Skip to playerSkip to main content
- Salon owner, sugatan matapos saksakin habang naka-FB live


- Pokwang, inaming kapatid ang nag-viral na driver na nanakit ng lalaking nagkakariton; nag-sorry rin


- Budget ng DAR at DILG, ipinasa na ngayong gabi ng Bicameral Conference Committee


- QCPD: Walang foul play kaugnay sa nawawalang babaeng ikakasal sana nitong linggo


- Sarah Discaya, humarap sa Malabon City Prosecutor kaugnay ng 'di umano awtorisadong demolisyon at construction


- Kulitan sa set ng "House of Lies" | Maui Wowie challenge with a twist ni Michael | "Trending achievement cake"


- Bibingka, baked as croissant 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06The first one
00:15Walang habas sa pinagsasaksak ang hairstylist na yan
00:21habang naka-Facebook live sa Mambahaw, Kamigin Island.
00:25Nangyari yan sa loob mismo ng salon na pagmamayari ng biktima.
00:28Base sa imbessigasyon, matagal nang may alitan ang biktima at ang kanyang live-in partner na suspect.
00:34Arestado na ang suspect na aminadong nakainom noon.
00:38Naharap siya sa asunto. Ligtas naman ang biktima.
00:43Nag-sorry ang kumedyanting si Pocoang matapos kumpirmahin
00:46na kapatid niya ang driver na nag-viral matapos manakit ng lalaking nagkakariton.
00:51May pakiusap din siya sa mga netizen.
00:53May report si Maki Pulido.
00:58Nag-viral ang pickup driver na yan matapos murahin,
01:11hampasin at pagbantaan umano ang isang lalaking nagkakariton
01:14na may kasama pang anak sa Antipolo City.
01:18Pag-amin ang host at kumedyanting si Pocoang,
01:20kapatid niya ang nanakit na driver.
01:22Pag-titiyak ni Pocoang, hindi niya kinukonsinti ang ginawa ng kapatid.
01:41Humingi rin siya ng tawad, lalo na sa anak ng lalaki na
01:44iyak ng iyak habang nakikita ang ginagawa ng pickup driver sa ama.
01:50Pasensya na po kayo sa ginawa ng kapatid ko.
01:52Pasensya ka na, iha.
01:53Dadalawin kita ha.
01:54Wait lang ha.
01:55Kukunta ang tita po akong dyan.
01:56Pasensya ka na.
01:57Humingi po ako ulit ng kapatawaran dun po, dun sa mag-ama.
02:02Pumalag naman siya sa Pandaramay Anya sa kanyang buong pamilya
02:05sa post ng isang di pinangalanang politiko.
02:08Cyber-bullying, sir.
02:11Okay, pina-post po ninyo yung mukha ng buong pamilya ko.
02:16Kapatid, isa lang po ang may kasalanan pero buong mukha.
02:19Yung asan po yung privacy, yung protection po ng pamilya ko.
02:23Pakiusap ni Pocoang sa netizens.
02:26Hindi po ako kumakampi sa kapatid ko pero sana
02:28nag-iingat po kayo sa mga post ninyo, sa mga comment ninyo.
02:32Makipulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:36Ipinasa na ngayong gabi sa Bicameral Conference Committee
02:40ang budget ng Department of Agrarian Reform at DILG.
02:44Ipinagpaliban muna ang pagtalakay sa budget ng DPWH
02:48na nagsumite ng bagong datos kaugnay sa costing ng mga proyekto.
02:52May report si Ian Cruz.
02:56December 22 target ng Senado at Kamara
02:59na maratipikahan ang panukalang 2026 budget
03:03pero kahapon, ipinagpaliban ng Bicameral Conference Committee
03:06ang deliberasyon.
03:08Naharap kasi sila sa deadlock dahil sa issue sa budget ng DPWH.
03:14Hindi rin kasi ni Sekretary Vince Dizon
03:16na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas ng mga senador
03:21dahil kukulangin daw ang kanilang pondo
03:23para sa nasa 10,000 proyekto.
03:25Git ng DPWH, mali ang computation ng Senado
03:29sa halaga ng materyales na gagamitin sa mga proyekto
03:32pero sabi ng Senado,
03:34sa DPWH galing ang mga datos.
03:37Sa isang sulat ngayon,
03:39kumingin ang paumanhin si Dizon sa Senado.
03:41Inamin niyang kulang ang datos na isinumitin ng kagawaran
03:45tungkol sa updated construction materials price.
03:49Sabi ni Dizon,
03:50iisa lang naman daw ang kanilang layunin.
03:52Kailangan mapababa natin finally after so many years
03:57ang presyo ng materyales ng mga proyekto sa DPWH.
04:02At yun ay common purpose ng Pangulo at ng Kongreso.
04:07Ngayon na naibaba na natin,
04:09never nang tataas yan.
04:11Pero ngayon, sa kasalukuyan,
04:13nandun na ang mga staff natin sa Senate
04:16para i-apply na yung mas accurate na adjustment.
04:20Sabi ni Senate Finance Committee Chairman,
04:22Sen. Sherwin Gatchalian,
04:24pina-validate na nila
04:25ang bagong datos na isinumitin ng DPWH.
04:29Mahalaga raw kasi na walang overpriced items.
04:32Ang sinamit nila sa amin,
04:34walang hauling at walang logistics.
04:36So ngayon, pinasok na nila hauling.
04:39Pinasok na nila logistics.
04:41So itong adjustment factor at presyo nila,
04:45masasabi ko,
04:47almost or near realistic.
04:49But I need to apply that to the project.
04:52Sa pagkapatuloy ng deliberasyon ng BICAM ngayong gabi,
04:56inuna munang talakayin ang budget ng ibang departamento.
05:00Bukas na tatalakayin ang sa DPWH.
05:03This morning, our team in the Senate received the revised,
05:09but because of the enormous task of applying it to 10,000.
05:15And hindi lang applying it to 10,000,
05:16dapat magbalanse lahat.
05:17Importante nagbabalanse.
05:20So they needed more time to do this.
05:23So the team assured me that
05:26hindi ho sila matutulog tonight.
05:29Hindi ho sila uwi.
05:30And they assured me that
05:32all of these things will be ready by tomorrow.
05:34With that, the House contingent looks forward to seeing the output of this new exercise done by DPWH.
05:42And with that, we concur that we can proceed with other agencies first.
05:48Dahil sa delay sa deliberasyon ng BICAM, may pangamba na ma-reenact ang budget o mag-operate ang gobyerno batay sa 6.326 trillion pesos na 2025 budget.
06:00Pero tiwala si Gatchalian na may sapat pang panahon para maipasa ang 2026 national budget.
06:07Pero para kay Senador Ping Lakson,
06:15mas mainam nang i-reenact na lang ang budget ngayong Enero
06:19o kahit pa hanggang unang quarter ng 2026
06:22kaysa magpasa ng hindi nasuri o may bahid korupsyon.
06:27Hindi naman paborang pangulo sa re-enacted budget ayon sa Malacanang.
06:31Ian Cruz, Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:38Walang nakikitang foul play sa ngayon ng pulisya sa pagkawala ng isang babaeng ikakasalsanan itong linggo.
06:45May bago namang hawak na CCTV footage ang pulisya na posibing makatulong sa pagtuntun sa babae.
06:51May spot report si Marisol Abduraman.
06:56Mergulay sa mga paulat na nawawalang bride-to-be na si Shere D1.
07:00Itong December 14, sana ang special na araw nila ng fiyansi niyang si Mark R.J. Reyes.
07:04Nag-message siya sa akin agad na pupunta siya ng FCM to buy bridal shoes po.
07:10Sabi niya sa akin, doon na lang daw siya bibili para makamura daw po.
07:14Then around 1.18pm po, nag-message niya sa akin na
07:18iiwan daw niya yung cellphone niya, pupunta na siya ng FCM.
07:22I-charge niya lang po sandali.
07:23Wala po kaming away, especially during that day.
07:27Bago mawala, nahagip pa ng CCTV si Shere sa labas ng kanilang bahay.
07:32May kuha rin siya mula sa barangay papunta sa Sakayan.
07:35Ayoko naman po sanang isipin sir na may nanguwa sa kanya o ano.
07:39Kasi di naman po kami sir yung pamilya na may pera.
07:44Itinuturing ng missing person ang bride-to-be.
07:46Sa ngayon, walang nakikitang pulis siya na foul play.
07:50Sa mga trabaho nila, wala namang threatening ano doon eh.
07:54Kasi mga regular employees lang sila.
07:58At tinanong din natin kung may kagalit.
08:01Wala namang po.
08:02Mga ordinaryong mamamayan lang din sila.
08:05Inaalam din ang QCPD kung si Shere ba ang nahulikam na babae sa Commonwealth Avenue
08:10nitong Sabado noong umaga.
08:11Sumakay siya ng isang bus.
08:14Kaya po, ngayong araw hinahana po yun.
08:18At binigyan po natin ang different tasking ang mga follow-up natin.
08:23Nasa QCPD na rin ang laptop ni Shere na posibleng makatulong sa embesikasyon.
08:28Pero palaisipan sa kanila kung bakit iniwan ni Shere ang kanyang cellphone.
08:32Ang explanation po ng partner niya, dalawang beses na yata na misplaced yung cellphone at kaya iniwan.
08:40Mag-a-apply po tayo ng cyber warrant dito sa mga numbers ni Ms. Shere at para po makita natin kung sino ang huling kausap niya.
08:55Bukod sa kanyang fiancé, ipinatawag din ang special investigating team ng polis siya ang iba pang kaanak at kakilala ni Shere.
09:01Kung nag-vacation lang siya or may pinuntahan lang siya, kung pwede sanang kumontak immediately sa magulang para hindi na mag-alala.
09:14Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:19Pansamantalang umalis at angkapan ng NBI si Sara Descara, Descaya, para humarap sa Office of the Prosecutor ng Malabon.
09:28Kaugnay yan ang reklamo ng Malabon LGU dahil wala umanong demolition at construction permit ang kumpanya ng mga Descaya sa isang city property.
09:36Matapos ang pagdinig, bumalik din ng NBI si Descaya.
09:41Hindi siya nagbigay ng pahayag.
09:42Ayon sa NBI, pwedeng umalis si Descaya anumang oras, lalo't wala pang warrant of arrest laban sa kanya.
09:48Na unang sinabi ng kampo ni Descaya na sumuko siya para sa kanyang siguridad.
09:59Beauty Gonzalez at Chris Bernal naghamunan sa lipstick sa set ng House of Lies na parabang magkahite sila.
10:11Mapapanood ang pagbibidahan nilang Kapuso Afternoon Series sa January 2026.
10:18Ex-PBB housemate Michael Sager sumali na rin sa Maui-Waui Challenge pero may twist.
10:26Just to get that, the Maui-Waui, the Maui-Waui.
10:31Sparkle stars Shuvie Etrata.
10:36This year, thank you so much, PBB.
10:38Anthony Constantino.
10:39This year, I became a GMA artist.
10:41Ashley Ortega.
10:42I won Best Actors again.
10:44At Mavi Legazpi.
10:45This year, I achieved my first MMFF movie.
10:48Ipinakita ang gratitude sa kanika nilang milestones this year through trending achievement cake.
10:54And Cantadia star Rian Ramos, labis naman ang pasasalamat sa Best Actress for TV Award ng Gawad America Awards sa 2025.
11:06Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:10Siyam na araw na lang, Pasko na.
11:12Hai namin ang mga pagkaing pinagayaman ang ating tradisyon.
11:16Gaya ng mga bagong bersyon ng bibingka na ginagawa na rin daw inumin.
11:21Lasapin ang sarap ng Pasko.
11:27Tuwing simbang gabi, hindi nawawala ang mainit-init at hinahanap-hanap na bibingka.
11:33Kung ang iba, nananatili sa kanilang nakaugalian, may ilan namang piniling mag-eksperimento.
11:39Sa isang cafe sa poblasyon Makati, ang nakasanay nating bibingka, malalasap sa isang French classic.
11:45Ang croissant.
11:46So, we have our base, which is the sourdough croissant.
11:50And then we have a salted egg custard.
11:52It's sandwiched in between the croissants.
11:55We top it off with our coconut frangipan, which represents the niyog na.
11:59We bake it.
12:00And then once it's out of the oven, fresh, we grate cheese, yung quick melt cheese.
12:06We torch it.
12:07We also torch the banana leaves na we serve it in.
12:10Para nandun pa rin yung essence ng uling, nung coal, na hindi pa rin nawawala.
12:14And then of course, we top it with salted egg.
12:17Kasi yun yung nagpapaspesyal sa isang bibingka.
12:19Isa raw ito sa kanilang bestseller tuwing sasapit ang Pasko.
12:22Ang Pinoy palette ngayon, hindi na yan parang basta-basta lang na nagiging choosy na tayo.
12:27And syempre, minsan gusto din natin makatry ng kakaiba.
12:30Pero we don't want to sway away from tradition as well.
12:33It's more of a fusion.
12:35But parang ayaw namin alisin yung classic take on the kakanina.
12:38Hindi naman mawawala ang perfect kapares ng bibingka.
12:42Sa isang cafe na ito, nangingibabaw ang lasa ng bibingka sa isang tasa ng kape.
12:47Last Christmas, we were approached by Google to come up with a Gemini AI collab na drink.
12:57So using that tool, kung ano yung recipe na maka-come up with namin.
13:00And at that time, mga September yun, so four months na.
13:04So syempre gusto namin something na very Filipino but also very Christmassy para ang kop sa season.
13:11Wala mang aktual na bibingka, malalasap pa rin ito sa kanilang inumin.
13:15So yung special bibingka latte namin doesn't really have bibingka in it.
13:20But the experience is supposed to simulate a bibingka.
13:24So parang pag iniinom mo itong kape na ito, bakit parang wow, reminds you of bibingka, tastes like bibingka.
13:31Ang latte, may coconut syrup at nilagyan ng queso de bola at itlog na maalat.
13:36Ang dahon ng saging, kinotorch para sa aroma ng bibingka.
13:40Kasabay ng ilang pagbabago, may mga pinipili pa rin manatili sa nakasanayang lasa.
13:45Si John, bumabiyahe pa mula Santa Maria, Bulacan, papuntang Maynila para magtinda ng bibingka.
13:51Hindi lang daw paninda ang kanyang bibit, kundi ang pamanang nagsimula pa noong dekada 90.
13:57Noong bata pa kasi kami, ako parating kasama ni nanay mga malengke, bibili ng mga gamit.
14:03Hanggang sa nakikita ko siya yung nagluluto.
14:06Hanggang sa matutunan ko yung pagluluto ng bibingka.
14:09Maingat niyang inaral ang recipe ng kanyang ina.
14:11Bago mapanatili ang tradisyon, kailangan daw muna itong mahalin.
14:16Ibat-ibang anyung manang bibingka, isa lang ang iniiwan ito.
14:19Ang alaala ng mayamang tradisyon ng ating Pasko.
14:27At yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:34Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
14:39Ako si Atom Araulio mula sa Pasko.
14:44Ako si Atom Araulio mula sa Pasko.
14:46Ako si Atom Araulio mula sa Pasko.
Comments

Recommended