- 33 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
- Reserve parachute ng skydiver, sumabit sa buntot ng eroplano
- Zaldy Co, idineklarang "Fugitive from Justice" ng Sandiganbayan
- Aso, pinutulan ng dila
- 2 Fil-Am papuntang US, nag-away paglagpas ng final security screening ng NAIA-1
- P10-M halaga ng frozen meat at fishery product na umano'y smuggled, kinumpiska
- Political Dynasty, bawal sa konstitusyon pero wala pa ring batas para sa depinisyon nito
- Sikreto sa "The Secrets of Hotel 88" | Book signing ni Atom
- Sweet mango ng Guimaras, bida sa kanilang giant christmas tree display
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Zaldy Co, idineklarang "Fugitive from Justice" ng Sandiganbayan
- Aso, pinutulan ng dila
- 2 Fil-Am papuntang US, nag-away paglagpas ng final security screening ng NAIA-1
- P10-M halaga ng frozen meat at fishery product na umano'y smuggled, kinumpiska
- Political Dynasty, bawal sa konstitusyon pero wala pa ring batas para sa depinisyon nito
- Sikreto sa "The Secrets of Hotel 88" | Book signing ni Atom
- Sweet mango ng Guimaras, bida sa kanilang giant christmas tree display
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đź—ž
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:30Diktas namang nakalapag ang skydiver.
00:33Nangyayari ang insidente noon pang Setiembre pero inilabas kamakailan ng Australian Transport Safety Bureau ang video matapos imbestigahan.
00:42Sa Mexico City naman, sumabit sa traffic light ang parachute ng isang skydiver.
00:50Napatakbo ang mga motorista para tulungan siya.
00:53Hindi naman nasakta ng skydiver na dinala sa pesinto habang inaalam kung nasira ang traffic light.
01:00Pinakawalan siya kalaunan.
01:08Inalughog ng NBI ang condo unit ni dating Congressman Zaldico sa Taguig.
01:14Idineklara siyang fugitive from justice ng Sandigan Bayan 5th Division,
01:17pati ng tatlong tauhan ng Sunwest Corporation na mga kapwa akusado sa flood control scandal.
01:24May report si June Veneracion.
01:25Muling pinasok ng NBI ang condo unit ni dating Ako Bicol Parterist Representative Zaldico sa BGC Taguig.
01:35Sa visa ng search warrant, pwedeng buksan ang mga vault at pwedeng kumpiskahin ang mga kasya at dokumento.
01:41Potensyal, baka magagamit na epitensya doon sa ating inimbustiga ng kaso.
01:46Sa resolusyon kahapon, idineklara ng Sandigan Bayan 5th Division si Ko na fugitive from justice
01:51at iniutos ang pagkansila sa kanyang Philippine passport.
01:55Ang fugitive from justice ay isang individual na tumakas para iwasan ang prosekusyon o parusa laban sa kanya.
02:01Ayon sa abugado ni Ko, naghain na sila ng motion to reconsider dahil may limang araw o hanggang lunis pa raw sila para pigilan ang asilasyon.
02:10Ang DILG, nakikipag-ugnayan na sa Portugal.
02:14Lalo't may impormasyong may Portuguese passport din si Ko.
02:17Binigyan din din ng korte, nabatid ni Ko ang mga kaso at warrant of arrest laban sa kanya.
02:23Fugitive from justice din ang turing sa tatlong tauhan ng Sunwest Corporation.
02:27Nahaharap sila sa kasong malversation of public funds through falsification of public documents at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
02:36Ibinasura naman ng Sandigan Bayan 5th Division ang mosyon ng prosekusyon na i-consolidate o pagsabahin ang kaso ng mga akusado
02:43mula sa 6th Division na inaprubahan na ng 6th Division noong November 27.
02:49Baka raw kasi ikadelay o ikadiskaril pa ito ng kaso.
02:52Ang isa pang sangkot sa anomalya ng flood control projects na si Sarah Diskaya, nagaalala raw sa siguridad kaya nagdesisyong sumuko.
03:01Ang mga tao na nagagalit sa kanila at hindi naiintindihan ang sitwasyon, may karapatan silang magalit.
03:11Pero siyempre, sa parte ni na Ma'am Sarah, ni na Sir Curley, kailangan din nila magingat.
03:17Hindi na natin pinahirapan ng gobyerno. Ito'y nagpapatunay lang na si Ma'am Sarah, si Ma'am Rimando, malinis ang kanilang konsensya.
03:30We don't believe there's a risk for her. Mabuti nga na nag-surrender na lang siya kasi hinalap.
03:35Kasi we have never considered her as armed and dangerous kung maging wanted siya.
03:42So we would have a restitution there in a natural way.
03:45Ang restitution, o pagbabalik daw ng pera o ari-arian, ang nagpabago sa isip na Diskaya, kaya umatra sa pagiging posibleng state witness.
03:53Hindi naman talaga requirement na mag-restitute ka.
03:59Korte lang ang talagang nagbibigay ng order kung magbabayad ka ng civil liability or mag-restitute ka ng ganitong amount.
04:09Pero para sa DOJ, kahit wala sa batas ang restitution, dapat lang daw na mabawi ng publiko ang anumang pwedeng mabawi.
04:17I think it is only right that the people get back whatever they can from those who are responsible in committing the crimes.
04:27We will not be chasing after them. We will not be, tawag nito, ginami sila liligawan.
04:36Kung gusto nila at meron silang gustong ibigay na impormasyon dito, gusto talaga nila makipagtulungan, makikinig kami.
04:42June Van Arasyon, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:45Humihingi ng tulong ang isang pamilya sa Valenzuela para matukoy ang nasa likod ng pagputol ng dila ng kanilang aso.
04:54May report si Darlene Kai.
04:58Dinig sa CCTV ang walang tigil na pag-iyak ng isang aso sa Valenzuela City nitong Martes.
05:04Hindi kita, pero ang aso, pinutulan pala ng dila.
05:08Nakita na lang ng pamilya nila Rodley na duguan at nanghihina ang alaga nilang si Kobe.
05:12Sabi ni Rodley, itinatali nila si Kobe sa loob ng kanilang compound at di raw nila napansing nakawala ito.
05:18Mahigit talawang oras nila itong hinahanap.
05:20Si Kobe po kasi hindi po namin pinapakawalan yan.
05:23Parang may nagpaputok po, nagpanik po siguro yung aso.
05:26Lumusot po doon sa ilalim ng gate. Nakalabas po ng mismong kalsada.
05:30Nakaconfine ngayon sa veterinary clinic si Kobe na nagka-impeksyon at nagpositibo rin sa ilang sakit.
05:35Yung sa dila, hindi na po mababalik kasi, ano eh, hala na eh, totally catch eh.
05:42Recovery stage siya.
05:44Kanina, tinayin niya uminom sa bowl niya.
05:48So first time namin siya nakitang uminom.
05:51Sini-sirinch feeding namin siya.
05:52Yun ang means talaga nila para makainom.
05:55Inaano na lang niya, sa mouth niya.
05:58Nagpapatulong ang pamilya ni Rodley para matukoy kung sino ang pumutol sa dila ni Kobe.
06:02Wala naman daw silang nakaaway at wala rin kinagat si Kobe.
06:05Lumapit na po kami sa mga animal welfare po at saka po sa mga polis para po sa investigation ni Kobe.
06:12Sa lasam kagaya naman, tuka at ang paanalang ng isang Northern Rufus Hornbill o Kalaw
06:18ang nakita ng isang Biodiversity Watch volunteer.
06:22Ang katawan daw nito, kinatay at niluto ng isang lalaki.
06:25Pinaril daw ang ibon gamit ang airgun.
06:28Batay sa International Union for Conservation of Nature o IUCN,
06:31itinuturing ng vulnerable ang Northern Rufus Hornbill.
06:35Bawal itong hulihin, patayin at ibenta sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation Protection Act.
06:41Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:45Naiwan ng eroplano ang dalawang pasahero sa Naiya Terminal 1 na nag-away.
06:50Nagpambuno ang dalawa na napagalamang Filipino-Americans at Biyaheng-America.
07:03Nakalagpas na sila ng final security screening ng magsuntukan.
07:07Unang nakitang nagtatalo ang dalawa, pero di pa natukoy ang ugat ng gulo.
07:12Sinalakay ng mga otoridad ang isang bodega sa Nabotas na naglalaman ng mga masangsang ng frozen meat at fishery products na umano'y smuggled.
07:22May report si Vona Quino.
07:23Butas-butas at sirang mga karton at mga karneng na kalapag sa sahig.
07:32Ganito ang dinatna ng mga taga Department of Agriculture nang pasukin ang isang cold storage facility sa Nabotas.
07:38Sa inisyal na impormasyon mula China, Brazil at Thailand, ang frozen meat at fishery products na wala umano'ng kaukulang dokumento.
07:46Hindi bababa sa 10 milyong piso ang halaga ng mga produkto.
07:49Eh yun nga po, yun talaga yung pinipigilan natin mangyari na mapunta sa markado at saka sa makonsume ng public.
07:56Napaka-unsafe, diba? Kung kakainin niya ng mga tao, eh hindi nakabuti sa mga tao yun.
08:04Hawak na ng pulis siyang 6 na tauhan ng imbakan.
08:08Tukoy na rin ang may-ari ng cold storage facility.
08:11Ayon sa DA, dadalhin sa government cold storage facility ang mga nasamsam na produkto at sisirain sa oras na may utos na ang korte.
08:20Simula naman ngayong araw, 150 pesos kada kilo na ang maximum suggested retail price ng pulang sibuyas.
08:27Itinaas ang MSRP mula 120 pesos dahil na rin sa mababang supply mula sa China na pangunahing pinagkukuna ng imported na sibuyas at ang mahinang piso kontra dolyar.
08:38Wala namang paggalaw sa MSRP ng puting sibuyas na nasa 120 pesos kada kilo.
08:44Dito sa Mega Q Mart sa Quezon City, ang presyo ng imported na pulang sibuyas ay 140 pesos per kilo.
08:51Habang itong puting sibuyas ay 120 pesos per kilo.
08:55Ayon sa nagtitinda, ang mga ituro kasi ay stock nila 2 days ago pa.
08:59Kaya't hindi pa ito apektado ng pagtaas sa imported cost na sinasabi ng Department of Agriculture.
09:04Yung sa bodega ng pinukunan namin, marami pa. Kaya siguro is yung mga 2 days from now, magbabago na yan.
09:15Sa Balintawak Market, 170 to 180 pesos per kilo ang imported na pulang sibuyas na ayon sa mga nagtitinda, mas mababa sa 200 hanggang 220 pesos per kilo noong nakaraang linggo.
09:30Madami pong nagso-supply kaya po bumababa po ang presyo.
09:34Para makatipid, sa reject na 100 pesos per kilo muna, masing-sing pumipili ang ilang mamimili.
09:41Mahalaga talaga ang sibuyas kasi pag walang sibuyas, hindi magiging masarap yung luto natin. Importante talaga ito kahit mahal.
09:50Von Aquino, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:54Pinuna ng ilang eksperto at kongresista ang mga batas o butas sa inihahing Anti-Political Dynasty Bill ni na Presidential Sun at Congressman Zandro Marcos at House Speaker Boji D.
10:08Kapwa-membro ng angkan ng mga political dynasties, sina Marcos at D, tulad ng maraming matataas sa opisyal ng gobyerno.
10:16E-reports si Tina Panganiban Perez.
10:18Mula sa dalawang pinakamatataas na leader ng bansa, maging sa kongreso.
10:27Marami sa mga nakaupong opisyal sa bansa ang galing sa political dynasty.
10:33Yan ay kahit ipinagbabawal ito sa konstitusyon.
10:36Kailangan pa kasi ng isang batas na may malinaw na depenisyon kung ano ang political dynasty.
10:43Makalipas ang 38 taon, bigo ang kongreso na maipasa ang panukala para Riyadh.
10:50Paano nga namang magpapasa ng anti-political dynasty kung puro galing sa angkang politikal ang mga nakaupo?
10:58Batay sa pinakahuling statement of assets, liabilities, and net worth o salen ni Pangulong Marcos,
11:04sampu ang kaanak niya sa gobyerno.
11:07Pareho sila ni Vice President Sara Duterte, ang bise, may anim na kaanak naman sa gobyerno.
11:15Sa Senado, 22 ang may kaanak sa gobyerno.
11:19Apat na pares ng senador ang magkapatid.
11:22At sampu ang may kamag-anak sa Kamara.
11:25Sa Kamara, 212 kongresista ang galing sa political dynasties,
11:31ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism.
11:34Kabilang ang mismong House Speaker, na may labing apat na kaanak sa gobyerno.
11:40Bagamat galing sa political dynasties,
11:43naghain ang sariling bersyon ng anti-political dynasty bill,
11:47si Nadie at Congressman Sandro Marcos.
11:51Ipinagbabawal nito ang magkakaanak hanggang fourth degree of consanguinity at affinity
11:56na tumakbo ng sabay sa isang eleksyon,
11:59tulad ng asawa, kapatid, magulang, at anak.
12:03Kung ang isang individual ay incumbent o kandidato sa isang national position,
12:09bawal mahalal ang kanyang kaanak sa isa pang national position.
12:13Halimbawa, di na pwede ang magkapatid na parehong senador.
12:17Di rin pwedeng umupo ang magkakaanak ng sabay sa posisyon
12:21sa parehong probinsya, syudad, munisipalidad o barangay.
12:26Pero puna ng isang political scientist, may mga butas ang panukala.
12:31Di niya sinasabi kung ilan sa magkakamag-anak ang pwede at hindi pwedeng tumakbo.
12:38Hindi ka nga tumakbo sa isang distrito.
12:41Bilang kongresista, tatakbo ka naman dun sa ibang distrito,
12:45sa ibang probinsya o sa ibang jurisdiction.
12:50Isang malaking pagpapanggap lamang na merong tinutulak na anti-political dynasty.
12:59Tingin naman ang ilang mababatas, taliwas sa pagbabawal sa political dynasty,
13:05ang panukala ni Nadie at Marcos.
13:07Under their proposal, a family can have five sitting officials, public officials simultaneously.
13:17Sinusubukan namin kunin ang panig ni Nadie at Marcos.
13:21Matagal nang isinusulong ang pagbabawal sa political dynasty na iniuugday rin sa korupsyon.
13:27Batay sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University School of Government noong 2022,
13:34sa ilang probinsya ay may mga negosyong nakikipagtulungan sa mga dynasty
13:38para palawigin pa ang dipagkakapantay-pantay sa politika at yaman.
13:44Sa ngayon, hindi bababa sa isang dosena ang nakahaing anti-political dynasty bill sa Kamara
13:50na tatalakain sa Enero, kasama ang anti-political dynasty bill sa mga priority bill ng Pangulong Marcos.
13:59Pero hindi raw ito sa sertipikahang bilang urgent ng Pangulo.
14:03Sinasabi ng konstitusyon, kailan kailangan mag-certify as urgent ng bill ang Pangulong?
14:09Ito ay kung may public calamity or emergency.
14:13Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:23Full of secrets and mystery ang upcoming drama mystery collab ng GMA at ABS-CBN
14:29na The Secrets of Hotel 88.
14:32Through tweets title, maging mga castmates had their share of secrets
14:36pagdating sa script at plot twist ng kwento.
14:39So different kasi parang may mga sikreto kami lahat sa isa't isa.
14:43May mga scenes din po na tinitake yung each actor na bawal namin sabihin.
14:49Full of mystery talaga siya at full of secrets na pati kami hindi po namin alam.
14:58Sanya Lopez at Jillian Ward, iflinex ang dancing skills sa isang TikTok trend.
15:03Meet and greet at book signing ni Ato Maraulio.
15:10Tinagsa!
15:11Para yan sa kanyang first ever book, A View from the Ground,
15:14na koleksyon ng mga kwento at litratong kuha mismo ng State of the Nation Angkor.
15:20I'm very encouraged and inspired by the response, especially from young people
15:27who seem to have found a renewed passion for reading and for keeping physical books.
15:33Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:38Labing apat na araw na lang, Pasko na!
15:41Ang granding pyromusical ang dinagsa sa Medsayap, North Catabato,
15:45kasabay ng giant Christmas tree lighting.
15:47Sa Zamboanga City, bida naman ang mga likhang parol ng mga estudyante.
15:52Silipin yan sa report ni Oscar Oida.
15:57Hinug na hinug na mga manga, sweet Christmas pala ng mga taga-gimaras.
16:03Nakakatakam na mga hugis, manggang pahilaw ang disenyo ng kanilang higanding Christmas tree.
16:10Hangos ay pinagmamalaki nilang sweet mangoes.
16:14Ang mga likhang parol ng mga estudyante sa isang paaralan sa Zamboanga City,
16:21malaki ang papel sa pagdiriwang ng Pasko.
16:24Gawang papel din yan.
16:26Disenyo na buo gamit ang paper plate, dahon at egg tray.
16:31May gawa rin sa dahon ng saging at nyug,
16:34pati na sa butil ng mais, palay at monggo.
16:38At may mga gumamit ng patapong plastic bottles at plastic straw.
16:44Makakalikasan para sa masayang pagdiriwang.
16:48Namumula naman ang disenyo ng mapailaw sa munisipyo ng Limay Bataan.
16:54Kaya litaw na litaw ang ganda ng kanilang giant Christmas tree.
16:58Dinumog naman ang mga resident at bisita
17:06ang pagbubukas ng Christmas display sa Midsayap, Cotabato.
17:11Ang malapalasyo nilang munisipyo,
17:13nag-iiba-iba ang kulay.
17:16At ang talagang inaabangan,
17:18Pyro musical display
17:25Oscar Oida, nagbabalita
17:33para sa GMA Integrated News.
17:37Yan po ang State of the Nation
17:39para sa mas malaking misyon
17:41at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayad.
17:43Ako si Atom Arauli mula sa GMA Integrated News.
17:47Ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment