-Ex-DPWH engr. Hernandez, nagsauli ng luxury car at nagsiwalat sa Independent Commission for Infrastracture
-Rep. Zaldy Co, binawian ng travel clearance at pinauuwi sa loob ng 10 araw
-Bagyong Nando, isa nang severe tropical storm
-Bagyong Lando, severe tropical storm na; ilang lugar sa norte, naghahanda
-Mt. 387 na saksi sa World War II at Aloha Falls, mabibisita sa Carranglan, Nueva Ecija
-Tiktoker na kaboses ni Kuya Kim Atienza, pinusuan online
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Rep. Zaldy Co, binawian ng travel clearance at pinauuwi sa loob ng 10 araw
-Bagyong Nando, isa nang severe tropical storm
-Bagyong Lando, severe tropical storm na; ilang lugar sa norte, naghahanda
-Mt. 387 na saksi sa World War II at Aloha Falls, mabibisita sa Carranglan, Nueva Ecija
-Tiktoker na kaboses ni Kuya Kim Atienza, pinusuan online
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:30At it is kaya, sinuri ng Justice Department para sa Witness Protection Program.
00:34May report si Joseph Moro.
00:38Ang 12 million pesos na luxury vehicle na ito na pag-aari ni dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
00:45isinuku niya nung humarap ngayong araw sa Independent Commission for Infrastructure.
00:50Sir, bakit niyo sino? Alay ang sasakyan? Sir.
00:52Ang pagsusoli raw nitong si dating District Engineer Bryce Hernandez ng luxury vehicle na ito sa ICI
01:01sa ikalawang araw ng kanilang trabaho, ayon kay Baguio Mayor at Special Advisor Benjamin Magalong
01:07ay pagpapakita raw ng kooperasyon nitong si Hernandez sa ginagawang investigasyon ng ICI.
01:13At ayon kay Mayor Magalong, may dalawa pa na susunod na luxury vehicle na isusoli itong si Hernandez.
01:18Ita-turn over yung Ferrari na worth 58 million, tapos Lamborghini which is worth about between 30 to 40 million.
01:29May mga motorcycles pa siya.
01:31Ipasusubasta raw ng ICI ang mga luxury car ni Hernandez.
01:36Sa pagsalang naman ni Hernandez sa investigasyon ng ICI, sinabi ng ICI chairman na si retired Supreme Court Associate Justice
01:43Andres Reyes Jr. na voluntaryong sinagot ni Hernandez ang lahat ng kanilang mga tanong
01:48nang walang pasubali at walang pag-iwas at nagpakita ng buong kooperasyon.
01:53Ayon kay Mayor Magalong, may mga sinabi si Hernandez sa ICI na hindi pa nababanggit sa mga pagdinig ng Kongreso.
02:00Very relevant yung kanyang mga revelations niya and to cut it short, talagang tell all siya and he continued to cooperate with us
02:12para talagang ma-identify palalo yung iba pang mga sangkot.
02:20Magandang lead, magandang lead ito para sa mga investigador.
02:24Humarap din sa ICI si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
02:29For the main time, siguro hintayin na lang natin si chairman kung ano yung mga na-reveal yan.
02:34Sa ocular inspection ng NBI at DPWH sa mga flood control projects sa Bulacan, may nabisto pang limang bagong ghost projects
02:41na nagkakahalaga ng kalahating bilyong piso.
02:44Halos lahat ay nakapangalan sa Sims Construction ni Sally Santos.
02:49Meron tayong magandang kaso against yung personalities involved.
02:54DPWH officer and contractors.
02:58Ang daming ghost projects.
03:00Ang daming yung hindi tama yung pagkakagawa.
03:06Sabi standard.
03:07Ang initial findings at rekomendasyon ng NBI sa mga proyektong ito is sinumite ng NBI sa DOJ.
03:14Plano rin nila itong isumite sa ombudsman.
03:17Na-evaluate natin yan, but we will have to look at the jurisdictional matters first.
03:21Kasi nga, we have a MOA with the ombudsman.
03:24We cannot prosecute everything.
03:26The ombudsman is the lead when it comes to grafted corruption.
03:30Sa DOJ naman, dumating ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
03:34In-evaluate na ng Justice Secretary kung pwede silang ipasok sa witness protection program.
03:39Confidential ang proceedings ng witness protection.
03:42I think that they're really looking for a solution to their problems.
03:46I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
03:52Paglilinaw ni DOJ spokesperson Miko Clavano, ang evaluation ay para pa lamang sa witness protection at hindi pa upang maging state witness.
04:01Yung state witness po kasi, we will find that out later on in the case.
04:06Pag meron na pong naka-file na kaso sa korte, we will have to move for the discharge of the witness to become a state witness.
04:14And that's when the state immunity comes in.
04:17Nais din daw mapas sa ilalim sa WPP evaluation ang dalawa hanggang tatlo raw na konektado sa maanumalyang flood control projects.
04:25Ang isa ay kasama sa labindimang kontraktor na tinukoy ng Pangulo na naka-corner ng 20% ng kabuang budget ng mga proyekto.
04:33Si Rimulya naman, meron daw nais makuhan taga DPWH para sa WPP evaluation.
04:39May mga vital link yan. Ano mo naman tayo? We have to create the links and connect the dots.
04:45And sometimes they are the most important pieces of the puzzle.
04:49Kinaausap na raw niya tungkol dito ang Senado.
04:52Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:56Pinayagan ng Senado na lumabas para mangalap ng mga ebidensya si dating DPWH engineer Bryce Hernandez.
05:03Sina-Senator Jingoy Estrada at Joel Villanueva na idinawit sa kickback at budget insertion sa flood control projects,
05:10hindi palusot ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Ping Lakson.
05:15Habang ang nadadawit ding si Congressman Zaldico, pinauuwi na sa loob ng sampung araw.
05:21May report si Darlene Kai.
05:25Sa pag-usad ng investigasyon sa mga maanumalyang flood control project,
05:30isa sa mga hinahanap si Akubicol Partialist Representative Zaldico.
05:34Bilang dating chairman ng makapangyiriang House Appropriations Committee,
05:37na pangunahing bumabalangkas sa budget, siya raw ang pasimuno ng mga singit sa budget para mapondohan ang mga proyekto.
05:45Hindi pa nagpapakita rito sa batasan si Rep. Zaldico mula ng magbukas ang 20th Congress noong July 28.
05:52Nasa Amerika raw siya para sa medical leave, kaugnay ng kanyang heart ailment o sakit sa puso.
05:56I understand he is nasa United States siya for medical treatment with appropriate travel documents.
06:06The Speaker of the House of Representatives...
06:09Sa bagong liderato ng Kamara, unang utos ni ngayon, House Speaker Bojidi,
06:14pinapawalang visa na niya at binabawi ang travel clearance ni Ko.
06:19May sampung araw lang siya para bumalik sa Pilipinas dahil urgent o kailangan na raw tugunan agad ang mga issue.
06:25Kung hindi, bahaharap siya sa disciplinary action at mga legal na hakbang.
06:31Sabi ni Deputy Speaker Paolo Ortega, may paraan naman daw para sumagot sa issue si Ko.
06:36He can answer and he can make a statement via social media, Zoom or a statement.
06:43Pero para kay Akbay and Portilis Representative Percy Sendanya, nararapat lang na pauwiin si Ko.
06:49Mahaligan na dapat ginagawa natin yung trabaho.
06:51Na una, binoto tayo at pangalawa, pinapasweldo tayo.
06:55Patuloy naming hinihinga ng pahayag si Ko.
06:58Puna naman ni Vice President Sara Duterte,
07:01bakit ngayon lang kumilo si Pangulong Bongbong Marcos?
07:04Gayong noong isang taon pa raw niya sinabing may hokus-pokus sa budget.
07:07Kasi tinuro na, pinangalanan na, hindi lang ako ang nagsabi, Zaldico at Martin Romualdez.
07:15Si Zaldico, hinayaan nilang umalis ng bansa.
07:21Si Martin Romualdez, hinayaan nilang mag-resign.
07:24Nag-resign naman na, so tapos na ang usapan.
07:27Hirit pa ng Vice, bakit hindi magawang dukutin ang opisina ng Pangulo si Ko para maiuwi?
07:33Ang Office of the President, involved sila sa kidnapping ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:40Bakit ngayon, nang wala si Zaldico at maaalis si Martin Romualdez,
07:46hindi man lang nila magawa na kidnapping si Zaldico doon sa Amerika at ibalik dito sa atin, sa Pilipinas.
07:55At hindi man lang nila magawa, naikulong si Martin Romualdez dyan sa detention unit ng House of Representatives.
08:02Wala.
08:03Buelta sa kanya ng Malacanang.
08:05At ang payo niya is pakivnap si Zaldico.
08:10Another thing, it's illegal.
08:13So ganun ba magbibigay ng suggestion ang isang Vice Presidente gumawa ng illegal?
08:18Di pa niya natandaan na mas madalas din siya magbiyahe at hinahayaan siya ng Office of the President
08:26kahit meron din nakabimbi na issue tungkol sa korupsyon na parte ng Articles of Impeachment.
08:33So anong pagkakaiba nun?
08:35Sa kanya, meron ng issues.
08:38Zaldico, iimbestigaan pa lang.
08:41Sa Senado.
08:44So hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
08:50Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
08:53Okay. So talagang safe ka na?
08:56Igini-it ni Sen. Blue Ribbon Committee Chair Pan Filo Lacso na hindi pa safe sa issue ng flood control kickbacks
09:11sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva.
09:15Hindi pa nare-resolve yung sinasabi ni Bryce na nag-insert sila ng in the case of Sen. Jingoy,
09:22yung 355 milyon sa Bulacan. Sen. Joel naman, 600 milyon.
09:28Sirbihan ko na rin silang dalawa bago sila umalis na hindi pa nare-resolve ito.
09:32Ani Lacson, tugma kasi sa nasa 2025 national budget ang 355 milyon pesos insertions
09:39na umunoy ibinaba ni Sen. Estrada para sa pitong flood control projects sa Bulacan.
09:44Itinanggina ni Estrada na sangkot siya sa anomalya at umaasaan niya ng patas
09:48at makatarungang imbistigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
09:53Ang 600 milyon pesos na ayon kay Hernandez ay insertion ni Sen. Villanueva,
09:58nakita ni Sen. Sherwin Gatchalian na nasa Unprogrammed Appropriations ng 2023 budget.
10:04Ibig sabihin, wala pang nakalaang pondo at walang detalye sa simula.
10:08Kung may babangga ang pondo o kita ay maaari na itong gamitin
10:12pero dapat sa mahalagang gastusin lang ng gobyerno.
10:15Yung kay Sen. Joel, totoo yung nahati sa walong proyekto
10:19at nakapagtaka rin doon, lahat uniform, 75 milyon.
10:23Bawat isang proyekto, nawalo.
10:24Sabi ni Villanueva, wala siyang kapangyarihan sa Unprogrammed Funds
10:29at hindi siya ang nagpasok ng proyekto roon.
10:32Walaan niya siyang kinalaman sa flood control projects
10:35at hindi siya nakatanggap ng kickback.
10:37Sabi ni Lakson, may kailangan pang patunayan si Hernandez.
10:41Kaya naman pinayagan siyang makalabas bukas
10:43para makuha ang mga umano'y ebidensya
10:46pero babalik din kinagabihan.
10:48Darlene Kai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:53Bago ngayong gabi, lumakas bilang severe tropical storm
10:56ang bagyong Nando na nanatili ang bilis habang nasa Philippine Sea.
11:01Sa 11 p.m. bulletin ng pag-asa, huling namata ng bagyo.
11:05840 km silangan ng Central Luzon.
11:08May lakas itong 95 km per hour
11:10at bugso nga abot ng 115 km per hour.
11:14Sa forecast track ng pag-asa, kikilos ang Nando
11:17pa west-northwest patungong extreme northern Luzon.
11:20Maari itong maging super typhoon bago mag-landfall
11:23kaya posible ang signal number 5.
11:27Wula hapon ng lunes hanggang madaling araw ng martes,
11:29maari itong mag-landfall o dumaan malapit sa Batanes
11:33o Babuyan Islands.
11:35Tanghali o hapon naman ng martes,
11:37inaasaang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility.
11:41Inaasaang paralakasin ng bagyo ang hanging habagat.
11:44Simula bukas ng umaga,
11:46maaring magtaas na ng wind signal number 1
11:48ang pag-asa sa northern Luzon.
11:51Naganda na ang ilang lugar sa norte
11:53na tutumbukin ang severe tropical storm Nando.
11:56May report si Nico Wahe.
12:02Buwis-buway sa rumaragasang tubig
12:03ang mga residenteng ito sa Kansalakan River
12:05sa Gihulungan City, Necros Oriental.
12:08Buat-buat pa nila ang kanilang mga motorsiklo.
12:10Lumakas ang Agos, dulot ng umapaw na spillway.
12:13Ang Maguindanao del Sur,
12:15under state of calamity na dahil sa mga lawakang baha
12:17sa labing apat na bayan.
12:20Gaya sa buluan na pati district hospital,
12:22lubog sa hanggang tuhod na tubig.
12:24Inilikas at dinala sa kapitolyo
12:25ang ilang pasyente.
12:27Sa bayan ng Daton, Montawal,
12:29abot hita na ang tubig.
12:31Ilang bahay rin ang pinasok ng tubig
12:32dahil sa pag-abaw ng Tulanggi River.
12:34Inihahanda na ang mga ibibigay na tulong
12:36sa mga binaha sa probinsya.
12:38State of calamity na rin
12:40dahil sa bahas sa Valencia City, Bukitnon,
12:42kung saan apat ang nasawi
12:43at apat ang patuloy na hinahanap
12:45ayon sa city RRMO.
12:48Sa Takurong City, Sultan Kudarat,
12:52pahirap sa mga motorista
12:53ang bahang dala ng malalakas na ulan.
12:55Sa Sambuanga City,
12:56di bababa sa labil limang pamilya
12:58sa barangay Kuruan
12:59ang inilikas sa baha.
13:00Ayon sa pag-asa,
13:01habagat at localized thunderstorms
13:03ang nagpaulan sa ilang bahagi
13:04ng Mindanao.
13:06Sa Luzon,
13:06naghahanda ang norte
13:07sa paglapit ng Bagyong Nando
13:09na pinangangang bahang
13:10maging super typhoon.
13:11Red alert na sa Ilocos region.
13:13Sa Ilocos norte,
13:14pinutol ang mga sanga ng puno
13:16at ipinosisyon na
13:17mga emergency vehicle
13:18at equipment.
13:19Sa Santa Ana,
13:21kagaya,
13:21naglagay ng pabigat
13:22sa mga bubung
13:22ang mga residente.
13:23Iliwagyan ko ng buhay niya
13:24kasi ilipat-lipat na noon.
13:27Binawalan na rin
13:28ang Coast Guard
13:29ang mga mangingisda
13:30na pumalaot sa linggo.
13:31Sa bayan ng Gonzaga,
13:32nagmamadaling
13:33mag-aani ng palay
13:34ang mga magsasaka.
13:35Ayon sa pag-asa,
13:36ang inaasahang
13:37ulang dala ng Bagyong Nando
13:38pwedeng maihalin tulad
13:39sa Bagyong Marse
13:40na naminsala
13:41sa Northern Luzon
13:42noong Nobyembre.
13:44Kahit mga lugar
13:44na wala sa ruta
13:45ng Bagyo,
13:46naghahanda
13:47gaya sa Iloilo
13:47kung saan
13:48nag-aani na
13:49mga magsasaka.
13:50Sa Metro Manila,
13:51habagat naman
13:51ang pinangangambahang
13:52magpaulan
13:53kaya nakaalerto na rin
13:54ang flood pro
13:55na Rojas District
13:55sa Quezon City.
13:57Niko Wahe,
13:57nagbabalita
13:58para sa GMA Integrated News.
14:00Hiking na may side-trip
14:09pang waterfalls
14:10ang hatid ng isang bundok
14:11sa Nueva Ecija
14:12na sa gitna
14:13ng payapang paligid
14:14ay may madugong
14:15kasaysayan ng digmaan.
14:17Chi tayo dyan
14:17kasama si Rafi Tima.
14:23Let's go hiking
14:24with a hint of history.
14:28Sa bulubundukin
14:29ng karabalyo,
14:30sa Karanglan Nueva Ecija,
14:32387 hectares
14:33ang lawak
14:34ng makaakit
14:35ditong bundok
14:35ang Mount 387.
14:38Iba't ibang trail
14:38ang madaraanan.
14:40May madamo,
14:42matatarik
14:42o nababalod
14:43ng kawayan
14:44at pine trees.
14:46In terms of the trail,
14:47yeah,
14:47it's a very
14:48beginner-friendly trail.
14:51So yes,
14:51beginners can still
14:53do it
14:54but medyo challenging siya.
14:57Dalawa hanggang
14:58tatlong oras
14:58ang kailangang gugulim
14:59para makyatang tuktok.
15:01Ang bundok,
15:02kilala rin sa tawag na
15:04Batong Amat
15:05o Ghost Rock.
15:06Ano may multo
15:06ng kasaysayan
15:07ng madugong kwento
15:08ng bundok
15:08bilang tagpuan
15:09ng sagupaan
15:10noong World War II.
15:11Pero ngayon,
15:13isa na itong
15:13payapang paraiso.
15:17Pwedeng magpapresko
15:18sa Aloha Falls
15:19sa paanan ng bundok.
15:21Sa mga balak
15:21mag-hike
15:22at falls adventure
15:23dito,
15:24makipagognayin lang
15:24sa LGU
15:25o sa Barangay Pungkan.
15:27Magbaon rin
15:28ang inuming tubig
15:29at trail snacks
15:30para may laman ng tiyan
15:31sa gitna ng hike.
15:32Kung si Kuya Kim
15:43maraming alam,
15:44may version daw siya
15:45sa TikTok
15:46na alam
15:46kung paano siya
15:47gayahin.
15:49Ang kaboses daw
15:49ng Kuya ng Bayan
15:51kilalanin
15:51at pusuan
15:52sa report
15:53ni Oscar Oida.
15:53Narito na
15:58ang mga trivia.
16:01Kuya Kim,
16:02ano ba?
16:04Kaboses daw niya
16:05si Kuya Kim
16:06at Tienza.
16:10Pero ito
16:11ang trivia.
16:12Sideline daw talaga
16:14ng video editor
16:15na si Mon
16:15ang pagiging
16:16voice actor.
16:18Siyempre,
16:19si Kuya Kim
16:20ang isa
16:21sa paborito niyang
16:22gayahin.
16:22Ang hilig ko
16:23kong gayahin
16:24na kahit
16:24wala naman
16:25ang mga idea
16:25kung ano
16:26yung sinasabi ko,
16:28mukhang
16:29ang tali-talino
16:30po kasi.
16:31Ginagaya ko
16:32si Kuya Kim.
16:32Oh, alam ni ba?
16:33Ito ay natagtuan
16:34noong 1977
16:35ng isang
16:36Japanese sailor
16:37mula sa Japan.
16:40Ang netizens,
16:42tinawag nga raw
16:43siyang Kuya Kim
16:44na di nakapag-review.
16:46Pero palong-palo
16:48naman
16:48ang views
16:49ng kanyang video.
16:50Alam ni ba?
16:51Apo!
16:52Ginabuko na nga siya
16:54mismo
16:55ni Kuya Kim.
16:57Heto at
16:58nirepost
16:58ang kanyang
16:59panggagaya
17:00dahil
17:01kimportante
17:03ang may alam.
17:04Nagulat ako
17:05na parang
17:06ginigilig ako
17:06kasi idol ko
17:07si Kuya Kim.
17:08So,
17:09ayun,
17:09sana hindi siya
17:10nga galit.
17:11Alam niyo,
17:12noong panahon,
17:12noong unang panahon,
17:13Oscar Oyda
17:14nagbabalita
17:15para sa
17:16GMA Integrated News.
17:19Siyam na po't
17:20pitong tulog na lang
17:21ang Pasko na.
17:22Yan po ang
17:23State of the Nation
17:24para sa mas malaking
17:25misyon
17:25at para sa mas malawak
17:27na paglilingkod
17:27sa bayan.
17:28Ako si Atom Araulio
17:29mula sa GMA Integrated News,
17:32ang News Authority
17:32ng Pilipino.
17:33GMA Integrated News
Recommended
1:23:48
|
Up next
1:25:06
1:54:33
2:25:06
1:22:43
1:56:03
1:33:45
1:32:29
2:14:36
13:09
2:14:05
1:37:12
1:47:36
1:24:02
1:42:48
Be the first to comment