Ex-DPWH Usec. Bernardo, umaming sangkot sa pagtanggap ng kickback sa flood control projects


Ilang pasahero stranded sa mga terminal matapos kanselahin ang ilang biyahe pa-Mindoro, Bicol at VisMin


Rep. Garin: Sumingit sa budget deliberation si Rep. Barzaga pero nag-sorry na sa inasal


PAGASA: Bagyong Opong, isa nang typhoon


Carla Abellana, may pa-soft launch sa ka-date 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Bibigyan na ng proteksyon sa ilalim ng Witness Protection Program si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
00:22Kasunod ng pagpangalan niya sa ilang kasalukuyan at dating mambabatas na nangumisyon umano sa flood control projects.
00:30Hindi naman humingi ng proteksyon ng ipresentang dating security aid umano ni Congressman Zaldico na nagsabing nagdadala siya ng pera sa bahay ni Ko at i-dating House Speaker Martin Romualdez.
00:42May report si Sandra Aguinaldo.
00:45Taus puso at puno ng pagsisisi na ako po ay humihingi ng kapatawaran.
00:51Nakagawa po ako ng pagkakamali at pinahintulutan ko po ang aking sarili na maging kasangkapan sa pagpapatupad ng isang masamang gawain.
01:01Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee.
01:10Umamin siya na sangkot sa pagtanggap ng kickback sa mga flood control projects sa baylahad ng iba pang personalidad sa anomalya.
01:17Sa kanyang sworn affidavit, taong 2024 nang kausapin daw siya ni DepEd Undersecretary Try Give Olayvar para umano sa unprogrammed funds na para sa Office of the Executive Secretary.
01:30Dahil dito inatasan niya si dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara na magsumite ng listahan ng mga proyekto na nagkakahalaga ng 2.8 billion pesos.
01:40Yusek Olayvar personally called me for a meeting to discuss about unprogrammed appropriations supposedly for the Office of the Executive Secretary.
01:50In the said meeting, he requested me to submit a list of projects.
01:54Yusek Olayvar told me that the commitment is 15 percent, in his words, boss Kinsian.
02:02Thereafter, the DPWH received a special allotment release order for 2.85 billion for the projects.
02:09Mismong si Bernardo rin daw ang nag-deliver ng pera kay Olayvar.
02:14Pinabulaanan ito na Executive Secretary Lucas Bersamin.
02:18Guit niya walang kinalaman ng kanyang opisina sa kahit anong budgetary allocations sa DPWH.
02:24At wala rin siyang kahit anong transaksyon kina Bernardo o kay Olayvar.
02:29Itinanggi rin ni Olayvar ang mga bintang.
02:31Bukas daw siya sa anumang investigasyon.
02:33Para raw magkaroon ng patas na investigasyon, kusa siyang magle-leave of absence sa kanyang posisyon sa DepEd.
02:40Sabi ni Bernardo, dating staff ng mga Senador si Olayvar.
02:44Kabilang si dating Senador Bong Revilla na tumanggap din umano ng kickback.
02:48Sen. Revilla asked for a commitment which I suggested that he approved at 25 percent of the total amount of the project.
02:54I relayed the 25 percent commitment to Engineer Alcantara and told him that Sen. Revilla will appreciate additional contributions for his senatorial re-election bid.
03:06Engineer Alcantara collected the 25 percent commitment or about 125 million which was turned over to me and then delivered to Sen. Revilla in his house in Cavite.
03:16Sa isang payag, kinundinan ng kampo ni Revilla ang mga aligasyon na pawang walang katotohanan raw.
03:23Bukas at handa raw siyang makipagtulungan sa kahit anong official inquiry o legal na proseso para lumabas ang katotohanan.
03:30Idinawid din ni Bernardo si dating Senador at ngayon ay Makati City Mayor Nancy Binay.
03:36Isang nagpakilalang staff daw ni Binay na si Carlin Villia ang tumawag kay Bernardo at humingi ng 15 percent sa mga proyekto.
03:45I relayed the 15 percent commitment to Engineer Alcantara. Engineer Alcantara collected 15 percent commitment or about 37 million which was turned over to me and which I then delivered to Sen. Binay at a house in Quezon City.
04:00Sa isang Facebook post, pinabolana ni Binay ang mga bintang sa kanya. Nakagugulat daw na nagagamit siya para ipanglihis saan niya ang mga tunay na kailangang panagutin sa issue.
04:12Idinawid din ni Bernardo si Sen. Cheese Escudero.
04:16Noong August 2022 habang nasa confirmation hearing ni dating DPWH Secretary Manuel Bunuan, pinatawag umano siya ni Escudero sa opisina nito.
04:26When I got there, he told me, hindi na ako bababa sa CA. Marami pa akong kulang na streetlight sa Sorsogon. Ano ba magagawa niyo para sa akin?
04:36I relayed to Secretary Bunuan what Sen. Cheese told me.
04:40Subsequently, I received from the brother-in-law of Sen. Cheese Escudero a list of projects which included the aforesaid streetlights project.
04:50He asked me to confirm if that streetlights project was the one for Sen. Cheese, which I did.
04:56Muli raw silang nag-usap ni Escudero noong 2023 sa pawang magitan ng negosyante at common friend nilang si Maynard Ngu.
05:04Base sa Statement of Contributions and Expenditures ni Escudero, isa si Ngu sa kanyang campaign donors at nagbigay ng 30 million pesos noong 2022 elections.
05:14While we were drinking wine, he told me, alam ko naman ang galawan niyo dyan sa DPWH. Okay naman ako. Sabihin mo kay Sec, magbaba sa akin.
05:24Ayon pa kay Bernardo, hiningan siya ni Ngunang listahan ng mga proyekto na kalaunay na ipasok sa 2025 national budget.
05:32When I gave him the list and in relation to the commitment, I asked him, boss, paano to? Maynard replied, bahala ka na.
05:42I asked, boss, okay na ba ang 20%? Maynard said, okay.
05:49After inclusion of the projects in Daga'a, I delivered 20% of approximately 800 million or about 160 million
05:58to Maynard Ngu, which was meant for Sen. Escudero.
06:02The delivery of the 160 million for Sen. Cheese happened sometime in the first quarter of 2025.
06:08Around July 2025, I had a chance encounter with Sen. Cheese and Maynard Ngu at the court.
06:15Sen. Cheese Escudero approached me, shook my hand, and said to me, thank you.
06:20Sa isang pahayag, maring itinanggi ni Escudero ang mga paratang. Patutunayan daw niyang nagsisinungaling si Bernardo.
06:28Hinala ni Escudero, isa itong plano para sirain ang kredibilidad ng Senado at ilihis ang atensyon ng publiko sa mga totoong may sala.
06:36Tanong niya, nasaan daw si Rep. Zaldico at Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez?
06:44Inilahad din ni Bernardo na may transaksyon sila ni Co.
06:47Tinanong daw siya ni Co kung maayos kausap si Engineer Alcantara, bagay na sinagot ni Bernardo na oo.
06:53Engineer Alcantara then told me that Kong Zaldico was asking for a 25% commission and out of that amount, 2% was to be shared equally between Engineer Alcantara and myself.
07:07In his exact words,
07:08Boss, hatiin na tayo sa 2%.
07:11Furthermore, Engineer Alcantara would tell me every time that he made deliveries of cash to Kong R. Zaldico in compliance with his commitment.
07:21Nagpa-refer din daw kay Bernardo si Commission on Audit Commissioner Mario Lipana kay Alcantara.
07:27Naka-medical leave ngayon si Lipana at nagpapagamot daw sa ibang bansa ayon sa COA.
07:33Matapos basayan ng kanyang affidavit, dinala si Bernardo sa Department of Justice.
07:38Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Rimulla,
07:41provisionally accepted na si Bernardo sa Witness Protection Program.
07:45Binigyan siya ng proteksyon ng DOJ pero posible pa rin sampahan ng kaso.
07:49We have to be very careful because once you give the person the status of a state witness,
07:57then you discharge them from criminal and civil liability.
08:01Samantala, isang nagpakilalang dating security detail ni Congressman Coe
08:05ang iniharap ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig.
08:09Sabi ni Orly Regalag-Utesa,
08:11naghatid siya ng pera sa bahay ni Coe at dating House Speaker Representative Martin Romualdez.
08:17Ang tawag nila sa a-deliver na pera, basura.
08:20Humigit kumulang tatlong bisis ako mismo ang nag-deliver ng basura sa bahay ni Congressman.
08:26Saldi ko.
08:29Sa mga bahay ni Speaker Romualdez.
08:35May pagkakataon daw na isang kongresista ang mismong nagdala ng pera sa bahay ni Coe sa Pasig.
08:42Ang isang ihemplo na nagdala ng pera ay si Congressman Eric Yap ng Act CIS Partilist.
08:50Apatnapot-anim na malita ang dala niya sa bahay ni Congressman Saldi ko.
08:56Hindi malinaw sa salaysay ni Gudesa kung saan galing ang perang dinala ni Yap sa bahay ni Coe.
09:01Maring itinanggi ni Yap ang aligasyon.
09:04Hindi umano siya tumanggap o kaya ay nag-authorize ng paghatid ng pera kaugnay ng flood control projects.
09:10Pumarap din sa komite ang dalawang driver ng DPWH Bulacan na nagsabing naghahatid din sila ng mga malita para kay Coe.
09:17Totoo po ba na kayo po ay nag-deliver po ng pera doon po sa bahay ni or sa kondo ni Congressman Saldi ko?
09:26Your Honor, bali ako po isang beses lang po ako nakapag-deliver.
09:30Gano karami po yun kung inyo po natatandaan ilang malita, ilang sako yung deliver po ninyong pera?
09:35Your Honor, sa pagkakatanda ako po, mga nasa 6 to 8 na malita po.
09:44Pero alam po ninyo na pera po laman ang malita po na yun?
09:47Hindi po kinonfirm na pera so wala po kaming idea.
09:49Tinawag ni Romualdez na gawa-gawa lang ang testimonya ni Guteza.
09:54Sabi niya, pilit na pilit daw ang pag-uugnay sa kanya sa mga sinasabing kickback.
09:58Imposible daw ang sinasabi ni Guteza dahil ang tinukoy nitong pinagdalhan umano ng delivery noong December 2024,
10:06halos isang taon na noong bakante dahil nire-renovate.
10:10Dati nang itinanggi ni Kuna, sangkot siya sa pangungumisyon sa flood control projects.
10:16Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:21Stranded ang ilang pasahero sa mga terminal matapos kansalahihin ang ilang biyahe sa Mimaropa,
10:27Bicol Region, Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Opo.
10:31Live mula sa PITX, may report si Jamie Santos.
10:34Jamie?
10:34Atom, ilang pasahero ang naapektuhan ng pagkakansela ng biyahe ng bus, aeroplano at pantalan ngayong Webes.
10:51Kanselado ang sampung biyahe patungong San Jose sa Mindoro,
10:54kaya tiis-tiis muna ang ilang pasaherong inabutan namin sa PITX.
10:57Eh, ihantayin po namin hanggat maganda po yung pan po ng dagat,
11:03kung ano po yung deklaran ng Coast Guard, kung pwede na po bumiay,
11:06hindi, yun lang po yung pagkakansela.
11:07Dito na lang po.
11:08O, dito na lang po.
11:09Nag-leave pa naman sa trabaho ang isang pasahero,
11:12pero lahat ng biyahe pa Mindoro ay kanselado.
11:15Ay, yun nga po, wala kaming budget.
11:17Amos na?
11:19Tapos sinabi na sa amin na ano na nga daw,
11:21stranded na talaga, walang biyahe.
11:24Maghintay na lang po.
11:26Sa Bicol Region, walong biyahe ang naapektuhan kabilang ang Masbate,
11:30Tabaco City at Virac sa Catanduanes.
11:33Sa Visayas, nasa pitong biyahe ang hindi natuloy,
11:36kabilang Ililuan, Iloilo City,
11:39sa Marlete, Maasin, Lawang at Lawang, Giwan.
11:42Habang sa Mindanao, tatlong biyahe patungong Davao at Tagum ang kanselado.
11:46Ayon naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines,
11:49kanselado rin ang apat na flight ng Philippine Airlines,
11:52ang Cebu Catarman at Pabalik at ang Manila Calbayog at Pabalik.
11:58Sa Manila Northport, ilan sa mga biyahero ang naghintay na lamang sa terminal,
12:02matapos makansela ang biyahe ng barko papuntang Iloilo,
12:05gaya ni Erwin Serebo.
12:07Nagpapasalamat siya dahil namigay ng food pack ang pamunuan ng Northport at DSWD.
12:12Actualizer, di pa alam kung ano talaga yung plano kasi tulad nito, masama yung panahon.
12:18Kala nga naman babalik pa kami sa pinanggalingan.
12:21Kaya layo pa.
12:23And then may mga gamit pa kaming dala.
12:26Si Christine Talion na patuhuring Iloilo sa terminal din maghihintay.
12:30Kasi masyadong magasos pagpabalik-balik.
12:32Atom, habang nagpapatuloy nga yung banta ng bagyong opong,
12:42inaabisuhan ng publiko na bantayan ang anunsyo ng mga paliparan, terminal at mga paliparan.
12:48At yan ang latest mula rito sa PITX. Balik sa'yo, Atom.
12:52Maraming salamat, Jamie Santos.
12:55Usap-usapan online ang videong kuha ni Congressman Kiko Barzaga
12:59habang inuusisa si Congressman Sandro Marcos.
13:03Hindi daw nagustuhan ni Rep. Janet Garin ang inaas ni Barzaga na sumingit daw sa budget deliberation.
13:10May report si Tina Pangaliban Perez.
13:14Yun o, nakatapos lang ng DOJ hearing.
13:19Diyan mo, Sandro Marcos.
13:23Pinus ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga
13:27ang video na ito na kuha sa loob ng session hall ng camera kahapon.
13:32Tinanong si Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos
13:36kognay ng kanyang tiyuhin si dating House Speaker Martin Romualdez.
13:41Good afternoon.
13:42Good afternoon, Kiko.
13:43Musta na yung kasi ni Tita Romualdez mo?
13:45Yung ano pa na?
13:46Hihihi.
13:47O, ayaw sumagot.
13:49Ayaw sumagot.
13:51Hanggang sa sinaway siya ni House Deputy Speaker Janet Garin.
13:55O, ayaw sumagot.
13:56Huwag ganyan, boss.
13:58Huwag kang huwag ganyan.
14:00Nagalit na si Rep Garin.
14:03Then he was poking his phone on my face.
14:05Sabi ko, huwag kang ganyan.
14:07Kasi I don't think it's also nice,
14:10like kung mas kisino man,
14:11na ipopoke yung telepono sa mukha mo.
14:14Kasi nag-uusap ka rin ng iba.
14:16Sabi ni Garin,
14:17nag-sorry rao si Barzaga sa kanya.
14:20Man siya nakapologize after.
14:21Sabi niya,
14:22sige na, sige na,
14:23sorry na, sorry na.
14:24Tapos, miaw siya na, miaw.
14:25I told him, like,
14:26kiko,
14:27pag okay lang kasi,
14:29I can tolerate.
14:30Pero pag nagtratrabaho ako,
14:32kulang man lang kasi sa oras.
14:34Give me the time and the flexibility to work.
14:37Hininga namin ang pahayag si Barzaga,
14:39pero wala pa siyang tugot.
14:41Sinisikap ni namin kunan ang pahayag si Marcos.
14:44Pansin naman daw ni Garin.
14:46Mahilig talaga siyang mag-video ng mga kasamahan niya.
14:50And kanina nga,
14:52nandiyan nga naman,
14:53nag-ihingay siya.
14:54Pinapabayahan na lang namin kung nag-ihingay siya or whatever.
14:57May mga sinasabi siya.
14:58Minsan, mga foul words sa mga kasamahan.
15:02At baka mamiaw, miaw, miaw, miaw, miaw, mamamiaw, miaw, miaw, miaw.
15:07Dati nang sinampahan si Barzaga ng ethics complaint dahil sa kanyang mga itingilos.
15:12Naghahain din siya ng ethics complaint laban sa nagreklamo sa kanya.
15:17Good afternoon.
15:18Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:24Lumakas na bilang typhoon ng bagyong opong na patuloy na tinutumbok ang Eastern Samar.
15:28Sa 8pm bulitin ng pag-asa, nakataas ang signal number 3 sa Sorsogon,
15:33southern portion ng Albay at Masbate.
15:36Gayun din sa northern Samar, northern portion ng eastern Samar,
15:39at northern portion of Samar.
15:42Signal number 2 naman sa Laguna, Batangas, southern portion ng Quezon Province,
15:46Camarines Norte, Camarines Sur,
15:48natitirang bahagi ng Albay, Catanduanes, Marinduque,
15:52Occidental at Oriental Mendoro, Romblon at Calamian Islands.
15:56Signal number 2 din sa mga natitirang bahagi ng Eastern Samar at Samar,
16:01Biliran, northern portion ng Leyte, extreme northern portion ng Cebu,
16:05kabilang ang Bantayan Islands, northern portion ng Aklan,
16:08northern portion ng Capiz, northern portion ng Iloilo at Kaluya Islands.
16:13Signal number 1 naman sa Metro Manila, central at southern portions ng Isabela,
16:17Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, southwestern portion ng Mountain Province,
16:22Benguet, southern portion ng Ilocos Sur, Launyon, Pangasinan, Aurora,
16:27Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite,
16:33at natitirang bahagi ng Quezon Province.
16:35Signal number 1 din sa Cuyo Islands at northern mainland Palawan.
16:40Gayun din sa natitirang bahagi ng Leyte, southern Leyte,
16:43northern portion ng Bicol, northern portion ng Cebu,
16:46kabilang ang Camotes Islands, northern portion ng Negros Occidental,
16:49central portion ng Iloilo, mga natitirang bahagi ng Capiz at ng Aklan,
16:55at northern portion ng Antique, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.
16:59Huling namataan ang pag-asa ang bagyong opong 95 kilometers silangan ng Borongan City,
17:04eastern Samar.
17:06Inasa ang maglalanfall ng bagyos sa northern Samar,
17:09o kaya'y northern portion ng eastern Samar,
17:11bukas ng umaga bago tumbukin ang Bicol Region,
17:14kung saan posibleng itong mag-second landfall sa mga bandang sursagun.
17:18Handa raw si Carla Abeliana na pumasok ulit sa relationship.
17:24Pero sino nga ba ang kanyang dinedate?
17:26Ang entertainment spotlight atid ni Nelson Canlas.
17:29Hail to our call-out queen at patron saint of Concerned Citizen
17:38dahil sa pagiging vocal niya sa mga issue ng bayan.
17:41Add to that, vocal na rin siya sa isa pang bagay.
17:45May pa-soft launch na nga siya sa kanyang maliligaw.
17:48Sa interview sa past talk with Boya Bunda,
17:51sinabi ni Carla Abeliana,
17:52handa na rin naman daw siyang magmahal muli
17:55at pumasok sa relationship.
17:57Pero sino nga ba ang mystery guy?
18:01Hindi po siya fam.
18:02Matagal ko na po yan siyang kilala.
18:05So na-mention ko naman po that I've been open to dating
18:08and I have been dating.
18:09So ini-enjoy ko lang siya dito po.
18:11Whatever is meant for you will come to you
18:14and huwag masyado pong isipin or mag-worry about the future.
18:17It takes time pero just keep going.
18:23Shuvie at Tratas makakasama sa pelikulang
18:26Huwag Kang Titingin
18:27kung saan cast din ang maliligaw niyang si Anthony Constantino.
18:32Sa dami ng projects at endorsement,
18:34wala raw plano si Shuvie to slow down anytime soon.
18:37When I was starting Sir Nelson,
18:40I was fueled by the fire of my dreams for my family.
18:43Pero right now kasi I'm not alone.
18:46It's the dreams of my pangkat, of my fans, of my supporters.
18:51Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:56Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
18:59at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
19:02Ako si Atom Arauyo mula sa GMA Integrated News,
19:06ang News Authority ng Pilipino.
Comments

Recommended