at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:51Ako si Atom Araulyo mula sa GMA Integrated News,
14:54ang news authority ng Pilipino.
Comments

Recommended