Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Aired (September 14, 2025):.Tradisyon na kung maituturing sa tribong Tigwahanon mula sa Bukidnon ang pag-iihaw at pag kain ng dagang-bukid. Ligtas naman kaya itong kainin? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sino ba naman ang di mang hihilakbot kapag kaharap na ang nilalang na ito?
00:14Itim ang balahibog, may mahabang buntot, at tila nakikipaglaban na ng titig.
00:25Marami ang agad napapayak kapag nagkaroon ng close encounter dito.
00:30Habang ang iba, agad-agad inuusig ang itinuturing na salot.
00:36Lalo ngayong ang mga ito rin ang sinisisi sa pagkalat ng nakamamatay na leptospirosis.
00:42Ang may sala raw, mga daga!
00:45Ang daga po ay kabilang sa mga mammals.
00:48Nasa pamilyang rodentsia o tinatawag na rodents.
00:52Dahil ang daga po ay mataas ang immunity nila para sa sakit na leptospirosis.
00:58Kaya sa ihi po sila nakukuha dahil mismo sa kidney ng mga daga, sila nagmumultiply.
01:08Sa datos ng Department of Health o DOH,
01:11umabot na sa mahigit 3,000 tao ang nagkaroon ng leptospirosis ngayong taon.
01:15Humigit kumulang 1,000 kaso naman ang itinaas ng bilang mula nang magsimula ang tag-ulan.
01:20Dahil ang mga daga, alam naman natin na sila ay nakatira sa mga estero, basurahan,
01:28at saka sa mga ilalim ng drainage ng ating urban areas.
01:34Kaya nga, pag bumaha, nandun ang mga daga, nandun silang umihi sa tubig baha.
01:40Pero kung tutuusin, tayo rin ang may kasalanan.
01:43Kung bakit tayo madalas ngayong binabaha at napepeste ng mga daga?
01:46Pero kung may mga dagang pinangingilagan,
01:52meron din naman sadyang hinahanap.
01:56Kung marami ang dinadaga ang dibdib sa tuwing makakakita ng daga,
02:01ang kahwander natin si Rosel na tubong San Fernando Bukidnon,
02:05hindi kumakabog ang dibdib, kundi tila nagsisimula ng kumalamang sikmura.
02:11Dahil ang mga dagang halos isumpanan ng marami,
02:14nilalantakan daw nila.
02:21Pero kalma lang mga kahwander, huwag magpanik, it's organic.
02:26Dahil ang say ni Rosel, iba naman daw ang ambo o dagang bukid na nakasanayan na nilang kainin
02:32sa kinatatakutan at pinandidirihan nating daga.
02:35Malaki talaga yung kaibahan sa dagang bukid at dagang bahay.
02:40Dagang bukid, ito yung pinakamalinis na daga.
02:43Wala kaming sakit na makukuha dito dahil yung pagkain nila.
02:47Lahat mga prutas, mga wild fruit, mga herbal.
02:51Malinis po ang mga dagang bukid.
02:53Kumpara po sa mga dagang bahay, sila ay scavenger ng mga basura.
03:00Espesyal raw ang paghahain ng binungugan ang bow o inihaw na daga sa kanilang tribong tigwahanon.
03:06Isa sa mga manobo indigenous group sa probinsya ng bukid noon.
03:13Ang pag-iihawro kasi ng daga, tradisyong minanapan nila sa kanilang mga ninuno.
03:20Nakasanayan namin na ulam talaga.
03:22Ngayong araw, makikipaghagaran ulit si Naroselle sa mga dagang bukid.
03:30Ang grupo ni Naroselle, sugod kung sugod, mapalakaran at akyatan, laban kung laban.
03:37Mayroon talaga kaming tradisyonal na paraan sa paghuli ng ambow.
03:41Nagaya ng paggawa ng bitag.
03:48Hindi ka pwedeng gumawa, gawa ka lang ng bitag pag walang daanan talaga.
03:54Itong bitag namin, pag maabutan pa siya ng 24 hours, hindi na namin mapakinabangan dahil mabubulok na talaga siya.
04:04Palala ng mga kawander, iba yung pag-iingat pa rin ang kailangan sa panguhuli ng mga hayop na tulad ng daga.
04:11Ayon sa animal expert na si Dr. Noel Manalo, kahit pa dagang bukid o ambow,
04:16maaari pa rin magdulot ng sakit tulad ng leptospirosis.
04:19At posible rin nagtataglay ang mga ito ng rabies.
04:23Kung tayo makakagat, ugalin po natin magpa-inject pa rin ng anti-rabies for safety po.
04:31Ito na yung daga.
04:34Tila nakajakpat ang grupo ni Naroselle sa mga nahuling ambow.
04:37Ang kanilang mga nahuli, agad kinatay at kinarni.
04:42Nilinis ng mabuti.
04:44Saka isinalang sa nagbabagang apoy para madaling matanggal ang mga balahibo nito.
04:50O, tanggal na siya.
04:51Pagkatapos timplahan ang karni ng daga,
04:59muli itong isinalang sa baga na parang inihaw na liyempo.
05:03Malalaman namin kung maluto niya kasi yung dahon,
05:07simpre parang masasunog na siya, maliit na lang ang matitira.
05:12Yun na talaga, mabango na siya, yun luto na.
05:14Pagkaraan ng ilang sandali sa ihawan,
05:23luto na raw ang binungugan ambow o inihaw na dagang bukid.
05:28At sa kanilang kultura raw,
05:30ang pinakamatanda sa tribo ang maghihiwa
05:32at magpapamahagi ng mga parte ng ambow.
05:36So mga ka-iwander, tikman natin itong paan ng daga.
05:42Masarap talaga.
05:50Lalo na kapag sa daon talaga,
05:53niluluto yung ambow, masarap.
05:55Subuan ko itong pamangkin ko ng buto ng ambow.
06:00Kasi ito yung pinakamasarap na part ng ambow,
06:03yung buto talaga ng ambow.
06:06Masasabi po natin na ang lagang bukid
06:09ay hindi po sa lahat ng pagkakataon
06:12ay ligtas pong kainin.
06:14Ngunit kung ito ay hindi maiiwasan,
06:17maaari po tayo mag-iingat.
06:18Dahil ito ay pwede maging transport route
06:21ng Leptospira bacteria.
06:24Lubhang napakadelikado,
06:25pwede tayong magkaroon ng sakit na Leptospirosis.
06:30Para namang kina Rosel na nakalakihan na
06:32ang pagkain ng inihaw na daga,
06:34iba raw ang pakiramdam sa tuwing nakakakain ito.
06:39Pag kumakain kami ng dagang bukid o ambow,
06:42nakapagbigay talaga ito ng lakas.
06:43Dahil yung ambow,
06:45pinapaniwalaan namin na punong-puno ng protena.
06:49Nakapagbigay ng mahabang buhay.
06:53Peste o may pakinabang din,
06:55anuman ang turig datin sa mga daga.
06:58Mga nila lang pa rin itong sadyang may puwang
07:00sa ating kalikasan.
07:04Mga nila lang pa rin itong sadyang may puwang
Be the first to comment
Add your comment

Recommended