Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay nga po sa pagkakadawit naman ng ilang kongresista sa mga anomalya umanong flood control projects
00:05at sinasabing pagbabago ng liderato sa Kamara.
00:09Kausapin po natin ang tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez na si dating Congressman Robert Ace Barbers.
00:15Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali, Sir.
00:19Hi, magandang tanghali, Connie, at magandang tanghali din po sa ating mga kababayan.
00:24Ano bang posisyon po ni House Speaker Martin Romualdez ngayon pong nasasangkot sa anomalya dito sa flood control projects?
00:32Ang ilan pong mga kasamahan niya dyan sa kongres?
00:35Pati na rin syempre nababanggit din po si Speaker Romualdez at Congressman Saldico.
00:41Tama ka dyan, Connie.
00:42In fact, sabi nga ng ating speaker ay nagbuo kagad siya ng isang joint committee na kung tawagin ay infracom na kung saan
00:52e imbistigahan itong anomalya tungkol sa flood control.
00:57But of course, hindi maiwasan na mayroong mabanggit ng mga kasamahan sa kongreso na maaaring may kinalama.
01:06Although hanggang sa ngayon, Connie, kung naobserbahan ninyo,
01:12yung mga information na kung saan e binabanggit ang mga kongresista at mga senador,
01:18e hanggang sa ngayon ay still hearsay.
01:21At walang direct na transaksyon at walang direct na pag-uusap mula dito sa mga nag-aapos,
01:29kagaya ni Mr. Diskaya, inamin din niya na walang kinalaman o wala siyang transaksyong direkta
01:39kay Speaker Martin at saka kay Congressman Saldico.
01:43So in other words, aking pananaw, Connie, ay hanggat hindi sila nagpapakita ng ebidensya,
01:51it will still remain to be a hearsay.
01:53Of course, gaya ng galit ng marami, galit din tayo sa ganyan.
01:59At I'm sure, nararamdaman ito ng ating mga kasamahan sa kongreso.
02:03Kaya we'd like to get down to the bottom of this.
02:05Now, dahil meron pong ICI, e napakagandang move po niyan para walang kikilingan at walang pagtatakpan.
02:14At ito naman ho, reaction naman kasi sinasabi nga,
02:18diba dahil hearsay nga lang ito,
02:20yung iba ho talagang tahasan nagsabi na kakasuhan nga po ang mga diskaya
02:24sa kanilang mga pahiyag na wala naman silang pruweba.
02:28Ganoon din ho ba ang direksyon ni Speaker Romualdez?
02:33Doon sa punto na kakasuhan ni Speaker Romualdez,
02:36I don't think kinukonsidera sa ngayon yan.
02:39Although, nire-respeto natin yung pahiyag ng ibang membro ng kongreso na kung saan,
02:47ay kakasuhan nila ng kriminal itong si Mr. Diskaya
02:53dahil nga sa pagdadawit ng kanilang mga pangalan,
02:56hanggat walang pinapakitang ebidensya.
02:58Tapos yan, sabi nga natin na tayo naman ay hindi magtotolerate,
03:03ang kongreso ay hindi itotolerate itong mga ganito,
03:06lalo na sa higit na ang ma-involve ay mga membro ng kongreso.
03:13Hindi po natin pagtatakpan yan.
03:15Yan po ang payag ng ating liderato sa pangunguna ni Speaker Martin Romualde.
03:20Okay, may mga allegasyon din po sa House Speaker na sinasabi po si Representative Barzaga.
03:25Sinasabi niya na parang imposible na hindi po alam ng House Speaker na ganoon kalaki yung mga insertions,
03:33particular na kay Saldi ko, kay Representative Saldi ko,
03:36na malapit na kaibigan niya na nakakuha po ng bilyong-bilyong piso sa kanya pong party list.
03:42Eh, samantalang, 150 million lamang supposedly pag-party list daw.
03:47Ano ho ang sejaan ng ating po namang House Speaker?
03:50Ano ba ang kanya pong stand on allegations such as these?
03:55Well, unang-una, nire-respeto ng Office of the Speaker yung kanyang opinion o expression of disgust na sinasabi niya.
04:04Ngunit sinasabi niya na meron siyang ebidensya na kung saan may pagkakadawit o pagkaka-involve itong Office of the Speaker
04:13sa mga flood control projects sa distrito niya.
04:16Ang aming lamang request, kung maaari, ilabas niya itong ebidensyang ito.
04:21Kasi napakahirap naman po na maritest lang maakosahan ang ating mga opisyal,
04:29eh, wala na po tayong hustisya dito kung gano'n.
04:32At tapos sasabihin na it is an expression of my personal opinion.
04:36Though we respect that,
04:38though we respect that,
04:40binibigyan natin ang pagkakataon na sumangguni
04:44o pumunta ang ating Congressman Barsaga sa opisina ng Speaker
04:48at try to resolve and clarify these issues
04:52kung meron man siyang mga hindi nagugustuhan.
04:56Pero as far as the Office of the Speaker is concerned,
05:00yung kanyang participasyon lamang sa distrito ni Congressman Barsaga
05:04ay nung pumanaw yung kanyang ama before the elections
05:09at kinakilangan merong overseer o caretaker,
05:13ang Office of the Speaker ang naging caretaker niyan
05:15to ensure na hindi naman po ma-deprive ng servisyo
05:19mula sa Kongreso ang kanyang constituents sa Kabite.
05:23Ang halawa, i-maintain yung mga empleyado ng ating congressman
05:30na kung saan ay nagsiservisyo rin sa kanyang distrito.
05:34So all these things,
05:36in-assure lamang niya ng Office of the Speaker na tuloy.
05:39Wala pong kinalaman sa mga projects
05:42ang ating speaker dyan sa distrito niya.
05:45Okay, ang aligasyon naman po ni Representative Toby Tianko,
05:49medyo matindi rin, ano, na sinasabi niya,
05:51doon sa mga small committees,
05:53nagkakaroon ng pag-i-insert at hindi na nalalaman.
05:57Kung baga, nagkakaroon po ng magic,
05:59kung baga, doon sa ating mga budgets doon.
06:01Ano ho ang gagawin ni Speaker Ramualdez?
06:04Ito ho ba ay bubuwagi na?
06:06Ano ho ba ang kanyang magiging reforms,
06:09kung sakasakali man, para hindi po mapag-isipan?
06:13Alam mo, yung sinasabing small committee,
06:16at meron daw report ito,
06:19para sa, ako sa tagal ko dyan sa Kongreso,
06:23wala namang pong small committee ang sinasabi
06:25at wala pong report ito
06:27dahil lahat po ng report ng bicameral conference committee
06:30ay nasasaad dito sa General Appropriations Act.
06:33Ngayon, kung meron siyang kopya ng itong report na sinasabi niya,
06:38o yung kanyang patunay na merong small committee
06:40na nag-uusap sila-sila lang,
06:42eh medyo, teka muna,
06:44eh dapat siguro ipakita natin kung ano yung hawak natin
06:48na proof na meron nga ganyan.
06:51As far as we are concerned,
06:54eh itong bicameral conference committee,
06:59ang purpose po nito ay isettle yung mga
07:01hindi pare-parehas na provisyon
07:06ng Senado at ng lower house.
07:08So, yun lamang po yun.
07:10Kung meron mang insertions,
07:12technically, Connie,
07:13ang insertions ay hindi naman po iligan.
07:16Ito naman ay ginagawa
07:17sa pamamagitan ng pag-re-prioritize.
07:21Maaring naglagay ng pondo
07:23sa isang hindi naman priority ng proyekto,
07:25pwedeng ilipat po ito.
07:27Kasi hindi naman po allowed
07:29that tayo magpataas pa ng ating budget
07:32doon sa figure na isinabmit ng executive.
07:35So, ito po ay just some sort of a realignment
07:39of the allocation of funds
07:43with respect to the priority programs.
07:46Yun po ang ano dyan, Connie.
07:48Alright.
07:49Marami pong salamat sa inyong oras
07:50na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Hali, sir.
07:53Thank you very much, Connie, for the time.
07:55Salamat.
07:56Yan po naman si former congressman
07:57Robert Ace Barbers
07:59na tagapagsilita ni Speaker Martin Romualdez.
08:01Thank you very much.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended